You are on page 1of 10

Filipino

Unang Markahan –Paggamit nang


Wasto sa Pahayag ng Pagbibigay ng
mga Patunay
Ikalawang Paggamit Nang Wasto Sa Pahayag
Leksyon Ng Pagbibigay Ng Mga Patunay

Suriin

Alamin Mo!

Mga Pahayag ng Pagbibigay ng mga Patunay

May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan


ng isang bagay. Makatutulong ang mga pahayag na ito upang tayo ay
makapagpatunay at ang ating paliwanag ay maging katanggap-tanggap o
kapani-paniwala sa mga tagapakinig.

Karaniwang ang mga pahayag na ito ay dinurugtungan na rin ng


datos o ebidensiya na lalo pang makapagpapatunay sa katotohanan ng
inilalahad.

Narito ang ilang pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng patunay:

1. May dokumentaryong ebidensiya - ang mga ebidensiyang


magpapatunay na maaaring nakasulat, larawan, o video.

2. Kapani-paniwala - ipinakikita ng salitang ito na ang mga ebidensiya,


patunay, kalakip na ebidensiya ay kapani-paniwala at maaaring
makapagpatunay.

3. Taglay ang matibay na kongklusyon - isang katunayang pinalalakas


ng ebidensiya, pruweba, o impormasyon na totoo ang pinatutunayan.

4. Nagpapahiwatig - hindi direktang makikita, maririnig, o mahihipo ang


ebidensiya subalit sa pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang
katotohanan.

5. Nagpapakita - salitang nagsasaad na ang isang bagay na


pinatutunayan ay totoo o tunay.
Nagpapatunay/katunayan - salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananaligopaniniwalasaipinahahayag.

Pinatutunayan ng mga detalye - makikita mula sa mga detalye ang patunay sa isang pahayag. Mahalagang

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7,

Pagyamanin

Panuto: Basahin ang artikulo tungkol sa COVID-19 na nasa ibaba


pagkatapos sagutin ang mga tanong gamit ang mga pahayag na
nagpapatunay.

Batas sa panahon ng COVID-19


ni: Atty. Rudolf Philip Jurado - March 19,2020

Maaari bang magpatupad ang ating estado ng community quarantine?


Ano naman ang karapatan ng mga mamamayan sa ganitong panahon habang
ipinatutupad ang community quarantine?

Ano naman ang obligasyon natin bilang mamamayan sa ganitong


panahon? May batas ba tayo laban sa mga nagsasamantala sa ganitong
panahon ng COVID-19?

Ang kapangyarihang magdeklara at magpatupad ng isang community


quarantine ay nasasakop sa likas ng kapangyarihan (inherent power) ng
estado.

Ito ay ang “police power” o kung saan maaring gumawa ang estado ng
mga alituntunin at patakaran (regulation) para masiguro ang kaligtasan at
pangkalahatang kapakanan ng mamamayan.

Ang “quarantine” ay isang teknikal na salita na tumutukoy sa


paghihigpit sa galaw o ang paglabas-masok ng mga tao at mga bagay sa isang
lugar para mapigilan ang paglaganap ng sakit.

Sa community quarantine, umiiral pa rin ang karapatang sibil (civil


right) ng mga mamamayan; ang operasyon at pagpapatupad ng batas sa
pangkalahatan ay nananatili at nananaig pa rin. Ang nililimitahan lang ng
quarantine ay ang paglabas at pagpasok sa isang lugar o yung karapatang
pagbyahe ayon sa Konstitusyon.

Ano naman ang ating legal obligation sa panahon ng COVID-19? Ayon


sa RA 11332, mayroon tayong obligasyon na maging “socially and medically
responsible”. Ayon sa Section 9 ng RA 11332, sa panahon ngayon
ipagbabawal ang pagkakalat ng mga “fake news” sa iba’t ibang social media
platforms kagaya ng Facebook.

Sa mga tao ring nakasalamuha o may alam at kinalaman sa pagkatao


ng mga pasyente, sila ay pinagbabawalan i-disclose ang mga impormasyon
tungkol sa mga ito, maliban nalang kung ito ay bibigyang pahintulot sa
pamamagitan ng isang court order. Bawal din ang pinapakalat na mga litrato
ng mga pasyente at mga prosesong medikal na nilalapat sa mga ito.

Ang RA 11332 ay nag-oobliga rin sa mga may alam (kagaya ng mga


doktor, medical personnel, opisina, eskewelahan at iba’t ibang
establisimyento) ng may COVID-19 na i-report ang mga ito sa Department of
Health sa pamamagitan ng Epidemiology Bureau.

Ang mga tao naman na may COVID-19, at institusyon na may COVID-


19 patient, ang kanilang facilities ay obligado rin na mag-report sa
Epidemiology Bureau ng DOH para sa karampatang paggamot.

Parusang pagkakulong ng isa hanggang anim na buwan o multa mula


Php20,000.00 hanggang Php50,000.00 ang hindi pagsunod at paglabag sa
legal obligation na ito.

May batas din tayo na umiiral laban sa “profiteering” o “hoarders” sa


panahon ngayon ng COVID-19. Ito ay ang Republic Act 7581 o yung Price Act.
Ang batas na ito ay kadalasang nalalabag ng mga negosyante sa ganitong
panahon.

Ayon sa R.A. No. 7581, ang profiteering ay isang sistema kung saan ang
tao o negosyante ay minamanipula ang presyo ng isang pangunahing bilihin
sa pamamagitan ng labis na pag-angat ng presyo nito, na wala namang
katumbas na pagtaas ng mga kostas o kapital nito.

Masasabing minamanipula o labis ang pagtataas ng presyo ng


pangunahing bilihin kung ang pagtaas ay hindi bababa sa sampung
porsyento (10%) kumpara sa nakaraang buwan.

Masasabi rin na minamanipula ang presyo pag walang price-tag ang


pangunahing bilihin, pag nagbigay ng maling impormasyon sa bigat o sukat
ng bilihin, o kaya naman nagpangiwi o pinalabnaw ang mga bilihin.

Sanggunian: https://bandera.inquirer.net/244697/batas-sa-panahon-ng-covid-19
Gawain A: TANONG KO, SAGUTIN MO!

1. Ano ang kabuuang paksa ng artikulong iyong binasa?

2. Naging makatotohanan ba ang mga patunay na inilahad sa artikulong


iyong binasa? Bakit?

3. Paano kaya kinalap ang mga patunay o ebidensiya sa artikulong iyong


binasa?

Gawain B: PAHAYAG KO, GAMITIN MO!


Panuto: Magbigay ng tatlong pahayag mula sa artikulong iyong binasa
at tukuyin kung anong uri ang ginamit sa pagbibigay ng patunay. Makikita sa
Suriin (Alamin Mo) ang mga ilang uri ng pahayag na ginamit sa pagbibigay ng
patunay.

Uri ng Pahayag ng Pagbibigay ng Patunay: Pahayag:

Uri ng Pahayag ng Pagbibigay ng Patunay: Pahayag:

Uri ng Pahayag ng Pagbibigay ng Patunay: Pahayag:


Isaisip

Gawain: TANONG KO, SAGUTIN MO!

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Paano nakatutulong ang paggamit nang wastong pahayag sa


pagbibigay ng patunay sa mga isyung hinaharap natin ngayon?

2. Ano-ano ang dapat mong gawin para malaman mo kung ang iyong
napanood at nabasa ay hindi fake news?

Isagawa

Magaling! Malapit na nating matapos ang modyul na ito.


Ngayon, magbibigay ako ng isang gawain na susubok sa iyong pagiging
malikhain mo sa pagsulat.

Gawain: ISYU NATIN, PATUNAYAN MO!

Panuto: Bumuo ng isang talata na ginagamitan ng mga pahayag


sa pagbibigay ng patunay. Pumili ng isang isyu na nasa ibaba na iyong
naiibigan.

Epekto ng Epekto ng Epekto ng Mobile


Paglalaro ng COVID- 19 sa App na Tiktok sa
Mobile Legend sa Pag-aaral ng mga mga Kabataan
Kabataan Kabataan
Mga Krayterya 2 3 4 5

Organisasyon Hindi maayos May lohikal na Maayos ang Mahusay ang


ang organisasyon organisasyon, pagkakasunod-
organisasyon ng ngunit hindi pagkabuo ng sunod ng mga
mga ideya masyadong talata ideya sa kabuuan
mabisa ng talata

Lalim ng Napakababaw Mababaw at Malalim na Napakalalim na


Refleksyon na walang pag- hindi gaanong nakikita ang nakikita ang pag-
uugnay ang dati nakikita ang pag-uugnayan uugnayan ng
at bagong pag-uugnayan ng dati sa dating kaalaman
kaalaman ng dati sa bagong at karanasan sa
bagong kaalaman bagong kaalaman
kaalaman

Paggamit ng Kailangang Mga kahinaan Mahusay dahil Napakahusay


wika at baguhin dahil dahil maraming kakaunti dahil walang mali
mekaniks halos lahat ng mali sa gramar, lamang ang sa gramar,
pangungusap ay baybay at mali sa gramar, baybay at gamit
may mali sa gamit ng baybay at gamit ng bantas may
gramar, baybay bantas ng bantas mayamang
at gamit ng bokabularyo
bantas

Presentasyon Mahirap basahin May Malinis ngunit Malinis at maayos


dahil sa hindi kahirapang hindi lahat ay ang pagkakasulat
maayos at unawain ang maayos ang ng talata
malinis na pagkakasulat pagkakasulat
pagkakasulat at ng at ang mga
pangungusap pangungusap

https://www.slideshare.net/olhen/pagtataya-ng-natutuhan-araling-panlipunan
Tayahin

Paalala: Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago sagutan


ang bawat bilang.

Para sa Bilang 1-5.


Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay mahalaga sa pagbibigay ng mga patunay sa isang pangyayari?


a. ebidensya o datos
b. pangngalan at panghalip
c. formalidad ng wika
d. opinyon

2. Ano ang tawag sa pahayag na may ebidensyang magpapatunay na


maaaring nakasulat, nakalarawan, o naka video?
a. kapani-paniwala
b. nagpapakita
c. may dokumentaryong ebidensiya
d. pinatutunayan ng mga detalye

3. Ano ang tawag sa pahayag kung saan ipinakikita ng salitang ito na ang
ebidensya, patunay at kalakip na datos ay kapani-paniwala at maaaring
makapagpatunay?
a. pinatutunayan ng mga detalye
b. nagpapakita
c. nagpapatunay/ katunayan
d. kapani-paniwala

4. Bakit mahalaga ang wastong paggamit ng mga pahayag sa pagbibigay ng


patunay?

a. Makatutulong ang mga pahayag upang tayo ay makapagpatunay at ang


ating paliwanag ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala sa mga
tagapakinig.
b. Makatutulong ang mga pahayag sa pag-alam ng kahulugan at kasalungat
ng isang salita.
c. Makatutulong ang mga pahayag sa pagkakaroon ng ugnayan ng talata.
d. Makatutulong ang mga pahayag sa pagtukoy sa formalidad at kaantasan
ng wika.
5. Alin ang pangungusap na nagpapakita ng pagbibigay ng patunay?
a. Kaya naman magkaisa at magtulungan tayong lahat para sa ikabubuti ng
lahat ng mga Pilipino lalo na ang mga nasalanta.
b. Malungkot makita ang ilan nating kababayang nawawalan ng mga mahal
sa buhay at ari-arian.
c. Huwag na sana tayong makadama ng labis na kalungkutan.
d. Pinatutunayan ng datos mula sa National Economic and Development
Authority na kakailanganin natin ng 361 bilyong piso para sa muling
pagbangon ng mga lugar na labis na nasalanta ng bagyong Yolanda.

Para sa Bilang 6-15.


Panuto: Kilalanin kung ang pangungusap ay nagbibigay ng patunay o
hindi. Isulat ang P kung nagbibigay ng patunay at DP kung hindi.

6. Nakatanggap ang mga taga-Santa Clara County ng pag-apruba ng CDC


upang maisagawa ang unang pagsubok ng COVID-19 sa kanilang laboratoryo
ng pampublikong kalusugan noong ika-26 ng Pebrero taong 2020.

7. Mahalagang maging handa tayo sa anumang sakuna na darating sa ating


buhay.

8. Marami sa atin ngayon ang labis na nahihirapan dahil sa pandemyang


ating nararanasan.

9. “No Vaccine, No Classes.” Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang


State of the Nation Address ngayong taon.

10. Noong ika-5 ng Agosto taong 2020, inilabas ng Departamento ng


Edukasyon na mayroon ng 47,587 aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

11. Sana ay magkaroon ng solusyon ang mga karahasang nagaganap sa mga


kababaihan.

12. Ang Gender and Development ay gumagawa ng mga hakbang upang


masolusyunan ang mga problema na may kaugnayan sa karahasan at pang-
aabuso sa mga kababaihan.

13. Tuluyan nang ipinasara ng House of Representative ang pinakamalaking


broadcasting network sa Pilipinas na ABS-CBN Corporation noong ika-10 ng
Hulyo taong 2020.
14. Ang pagkasira ng kapaligiran dahil sa epekto ng maling pagmimina ay
tinututulan ng ating saligang batas. Katunayan, may tinatawag na Writ of
Kalikasan na nagsasaad ng ating karapatan para sa malusog na kapaligiran.

15. Huwag basta-basta maniniwala sa mga post sa social media dahil baka
ito ay fake news lamang.

Karagdagang Gawain

Isalaysay ang mga epekto ng “FAKE NEWS”

You might also like