You are on page 1of 1

CULMINATING TASK

ARALING PANLIPUNAN 09
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 09

PERFORMANCE STANDARD
ARALING PANLIPUNAN: Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng
ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

ESP: Naisasagawa ng mga mag-aaral ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sector sa
pangangailangang pangkabuhayan.

TRANSFER GOAL
Ikaw ang layout artist ng inyong organisasyon na SKPSB (Sangguniang Kabataan Para sa Bayan) at inatasan ka
ng inyong pangulo na gumawa ng isang brochure na nagbibigay impormasyon sa mga mamimili ng kanilang mga
karapatan at tungkulin bilang mga mamimili. Ito ay isasagawa ng inyong organisasyon bilang isa sa inyong extension
program para sa komunidad. Ang iyong gagawing brochure ay ipapamigay sa mga miyembro ng inyong komunidad para
maging batayan nila sa kanilang pamimili.

Goal Bigyang kaalaman ang mga mamimili tungkol sa kanilang karapatan at tungkulin.
Role Ikaw ang layout artist ng organisasyong SKPSP (Sangguniang Kabataan Para sa Bayan).
Audience Mga mamimili sa inyong komunidad.
Situation Ang inyong organisasyon ay magkakaroon ng extension program at isa sa inyong naisip nag awing
programa ay ang pagbibigay ng kaalaman sa mga mamimili sa inyong lugar tungkol sa kanilang mga
karapatan at tungkulin bilang mga mamimili.
Performance Isang brochure.
Standard Susuriin ang inyong gawain sa sumusunod na pamantayan sa rubric bilang pagtataya.

Rubric sa Pagtataya ng Brochure


Pamantayan Lubos na Mahusay Mahusay-husay (3) Katamtaman (2) Kailangan pang
(4) Magsanay (1)
Pagkasunod- Mabisa ang Naisaayos ang Hindi gaanong maayos Magulo ang
sunod ng mga pagkakasunod-sunod pagkakasunod-sunod ang pagkakasunod- pagkakasunod-sunod
Datos at Ideya ng mga datos at ng mga datos at sunod ng mga datos at ng mga datos at
(x5) mensahe. mensahe ngunit mensahe. mensahe.
mahaba ang nilalaman
ng teksto.
Kawastuan (x6) Sapat at wasto ang mga May ilang detalye at May ilang detalye at/ o Marami sa mga detalye
detalye at impormasyon ang hindi impormasyon ang hindi at/ o impormasyon ang
impormasyon. nabanggit. wasto o tiyak. may kamalian.
Epektibo ang Kawili-wili, maayos, at Epektibo ang May kaayusan at Walang kaayusan at
Paglalahad (x4) maliwanag ang paglalahad. maliwanag ang hindi maliwanag ang
paglalahad. paglalahad. paglalahad.
Ebidensiya (x3) May sapat na May ilang May isa o dalawang Walang ebidensiyang
ebidensiyang naipakita. ebidensiyang naipakita. ebidensiyang naipakita. naipakita.
Kabuuang Sa kabuuan, malinaw Sa kabuuan, hindi Sa kabuuan, may Sa kabuuan, Malabo
Epekto ang impormasyon o gaanong malinaw ang kalabuan ang ang impormasyon o
(x2) datos na inilahad. impormasyon o datos impormasyon o datos datos na inilahad.
na inilahad. na inilahad.
ANO ANG ITSURA NG ISANG BROCHURE?
Lahat siguro kayo ay nakakita na ng isang halimbawa ng BROCHURE pero hindi lahat sa inyo ay pamilyar sa
katawagan nito. Naka-attach rito ang halimbawa ng BROCHURE para may ideya kayo sa kung paano ninyo ito gagawin.
KARAGDAGANG PANUTO SA PAGBUO NG INYONG BROCHURE:
1. Maging masining ---kulayan ang inyong brochure.
2. Maaari kayong gumamit ng wikang Ingles o Filipino.
3. Huwag mangopya sa internet. Naniniwala ako sa inyong taglay na talino at nais kong makita ang inyong naunawaan
mula sa mga natalakay sa modyul.
4. Gamitin ang naka-aatach na papel sa paggawa ng inyong brochure. Limitahan sa isang pahina lamang ang inyong
gagawing brochure. [Back to back]
5. Huwag kalimutang isulat ang inyong pangalan.
6. Hindi kailangangang encoded/ printed ang iyong brochure. Maging masining lamang kayo at resourceful sa
paggawa.

You might also like