You are on page 1of 6

MODULE IN FILIPINO- 7

Name: ___________________________________________________

Grade & Section: ________________________________________

Address: ________________________________________________

Contact #: _______________________________________________
CONTENT STANDARDS:
Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay.

LEARNING COMPETENCIES (MELC)


WEEK 3
Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay.

LESSON OBJECTIVES:
Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay.

REVIEW
 Balikan ang nakaraang leksyon.

MOTIVATION

Mga Epekto ng Paggamit ng Sobrang Social Media

ACTIVITY
1. Naging madali ba ang iyong ginawang gawain?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Paano mo nabigyang patunay ang isyung tinalakay?
______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

ABSTRACTION
 Mga Pahayag ng Pagbibigay ng mga Patunay
 May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang
bagay. Makatutulong ang mga pahayag na ito upang tayo ay makapagpatunay at
ang ating paliwanag ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala sa mga
tagapakinig. Karaniwang ang mga pahayag na ito ay dinurugtungan na rin ng
datos o ebidensiya na lalo pang makapagpapatunay sa katotohanan ng
inilalahad.
 Narito ang ilang pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng patunay:
 1. May dokumentaryong ebidensiya - ang mga ebidensiyang magpapatunay na
maaaring nakasulat, larawan, o video
 . 2. Kapani-paniwala - ipinakikita ng salitang ito na ang mga ebidensiya, patunay,
kalakip na ebidensiya ay kapani-paniwala at maaaring makapagpatunay.
 3. Taglay ang matibay na kongklusyon - isang katunayang pinalalakas ng
ebidensiya, pruweba, o impormasyon na totoo ang pinatutunayan.
 4. Nagpapahiwatig - hindi direktang makikita, maririnig, o mahihipo ang
ebidensiya subalit sa pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang
katotohanan.
 5. Nagpapakita - salitang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay
totoo o tunay. Sa bahaging ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mga
kaisipan/kaalamang tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-
aralin. 7
 6. Nagpapatunay/katunayan - salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o
paniniwala sa ipinahahayag.
 7. Pinatutunayan ng mga detalye - makikita mula sa mga detalye ang patunay sa
isang pahayag. Mahalagang masuri ang mga detalye para sa makita ang
katotohanan sa pahayag.

APPLICATION
Panuto: Basahin ang artikulo tungkol sa COVID-19 na nasa ibaba pagkatapos sagutin
ang mga tanong gamit ang mga pahayag na nagpapatunay.

 Batas sa panahon ng COVID-19 ni: Atty. Rudolf Philip Jurado - March 19,2020
Maaari bang magpatupad ang ating estado ng community quarantine? Ano
naman ang karapatan ng mga mamamayan sa ganitong panahon habang
ipinatutupad ang community quarantine? Ano naman ang obligasyon natin bilang
mamamayan sa ganitong panahon? May batas ba tayo laban sa mga
nagsasamantala sa ganitong panahon ng COVID-19? Ang kapangyarihang
magdeklara at magpatupad ng isang community quarantine ay nasasakop sa
likas ng kapangyarihan (inherent power) ng estado. Ito ay ang “police power” o
kung saan maaring gumawa ang estado ng mga alituntunin at patakaran
(regulation) para masiguro ang kaligtasan at pangkalahatang kapakanan ng
mamamayan. Ang “quarantine” ay isang teknikal na salita na tumutukoy sa
paghihigpit sa galaw o ang paglabas-masok ng mga tao at mga bagay sa isang
lugar para mapigilan ang paglaganap ng sakit. Sa community quarantine, umiiral
pa rin ang karapatang sibil (civil right) ng mga mamamayan; ang operasyon at
pagpapatupad ng batas sa pangkalahatan ay nananatili at nananaig pa rin. Ang
nililimitahan lang ng 8 quarantine ay ang paglabas at pagpasok sa isang lugar o
yung karapatang pagbyahe ayon sa Konstitusyon. Ano naman ang ating legal
obligation sa panahon ng COVID-19? Ayon sa RA 11332, mayroon tayong
obligasyon na maging “socially and medically responsible”. Ayon sa Section 9 ng
RA 11332, sa panahon ngayon ipagbabawal ang pagkakalat ng mga “fake news”
sa iba’t ibang social media platforms kagaya ng Facebook. Sa mga tao ring
nakasalamuha o may alam at kinalaman sa pagkatao ng mga pasyente, sila ay
pinagbabawalan i-disclose ang mga impormasyon tungkol sa mga ito, maliban
nalang kung ito ay bibigyang pahintulot sa pamamagitan ng isang court order.
Bawal din ang pinapakalat na mga litrato ng mga pasyente at mga prosesong
medikal na nilalapat sa mga ito. Ang RA 11332 ay nag-oobliga rin sa mga may
alam (kagaya ng mga doktor, medical personnel, opisina, eskewelahan at iba’t
ibang establisimyento) ng may COVID-19 na i-report ang mga ito sa Department
of Health sa pamamagitan ng Epidemiology Bureau. Ang mga tao naman na may
COVID-19, at institusyon na may COVID19 patient, ang kanilang facilities ay
obligado rin na mag-report sa Epidemiology Bureau ng DOH para sa
karampatang paggamot. Parusang pagkakulong ng isa hanggang anim na
buwan o multa mula Php20,000.00 hanggang Php50,000.00 ang hindi pagsunod
at paglabag sa legal obligation na ito. May batas din tayo na umiiral laban sa
“profiteering” o “hoarders” sa panahon ngayon ng COVID-19. Ito ay ang Republic
Act 7581 o yung Price Act. Ang batas na ito ay kadalasang nalalabag ng mga
negosyante sa ganitong panahon. Ayon sa R.A. No. 7581, ang profiteering ay
isang sistema kung saan ang tao o negosyante ay minamanipula ang presyo ng
isang pangunahing bilihin sa pamamagitan ng labis na pag-angat ng presyo nito,
na wala namang katumbas na pagtaas ng mga kostas o kapital nito. Masasabing
minamanipula o labis ang pagtataas ng presyo ng pangunahing bilihin kung ang
pagtaas ay hindi bababa sa sampung porsyento (10%) kumpara sa nakaraang
buwan. Masasabi rin na minamanipula ang presyo pag walang price-tag ang
pangunahing bilihin, pag nagbigay ng maling impormasyon sa bigat o sukat ng
bilihin, o kaya naman nagpangiwi o pinalabnaw ang mga bilihin.
 Gawain : TANONG KO, SAGUTIN MO! 1. Ano ang kabuuang paksa ng artikulong iyong binasa?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

 2. Naging makatotohanan ba ang mga patunay na inilahad sa artikulong iyong binasa? Bakit?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

 3. Paano kaya kinalap ang mga patunay o ebidensiya sa artikulong iyong binasa?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

ASSESSMENT
 PAHAYAG KO, GAMITIN MO!
 Panuto: Magbigay ng tatlong pahayag mula sa artikulong iyong binasa at tukuyin
kung anong uri ang ginamit sa pagbibigay ng patunay
 . Makikita sa Suriin (Alamin Mo) ang mga ilang uri ng pahayag na ginamit sa
pagbibigay ng patunay.

 1. Uri ng Pahayag ng Pagbibigay ng Patunay:

 Pahayag:

 2. Uri ng Pahayag ng Pagbibigay ng Patunay:

 Pahayag:

 3.Uri ng Pahayag ng Pagbibigay ng Patunay:

 Pahayag:
II. Gumawa ng isang islogan tungkol sa buwan ng wika 2021 na may tema:” Filipino at mga
Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.” Ilagay ito sa isang
malinis na bondpaper. Sundin ang rubriks na nasa ibaba.

You might also like