You are on page 1of 10

BANGHAY ARALIN

FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN
S.Y. 2019-2020

I. Layunin:
A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag – aaral ang pag – unawa at pagpapahalaga sa
Nobelang El Filibusterismo bilang isang obra maestrang
pampanitikan.
B. Pamantayang Pagganap:
Ang mga mag – aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang photo /
video documentary na nagmumungkahi ng solusyon sa isang
suluraning panlipunan sa kasalukuyan.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:
a. Natutukoy ang mga katangian nina Simoun at Basilio.
b. Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng
pag – uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan.(F10PB-IVh-
i-92)
c. Naihahambing si Simoun kay Crisostomo Ibarra sa Noli Me
Tangere.

II. Nilalaman/Paksa Si Simoun (Kabanata 7)


A. Sanggunian
1. Kagamitang Pangkurikulum pp.185
2. Kagamitan ng Mag-aaral pp 48-51
3. Karagdagang kagamitan mula Obra Maestrang El Filibusterismo nina
sa portal Learning Resources Amelia V. Bucu at Marga B. Carreon

B. Iba pang kagamitang panturo Powerpoint Presentation

III. Pamamaraan

A. Balik –Aral
Magandang umaga klas?
Magandang umaga din po ma’am!
Bago natin simulan ang ating talakayan, ano
ang pamagat sa tinalakay natin kahapon?
Ma’am, ang pamagat sa tinalakay natin
kahapon ay pinamagatang “Si Basilio”.
Tama! Saan patungkol ang kabanata 6?
Ito po ay tungkol sa pag – aalala ni Basilio sa
kanyang mga karanasan.
Mahusay! Magbigay ng karanasan ni Basilio.
Pumunta si Basilio sa Maynila upang
mamasukan at makapag – aral.
Tama! Ano pa?
Nag-aral siya sa San Juan de Letran at lumipat
sa Ateneo Municipal.
Magaling!

B. Pagganyak: Paghahabi ng Layunin ng


Aralin

Ngayon magkakaroon tayo ng isang laro. Ang


larong ito ay tatawagin nating “Mensahe ko,
Ipasa mo”. Kailangan ko ng tatlong pangkat.
Magbilang isa hanggang tatlo.
(magbibilang ang mga mag-aaral)
Magsama – sama na ang mga magkakagrupo
at pumili kayo ng limang representante bawat
pangkat at gumawa kayo ng isang linya.
Pakibasa Mitzi. Lahat ng nasa unahan ay pumunta sa harapan at
pumili sa mga papel. Isasaulo ninyo ang mga
katagang nakasulat ditto at pagkatapos ay ipasa
ito sa mga kasama ninyo hanggang sa makaabot
ito sa dulo. Ang pangkat na pinakamabilis ang
Maliwanag ba klas? siyang panalo.

Kung ganoon, umpisahan na. Opo ma’am!

Pangkat 1:
“Tumutukoy ito sa mga tao upang maisagawa
ang mga bagay na gusto nilang gawin”
-Halliday (1973)
Pangkat 2:
“Ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang
nagtuturo ay naririnig”
- Haring Psammatikos

Pangkat 3:

Ang wika ay kultura. Isa itong konektibong


kaban ng karanasan ng mga tao at kasaysayan
ng wika.
Ang pangkat na panalo ay ang pangkat 3.
Bigyan ng limang bagsak.

C. Pag – uugnay ng mga halimbawa sa bagong


aralin

Ang paksa natin ngayong umaga ay wika na


matatagpuan sa kabanata 7 “Si Simoun”. Ano
kaya ang kaugnayan ng wika kay Simoun?
Sasagutin natin yan mamaya. Pero bago yan
ay bibigyan muna natin ng kahulugan ang
mga salitang makakasagabal sa ating
talakayan.
Basahin ang panuto. Panuto:

Lagyan ng “smiley” ang kasingkahulugan na


nasa loob ng kahon at gamitin ito sa sariling
pangungusap.

1. Napagtanto

nalaman inisip naalala

Sagot:
Napagtanto-Nalaman
Tama, gamitin ito sa pangungusap.
Napagtanto ko na mali pala ang ginawa ko sa
kanya.
Mahusay! Ikalawang bilang.
2. Paninindigan

talino paniniwala galing

talino paniniwala galing


Sagot:
Paninindigan – Paniniwalagaling
talino paniniwala
Tama, gamitin ito sa pangungusap.

Walang makakatinag sa aking paninindigan.


Mahusay, ikatlong bilang.
3. Pananaw

mungkahi panukala opinyon

Sagot:
Pananaw – Opinion
Tama, gamitin ito sa pangungusap.
Ano man ang aking pananaw ay kanilang
tinutulan.
Magaling,ikaapat na bilang.
4. Sinanla

sang-ayon sinalungat pumanig

Sagot:
Sinanla- Sinalungat
Tama, gamitin ito sa pangungusap.
Sinansala ko ang kanyang opinyon dahil hindi
naman ito makatarungan.
Mahusay, ikalimang bilang.
5. Ibunyag

Isiwalat ipagkalat ipagsabi

Sagot:
Ibunyag – Isiwalat
Tama, gamitin ito sa pangungusap.
Ibunyag niya man ang aking sekreto ngunit huli
na.
Magaling! Batid kong naitanim na sa inyong
isipan ang mga salitang makakasagabal sa
ating talakayan.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at


pagtalakay ng bagong kasanayan #1

Ngayon, atin ng panoorin ang kabanata 7 ng


El Filibusterismo “Si Simoun.”
Ano nga ba ang dapat tandaan kapag tayo ay
nanonood? Paki paalala nga sa klase Joshua!
Huwag maingay, huwag makipag – usap sa
katabi at magtala ng mahahalagang datos.
Ang lahat ba ng ‘yan ay maaasahan ko sa inyo
klas?
Opo ma’am!
Bago ang panonood narito muna ang mga
gabay na tanong. Pakibasa Venice.
Mga Gabay na Tanong:
1. Bakit nagulat si Basilio? Sino ba ang
kanyang nakita?
2. Ano ang dahilan ni Simoun at hindi
niya itinuloy ang pagbaril kay Basilio?
3. Kung ikaw si Simoun, ipagkakatiwala
mo ba kay Basilio ang isang maselang
lihim na sariling buhay at layunin ang
nakataya? Bakit?
4. Kaninong paninindigan ang higit mong
pinaniniwalan?
5. Bakit isang kamalian ang gamitin ang
wikang kastila para kay Simoun?

Handa na ba kayo klas?


Opo ma’am!

Kung gayon manahimik na atin nang


panoorin.

(Ipapanood ang video)


E. Pagtalakay ng bagong konsepto at
pagtalakay ng bagong kasanayan #2

Para lubos ninyong maintindihan ay


magkakaroon tayo ng isa pang gawain.
Pakibasa ang panuto. Panuto:
Pagpasapasahan ang isang kahon na
naglalaman ng mga tanong habang tumutugtog
ang isang kanta. Kapag huminto na ang kanta,
ang nakahawak nito ay bubunot ng tanong sa
loob ng kahon at kaniya itong sasagutin.
Maliwanag ba klas?
Opo ma’am!
Simulan na natin.

Bakit nagulat si Basilio? Sino ba ang kanyang


nakita? Nagulat po si Basilio dahil nalaman niya na si
Simoun at Ibarra ay iisa na inakala niyang
patay.
Ano ang dahilan ni Simoun at hindi niya
itinuloy ang pagbaril kay Basilio?
Hindi niya po binaril si Basilio dahil batid niya
na pareho silang may dapat singilin sa lipunan.
Kung ikaw si Simoun, ipagkakatiwala mo ba
kay Basilio ang isang maselang lihim na
sariling buhay at layunin ang nakataya?
Bakit? Opo, dahil batid ko na hindi ako ipapahamak ni
Basilio dahil mayroon siyang malaking utang
na loob sa akin at isa pa pareho kaming may
dapat singilin sa lipunan.
Kaninong paninindigan ang higit mong
pinaniniwalan?
Ang paninindigan ni Simoun po, dahil totoo na
ang pagtayo ng akademyang Kastila ay
magbibigay lamang ng pagkalito at hindi
pagkakaunawaan sa mga Pilipino.
Bakit isang kamalian ang gamitin ang wikang
Kastila para kay Simoun?
Dahil ang wikang ito ay hindi
makapagpapahayag kailanman ng kanilang
iniisip at saloobin.

Tama, ayon pa kay Simoun,ang bawat tao ay


may sariling paraan ng pagsasalita na tulad ng
pagkakaroon ng sariling damdamin.
Naintindihan klas?
Opo ma’am.
F. Paglinang ng kabihasaan tungo sa
Formative Assessment

Ngayon klas, maglabas ng isang kapat na


papel para sa maikling pagsusulit. Basahin
ang panuto. Panuto:
Basahin at unawain. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
1. Nagpanggap si Simoun sa loob ng mahabang
panahon upang maisagawa ang kangyang mga
plano. Anong katangian ang nangingibabaw
kay Simoun?
a. Pagmamahal sa bayan
b. Pagmamahal sa sarili
c. Pagtitiis
2. Lumantad si Basilio para tulungan si
Simoun. Anong katangian ang ipinapakita ni
Basilio?
a. Pagtanaw ng utang na loob
b. Matulungin
c. Panunumbat
3. Ang wikang Filipino ay dapat payabungin at
pagyamanin. Alin sa mga sumusunod na
kasabihan ang nagpapakita sa pagmamahal sa
wika?
a. “Ang wika ay isang masistemang balangkas
na sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos
sa paraang arbitraryo at gamit ng tao na
kabilang sa isang kultura”.
-Henry Gleason
b. “Ang wika ay tumutulong sa mga tao upang
maisagawa ang mga bagay na gusto nilang
gawin”.
-Halliday (1973)
c. “ Ang hindi magmahal sa sariling wika ay
higit na mabaho kaysa malansang isda”. –Jose
Rizal
4. Ihambing sa pisikal na aspeto si Simoun kay
Ibarra. Si Simoun ay__?
a. Matanda
b. Matipuno
c. Payatot
5. Ibarra: Walang lihim; Simoun:__________.
a. Mangangalahas
b. Pagbabalatkayo
c. Paghihiganti
Tapos na ba klas?
Opo ma’am!
Atin ng iwasto.
1. C 4. A
2. B 5. B
3. A
Ibalik ang papel sa may-ari.
Sinu-sino ang nakakuha ng may pinakamataas
na iskor?
(ang lahat ay magtataas ng kamay)
Mahusay! Batid ko ay naintindihan ninyong
mabuti ang ating aralin. Ipasa na paharap ang
papel.

G. Paglalapat ng aralin sa pang – araw-araw


na buhay

Sa kabuuan klas,gaano kahalaga ang wikang


Filipino? Paano mo ito ipinapakita?
Ma’am para sa akin napakahalaga ng wikang
Filipino sapagkat ito ang nagsisilbing tulay sa
tatlong malalaking pulo sa Pilipinas.
Ipinapakita ko ang aking pagpapahalaga sa
pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat sa
Filipino para malinang pa ang aking kaalaman
sa naturang wika.
Mahusay na sagot!

Sa kasalukuyan ba ay makikita pa rin ang


pagnanais ng mga kabataang Pilipino sa mga
wikang dayuhan? Magbigay ng patunay sa
iyong sagot.
Opo ma’am. Marami sa mga kabataan ang
nahuhumaling sa mga wikang dayuhan dahil na
rin sa pag – usbong ng mga makabagong
teknolohiya na naging instrumento nila.
Tama! Hindi talaga natin yan maiiwasan lalo’t
tayo ay nasa ika- 21 siglo na. pero huwag sana
natin kalimutan o iwaksi ang ating sariling
wika dahil isa ito sa mga patunay na tayo ay
mga Pilipino.

Naintindihan?
Opo ma’am!

H. Paglalahat ng Aralin

Ngayon klas, bakit pinamagatang “Si


Simoun” ang kabanata 7?
Ma’am, pinamagatang ‘Si Simoun” ang
kabanata 7 dahil ito ay tungkol sa pagkabunyag
sa lihim ni Simoun.
Tama! Ano naman ang aral na inyong napulot
sa kabanata 7?
Mahalin ang katutubong wika dahil ito ay isang
biyaya mula sa panginoon.
Tama, dapat mahalin at tangkilikin ang
sariling atin.

I. Pagtataya ng Aralin

Para lubos ninyong maintindihan ay


magkakaroon tayo ng pangkatang gawain.
Parehong pangkat ang ating gagamitin.
Pakibasa.
Ang magbibigay ng puntos sa unang pangkat ay
ang pangkat dalawa, ang magbibigay ng puntos
sa ikalawang pangkat ay pangkat tatlo at ang
magbibigay puntos sa ikatlong pangkat ay ang
pangkat isa.
Mga lider pumunta sa harapan, kunin ninyo
ang inyon gawain. Pero bago niyo yan gawin,
ito ang pamantayan sa pagbibigay ng puntos.
Pakibasa.
Pamantayan sa Pagbibigay Puntos

4 3 2 1
15 12 10 8
Kriterya
puntos puntos puntos puntos
Nilalaman
Pag-uulat
Kalinisan
Pagkakaisa
Impresiyon
ng madla
kabuuan
Bibigyan ko lamang kayo ng tatlong minuto
para gawin iyan, kaya simulan niyo na.
Pangkatang Gawain:

Pangkat 1:

Ibigay ang mga katangian nina Simoun at


Basilio sa pamamagitan ng venn diagram.

Pagka-
Simoun katu- Basilio
lad
Pangkat 2:
Sinasabing si Simoun at Ibarra ay iisa.
Ihambing si Simoun kay Ibarra sa Noli Me
Tangere.

Simoun Ibarra

Pangkat 3:

Bilang isang Pilipino, paano ka


naapektuhan ng pagmamahal at pagtatanggol ni
Simoun sa Wikang Katutubo?

Tapos na lahat?
Opo ma’am!
Pakinggan na natin ang mga tagapag-ulat.
Magsimula tayo sa pangkat 1.
(mag-uulat ang mga mag-aaral)
Mahusay! Bigyan natin sila ng limang bagsak.

Pakinggan naman natin ang ikalawang


pangkat. (mag-uulat ang mga mag-aaral)

Magaling! Gawaran naman natin sila ng


limang bagsak.

Pakinggan naman natin ang ikatlong pangkat.


(mag-uulat ang mga mag-aaral)
Mahusay! Gawaran natin sila ng limang
bagsak.

Klas, akoy natutuwa sapagkat naunawaan


ninyo ng mabuti ang ating aralin ngayong
araw.

Wala ng mga tanong? Paglilinaw?


Wala na po
Kung ganoon, Paalam klas!
Paalam din po ma’am!
ALICIA NATIONAL HIGH SCHOOL
PADDAD, ALICIA, ISABELA

PLANONG PAMPAGKATUTO
SA FILIPINO 10

EL FILIBUSTERISMO
Kabanata7: Si Simoun

Inihanda ni:
JONALYN G. SORIANO
Gurong Nagsasanay

Ipinasa kay:
Gng. OFELLA LALAINE C. CASTRO
Gurong Tagapagsanay

You might also like