Professional Documents
Culture Documents
HEOGRAPIYA NG ASYA
Sa yunit na ito, tatalakayin ang mga konsepto sa pag-aaral ng Asya tulad ng pinagmulan nito, mga pananaw sa
pag-aaral ng Asya, mga batayan sa pagkakahati, at pagpapangalan sa mga rehiyon nito. matutunghayan din ang
kabuuang pagtalakay ng heograpiya ng Asya sa pamamagitan ng pag-uugnay ng heograpiyang pisikal (physical
geography) at heograpiyang pantao (human geography).
PAGTUKLAS
PINAGMULAN NG SALITANG ASYA
Sa madaling salita, ang Asya ay mula sa pananaw na Eurosentriko o pagpapalagay ng mga Europeo na
ang Europa ang sentro ng mundo hindi lamang sa aspektong heograpikal kundi maging sa antas ng kalingangan
at kasaysayan.
AP07 Page 1
PINAGMULAN NG MGA TRADISYUNAL NA KATAWAGAN NG MGA REHIYON SA ASYA
Naging bahagi na sa pag-aaral ng Asya ang mga katawagang Near East o Kalapit na Silangan, Far East o
Dulong Silangan, at Middle East o Gitnang Silangan. Ang Near East ay ginamit ng mga Europeo upang tukuyin
ang rehiyon o mga bansa sa Asya na malapit sa bandang Silangan ng Europa tulad ng Turkey. Ang katawagang
Dulong Silangan ay ginamit ng mga Europeo upang ilarawan ang rehiyon o mga bansa sa Asya sa kalayuang
Silangan ng Europa tulad ng Tsina at Japan. At ang konseptong Gitnang Silangan ay tumutukoy sa rehiyon o
mga bansang nasa gitna ng Asya tulad ng mga bansang Arabia.
Samakatwid, tulad ng pinagmulan ng salitang Asya, ang mga katawagan sa mga rehiyong nabanggit ay
nagmula rin sa Eurosentrikong pananaw o batayang Europeo (hindi ng mga Asyano) na ang Europa ang sentro
ng mundo. Ang pananaw na ito ay nagbubunsod kadalasan ng hindi makatwirang paghahambing sa kung anong
kultura ang nakahihigit sa iba.
PAGPAPALALIM
MGA PANANAW SA PAG-AARAL NG ASYA
Sa kabilang dako, ang Asyanosentrikong pananaw ay lumitaw bilang pagbalikwas sa mga naunang
pananaw. Nilalayon nitong mapalitaw ang kagandahan ng katutubong kultura at likas na kasaysayang Asyano at
maitaguyod ang ating pagkakakilanlan sa sariling lupalop. Sa gayong pananaw, mapahahalagahan ang gawain
ng mga Asyano sa paghubog at pagtataguyod ng sariling kasaysayan at kultura. Sa pamamagitan ng
Asyanosentrikong pagsipat, mabibigyang pagpapahalaga ang makabuluhang bagay at ideya na nagmula sa Asya
sa iba’t ibang larangan tulad ng kasaysayan, etnograpiya, relihiyon, pilosopiya, sistemang pampolitika,
matematika, medisina, agham, at teknolohiya.
AP07 Page 2
PAGPAPATIBAY
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG ASYA
Bakit ba natin kailangang pag-aralan ang kasaysayan at kalagayang pang-heograpiko ng Asya? Narito
ang mga lohikal na dahilan:
Ano nga ba ang basehan ng paghahati sa Asya sa limang rehiyon? Ang paghahating panrehiyon sa Asya
ay binalangkas ng tao batay sa pagkakaugnay ng katangiang heograpikal, pisikal, historical, at kultural ng mga
bansa sa kontinente. Sa katangiang heograpikal ng isang lugar o bansa ay masasalamin ang pare-parehong
pamamaraan ng pamumuhay ng mga tao tulad ng pananamit, tirahan, pagkain, transportasyon, gawaing
pangkabuhayan, tradisyon, at paniniwala.
Ang kasaysayang kultural at political na pinagdaanan ng mga bansa ay matibay din na batayan ng pag-
uugnay at pagbibigkis ng mga bansa upang mapabilang sa isang rehiyon na may kaisahan at pinagkasamahan.
Sa kabuuan, ang mga bansa ay karaniwang pinagsasama-sama batay sa pagkakahawig ng kanilang lahi, kultura,
tradisyon, paniniwala, relihiyon, at kasaysayan.
Para mas maunawaan ninyo, ihambing natin ang paghahati sa Asya sa paghahati ng Cordillera. Ang
Cordillera ay nahahati sa 6 na probinsiya: Mt. Province, Benguet, Abra, Ifugao, Apayao,at Kalinga. Kung
mapapansin ninyo, sa pananamit pa lang ay magkakaiba na ang mga ito, maging sa mga tradisyunal na sayaw,
at sa kanilang pananalita. Ganoon ang naging paghahati sa Asya, ang mga may magkakatulad na wika, kultura,
relihiyon, kasaysayan, at iba pang pagkakatulad ay nagkasama-sama sa isang rehiyon.
AP07 Page 3
ANG HILAGANG ASYA
Ang Hilagang Asya ay kilala rin bilang Sentral Asya o
“Gitnang Asya”, Inner Asia o “Panloob na Asya”, at Soviet
Asia o “Asyang Sobyet”.
AP07 Page 4
ANG TIMOG SILANGANG ASYA
Sa kasalukuyan, ang rehiyon ng Timog-Silangang Asya ay nahahati sa dalawang bahagi o sub-regions;
ang Mainland Southeast Asia at ang Insular Southeast
Asia.
Sa araling ito ay bibiyang-tuon nating ang heograpiyang pisikal ng Asya. Ang heograpiya ay nagmula sa
salitang Griyego na ‘geo’ na ang ibig sabihin ay daigdig at ‘graphien’ na nangangahulugang sumulat o
magsulat. Ito ay tumutukoy sa pagsulat at paglalarawan ukol sa mga katangian ng mundo o ng pag-aaral sa
katangiang pisikal at pantao ng daigdig.
PAGTUKLAS
UGNAYAN NG HEOGRAPIYA AT KASAYSAYAN
Namamasdan ng tao ang maraming bagay at pangyayari sa kanyang kapaligiran maging ito ay pisikal o
panlipunan na bahagi ng kasaysayan. Ang mga iginuhit na larawan ng mga hayop sa dingding ng mga yungib,
ang paglunsad ng mga ekspidisyon upang humanap ng kolonya, pagkain, ginto, pagpapakalat ng relihiyon, at
ang mga digmaang naganap na ikinasawi ng maraming tao at ikinasira ng kalikasan sa maraming parte ng
daigdig ay ilan lamang sa mga pangyayaring bumago sa takbo ng kasaysayan ng daigdig.
Ang mga ito ang patunay na ang kapaligiran at kasaysayan ay malaki ang kinalaman sa heograpiya. Ang
kasaysayan, kabihasnan, at pag-unlad ng mga bansa ay nakasalalay sa mga katangiang heograpikal ng mundo.
AP07 Page 5
PAGPAPATIBAY
LOKASYON NG ASYA
Mahalagang maunawaan ang ilang mga konseptong heograpikal sa pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar
o bansa sag lobo o mapa. Gamit ang ilang imahinaryong guhit sag lobo o mapa tulad ng meridian, parallel, at
mga pagitang latitude at longitude, matutukoy ang lokasyon ng isang lugar sa mundo.
Ang meridian ay mga guhit na patayo at ang mga parallel ay mga guhit na pahalang na makikita sa
globo o mapa. Ang longitude ay ang mga espasyo (space) o distansiya sa pagitan ng mga meridian na
sumusukat sa distansiya at pagkakaiba ng oras ng mga lugar o bansa. Ito ang distansiyang angular sa silangan at
kanluran ng Prime Meridian. Ang Prime Meridian ay ang pinakamahalagang meridian dahil ito ang batayan
upang masabi kung ang isang lugar o bansa ay nasa silangan o kanlurang bahagi ng mundo. Ito ay tumatahak sa
Greenwich sa England na itinalaga bilang zero degree longitude. Samantalang ang latitude ay ang mga espasyo
(space) o distansiya sa pagitan ng mga parallel na sumusukat sa distansiya at pagkakaiba ng pangkalahatang
klima ng mga lugar o bansa sa mundo. Ang equator ay itinalaga bilang zero degree latitude na humahati sa
hilaga at timog hemisphere. Maliban sa equator, mayroon pang ibang mahalagang parallel tulad ng Tropic of
Cancer na matatagpuan sa 23 ½ ˚ hilaga ng equator, tropic of Capricorn na nasa 23 ½ ˚ timog ng equator, Arctic
Circle na nasa 66 ½ ˚ hilaga ng equator, at Antarctic Circle na nasa 66 ½ ˚ timog ng equator. Ang paglalarawan
sa isang lugar gamit ang parehong longitude at latitude ay tinatawag na absolute location.
Ang Asya ay matatagpuan sa pagitan ng 10˚ timog hanggang 95˚ hilagang latitude at sa pagitan ng 11˚
hanggang 175˚ silangang latitude. Sa kabuuan, ang sukat ng Asya ay umabot sa 164˚ longitude at 105˚ latitude.
Ang Kontinenteng Asya ay nakalatag mula sa Arctic Circle sa hilaga hanggang makalampas ng equator sa
timog.
SUKAT AT HUGIS
Ang Asya ay may lawak na humigit kumulang 44 milyong kilometrong kuwadrado. Ang lapad nito ay
mula silangan pakanluran ay tinatayang 9 700 kilometro (6000 milya) at may haba na 8 700 kilometro mula
hilaga patimog. Sumasakop ito sa ikatlong bahagi ng kalupaan ng daigdig. Kung ihahambing ang laki nito sa
ibang kontinente, katumbas ng Asya ang pinagsamang sukat ng Hilaga at Timog Amerika at Australia kasama
ang Oceania. Apat na ulit ang laki nito sa Europa, at halos pinagsamang sukat ng Aprika at Antarktika.
Ang hugis ng Asya ay irregular. Kung mapapansin, makikita ang malapad na kalupaan ng Asya sa
bahaging Hilagang-Silangan, makitid naman sa bahaging Kanluran, ang nakausling peninsula ng India, at pulo-
pulo o fragmented namang bahaging Timog-Silangan.
AP07 Page 6
KLIMA AT PANAHON
KLIMA PANAHON
Tumutukoy sa pangkalahatang kondisyon ng Tumutukoy sa pang-araw-araw na kalagayan o
atmospera ng isang pook sa mahabang panahon. pagbabago ng lagay ng atmospera sa isang lugar.
Pangmatagalan Pabag-bago sa maikling panahon
PAGKAKATULAD
Ang klima at panahon ay kapwa binubuo at naapektuhan ng temperatura, presipitasyon, init ng araw, hangin,
ulap, at halumigmig o humidity. Ang pinakamahalagang element ng klima ay ang temperatura at dami ng ulan.
AP07 Page 7
60˚ sa hilaga ng ekwador. Ito ay mararanasan sa - India
dakong gitna at tabing silangang bahagi ng
kontinente. Ito ang klima ng apat na panahon-
taglagas, taglamig, tagsibol, at tag-araw. Ang
klimang ito ay higit na naapektuhan ng mga
hanging umiihip sa kalupaan kaysa mga hanging
umiihip sa karagatan. Ang klimang ito ay may
dalang sapat na ulan para sa pagtatanim ng iba’t
ibang pananim. Mainit ang mga tag-araw at
malamig ang taglamig.
Continental Steppe Nararanasan sa kalagitnaan o kaloob-looban ng Silangang Asya
malalaking kontinente at malayo sa mga hanging - Tsina
nagmumula sa karagatan. Mainit ang tag-araw at - Mongolia
malamig ang mga taglamig sa rehiyong ito.
Kakaunti ang patak ng ulan. Karaniwan nang
nakatatanggap ng 10 hanggang 20 dami ng ulan
sa loob ng isang taon, bagaman karaniwang
umuulan kung tagsibol at tag-araw.
Continental Desert Katabi ng continental steppe ang sonang Silangang Asya
pangklimang continental deset. Tumatanggap ng
kulang sa 10 dami ng patak ng ulan ang rehiyong
ito. Ang mga lupa rito ay hindi maaring sakahin
nang walang irigasyon dahil sa madalang ang
pag-ulan. Pagpapastol ang pinakamahalagang
gawaing agricultural. Dahilan sa kakaunti ang
damuhan, kinakailangang magpalipat-lipat ang
mga kawan ng hayop sa isang malawak na
pastulan.
Tundra Ito ay salitang Ruso na nangangahulugang Hilagang Asya
malaking kapatagan. Napakatindi ng taglamig.
Karaniwang nagyeyelo ang lupa. Ang kalagayang
ito sa kapaligiran ay tinatawag na permafrost.
Malambot at basa ang lupa sa maikling panahon
ng tag-araw. Walang anumang tanim na tumtubo
rito at mangilan-ngilang tao lamang ang
naninirahan ditto. Sa dulong hilaga at timog ng
tundra ay ang rehiyong ice cap. Napakalamig sa
rehiyong ito sa lahat ng panahon.
Taiga Sa timog ng tundra ang taiga, isang salitang Ruso Hilagang Asya
na nag ibig sabihin ay kagubatan. Taglay ng
rehiyon ito ang pinakamalaking kagubatan sa
buong mundo. Mayaman ito sa mineral at mga
hayop na may makapal na balahibo. Maikli ang
mga tag-araw at mahaba ang taglamig. Kakaunti
ang mga taong naninirahan ditto. Ang mga taong
naninirahan ditto ay magtrotroso, mangangaso,
minero, at mangangalakal.
AP07 Page 8
MODYUL 3: MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA
Napag-alaman mo sa naunang aralin na dahil sa lawak ng Asya, nagkakaiba-iba ang mga katangian ng bawat
rehiyon nito. Sa araling ito, matutunghayan na ang pagkakaiba-ibang ito ay nakapagbibigay rin ng iba’t ibang
uri, dami, at kasalatan ng likas na yaman sa bawat rehiyon at bansa ng kontinente. Gayundin, ating bibigyang-
pansin kung paanong naapektuhan ng mga likas na yaman at kapaligirang pisikal ang pamumuhay ng mga
Asyano noon at ngayon.
PAGPAPATIBAY at PAGPAPALALIM
ANG YAMANG LIKAS NG SILANGANG ASYA
Yamang Gubat
Yamang Mineral China: tungsten, antimony, zinc, molybdenum, lead, mercury, at iba pang uri ng mineral.
Taiwan: karbon, petrolyo, at natural gas
South Korea: tungsten
North Korea: graphite, tungsten, magnesite, karbon, ore, at zinc
Mongolia: ginto at wolfram, tanso, phosphate, at langis
AP07 Page 9
pagyeyelo s alupain ay maaring magbigay ng masagana o kawalan ng ani sa mga
magsasaka ng bansa. Ang pagpapastol rin ay mahirap bunsod ng kawalan ng maaring
pagpastulan ng mga alagang hayop ng mga magsasaka.
Yamang Lupa barley, bulak, sugar, beats, sunflowers, flax, iba-ibang prutas at gulay, bigas
Yamang Hayop tupa, kambing, baka, kabayo at yak
Yamang Gubat
Yamang Tubig
Yamang Mineral krudo, iron ore, petrolyo at natural gas
Sa Agrikultura Ang Fergana Triangle at ang Lambak ng Chui River ang itinuring na sentrong pang-
agrikultural ng rehiyon. Ang mabababang lupaing ito ay nakasakop sa tatlong bansa:
Uzbekistan, Kyrgyztan at Tajikistan.
AP07 Page 10
Ang kasaganaang ito ay bunsod ng kanais-nais na klimang angkop sa pagsasaka. Ito ay
natutubigan at pinapasagana rin ng Syr Darya River at Amu Darya River. Ang mga ilog
na ito ay siya ring pinagmumulan ng kuryente sa malawak na lupain ng Hilagang Asya.
Dahil naman sa nagtataglay ng malalawak na steppe o madamong lupain, laganap din ang
paghahayupan sa rehiyon.
Sa Ekonomiya Ang ekonomiya ng rehiyon ay nasusustentuhan ng yamang mineral. Matatagpuan ang
Muruntau Gold Mine sa Disyerto ng Qyzylqum, Uzbekistan na tinatayang pinakamalaking
minahan sa mundo. Ito ang pangwalo sa pinakamalaking prodyuser ng ginto at kemikal sa
buong mundo.
Sa Panahanan at Tradisyonal ang panahanan sa rehiyon. Karaniwan ang mga tirahan ng mga nomad at
Kultura gawing nomad ang kultura ng mga Asyanong nakatira dito. Gawi ng mga nomad ang
palarong kabayo. Karaniwan din dito ang mga produktong handicraft at alahas na may
mga disenyong kabundukan. Yurts ang tawag sa kanilang tirahan na kasintulad ng
disenyo ng gers sa mga nomad na naninirahan naman sa Mongolia. Ito ay madali nilang
itinitiklop sa sandaling kinakailangan nilang lumipat ng lugar upang makapanginain ng
kanilang alagang hayop. Samantala, ang mga nasa pook urban naman ay nananahanan sa
mga pabahay na gawa sa modernong arkitektura.
Yamang Tubig Masagana ang pangisdaan ng bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, at
Maldives. Ang mahabang baybaying dagat ng India ay nagkakaloob ditto ng mga yamang
tubig. Ang mga ilog naman ng Sri Lanka ang pinagmumulan ng mga irigasyon sa sakahan
at hydroelectric power.
Yamang Mineral India: karbon, iron ore, manganese, mica, auxite, titanium ore, chromite, natural gas,
diyamante, petrolyo, at limestone
Bangladesh: natural gas at karbon
Pakistan: natural gas, petrolyo, iron ore, tanso, at limestone
Nepal: calcium carbonate, hydropower, at gypsum
Sri Lanka: sapphire at ruby
Sa Agrikultura 1. Agrikultural ang mga bansa sa Timog Asya. Sa India matatagpuan ang masaganang
Ganges River at Gangetic Plain kung kaya ditto matatagpuan ang malaking bilang ng
populasyon.
2. Ang Bangladesh ang pangunahin prodyuser ng jute dahil ito’y tumtubo lamang sa
mauulan na lupaing tulad ng Bangladesh.
Sa Ekonomiya 1. Palibhasa’y mabundok, mayaman din sa mineral ang mga bansa sa rehiyon. Ang India
ay pang-apat sa mga bansang nagtataglay ng pinakamaraming reserbang karbon sa
buong daigdig.
2. Nakakatulong sa ekonomiya ng India, Pakistan, at Bangladesh ang bydroelectic
AP07 Page 11
power na nagbibigay patubig sa mga sakahan sa panahon ng tagtuyot.
3. Sa pagbaba ng sinasakang produkto sa Sri Lanka, kanilang pinaunlad ang
pagproproseso ng mga pagkain, kemikal, semento, papel, mga produktong gawa sa
goma, at pagdadalisay ng petrolyo.
Sa Panahanan at 1. Ang mga panahanan sa Sri Lanka ay gawa sa sementong kinulayan ng puti na pipigil
Kultura sa pagpasok ng sobrang init sa mga panirahan. Karaniwan naman sa mga
pangkaraniwang mamamayan sa Maldives ang tahanang gawa sa dahon ng palmera,
samantalang ang maykaya ay gawa ang bahay sa dinurog na korales at nabububungan
ng mga ladrilyo. Dahil kapwa naliligaran ng tubig, bigas at isda ang pangunahing
pagkain sa mga bansang ito.
2. Sa mga mabubundok na bansang Nepal, Bhutan, Pakistan, at India naman, ang
kanilang panahanan ay napapalibutan ng mga gulayan. Bigas ang kanilang
pangunahing pagkain ngunit kung minsan ay napapalitan ng mais at millet sa panahon
ng kakulangan sa bigas.
3. Sa Bangladesh naman ay gawa sa luwad, kawayan, o pulang ladrilyo ang kanilang
panahanan. Ang mga bahay na ito ay kinakailangan nakataas mula sa lupa bilang pag-
iwas sa baha.
Yamang Tubig Matatagpuan sa iba’t ibang anyong tubig ang iba’t ibang uri ng isda, kabibi, halamang
dagat, koral, at perlas.
Yamang Mineral langis at natural gas
semento, aluminum, kemikal
Sa Agrikultura 1. Dahil sa taglay nitong malalawak na sakahan, ang karamihan sa mga Asyano sa
rehiyon ay naninirahan sa mga kapatagang sakahan na napasasagana pa ng mga
makabagong sistemang irigasyon.
Sa Ekonomiya 1. Ang TSA ay bahagi nan g sistemang kalakalang pandaigdig dahil sa napakarami ng
uri ng produktong nagmumula sa rehiyon.
2. Ang estratehikong lokasyon ng Indonesia ay nakatulong sa pagpapaunlad nito ng
ekonomiya ng bansa.
3. Ang rehiyon ay karaniwan nang pasyalan at dinarayo ng mga turista dahil sa
naggagandahan nitong tanawin at baybaying dagat. Sanhi nito, ang turismo ay
kinikilalang isa sa pangunahing ekonomiyang nililinang sa rehiyon.
Sa Panahanan at 1. Ang mga panahanang stilt na nakatayo sa tabing dagat na nasusuportahan ng mga
Kultura poste ang karaniwang tahanan ng mga mangingisda sa rehiyon. Samantala, ang nipa
hut o bahay kubo na nabububungan ng mga pawid ang karaniwang panahanang
matatagpuan sa paligid ng mga sakahan.
2. Sa pagbabago ng kabuhayan, ang mga panahanan sa rehiyon na dating gawa sa kahoy
at pawid ay karaniwang gawa na sa mga ladrilyo at semento. Gayundin ay nalinang na
rin ang mga nagtatasang gusali tulad ng condominium at mga subdivision.
AP07 Page 13
MODYUL 4: Kalagayang Ekolohikal (Ecosystem) ng Asya
Ang Ecosystem ay tumutukoy sa nagaganap na ugnayan sa pagitan ng mga may buhay at walang buhay na mga
organism. Ito ay may kinalaman sa ugnayan ng mga katangiang pisikal, kemikal, biyolohikal, mga enerhiyang
tulad ng hangin, tubig, lupa at mga organism. Kung gayon, saklaw nito ang kabuuang kapaligirang ating
ginagalawan. Kailangan nating maunawaan na saan man tayo naninirahan, tayo ay umaasa sa natural na Sistema
o pamamaraan ng ating kapaligiran.
PAGTUKLAS
ANG YAMANG LIKAS NG SILANGANG ASYA
Dahil dito, kailangang pagtuunan ng pansin ng TAO ang siyentipikong pamamaraan kung paano
mapanatili ang kasaganaan ng likas na yaman. Kailangang pag-isipan ng taong gumawa ng pamamaraang
makatutulong upang hindi masagad ang mga likas na yaman at patuloy itong mapagsagana. Ang kalagayan ng
ating ecosystem ay inilalarawan ng Living Planet Index Report, batay sa panukat o palatandaang inilalahad ng
Living Planet Index at Ecological Footprint. Ang mga panukat na ito ang naglalahad ng deka-dekadang bakas
ng kalagayan ng ating ecosystem. Gayundin, inilalarawan ng mga ito kung minamabuti nating mamuhay sa
isang malusog na ecosystem o patuloy na inaabuso ito na maaaring mauwi sa tuluyang pagkasira nito.
AP07 Page 14
PAGPAPATIBAY
MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN SA ASYA
Sa pagdaan ng panahon, ang Asya ay nagtamo ng hindi pangkaraniwang pagsulong, ngunit ang mabilis
na pagsulong na ito ay nagbunga rin ng mga suliranin. Dahil sa mabilis na pagdami ng tao at yamang
biyolohikal na matatagpuan sa Asya, ang kasalukuyang kalagayang ekolohikal ng kontinente ay hindi
maikakailang nakaaapekto sa kakayahan ng daigdig na mabigyan ng masaganang kinabukasan ang
sangkatauhan.
Mahigit na kalahati ng populasyon ng daigdig ay naninirahan sa Asya. Sa kasalukuyan, nasa Asya ang
60.02 bahagdan ng mahigit 7 bilyong populasyon sa daigdig (est. as of March 2020). Sa Asya rin matatagpuan
ang mga bansang may pinakamabilis na pagdami ng populasyon at mataas na bahagdan ng kakapalan ng tao.
Ang bawat karagdagang galaw ng tao sa ibabaw ng daigdig ay may katumbas na paggalaw sa kaloob-
looban nito. Mahalagang mapagtugma natin ang dalawang galaw na ito upang mapanatili ang ecological
balance. Kung susuriin natin ang pisikal na kapaligiran, mapapansing may kabagalan ang pagbabagong naganap
dito kumpara sa mabilis na pagkonsumo ng tao sa mga ito. Kung aagapay lamang ang pagdami ng tao sa takbo
ng galaw na ito, makakaasa tayo ng balanseng bigayan sa pagitan ng sangkatauhan at ekolohiya. Ngunit kung
ang pagbabago ng paggalaw ng tao ay nakahihigit sa pagbabagong kayang gampanan ng kapaligirang pisikal,
tiyak na kapahamakan ang kahihinatnan ng sangkatauhan, lalo na ang mga susunod pang henerasyon.
Urbanisasyon
Ang urbanisasyon ng populasyon ng populasyon ay isang natural na dahilan ng paglaganap ng
kasalukuyang populasyon sa mga lungsod ng karaniwang sentro ng edukasyon, pamahalaan at ekonomiya. Sa
Asya nararanasan ang pinakamataas na antas ng urbanisasyon sa buong daigdig.
Ang nagaganap na mabilis na urbanisasyong ito sa rehiyon ay mula taong 1990 hanggang sa
kasalukuyan ang dahilan ng paglago ng mga slum o karaniwang tirahan ng mga mahihirap na lungsod. Kaugnay
ng urbanisasyon ay ang suliranin sa kakapalan ng populasyon, na karaniwang nararanasan sa mauunlad na
bansa.
Ang pagdagsa ng tao sa mga lungsod ay nauuwi sa pagsibol ng mga megacity. Ang megacity ay mga
pook na urban na paninirahan ng mahigit pa sa 10 milyong mamamayan. Ang mga megacity ay karaniwang
sentro ng interaksiyong panlipunan, pampulitika, pang-ekonomiya at prosesong ekolohikal. Dahil sa
nakararanas ng pag-unlad, ang mga megacity ay nakalilikha ng higit na oportunidad para sa mga mamamayan
na ang puno’t dulo ay ang labis na person sa kalikasan. Sa kasalukuyan, ang Asya ay may 10 megacities, pito sa
mga ito ay nangunguna sa buong daigdig.
Kung bibigyan lamang ng tuon ang epektong dulot ng urbanisasyon sa kapaligiran, mapapansing ang
mga lungsod na ito ay lumilikha ng sariling kapaligirang kung tawagin ay Urban Heat Islands. Nakapagdudulot
ng kakaibang init ang mga aspalto, kongkreto, mga bagay na gawa sa ladrilyo at bato, bakal na mga daan at
gusali. Ang kakaibang init na ito pati ang carbon dioxide, carbon monoxide, lead at iba pangkemikal na
AP07 Page 15
ibinubuga ng mga gawain ng tao ay may dalang dumi sa hangin at nagpapababa ng kalidad nito na siyang
kalimitang sanhi ng pagkakasakit at kamatayan sa mga mamamayan.
PAGPAPALALIM
TUGON SA MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN
Sustainable Development
Ang paglaki ng populasyon ay itinuturing na tagumpay ng paglago ng mga nilalang na inaasahang
mangangalaga sa mga likas na yaman ng mundo. Subalit sa kabila ng pagtatagumpay na ito, inaasahang
makakaya rin ng taong pigilan ang napakabilis na paglaki ng kanyang bilang.
Bukod dito, inaasahang makakaya rin niyang linangin ang kanyang likas na yaman upang sapat na matustusan
ang mga pangangailangan ng mga sumusunod pang henerasyon.
Matindi ang hamong kinakaharap ng mga Asyano sa gitna ng kalagayang pangkapaligiran sa
kasalukuyan. Higit kailanman, kailangan na ang pagpapatupad ng mga paraang makapagpapanatili ng maayos
at masaganang kapaligiran. Ang sustainable development ay tumutukoy sa matinding pananagutan sa maingat
na paggamit ng kapaligiran upang matugunan ang pangangailangan ng mga susunod pang henerasyon.
PAGTUKLAS
TUGON SA MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN
Ang Asya ang pinakamalaki at pinakamataong lupain sa daigdig. Sa sakop nitong 87 porsiyentong
lupain sa daigdig, naninirahan dito ang humigit-kumulang sa 4.3 bilyong katao na bumubuo sa may 60
porsiyento ng kabuuang populasyon ng daigdig.
Sa takbo ng paglaki ng populasyon sa kontinente, ang Asya ay inaasahang magkakaroon ng suliranin sa
panustos ng pagkain at sa pandaigdigang kalagayan ng kapaligiran. Higit kailanman, kailangan ang masusing
pagtuon ng pansin kung paano haharapin ang mabilis na paglaki ng populasyon.
Pag-unlad ng Teknolohiya
Maliban sa mga pagbabagong nagawa ng medisina, pinaunlad din ng teknolohiya ang produksiyon na
nakabubuhay at nakapagbibigay ng suporta ng pagkain sa higit na maraming bilang ng populasyon
Talahanayan 1
Populasyon at population growth rate ng mga bansa sa Asya (2016 esti.)
Bansa Populasyon Growth Bansa populasyon Growth Bansa Populasyon Growth
rate rate rate
Afghanistan 33,369, 945 2.59 Israel 8,192,463 1.59 Philippines 102,250,133 1.54
Armenia 3,026,048 .28 Japan 126,323,715 -0.2 Qatar 2,291,368 2.51
Azerbaijan 9,868,447 1.17 Jordan 7,747,800 2.02 Saudi Arabia 32,157,974 1.96
Bahrain 1,396,829 1.42 Kazakstan 17,855,384 1.31 Singapore 5,696,506 1.66
Bangladesh 162,910,864 1.19 N. Korea 25,281,327 .05 Sri Lanka 20,810,816 .46
Bhutan 784,103 1.2 S.Korea 50,503,933 .42 Syria 18,563,595 .33
Brunei 428,874 1.34 Kuwait 4,007,146 2.96 Taiwan 23,395,600 0.06
Myanmar 54,363,426 .87 Kyrgyztan 5,604,212 1.04 Tajikistan 8,669,464 1.21
Cambodia 15,827,241 1.6 Laos 6,918,367 1.71 Thailand 68,146,609 0.28
China 1,382323,332 .46 Lebanon 5,988,152 2.35 Timor Leste 1,211,245 2.24
Cyprus 1,176,598 .97 Malaysia 30,751,602 1.39 Zturkey 80,043,146 1.18
Georgia 3,979,781 -.5 maldives 369,812 1.69 Turkmenistan 5,438,670 1.21
India 1,326,801,57 1.2 Mongolia 3,006,444 1.6 UAE 9,266,971 1.2
AP07 Page 17
6
Indonesia 260,581,100 1.17 Nepal 28,850,717 1.18 Uzbekistan 30,300,446 1.36
Iran 80,043,146 1.18 Oman 4,654,471 3.65 Vietnam 94,444,200 1.07
Iraq 37,547,686 3.09 Pakistan 192,826,502 2.07 Yemen 27,477,600 2.41
Talahanayan 2
Talahanayan ng Birth Rate at Death Rate ng mga Bansa sa Asya
(July 2016 est.)
Bansa Birth Death Bansa Birth Death
Rate/1000 pop. Rate/1000 pop. Rate/1000 pop. Rate/1000 pop.
Afghanistan 37.83 19.18 Laos 26.13 10.78
Armenia 12.85 8.39 Lebanon 15.02 6.03
Azerbaijan 17.85 8.3 Malaysia 21.08 5.02
Bahrain 14.64 4.37 maldives 14.83 6.65
Bangladesh 22.98 9.23 Mongolia 20.93 6.12
Bhutan 19.13 7.39 Nepal 22.17 6.97
Brunei 17.87 3.29 Oman 24.15 3.65
Myanmar 19.31 9.14 Pakistan 24.81 7.68
Cambodia 25.40 8.08 Philippines 25.34 5.1
China 12.29 7.06 Qatar 15.48 2.46
Cyprus 11.41 7.8 Saudi Arabia 19.34 2.47
Georgia 10.73 9.65 Singapore 8.50 4.66
India 20.97 6.23 Sri Lanka 17.42 6.13
Indonesia 18.10 6.25 Syria 23.99 4.61
Iran 18.55 5.72 Taiwan 8.90 6.76
Iraq 28.81 5.03 Tajikistan 26.29 6.83
Israel 19.24 5.43 Thailand 12.95 7.25
Japan 7.31 9.54 Timor Leste 25.70 5.98
Jordan 26.79 2.75 Zturkey 17.93 6.1
Kazakstan 16.65 9.39 Turkmenistan 19.54 6.31
N. Korea 14.51 10.52 UAE 17.43 5.29
S.Korea 8.55 5.94 Uzbekistan 15.87 2.11
Kuwait 21.32 2.35 Vietnam 17.07 6.17
Kyrgyztan 23.66 6.91 Yemen 33,49 7.61
PAGPAPATIBAY
ANG KOMPOSISYON NG POPULASYON
Ang Komposisyon ng populasyon ay tumutukoy sa takdang bilang o bahagdan ng mga tao sa loob ng
isang bansa batay sa gulang, kasarian, literasiya at iba pang element ng populasyon.Ang komposisyon ng
populasyon ay may mahalagang implikasyon sap ag-unlad ng ekonomiya at antas ng kabuhayan ng isang bansa.
Ito ang nagsisilbing batayan ng mga programang kinakailangang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan.
AP07 Page 18
Ang komposisyon ng gulang ng populasyon ng isang bansa ay nagpapakita ng takbo at pagbabago ng
fertility rate, migration rate at mortality rate ng mga nagdaang taon.
Fertlity rate ang tawag sa ratio o katumbas na buhay ng ipinanganganak sa isang bansa sa bawat 1,000
kababaihang may kapasidad na manganak. Samantala, ang mortality rate naman ay tumutukoy sa bilang ng
namamatay na batang ipinapanganak kada 1000 bilang ng populasyon sa loob ng isang taon. Ang fertility rate
ang pinakamahalaga at pinakatiyak na sukat ng gulang ng populasyon. Ang mataas na bilang ng fertility rate sa
nakalipas na panahon ay nagbubunga ng higit na malapad na sukat ng pundasyon ng piramide ng populasyon
(population pyramid) dulot ng mataas na bilang ng kabataang ipinapanganak.
Ang patakarang “One Child Policy” at “late, few child bearing” ng China ay nagdulot ng higit na mababang
bahagdan ng fertility rate. Ang 2.1 na fertility rate nito noong 1979 ay unti-unting bumaba patungong 1.54
noong 2010. Sa kabilang banda, ang populasyon nitong mahigit na 1.3 bilyong katao ay nabawasan ng 200
milyon sa loob ng dalawampung taon.
Sagutan ang Gawain 12.
PAGPAPALALIM
INAASAHANG HABA NG BUHAY
Kapansin-pansin ang pagtaas ng porsiyentong itinatagal ng buhay sa kontinente ng Asya mula sa pagpasok
ng ika-20 siglo. Ang mabilis na kaganapang ito ay higit na mapapansin sa Silangang ASya. Karaniwan na ang
edad 74(average) sa kasalukuyan na nagsimula lamang sa edad 45 noong taong 1950. Ang kalagayang ito ay
pinangungunahan ng Japan kung saan lumalagpas na sa edad 83 ang itinatagal ng haba ng buhay at 81 naman sa
iba pang bansa.
Ang pagbabagong ito ay sanhi ng malawak na pagbabagong naganap sa medisina at teknolohiya na naging
daan sa pagpapalaganap ng mataas na antas pangkalusugan sa buong daigdig. Ang pagtatagumpay ng medisina
laban sa mga nakamamatay na sakit at mga proyektong pangkalusugan, pagpapalaganap ng edukasyon tungkol
sa kainaman ng masustansyang pagkain ay naging daan upang mabawasan ang bilang ng namamatay sa batang
edad.
Gayunpaman, maaari namang makabahala sa isang bansa ang paghaba ng buhay kasabay ng fertility rate.
Ang fertility rate ay maaaring magdulot ng higit na mababang bilang ng lakas-manggagawa sa pagdating ng
panahon kasabay ng paglaki ng dependency ratio na nakasasakop sa mga pangkat ng taong nasa edad 65 pataas.
Ang paghaba ng porsiyento ng haba ng buhay at pagbaba ng fertility rate ay may malaking ugnayan sa
bahagdan ng lakas-manggagawa ng bawat bansa. Matapos mapag-isipan ang pagpapahaba ng buhay ng tao,
nakababahala ang maaaring maging bunga nitong kakulangan ng lakas-manggagawa. Ikinabababhala rin ng
mga bansa sa rehiyon ang nakaambang pangangailangang itaas ang buwis na kailangang pasanin ng mga
kabilang sa lakas-manggagawa upang masuportahan ang pagbibigay benepisyo sa bilang populasyong nasa
edad 60 pataas.
AP07 Page 20
Mahalaga rin para sa isang bansa na bigyang pansin ang bilang ng mga walang hanapbuhay. Ang mga
mamamayang walang hanapbuhay ay karaniwang nakararanas ng kawalan, hindi lamang ng regular na kita,
kundi pati na mga benepisyo ng isang naghahanapbuhay tulad ng pagkakaroon ng pagkakataong mamuhay nang
maginhawa, respeto sa kapwa at pagkakaroon ng maayos na pamumuhay.
Ayon sa ilang pag-aaral, ang higit na maraming bilang walang hanapbuhay ay nauuwi sa pagtuon ng pansin
sa gawaing hindi nakabubuti sa lipunan tulad ng paggamit ng bawal na gamut, labiis nap ag-inom ng alak at
pagsasagawa ng iba’t-ibang uri ng krimen na karaniwang makikita sa mga edad 16-24.
Ang kakulangan ng hanapbuhay ay malaking suliranin sa isang bansa. Ang suliraning ito ay maaaring
magdulot ng labis na kahirapan nap ag-uugatan ng higit pang suliraning may kinalaman sa kalusugan, pabahay,
edukasyon at krimen.
Upang matugunan ang suliraning ito, mahalaga para sa pamahalaan na makapagbigay ng maayos na
suportang pangkabuhayan o programang pang-ekonomiya na makapagbibigay ng makabuluhang hanapbuhay
para sa lakas-manggagawa.
Ang paglaki ng bahagdan ng migrasyon ng tao sa pagitan ng mga industriyalisadong bansa at umuunlad pa
lamang na mga bansa ay bunsod ng kakulangan ng hanapbuhay sa pinagmulang bansa ng mga manggagawa o
professionals. Ito ay bunsod narin ng kakulangan ng kinikita ng bawat tao sa kani-kanilang bansa. Bukod pa rito
ay nangangalap din ang mga industriyalisadong bansa ng bilang ng lakas-manggagawa na siyang kasalukuyang
kakulangan sa kanilang bansa na may tumatandang populasyon. Kinakailangan din ng mga bansang
industriyalisadong bansa ang mga propesyonal partikular sa kalusugan tulad ng mga nurse at hospital attendant
na siyang tutugon sa mga programa at serbisyong inilalaan ng mga bansang ito para sa kanilang tumatandang
populasyon.
Ang pangyayaring ito ng migrasyon ay nagsisiling mekanismong nakatutulong upang mabawasan ang
malaking agwat ng kalagayan sa pagitan ng mahihirap at mayayaman. Malaking tulong para sa mga
bansang pinagmumulan ng mga migrante tulad ng Pilipinas. Ang mga remittances na ipinapadala ng mga ito
mula sa ibang bansa. Ayon sa World Bank, sa kabila ng paglala ng brain drain sa mga bansang pinagmumulan
ng mga overseas worker, ito naman ay may naibabalik at naitutulong sa bansa sa pamamagitan ng pagpasok ng
dolyar ng mga migrante sa bansang kanilang pinagmumulan (mas matututunan pagtuntung sa ekonomiks 9).
AP07 Page 21
Mga Sanggunian
Lopez, Jodi Mylene M. and Hermes P. Vargas. KRONIKA 7: Araling Asyano. Makati City: Don Bosco Press, Inc., 2018.
Samson, Maria Carmelita B., et al. KAYAMANAN: Araling Asyano. Quezon City: Rex Book Store, 2017.
AP07 Page 22