at tradisyon ng Mindanao. _______2. Minsan nang sinabi na ang Mindanao ay Lupang Pangako. _______3. Ang Mindanao ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Pilipinas. _______4. Ang agamaniyog ay isang uring kwentong-bayan na mula sa mga taga-Lanao. _______5. Ang Lanao ay matatagpuan sa Visayas. _______6. Ang pabula ng “Ang Maya at ang Hipon” ay nagmula sa tribo ng T’boli. _______7. Ang Tudbulul ay isang halimbawa ng pabula. _______8. May iba’t ibang uri ng panitikang Pilipino ang Pilipinas. _______9. Ang mga panitikan ay salamin ng pamumuhay at tradisyon ng mga tao. _______10. Ang mga panitikan ay walang kinalaman sa buhay ng mga tao. 11. Ito ang tauhan na nagiging dahilan upang mapadali o mapahirap ang paglutas ng suliraning bidang tauhan. A. Pangunahing Tauhan B. Aktor C. Suportang Tauhan D. Aktres 12. Anu-ano ang tatlong elemento ng maikling kwento? A. Saglit na kasiglahan, wakas at kasukdulan B. Tauhan, tagpuan at banghay C. Tauhan, saglit na kasiglahan at wakas D. Tagpuan, tauhan at wakas 13. Alin ang hindi katangian ng maikling kwento? A. Kayang basahin ng isang upuan. B. Mayroong mga tauhan. C. Binubuo ng maraming kabanata. D. Naglalahad ng aral. 14. Ano ang kasingkahulugan ng salitang panaghoy? A. Pagtawa B. Pagmamakaawa C. Pag-iyak D. Pagsayaw 15. Ito ay isang uring panitikan kung saan ang pangunahing tauhan ay mga hayop. A. Dula B. Pabula C. Epiko D. Dula 16. Ang mga sumusunod ay mga salitang nagpapahayag ng pagpapatunay. A. Totoo B. Talaga C. Baka D. Walang dua 17. Ano ang salitang-ugat sa salitang palayan? A. Palay B. Layan C. Payan D. Pala 18. Ang magpakasal ay isang salitang may panlaping ________. A. Makadiwa B. Makauri C. Makangalan D. Makapang-abay 19. “Naku, baka bumagsak ako sa pagsusulit!” Ang salitang may diin ay isang salitang _______. A. Nagpapahayag ng Posibilidad B. Nagpapahayag ng Nagpapatunay C. Nagpapahayag ng Kasinungalingan D. Wala sa nabanggit 20. Mga katutubong naninirahan sa lawa ng Lanao. A. T’boli B. Maranaw/Maranao C. Eita D. Mangyan 21. Ito ang bahagi kung saan ipinakikilala ang suliranin ng maikling kwento. A. Tunggalian B. Kasukdulan C. Tagpuan D. Saglit na Kasiglahan 22. Uri ng panitikan na binubuo ng maraming kabanata. Kadalasan, natatapos ito ng ilang linggo. A. Maikling Kwento B. Nobela C. Tula D. Dula 23. “Isang maya ang umibig sa isang hipon”. Ang salitang may diin ay isang salitang _______. A. Pangalan B. Pandiwa C. Pang-abay D. Pang-uri 24. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng salitang nagpapahayag ng posibilidad maliban sa __________. A. Siguro B. Marahil C. Walang duda D. Parang 25. Sino ang nagsisilbing antagonista sa maikling kwentong “Si Monki, Si Makil at ang mga Unggoy?” A. Monki B. Makil C. Tatalaonga D. Amomantaragaga 26-29. Ibigay ang apat na uri ng Tunggalian. 26. ___________________________ 27. ___________________________ 28. ___________________________ 29. ___________________________ 25. Magbigay ng isang halimbawa ng Pabula maliban sa mga teksong binasa (Maya at ang Hipon at Si Pilandok) 26-30. Sanaysay (3-5 pangungusap) Bakit mahalaga ang pag-aaral ng kasaysayan, tradisyon at kultura sa pag-aaral ng panitikan?