You are on page 1of 60

AMPID NATIONAL HIGH SCHOOL

2:10-4:10 n.h.
GINULONG SALITA , AYUSIN NG MAY PANG-UNAWA
Mechanincs
1.Mayroong kaugnayan sa Pandemya ang mga
ginulong salita.
2.Aayusin ang mga ginulong salita.
3.Kapag naayos na ang salita sabihin ang (Pangalan:
_____________ lang Malakas.
4.Sabihin ang Salitang Nabuo.
QUARANTINE

QUACK RUN TEN


FRONTLINER

PANT LIE NEAR


LOCKDOWN

LUCK TOWN
SOCIAL DISTANCING

SOW SHALL D’ STANCE SING


FACE MASKS

PHASE MAX
STAY AT HOME

S T @ HUM
Pagsusuri ng
mga Pangyayari
Aralin I Tungo sa
Paghatol at
Pagmamatuwid
Sa Ika-21 ng siglo, mahalaga na
tayo ay maging mga mapanuri sa mga
pangyayari na ating nakikita, naririnig
at nababasa. Sa ating pagiging
mabuting manunuri, nakakapagbigay
tayo ng Mabuti at tamang paghatol at
pagmamatuwid sa mga ideyang
nakapaloob sa mga akda. This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NC
Sa araling ito, ikaw ay
inaasahang:(a) masuri ang mga
pangyayari at ang kaugnayan nito sa
kasalukuyang lipunang Asyano
batay sa napakinggang akda, at (b)
makabuo ng sariling paghatol o
pagmamatuwid sa mga ideyang
nakapaloob sa akda. This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NC
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Ang mundo ay nahaharap sa
malaking krisis sa kalusugan at
ekonomiya ng dahil sa COVID-
19. Pag-aralan ang larawan sa
ibaba. Ano-anong saloobin ang
iyong naiisip at nadarama mula
sa larawang ito. Sagutan ang
Gawain sa iyong kwaderno.
https://backendnews.net/psf-smart-launch-text-to-don
ate-drive-for-covid-19-health-workers-frontliners/
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gamit ang larawan sa Gawain sa
Pagkatuto Bilang , sagutan ang mga sumusunod na tanong sa iyong
kwaderno.
1. Anong pangyayari ang pwede mong maihambing sa sinasabi ng
larawan?
2. Anong mensahe ang nakapaloob sa larawan?
3. Ano-ano ang maaaring sanhi at bunga ng mensaheng
nakapaloob sa larawan?
4. Sa tingin mo, paano mapipigilan ang mga pangyayaring
nakapaloob sa mensahe ng larawan?
5. Sa iyong palagay, ano-ano ang mga hakbang na maari mong
gawin upang masolusyon ang mga pangyayaring nakapaloob sa
larawan?
PAGSUSURI NG MGA PANGYAYARI

Ang mga pagsusuri ng mga pangyayari ay isa sa


mahalagang hakbang sa pagiging matalino at
mapanuring tao. Ang pagiging mapanuri ay isang
mahalagang katangiang dapat nating taglayin
upang tayo ay makapagbigay ng tamang
impormasyon at detalye tungkol sa isang paksa ,
isyu o aralin .
PAGHATOL AT PAGMAMATUWID
Ang paghatol at pagmamatuwid ay isang paraan upang maipamalas natin
ang ating mga nalalaman tungkol sa isang isyu, paksa o usapin mas
nagiging makabuluhan at tama ang pagpasya, paghatol o pagmamatuwid
sa tuwing tayo ay nakakapagsuri ng tama sa pangyayari sa ating paligid.
Kinakailangan ng kaliwanagan ng isipan at tamang pagtitimbang sa bawat
panig o anggulong paksa o isyu upang maging patas sa ating paghatol sa
mga paksang pinag-uusapan

Mahalagang ang bawat aspeto at panig ng isyu ay masuri upang maging


angkop ang magiging resulta ng pagsusuri at paghatol. Mahalaga ring
maunawan na sa bawat paghatol ay kailangang magkaroon ng
pagtutuwid na angkop sa mga umiiral na batas at paniniwalang kultura at
pangrelihiyon .
WORKSHEET SA FILIPINO
9
Pagsusuri ng mga Pangyayari Tungo
WEEKS
sa Paghatol at Pagmamatuwid
1 Aralin 1
1
Pangalan:___________________________________________________________________
1
Baitang at Pangkat:___________________Lagda ng magulang:_________________
Gawain sa PagkatutoI Bilang 1
Panuto: Bigyan ng sariling paghatol o pagmamatuwid ang mga pahayag. Makatuwiran ba ito o
1 sagot.
hindi? Ipaliwanag ang
3. Paminsan-minsang pagdala ng
1.Pag-uwi nang lasing ng ama at
ama ng pasalubong para sa pamilya.
pananakit sa asawa’t mga anak.

5. Sobrang takot ng kanilang anak sa


kanilang ama.

2. Hindi pag-iintrega ng sweldo ng 4. Pagiging sunod-sunuran ng ina sa


ama sa kanyang asawa. kanyang asawa.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin at unawain ang teksto sa
ibaba.
PANIBAGONG PAGHIHIGPIT
Editoryal ng Pilipino Star Ngayon
August 4, 2020-12:00 am
Balik sa modified enhanced community quarantine
(MECQ) ang Metro Manila ngayong araw na ito. Panibagong
paghihigpit na naman ang ipatutupad para hindi na lumaganap pa
nang todo ang COVID-19 na ngayon ay nasa 106,330 na ang kaso.
Ang pagsasailalim sa MECQ ay dahil- na rin sa pakiusap ng health
frontliners para-magkaroon sila ng “timeout”ang pagsasailalim sa
MECQ ay inihayag noong linggo ng gabi ni President Duterte.
Tatagal ang MECQ hanggang Agosto 18. Bukod sa Metro Manila,
nasa ilalim din ng MECQ ang Cavite,Laguna,Rizal at Bulacan .
This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NC
Sa ilalim ng MECQ, bawal ang
pagpasada ng mga pampasaherong bus,dyipni at
maski ang Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail
Transit (LRT) at iba pang public utility vechicle.
Pinag-aaralan kung papaya bumyahe ang mga
traysikel. Fifty percent lamang ng mga
pagawaan o estabilisimiento ang papayagang
magbukas. Bawal din ang dine-in sa restaurants,
barber shops, salons, gyms at internet cafes.
This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NC
Ayon kay Interior and Local
Government Secretary Eduardo Ano ,mag-iisyu
muli ng quarantine pass ang barangay sa mga
residente. Isang tao lamang ang papayagang
lumabas ng bahay para bumili ng mga
pangunahing panganga-ilangan.Magkaroon din
umano ng schedule ang pamimili para maiwasan
ang pagdagsa ng tao sa palengke.Mahigpit
umanong ipapatupad ang social distancing at
ang pagsusuot ng face masks.
This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NC
a

Ang paghihigpit na ito ay hindi na ganoong mahirap sa


mamamayan sapagkat napagdaanan na na ito sa nakalipas na
apat na buwan. Sanay na ang mga tao rito . Ang kailangan
lamang ay pagsunod ng iba pa na nananatiling pasawy kahit na
mahigpit na ipatutupad ang health protocol. Sana sa
pagkakataong ito ang sumunod ang iba pa sa ipinag-uutos para
makamit na ang minimithi pagbaba ng COVID cases. Huwag na
sanang abutin pa ang prediksyon ng UP experts na aabot pa sa
sangkatutak ang dami ng COVID. Makipagtulungan sana ang
lahat at sumunod sa utos para matapos na ang problemang
ito. Tulungan ang pamahalaan sa dinaranas na ito.

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2020/08/04/2032713/editoryal-
panibagong-paghihigpit

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NC


Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sagutan ang mga tanong sa Ibaba sa
inyong kwaderno.

1. Ano ang modified enhanced community quarantine (MECQ)?

2. Ano ang tinutukoy na ‘timeout’ ng mga medical practitioner?

3. Ano ang mga sistemang nakapaloob sa MECQ sa aspeto ng: 3.1


transportasyon, 3.2 operasyon ng mga negosyo, at 3.3 health protocol?

4. Ipaliwanag ang mga koneksyon ng usaping kwarantina sa mga prediksyon


ng Unibersidad ng Pilipinas. E 8

2:10-4:10 n.h.
SURING LARAWAN, HUSGAHAN
SURING LARAWAN, HUSGAHAN
SURING LARAWAN, HUSGAHAN
SURING LARAWAN, HUSGAHAN
ESTUDYANTE BLUES
Ako ang nakikita
Ako ang nasisisi
Ako ang laging may kasalanan
Pag-gising sa umaga
Sermon ang almusal
Bago pumasok sa eskwela
Kapag nangangatwiran
Ako'y pagagalitan
'Di ko alam ang gagawin
Ako'y sunud-sunuran
Ayaw man lang pakinggan
Nasasaktan ang damdamin
Ako'y walang kalayaan
Sunod sa utos lamang
Bakit madali ang Humusga?
LOKOMOKO
ANO NGA BA ANG
PANGANGATUWIRAN
Sa bawat pakikibaka ng tao, sa bawat pakikisalamuha niya sa iba,
inilalahad niya ang anumang saloobin sa pamamagitan ng pagbibigay sa
pansariling opinyon, paniniwala, katwiran, at paninindigan. Ngunit kung
minsan ay nagkakasalungatan ang bawat isipan ng tao. Nagkokomento tayo
kapag mayroon tayong naririnig at hindi ito naaayon sa ating paniniwala, sa
mga nakikita na taliwas sa ating pinaniniwalaang katanggap-tanggap. Kaya
marahil angkop lamang na ipahayag natin ang ating paninindigan sa
pamamagitan ng pangangatwiran.

PANGANGATUWIRAN
Masasabing naging bahagi na ng ating pang-araw-araw na buhay ang
pagpapahayag ng ating pangangatwiran.
- Ang opinyon ay tumutukoy sa mga ideya ng mga tao, mga ideyang
nakabatay, hindi sa katunayan, kundi sa ipinalalagay lamang na totoo.
“Hindi ito katunayan kundi pagsusuri o judgement ng katunayan”
(Constantino & Zafra, 2000.p.143)
- Ang “palagay”ay katutubong salita sa Filipino ng opinyon. Sa UP
Diksyonaryong Filipino, ang palagay ay nangangahulugang “pansariling
pananaw” o paniniwala hinggil sa isang bagay na maaaring nakabatay sa
katunayan o kaalaman.”

PANGANGATUWIRAN
Sa kabilang banda, kaiba naman ang pagpapahayag ng
pangangatwiran sa opinyon at palagay dahil ang una’y
nagpapahayag na kasabay ang pagbibigay ng sapat na katibayan o
patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap-tanggap
o kapani-paniwala. Layunin nito’y hikayatin ang mga tagapakinig
na tanggapin ang kawastuhan ng kanilang pananalig o paniniwala
sa pamamagitan ng makatuwirang pagpapahayag.
Ang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan
ng mga katwiran o rason (Arogante)

PANGANGATUWIRAN
Ang pangangatwiran ay maaaring tawaging pagmamatuwid o
argumentasyon. Ito ay isang anyo ng pagpapahayag ng kaisipan
na naglalayong makahikayat o mapaniwala ang nakikinig o
bumabasa. Ito’y nagagawa sa pamamagitan ng pananalita o
pagsulat ng mga matuwid o katwiran upang mapaniwala o
mapakilos ang iba ayon sa kagustuhan ng nagmamatuwid o
nangangatwiran. Ginagamit dito ang sistematiko at pa-baitang na
katwiran upang patunayan ang isang bagay. Ang ganitong
pamamaraan ay sadyang isinaayos nang mabigyang gabay ang
mga mambabasa sa pagsuri

PANGANGATUWIRAN
Sa pagsuri ng mga katibayan at magkaroon ng kongklusyon tulad
sa sumulat. Ang pangangatwiran ay hindi ginagawa dahil lamang
sa pagnanais na mangatwiran. Dapat tayo’y may sapat na batayan
sa mga bagay na ating ipagmamatuwid, nakahanda sa pagtanggap
ng katotohanan, at maging magalang at mapagpahalaga sa kuro-
kuro ng iba. Kailangan din sa isang mabuting pangangatwiran ang
sapat na kaalaman sa paksa, mga kaugnay lamang ng paksa ang
laman ng katwiran, at di-dapat lubhang malawak ang paksa.

PANGANGATUWIRAN
Ang pangangatwiran ay nakatuon sa kahinaan ng
pandama ng tao. Ang mga matuwid ay maaaring
nakatutuwa, nakaiiyak, nakapagpupuyos ng galit,
humihingi ng awa, at iba pa. Dahil dito, nabibigyang
pansin ang damdamin na siyang umiimpluwensiya
sa paniniwala at nagpapakilos sa nakikinig o
bumabasa.

PANGANGATUWIRAN
1. Upang mabigyang-linaw ang isang mahalagang usapin o
isyu
2. Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang
propaganda laban sa kaniya.
3. Makapagbahagi ng kaniyang kaalaman sa ibang tao.
4. Makapagpahayag ng kaniyang saloobin.
5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kaniyang kapwa.

Dahilan ng Pangangatwiran
PAGHATOL AT PANGANGATUWIRAN
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Sumulat ng talata tungkol sa mga katanungan
sa ibaba. Isulat ang mga talata sa inyong kwaderno.

1. Tama ba o mali ang isinagawang muling pagpapatupad ng paghihigpit at


kwarantina sa bansa tungkol sa isyu ng COVID-19?

2. Sa iyong palagay, anong mga aspeto ng kwarantina ang dapat nang


luwagan?

3. Sa iyong pagsusuri, anong mga aspeto ng kwarantina ang dapat pang


higpitan?

4. Bilang isang mag-aaral, anu-ano ang iyong maitutulong upang labanan ang
COVID-19?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:

Kumuha o gumupit ng isang balitang nakasulat sa wikang


Filipino. Idikit sa iyong kwaderno. Tingnan ang isyu o paksang
pinag-uusapan. Pagkatapos ay sumulat ng isang sanaysay na
nakasentro sa pag-unawa sa isyu. Ibigay ang iyong paghatol
sa isyung nabanggit kung ikaw ay sumasang-ayon o hindi.
Isulat din ang gagawing pagtutuwid sa mga mali o masamang
aspetong nakapaloob sa isyu.
A FATHER’S
MISTAKE

You might also like