You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Administrative Region
Butuan City Division
Villa Kananga Elementary School
Brgy. Villa Kananga, Butuan City

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT sa ARAL.PAN. VII


I – Pagpipili: Itiman ang bilog ng titik ng wastong sagot.

1. Alin sasumusunod na sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?


a. Pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan, masalimuot na relihiyon,
espesyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya at uringpanlipunan, mataas na
antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining at arkitektura at sistema ng pagsulat.
b. Mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain.
c. Paninirahan sa malalapit at mauunlad na pamayanan.
d. Pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.

2. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilang
dambana ng kanilang diyos o diyosa?
a. Great wall of China c. Ziggurat
b. Taj Mahal d. Hanging Garden

3. Sa anong rehiyon ng Asya makikita ang lambak – ilog ng Indus at Ganges?


a. Hilagang Asya c. Silangang Asya
b. Timong Asya d. Kanlurang Asya

4. Alin ang pinakamahalagang kontribusyon ng Sumerian sa kabihasnang pandaigdig?


a. Sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform
b. Ang pagkatuklas ng pottery wheel
c. Mga seda at porcelana
d. Paggamit ng oracle bone

5. Kung ang Kabihasnang Sumer ay gumagamit ng cuneiform bilang kanilang sistema ng


pagsulat, ang Indus naman ay ____________.
a. Pictogram b. Grid Pattern c. Calligraphy

6. Ang kabihasnang Shang ay may ilog Hwang-Ho samantalang ang kabihasnang Indus ay may
a. Tigris-Euphrates b. Indus River c. Yellow River

7. Kung ang kabihasnang Shang ay may ambag na potter’s wheel, ang kabihasnang
Sumer naman ay _____.
a. Ziggurat b. Grid Pattern c. Oracles Bones

8. Alin sa sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ay itinuring na


pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig?
a. Dahil kinilala ang Sumer nauna ng sibilisadong lipunan ng tao na
nangibabaw bunga ng marami nitong kontribusyon sa daigdig.
b. Dahil sa pagkatatag nito ng mga pamayanan at imperyo.
c. Dahil sa nagkaroon ito ng metatag na sistemang political.
d. Dahil sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile
crescent.

II. Piliin at itiman ang bilog ng tamang sagot sa ibaba sa Panahon ng Bato.

9. Gumagamit ng payak, magaspang at hindi


pulidong pagkakagawa na mga bato.

10. Gumagamit ng Microlith na maliit at patusok na


kasangkapang bato nagsisilbing kutsilyo at talim ng pana
at
11. Gumawa ng mga kasangkapan gamit sa pagtatanim

a. Panahong Paleolitiko c. Panahong Neolitiko


b. Panahong Mesolitiko d. Panahon ng Metal
12. Alin sa sumusunod na talata ang naglalarawan sa konsepto ng kabihasnan.
a. Ang pagkakaroon ng kalinangan sa pamumuhay.
b. Kapag ang isang tao o pamayanan ay nagkakaroon ng kasanayan sa isang bagay.
c. Ang pamumuhay na nakasanayan o nakagawian.
13. Paano hinaharap ng mga tao sa panahong Paleolitiko ang mga hamon ng kapaligiran sa
Kanilang panahon?
a. Natuto silang magtanim at mag-alaga ng hayop.
b. Gumagawa sila ng mga kasangkapang yari sa mga metal at mga gamit sa
pangangaso.
c. Pagala-gala ang tao sa paghahanap ng pagkain at walang permanenteng
tirahan.

14. Ang Mesopotamia ay kinilalabilang cradle of civilization.


a. Pinamunuan ang kabihasnang ito ng mga naghaharing uri sa lipunan.
b. May malinaw na paghahati ng lipunan sa kanilang mga lupain at ang
pagkakaroon ng uri ng lipunan.
c. Nagkakaroon ng malawak na pagtatanim sa lugar na ito, panganganso at
pag-aalaga ng hayop, pag-usbong ng mga lungsod at espesyalisasyon
sa pamumuhay.

15. Totoo bang ang sa Panahon ng Bato ay itinuturing na pinakamatagal at pinakamabagal na


pag-unlad dahil sa ito’y nahahati sa tatlong panahon?
a. Oo b. Hindi c. Siguro d. Puweding hindi, Pwedeng Oo

16. Dapat bang pahalagahan ang mga ambag /kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan?
a. Oo b. Hindi c. Siguro d. Hindi ko mabatid

17. Tunay nga bang nakadepende lamang ang mga sinaunang tao noong panahon ng
Paleotiko (400 – 8500 BCE) sa kapaligiran?
a. Oo b. Hindi c. Siguro d. Hindi ko mabatid

18-20 Kilalanin kung sa anong kabihasnan ang mga sumusunod na mga ambag.
a. Sumer b. Shang c. Indus

18. 19. 20.


Cuneiform Pictogram Calligraphy

21. Ano ang tawag sa sistema ng pagsulat ng mga Sumerian?


a. cuneiform c. alibata
b. heigrolypics d. pictograph

22. Sa aling dinastiya lumitaw ang pilosopiyang Confucianism at Taoism.


a. Han c. Sui
b. Chou d. Tang

23. Anong epiko ang sinasabing isa pinakamahalagang ambag ng mga Sumerian?
a. Humbaba c. Utnapishtim
b. Gilgamesh d. Indian

24. Ano ang pangalan ng hari ng mga Akkadian na nagtatag ng mga lungsod-estado na
siyang sanhi ng pagkakaisa ng mgamamamayan?
a. Hammurabi c. Sargon
b. Enkidu d. Alexander The Great

25. Aling imperyo sa Kanlurang Asya ang tinaguriang “tagapagdala ng Kabihasnan”?


a. Lydian c. Chaldean
b. Phoenician d. Hebreo

26. Ito ang nagtatakda ng mga batas tungkol sa kababaihan sa Babylonia.


a. Kodigosibil c. Magna Carta
b. Kodigoni Hammurabi d. Kodigoni Manu
27. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagawa ng mga Chaldean?
a. konsepto ng Zodiac at horoscope
b. Hanging Gardens of Babylon
c. Ziggurat na pinangalanang etemenanki na itinuring na Tore ni Babel sa bibliya
d. paggawa ng sasakyang pandagat na tinatatwag na barko

28. Ito ay katawagan ng mga Hebreo sa paniniwala at pagsasambasa nag-iisang Diyos.


a. Monotheism c. Satrap
b. Polytheism d. Persepolis

29. Ito ay relihiyong batay sa buhay at turo ni Kristo Hesus


a. Judaismo c. Kristiyanismo
b. Islam d. Sikhismo

30. Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan.


a. pamumuhay na nabago ng kapaligiran
b. pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao.
c. pamumuhay na nakasanayan bunga ng pagtira sa mga ilog at lambak.
d. pamumuhay napina-unlad ng tao gamit ang bagong teknolohiya

31. Kung ikaw ay pinuno ng isang imperyo, paano mo ito pamumunuan?


a. Pagpapatupad ng mga batas
b. ibigay ang buong tuon sa sandatahanglakas.
c. Pagtugon sa mga pangangailangan ng iilan na sasakupan
d. sapilitang pagtatrabaho ng mga mamamayan.

32. Alin sa mga ambag ng mga bansang Asyano ang naisasabuhay mo parin at nagagamit
ngayon?
a. Pagpapatatag sa relihiyon
b. Ang estado ay primitibo at pasibo
c. Sistemang Caste
d. Paggamit ng conskrit

33. Ito ang tawag sa sistema ng kalakalan pagpapalitan ng mga produkto sa ibang estado o
bansa.
a. Biblya c. Ziggurat
b. Persolpis d. Barter

34. Bilang mag-aaral, alin sa sumusunod ang hindi nakakatulong sa pag-uunlad ng lipunan?
a. paggawa ng mga krimen
b. sumunod sa mga patakarang itinakda
c. makiisa sa proyekto o programa
d. paggawa ng tuntunin na naayon sa sariling kapakanan

35. Nakabubutiba ang paniniwala at pagsambasaiisangDiyos?


a. Oo b. Hindi c. Hindi Sigurado d. Hindi ko mabatid

36. Si Trisha ay napili ng dibisyon para sa gagawing youth meeting sa Singapore nadadaluhan
ng piling mag-aaral ng ibat-ibang bansa sa Asya. Maglalahad siya ng mga kalutasan sa
problemang kinakaharap ng mga kabataan sa Pilipinas. Alin sasumusunod ang dapat niyang
ihanda at isaalang-alang?
a. Datos na naglalarawan ng mga suliranin ng kabataang Pilipino
b. Mga sanaysay na naglalaman ng maraming kalutasan sa problema ng kabataang
Pilipino
c. Progress report chart ng Bansa
d. Datos na naglalarawan ng suliranin at datos kung paano ito nalutas ng bansa.

37. Paano naiiba ang sistemang panrelihiyon ng kabihasnang Shang sa kabihasnang Indus at Sumer?
a. Nagsasagawa ang hari ng Shang ng tungkuling panrelihiyon
b. Tumutupad ang hari ng Shang nang lampas sa itinatadhana ng simbahan
c. Naniniwala ang Shang sa oracle bones para sa panghuhula.
d. Ang pananampalataya ng shang ay batay sa maraming diyos.

38. Ang Kodigoni Hammurabi ay binubuo ng 282 na batas na nagsisilbing pamantayan ng


Kabihasnang Babylonian.
Alin sasumusunod ang nagpapatunay tungkol sa Code of Hammurabi?
a. Ito ay itinuturing na paglabag sa karapatan ng mamamayan at ari-arian nito.
b. Ito ay watak-watak na katipunan ng batas ni Hammurabi.
c. Ito ay nagsisilbing isa sa pinakamahalagang ambag ng sinaunang tao sa
kabihasnan.
d. Ito ay hindi pinaniniwalaan ng mga Babylonian dahil wala silang tiwala rito.
39. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
a. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao
b. Mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain
c. Paninirahan sa malapit at maunlad na pamayanan
d. Pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.

40. Alin sasumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuturing na
pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa buong daigdig.
a. Matatagpuan ito sa Mesopotamia sa lambak Tigris at Euphrates noong 3500-300
BCE naunang nahubog na pamayanan
b. Sa Mesopotamia matatagpuan ang pinakaunang kabihasnan sa daigidg
c. Dahil dito naitatag ang mga pamayanan at imperyo
d. Ito ang nagging tagpuan ng ibat ibang pangkat ng tao.

Tama o Mali. Itiman ang bilog ng T kung Tama at M kung Mali.


41. Gumamit ng pakikipagkalan ang mga Assyrian kung kaya’t lumakas ang kanilang estratihiya at
puwersa.

42. Naipasa sa dinastiyang Zhou ang “Basbas ng Langit” ( Mandate of Heaven) at ang titulona“Anak
ng Langit” (Son of Heaven).

43. Inutos ni Shih Huangdi naipatayo ang Great wall of China bilang proteksiyon sa pag-atake ng mga
kalaban sa Ch’in.

44. Kailangang malulupit ang batas at mabibigat ang parusa upang maabot ang kaayusan, ayon sa
legalism.

45. Confucianism ang nagging opisyal na pilosopiya sa dinastiyang Han.

46. Pagpilian para sapagkasunod-sunod.


I. Nagpagawa ng mahabang kalsada ang mga Persian.
II. Pinagawa ni Nebuchadnezzar ang Hanging Gardens of Babylon para sa kanyang asawa na si
Amytis.
III. Ang Kodigoni Hammurabi ay nabuo.
IV. Nabuo ang unangsistema ng pagsulat – ang cuneiform.

a. I, II, III, IV c. II,IV,I,III


b. IV, III, II, I d. III,I,IV,II

47 – 50. Itala sa flowchart ang mga dinastiya ng China ayon sa “clue” na ibinigay at isulat ang sagot sa
loob ng arrow.
Mahalag ang pangyayari sa sinaunang pamumuhay sa Silangan at Hilagang Asya

a. Sui Dynasty
b. Qin o Chin Dynasty
c. Chou Dynasty
d. Han Dynasty

47. Anak ng Langit 48. Shi Huang Ti

49. Isa sa mga dakilang dinastiya sa China 50. Sa panahon ng ito itinayo ang grand canal

“OKAY LANG BAGSAK KA SA KANYA, ANG MAHALAGA, SA SCHOOL, PASADO KA!”

- Ms. She
-

ANSWER KEY – 2ND QUARTER

GRADE 7 – ARALING PANLIPUNAN

1. A
2. C
3. B
4. A
5. A
6. B
7. A
8. A
9. A.
10. B.
11. C.
12. A
13. C
14. C
15. A
16. A
17. A
18. A.
19. C.
20. B.
21. A
22. B
23. B
24. C
25. C
26. B
27. D
28. A
29. C
30. A
31. C
32. A
33. D
34. A
35. A
36. B
37. C
38. A
39. A
40. A
41. M
42. T
43. T
44. T
45. T
46. A
47. C
48. B
49. D
50. A

You might also like