You are on page 1of 2

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

Petsa/Oras: Enero 31, 2020 - 11:00 – 12:00 Baitang: 10 - Pres. Aquino


1:00 – 2:00 Pres. Estrada
2:00 – 3:00 Pres. Ramos

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa nobelang El Filibusterismo bilang isang
obra maestrang pampanitikan.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang
photo/video documentary na magmumungkahi ng solusyon
sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuyan.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto F10PS-IV-d-e-87: Naipahahayag ang sariling paniniwala at
pagpapahalaga tungkol sa mga kaisipang namamayani sa
akda.
F10WG-IV-d-e-80: Naipahahayag ang sariling paniniwala at
pagpapahalaga gamit ang angkop na mga salitang hudyat sa
pagpapahayag ng saloobin/damdamin.
D. Mga Layunin  Nakikilala ang mahahalagang pangyayaring sa kabanata.
 Napapaunlad ang kasanayang makabuo ng iba pang mga
salitang hango sa punong salita.
 Nakapaglalahad ng mga detalye ng aralin sa
pamamagitan ng Story Pyramid.
 Nakabubuo ng mga ugnayan ng mga ideya at kaisipan sa
pamamagitan ng mga konsepto ukol sa paghihimagsik
(sanhi at bunga).
 Napahahalagahan ang pagiging mapagpatawad sa kabila
ng damdaming mapanghimagsik.
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa Kabanata 7: Si Simoun
B. Sanggunian Obra Maestra IV pp. 71-85
Gimena, Glady E. atbp. Pinaikling Bersyon ng El
Filibusterismo. pp. 25-29
C. Kagamitang Pampagtuturo Kagamitang biswal, tv, sipi ng akda, pisara, at yeso
III. PAMAMARAAN
A. Pang-araw-araw na Gawain  Panalangin
 Pagbati
 Pagsasaayos ng klase
 Pagtatala ng liban
 Pagbabalik-aral
B. Pagganyak Mas Marami, Mas Masaya: Bawat pangkat ay bubuo ng mga
maiikling salita mula sa pinakapunong salita sa pamamagitan
ng paghahabi. Ang pinakapunong salita ay “paghihimagsik”.
C. Pagtalakay Ipanonood ang buod ng Kabanata 7: Simoun.
Papangkatin ang klase. Ang bawat pangkat ay bubuo ng story
pyramid na nagpapakita ng mga detalye ng aralin.
D. Paglalapat Pangkatang Gawain: Sa tulong ng Fish Bone Technique
ilalahad ng pangkat ang mga sanhi at bunga ng
paghihimagsik.
Ang mga pangkatang gawain ay mamarkahan base sa
sumusunod na pamantayan.
Kaugnayan sa Paksa 15pts
Pagkakaisa ng Pangkat 10pts
Kabuoan 25pts
E. Paglalahat Ipabubuod ang kabanata sa mga mag-aaral.
F. Pagpapahalaga Kung ikaw si Simoun, pipiliin mom ang maghimagsik din sa
mga taong nagkasala sa iyo?
G. Pagtataya Panuto: Tukuyin kung ang mga nakalahad na pangyayari ay
tama o mali. Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay
tama at MALI naman kung ito hindi.
1. Si Isagani, na kasintahan ni Juli, ang nakakita kay Simoun
sa gubat.
2. Labaintatlong taon na ang nakalipas mula nang ilibing nila
ang labi ng ina ni Basilio sa lugar na iyon.
3. Dinukot ni Simoun ang kaniyang rebolber at ititutok kay
Basilio.
4. Hinihikayat ni Simoung maghimagsik din si Basilio sa
pamahalaan.
5. Umalis si Basilio dahil sa takot nang nakita niyang
naghuhukay si Simoun sa gubat.
H. Karagdagang Gawain para sa Takdang- Sa kalahating bahagi ng papel, ipaliwanag ang sumusunod na
Aralin o Remediation pahayag. “Walang mang-aalipin kung walang
magpapaalipin.”
Nilalaman 20pts
Mekaniks 15pts
Kaisahan at Kaugnayan 15pts
Kabuoan 50pts
IV. MGA TALA Bagong Aralin

V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng
iba pang gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga istratehiya ng pagtuturo ang
nakatulong nang lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
nasolusyonan sa tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho
na nais kong ibahagi sa kapwa ko guro?

Inihanda ni: Binigyang-pansin:

JACKELYN JOY B. LABARENTO VICTOR D. GARDOCE, Ph. D.


SST – I Punongguro – II

You might also like