You are on page 1of 6

Kabanata 1

INTRODUKSIYON

Kaligiran ng Pag-aaral

Sinasabing ang wika ay instrumento ng paglikha ng makabuluhan at malikhaing

pag-iisip, dapat itong mahawakan ng buong husay at maangkin ng ganap. Sa pagsilang ng

mga bata sa mundong ito, kakambal na niya ang pisikal at mental na potensyal na wika.

Ang kanyang wika ay ipakikilala ng kanyang pangangatwiran. Ito ay buhay na itinatala o

ginagawa. Isa itong sistema ng mga kahulugan at ng mga palatandaan. Dahil sa wika

natutuhan ng mga batang kilalanin ang mga bagay-bagay at ang mga kaisipan sa kanilang

paligid.

Ang isang guro ay laging nag-iisip ng mga paraang inaakala niyang mabisa at

makatutulong sa pagbibigay ng higit na kaalaman sa kanyang pagtuturo at pagkatuto ng

mga mag-aaral. Kung ang wika ay sadyang mahalaga sa buhay, nararapat lamang na

malaman ng mga guro ang tungkol sa mga katotohanang sitwasyon sa kanyang mga ituturo,

ang mga suliranin ay nagiging makahulugan at napapaloob sa karanasan ng mga bata ay

makakatulong nang malaki sa kanilang pagpapaunlad sa wika. Ito ang bagay na kailangang

pagtuunan ng pansin ng mga guro bilang batayan sa pagtuturo niya ng kanyang mga mag-

aaral para sa epektibong proseso ng pagkatututo nila lalo na ang wika bilang gamit sa

dalawang proseso.

Sa kasalukuyan, hindi na maiiwasan ang paglaganap ng mga iba’t ibang termino sa

isang wika o ng inatawag na modernisasyon lalo na ang wikang panlahat bilang wikang

pambansa, ang Wikang Filipino. Ito ang dahilan kung bakit marami sa mga mag-aaral ang

1
may epekto sa kanilang pagkatuto sa wikang banyaga na kanilang kinalakihan na

tumutugon sa programang ipinatupad ng kagawaran ng Edukasyon na tinatawag na

Mother-Tongue Based-Multilingual education (MTB-MLE) kung saan ginagamit ang

unang lengguwahe o wikang katutubo ng kanilang mag-aaral bilang midyum na

instruksiyon sa lagtuturo sa lahat ng asignatura simula Kindergarten hanggang Baitang 3

kasama ang wikang Filipino at Ingles bilang hiwalay na asignatura (Kagawaran ng

Edukasyon, 2009). Magkaganito pa man, Malaki parin ang hatak ng wikang panlahat, ang

Wikang Filipino lalo na ang modernisasyon nito sa pag-aaral ng mga bata o mag-aaral dala

ng modernong teknolohiya bilang kagamitan sa pagtuturo, daluyan ng komunikasyon at

bilang libangan ng mga tao sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Ito ang bagay na pati sa kaliit-liitang bahagi ng ating bansa na ang wikang gamit ay

nahahatak na rin ng pangkalahatang wikang panlahat, gaya ng Wikang Igorot. Batay sa

pahapyaw na kasaysayan ng Wikang Igorot, ito ay likha ng mga hapon bilang tawag sa

mga tribong hindi nila nakolonisa sa Luzon. Golot (mountain chain) ang pinagmulan ng

salita at dinagdagan ng unlaping i- (nakatira sa). Sa unang opisyal na ulat ng sénsus noong

dumating ang mga Amerikano, isinulat ni D.R. Barrows na kinupkop na niya ang

pangalang Igorot upang itawag sa kabuuan ng mga tribong Malay sa Hilagang Luzon na

may pare-parehas na pisikal na katangian, malapit ang mga lenggwahe at may parehong

grado ng kultura. May buong rekord sa antropolohiya na nagsasabing sa nakararaming

lenggwahe sa Hilagang Luzon, ang ibig sabihin ng ‘Igorot’ ay ‘taong bundok’ at

pansamantalang ipinangalan ito sa grupo ng pirimitibong mga tao ng Hilagang Luzon dahil

ito ay sumasaklaw sa malaking bilang ng mga taong bundok. Ito rin ang ginagamit ng mga

Igorot upang tawagin ang kanilang sarili at may mga etnolohikal na kasulatan tungkol dito.

2
Nagpapatunay lamang ito na ang mga Igorot ay mayaman sa kultura at wika mula sa

kanilang lahi na kailangang bigyang pansin sa kasalukuyan para sa pagpapaunlad ng

kanilang pagkakakilanlan na kailang ipreserba sa kasalukuyan nang hindi tabunan ng

modernisasyon ng wikang alam ng karamihan.

Sa iba pang usapin, ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na pinamumunuan

ng National Artist na si Ginoong Virgilio S. Almario ay gumawa ng hakbang upang

baguhin ang ortograpiya ng lahat ng wika sa bansa alinsunod sa patakarang Tagalog

(Filipino) ang pagbaybay, pagbigkas, pagsulat na orihinal ng mga salitang Ilocano, Ibaloi,

Igorot, Kalinga, atbp na salita sa Cordillera ay mababago alinsunod sa Wikang Tagalog.

Ibig sabihin nito, masisira imbes na mapepreserba ang mga iba’t ibang wika na mayroon

tayo lalo na ang mga katutubo.

Upang maiwasan ang tuluyang pagkamatay ng wika, iginiit ni Quintayo (2009) ang

kahalagahan hindi lang ang paggamit ng wikang katutubo bilang paraan ng komunikasyon,

ngunit pati rin ng patuloy na pananaliksik at pagdodokumento ng mga wikang ito.

Iminumungkahi rin niyang ituro ang wikang katutubo bilang mother tongue sa mababang

paaralan, at gawin itong asignatura o elective sa kolehiyo. Ang wika ng mga katutubo ay

pagkakilanlan o identity. Ang mga wikang katutubo rin ay yaman ng ating kultura at

kaluluwa ng mga katutubong Pilipino at ng lahing Pilipino. Ang paglaho ng mga wikang

katutubo ay pagkawala ng isang malaking bahagi ng kultura.

Sa kabuuan, nagpapatunay lamang na ang mga wikang katutubo ay kailangan

ipreserba sa lalong madaling panahon lalo na sa kalagayang bumabalot sa modernisasyon

ng iba’t ibang wika dala ng wikang katutubo, ang Wikang Filipino. Sa ganitong mga isyu,

bagay na kailangan alamin ng mga tagapangalaga ng mga wika sa bansa para sa patuloy na

3
pag-aahon at pagpreserba ng mga katutubong wika. Ito rin ang bagay na nag – udyok sa

mga mananaliksik upang alamin ang bagong isyu o sitwasyon ng Wikang Igorot dala ng

wikang modernisado lalo na sa ating Wikang Pambansa, ang Wikang Filipino.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang alamin ang kasalukuyang

sitwasyon ng Wikang Igorot sa pag-aaral o pagkatuto. Tiyak na layunin ng pag-aaral na ito

na tugunn ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ano ang mga wikang ginagamit ng mga Igorot sa mga sumusunod:

a. Bahay

b. Paaralan

c. Komunidad/ Bayan

d. Labas ng Bayan

2. Ano ano ang sitwasyon ng Wikang Igorot sa pag-aaral o pagkatuto ng mga

respondente kasabay ng modernisasyon ng Wikang Filipino sa mga sumusunod:

a. Wikang Gamit sa Bahay

b. Wikang Panturo sa Paaralan

c. Wikang Gamit sa Komunidad

d. Wikang Gamit sa Labas ng Bayan

3. Ano ano ang epekto ng modernisasyon ng Wikang Filipino sa pag-aaral o pagkatuto

ng mga mamamayan sa Wikang Igorot sa kasalukuyan?

4
Kahalagahan ng Pag-aaral

Magiging kapaki-pakinabang at tiyak na makatutulong sa mga sumusunod ang

kinalabasan ng pag-aaral na ito.

(Note:Ilagay ang kahalagahan ng inyong pag-aaral sa bahaging ito)

a. Sa mga lahing Igorot.

b. Sa Komunidad.

c. Sa Tagapangalaga ng Wika.

d. Sa Kabataang Igorot.

Saklaw na Pag-aaral

Nakatuon sa pag-alam ng sitwasyon ng Wikang Igorot sa pagkatuto mula sa

modernisasyon ng Wikang Filipino sa kasalukuyan. Ito ay matutukoy sa mga piling

respondenteng bata o mag-aaral, kabataan guro at matatandang mamamayan sa Bagnos

Alicia Isabela.

Sisimulan ang pananaliksik sa ika-24 ng Setyembre at matatapos hanggang ika

______ bilang pagtukoy sa sitwasyon ng pag-aaral o pagkatuto ng Wikang Igorot.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang maging malinaw at maging madali ang pag-unawa sa pag-aaral na ito

binibigyang kahulugan ang mga sumusunod:

Bagnos, Alicia, Isabela- Dito isasagawa ang pag-alam sa sitwasyon ng Wikang

Igorot bilang midyum sa pagkatuto at modernisasyon ng Wikang Filipino.

5
Pag-aaral ng Wikang Igorot- Ito ang prosesong nalilinang sa isang tao bilang

kasanayan kung saan aalamin ang antas ng sitwasyon sa pagkatuto ng mga piling

mamamayan sa Bagnos, Alicia, Isabela.

Sitwasyon - Ito ang pangunahing aalamin sa gagawing pag-aaral, aalamin ang

sitwasyon ng Wikang Igorot mula sa modernisasyon ng Wikang Filipino.

Wikang Filipino - Ito ang opisyal na ginagamit ng mga Pilipino sa buong bansa.

Aalamin ang epekto nito sa pagkatuto ng Wikang Igorot ng mga mamamayan sa Bagnos

Alicia, Isabela lalo na ang mga modernisadong termino.

Wikang Igorot - Katutubong wikang ginagamit ng mga mamamayan ng Bagnos

Alicia, Isabela. Ito ang pangunahing wikang aalamin ang sitwasyon sa pag-aaral.

You might also like