KABIHASANAN SA MESOPOTAMIA • Sumerian (5300-2334 BC) • Unang kabihasnang nabuo sa Mesopotamia. • Unang nagtatag ng mga lungsod-estado na pinamumunuan ng mga lugal o hari. • Ilan sa malalaking lungsod na umusbong sa Sumer ay ang Uruk, Ur, Kish, Lagash, Umma at Nippur. Mga naging ambag ng Sumerian • Sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform, kung saan ang mga salita ay kinatawan ng mga simbolo o hugis, kadalasan ay tatsulok. Ang karaniwang gamit na panulat ay stylus o eskriba na gawa sa reed, isang uri ng halaman, at ang sulatan naman ay tabla na gawa sa putik. • Mas mainam na sistema ng irigasyon at pagsasaka; gumamit ng sinaunang uri ng araro ang Sumerian. • Paggamit ng potter’s wheel sa pagawa ng tapayan. • Paggamit ng gulong bilang instrumento ng transportasyon ng mga tao at kagamitan. • Code of Ur-Nammu – unang saligang batas • Sexagesimal system – sa larangan ng matimatika. • Pagtatag ng mga paaralan upang ipakalat ang paraan ng pagsulat at makapagtago ng mga talaan na pinamahalaan ng simbahan o templo. • Pagtatayo ng mga templo bilang lugar- sambahan o ziggurat na nakalaan lamang sa mga pari. Ang Sumerian ay naniniwala sa maraming Diyos (politeismo) na tumutulong sa iba’t ibang aspekto ng kanilang buhay • Unang sistema ng pagsukat ng timbang at distansya • Lunar kalendaryo na may 12 buwan. Akkadian (2334-2193 BC) • Nagsimula bilang maliit na lungsod- estado na malapit sa mga Sumerian. • Dahil sa kanilang galing sa pakikidigma, nagapi nila ang mga Sumerian. • Itinuturing na unang kabihasnang nakapagtatag ng isang imperyo at ito ay naisakatuparan sa pamumuno ni Sargon I. Mga napagtagumpayang gawin • Nagpasimula ng isang uri ng pamamaraan ng paghahatid ng sulat at mensahe • Paggamit ng selyo na gawa sa putik para sa mga sulat • Pagpapangalan ng mga taon batay sa pangalan ng haring namumuno. Babylonian (1792-1595 BC) • Nabuo ang kabihasnan ng mga Babylonian mula sa mga labi na naiwan ng Imperyong Akkadian. • Itinatag ni Sumuabum ang maliit na bayan ng Babylon hanggang sa ito ay lumaki at naging isang imperyo sa pamumuno ni Hammurabi. Mga naging ambag ng Babylonian • Code of Hammurabi – isang batas na may malupit na kaparusahan para sa mga krimen na nagawa ng mga Babylonian. Isa rin itong gabay para magkaroon ng isang organisadong lipunan. • pag-aaral sa larangan ng astronomiya at matematika. • Epiko ni Gilgamesh – ang pinakamatandang akdang pampanitikan na natuklasan sa kasaysayan ng daigdig. • Paggamit ng mga sundial at water-clock. Hittite (1180-800 BC) • Naging tanyag sa pagmina ng mineral at paggamit ng bakal bilang materyales sa paggawa ng mga armas at mga gamit sa pangangaso. • Naimbag din nila sa kabihasnan ng daigdig ang pagkakaroon ng talaan ng mga titulo ng lupa ng mga mamamayan nito. Assyrian (2500-608) • Kilalang imperyo na gumapi sa mga Hittite at Babylonian. • Ang kanilang pinuno na si Ashurbanipal ay naging tanyag dahil sa kaniyang pagtatatag ng kauna-unahang sistematikong aklatan sa lungsod ng Ninevah. Chaldean-Neo-Babylonian (626-539 BC)
• Humalili sa mga Assyrian matapos nilang magrebelde sa pamumuno ni
Nabopolassar. • Naipatayo ang tanyag na Hanging Gardens of Babylon, isa sa mga itinuturing na Seven Wonders of the Ancient World sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar. Phoenician (1550-300 BC) • Kilala bilang magagaling sa manlalayag mula sa rehiyong Levant (Lebanon) • Kabihasnan na lumikha ng alpabeto na ponetika (phonetic), kung saan ang mga tunog ng mga salita o titik ay may kaagapay na simbolo. • Gumamit ng ibang sistema ng pagsulat o pictograph. Lydian (2000-546 BC) • Ay nagmula sa rehiyon ng Anatolia (Turkey) na bahagi rin ng Fertile Crescent. • Tanyag sa paggamit ng mga barya bilang uri ng salapi – kabayaran sa pakikipagkalakalan. Persian (550-330 BC) • Kasalukuyang matatagpuan sa Iran. • Ang Imperyong Persian o Imperyong Achaemenid ay nagmula sa pangalan ni Achaemenes, isa sa mga naunang pinuno ng lungsod-estado. • Cyrus the Great – naging isang malaking imperyo na gumapi sa mga Imperyong Assyrian at Chaldean at ilan pang bahagi ng Fertile Crescent. • Darius I – humalili kay Cyrus the Great. Lumawak pa lalo ang impeyo hanggang sa ilang bahagi ng Europa at India. Mga naiambag ng Kabihasnang Persian
• Satrapy – pamamalakad pinamumunuan ng isang satrap
• Zoroatrianism – relihiyong nagmula sa mga Persian. Ito ay batay sa mga pangaral at turo ni Zoroaster o Zarathustra. Relihiyong naniniwala sa isang Diyos o monotheism • Ahura Mazda – kinikilalang Diyos ng relihiyong ito. KABIHASNAN SA EHIPTO MGA NATATANGING AMBAG NG KABIHASNAN SA EHIPTO Kalendaryo na may 365 na araw sa isang taon na hinati sa labin-dalawang buwan. Sistemang pagsusulat na Hieroglyphics noong 3000 B.C. Salitang hiero na nangangahulugang sagrado o banal sa Griyego, Mga Piramide na nagsisilbing libingan ng mga paraon. pagkakaimbento ng papel mula sa mga dahon. mummification o pag-eembalsamo ng patay. pag-imbento ng araro. Pagtatayo ng malaking imbakanng tubig sa Faiyum na nagtutos-tos ng tibig tuwing tagtuyot na ginagamit pa mapanghanggang-ngayon ang sistemang irigasyon. Amarna Art sa panahon ni Ikhnaton na nagpapahalaga sa mga bagay na makatotohanan. Lipunan at Kultura ng Sinaunang Ehipto: pagsamba sa iisang diyos at diysa; Amn re,diyosa ng araw; Osiris diyos ng nile; Isis asaw nito at marami pa. May apat a uri ng tao sa lipunan; ang mga maharlika; pari at pantas; mga sundalo; mga karaniwang mamamayan at alipin. KABIHASNAN SA INDUS MGA AMBAG NG KABIHASANAN NG INDUS Mahabharata – pinakamahabang epiko tungkol sa pakikidigma ng mga indus. Ramayana – klasikong epiko na nagpapakita ng pagkakabuklod-buklod ng mga pamilyang Indus. Ayurveda – Agham ng buhay na tumutukoy sa paggamit ng mga dahonn bilang panlunas sa mga sakit. Sanskrit – Salitang klasik ng mga Indus na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin sa India. Apat na pangunahing relihiyon sa India ang Sikhisim, Hinduism, Buddhism at Jainism. KABIHASNAN SA TSINA MGA AMBAG NG KABIHASANAN NG TSINA Pagkaimbento ng kalendaryong lunar na sampong araw ang pinakamalaki-anim na tigsasampung araw ang bumubuo ng 360 araw sa loob ng isang taon. Ito ay karaniwang ginagamit sa mga relihiyosong layunin. Crossbow Great Wall of China- may habang 2,414 kilometro , taas na 7 metro at lapad na 6 metro. May tore ito sa bawat 9 metro. Bumabaybay ito mula silangan ng Hopei hanggang kanluran ng Kansu. Tinatayang isang milyong katao ang ngsilbi upang mabuo ito. Pagkaimbento ng papel noong 105 A.D. Pagkalathala ng lexicon o diksyunaryo dulot na rin ng pagkaimbento ng papel. Naimbento rin ang porselana at water-powered mill. Pagkaimbento wheelbarrow at movable printing o woodblock printing. Unang imprenta na yari sa bloke ng kahoy. Nauna itong naimbento kaysa sa imprenta sa Europa. Ito ay nagpabilis sa paggawa ng kopya sa anumang sulatin. Pagkakaimbento ng gunpowder Footbinding Paglitaw ng Neo-Confucianism na binuo ni Zhuxi. Tumutukoy ito sa tradisyunal na pamana ng mga dalubhasa.