You are on page 1of 2

1.

Walang Sugat Dulang akda ni Severino Reyes


2. Ibinatay sa Pahanon ng Rebolusyon ng 1896, ang dulang Walang Sugat ay unang
naipalabas sa Teatro Libertad noong 1902. Tungkol ito sa kawalan ng hustisyang
tinamasa ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Ang mga temang gamit
nito ay pagmamahalan sa gitna ng digmaan, sakripisyo, pagkawalay, at
kontradiksyon ng indibidwal sa pamilya. Isinulat ito ni Severino Reyes upang ipakita
sa lahat ang kanyang pahayag laban sa imperyalismo. Ang orihinal na musikang
kasama nito ay nagmula kay Fulgencio Tolentino.
3. Buod ng Unang Eksena (ACT I Scene I) Dumating si Tenyong sa bahay ng
kasintahan niyang si Julia. Inabutan niyang nagbuburda si Julia ng isang panyo.
Ayaw ni Julia ipakita kay Tenyong ang kanyang gawa. Nakita ni Tenyong na ang
panyo ay may mga letra ng kanyang pangalan (Antonio Narcisso Flores) ngunit sabi
ni Julia ay para raw ito sa Prayle (Among Na Frayle). Nagalit tuloy si Tenyong at
gustong sunugin ang panyo. Sinabi ni Julia na para nga kay Tenyong ang panyo at
silay nagsumpaan na ikakasal sa altar. Biglang dumating si Lucas/Lukas, isang
alalay ni Tenyong, na nagsabing inaresto ang ama ni Tenyong at ilan pang
kalalakihan ng mga Guardia Civil sa pag-aakalang sila ay mga rebelde.
4. Buod ng Unang Eksena (ACT I Scene II) Ang mga pamilya at kaibigan ng mga
inaresto ay naghandang bumisita at magbigay ng pagkain sa kulungan. Sumakay
sila sa tren papunta ng kapitolyo. Inutusan ng mga Kastilang frayle si Kapitan Luis
Marcelo na paluin at saktan pa ang mga nakakulong kahit na mayroon ng namatay
at nag aagaw-buhay na si Kapitan Inggo, ang tatay ni Tenyong.
5. Buod ng Unang Eksena (ACT I Scene III ) Sinabi ng punong-frayle na
papakawalan na si Kapitan Inggo sa kanyang asawa. Sinabi rin niyang pupunta siya
sa Maynila upang sabihin sa Gobernador-Heneral na pakawalan na ang iba pang
mga inaresto. Ngunit iba ang plano sabihin ng prayle pagdating duon. Ipapapatay
niya ang mga mayayaman at edukadong Pilipino. Nakapiling ni Kapitan Inggo ang
kanyang pamilya at mga kaibigan bago siya mamatay. Pagkamatay nito, sinumpa ni
Tenyong na maghiganti!
6. Buod ng Unang Eksena (ACT I Scene IV) Pinili ni Tenyong na sumali sa mga
rebelde kahit anong-pilit ni Julia na tigilan ito. Sa huli, pumayag si Julia at ibinigay
kay Tenyong ang kanyang medalyon/agimat. Nagsumpaan muli sila na mamahalin
ang isat-isa habang-buhay.
7. Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II Scene I ) Sinabi ng ina ni Julia na ikakasal ito
kay Miguel, isang mayamang illustrado. Inayawan ito ni Julia. Hindi alam ng kanyang
ina na hinihintay niya ang pagbabalik ni Tenyong. Sa kabilang banda, nagsimulang
magkarelasyon ang mga alalay nina Julia at Tenyong na sina Monica at Lucas/Lukas.
8. Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II Scene II/III ) Sumunod na linggo, dumating
sina Miguel, ang kanyang ama, at isang pari sa bahay nina Julia upang ayusin ang
pag-iisang-dibdib nina Miguel at Julia. Kabado si Miguel at hindi masabi ng tama ang
kanyang panliligaw kay Julia. Naiba ang usapin ng kasalan nang naging

pagrereklamo ito ng pari sa lumalaking problema tungkol sa mga Pilipinong hindi na


nagsisimba.
9. Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II Scene III ) Sa kuta ng mga katipunero,
biglang dumating si Lucas/Lukas na may bitbit na sulat para kay Tenyong na galing
kay Julia. Nalaman ni Tenyong na namatay na ang kanyang ina at ikakasal na si Julia
kay Miguel. Balisa at malungkot sa nabasa, humingi siya ng tulong sa kaniyang
heneral. Umatake ang mga Kastila at nagsimula ang labanan.
10. Buod ng Ikatlong Eksena (ACT III - Scene I) Bumalik si Lukas kay Julia na walang
nakuhang sagot mula kay Tenyong. Bumisita muli si Miguel kay Julia at nagsabing
magiging engrande ang kanilang kasalan. Nagkunwari si Julia na masakit ang ulo
upang iwasan si Miguel.
11. Buod ng Ikatlong Eksena (ACT III Scene II / III) Dumating na ang nakatakdang
araw ng kasal at napilitan na rin si Julia na pumayag, sa pag-akalang patay na si
Tenyong at sa kagustuhang hindi mapahiya ang kanyang ina. Engrandeng
selebrasyon ang magaganap at nakatipon ang buong bayan. Pero bago mairaos ang
seremonya, dumating si Lucas na may balitang nakita na si Tenyong pero agawbuhay itong nakaratay sa karte. Dinala si Tenyong sa pinagdausan ng kasal ni Julia.
Sa muling pagtatagpo ng magkasintahang sawi, hiniling ni Tenyong sa pari na,
yaman din lamang na mamamatay na siya, ikasal na sila ni Julia. Sa pagkamatay
daw ni Tenyong, maaari nang pakasalan ni Julia si Miguel. Dahil mukhang
matutuluyan na nga si Tenyong, pumayag na rin si Miguel sa kakaibang huling hiling
ni Tenyong. Kinasal si Tenyong at Julia ng paring Kastila. Matapos ang seremonya ng
kasal, biglang tumayo si Tenyong, at lahat ay napamanghang sumigaw; Walang
sugat! Walang sugat!.

You might also like