You are on page 1of 7

GFIL REVIEWER

ARALIN 1
Pagtataguyod ng Wikang Pambansa
 Mahalaga ang papel na ginagampanan ng wikang Filipino sa pagbubuklod ng ating bansa. Ito ay nagsisilbing
kasangkapan sa pagpapaunlad ng lipunan at kasaysayan ng mga Pilipino. Upang higit na maunawaan ito, narito
ang mga mahahalagang konseptong kaugnay sa wikang Filipino.
 Ang wikang Filipino ay saklaw ng pamilyang Austronesian o Malayo-Polynesian na kinabibilangan ng mga
kawikaan sa Timog Silangang Asya gaya ng Indonesia at Malaysia. Ang kasalukuyang Filipino ay bunsod ng
mahabang panahon ng pagbabago nito mula sa pagiging alibata (o baybayin) hanggang sa panawag na Filipino.
1. Alibata, bago pa dumating ang mga kastila, mula sa mga dayuhang Malay
2. Abecedario, panahon ng mga kastila, titik Romano
3. Abakada, panahon ng republika, 1974, 20 letra
4. Alpabeto, 1986, 28 letra
5. Alfabeto, 2001 revisyon ng alfabeto, 28 letra
 Noong 2013 ay inihain ang muling pagbabago ng mga tuntunin sa palabaybayang Filipino at naging ganap ang
pagpapatupad nito taong 2016. Ang ikalawang edisyon ng Manwal sa Masinop na Pagsulat na inilathala ng
Komisyon sa Wikang Filipino ay ipinatupad kaugnay ng layuning pambansa na magkaroon ng kaisahan sa
paggamit ng wikang Filipino lalong- lalo na sa pagsulat. Kaugnay nito, nililiwanag din sa pamamagitan ni Dr.
Virgilio S. Almario, asalukuyang chairman ng KWF ang tungkol sa pagkakaiba- iba ng wikang pambansa,
wikang opisyal at wika ng komunikasyon at panturo.
 Wikang Pambansa
1. Ayon sa Saligang Batas ng 1987 (Artikulo XIV, sek. 6-7) ang wikang Filipino ay ang pambansang wika ng
Pilipinas. Isa rin ito sa mga opisyal na wika ng bansa kasama ang Ingles.
2. ang wikang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo.
 Wikang opisyal
1. wikang opisyal ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
2. “Ang wikang Tagalog ang siyang magiging opisyal na wika ng mga Pilipino.”
3. Pinatutunayan ng Batas Komonwelt Blg. 570 ang pagpapahayag na mula Hulyo 4, 1946 ay Pilipino ang
tawag sa opisyal na wika. Bagamat sa Konstitusyon ng 1987, nakasaad na ang wikang opisyal ay ang
Filipino at Ingles
 Wikang Panturo
1. Kinikilala ang Filipino bilang mabisang wika ng pagtuturo at pagkatuto
2. maaaring gamitin ang kinagisnang wika sa pagtuturo ng mga aralin mula Baitang K-3 kasabay ng
Filipino.
3. Ingles at Filipino sa baitang 4-6.
4. Sa pagpapatuloy ng Baitang 7-10, opisyal na wikang panturo ang Filipino sa mga asignaturang itinuturo
sa Filipino at Ingles sa mga asignaturang itinuturo sa wikang Ingles.
5. Kaugnay ng wikang panturo ay mayroon ding tinatawag na wikang pantulong. Ito ay ang “auxiliary
language” sa Ingles. Ang wikang pantulong ay ang wika maliban sa Filipino na ginagamit sa pagtuturo.
Ito ay ang kinagisnang wika ng mga mag- aaral o ang kanilang “Mother Tongue” na siyang pinahintulutan
ng Konstitusyon ng 1987:
6. Sek. 7, Art. XIV Ang wikang rehiyonal ay ang mga wikang opisyal na pantulong sa mga rehiyon at
magsisilbing wikang pantulong sa pagtuturo .
ARALIN 2
Baryasyon at Rehistro ng Wika
 Dayalek
1. Sa ibang aklat ay dayalekto o sa mas tradisyonal pa, ang tawag dito ay wikain
(Maynila) Ang layo naman!
(Batangas ) Ala, ang layo eh!
(Bataan) Ang layo ah!
 Bilinggwalismo at multilinggwalismo
2. Ang pagiging bilinggwal ng isang tao ay ang simpleng resulta lamang ng pagkakaroon ng dalawang
magulang na magkaiba ang wika. Mula dito ay maaaring mabuo ang panibagong barayting pangwika.
Kapag ang isang tao ay natuto pa at nakagagamit ng isa pa o higit pang wika maliban sa dalawang
magkaibang wika na alam na ay tinatawag namang multilinggwalismo.
 Idyolek
3. pinakaliberal na barayti
4. Umaayon ito sa personal o indibidwal na gamit ng wika.
5. Ito ang tutugon kung bakit may mga taong gumagamit ng SIYA sa mga bagay na hindi naman tao.
Tandaaang sa istriktong gramar, ang SIYA ay isang panghalip panao. Kung gayon, bakit may mga taong
ganito ang gamit?
6. Mare, natikman mo na ba siya? Masarap pala siya! Tikman mo rin siya.
7. Kung gayon, ang idyolek ay umaayon saindibidwalidad o kakanyahan ng gumagamit ng wika.
 Sosyolek
1. baryason ng wika ayon sa lipunang kinabibilangan. Ang mga taong may halos iisang paniniwala, antas
ng edukasyon, pamumuhay o maging hanapbuhay ay madalas na magkakasama sa iisang pangkat.
Natural lamang kung gayon na kanilang pangkat, Umiiral ang iisang wikang lubos na nauunawaan, ngunit
kaiba naman sa mga taong labas sa kanilang pangkat.
 Ano ang Pagkatuto ng Wika (Language Learning)?
2. ayon kay Badayos (2011) ay isang binalak na proseso kung saan pinag- aaralan ang wika sa
pamamagitan ng organisadong paraan at may isang tiyak na sinusunod na programa o silabus, ito ay
inilalahad sa isang sistematiko at pormal na paraan.
3. Ayon kay Singhal (2012) ito ay proseso ng pagkatuto ng isang katutubong (o nakagisnan) wika o ng isa
o iba pang wika.
 Akwisisyon ng wika naman ay nagaganap nang hindi namamalayan at katulad ito halos kung paano natin
natututunan ang unang wika. “Pinupulot’ ng mga bata ang wikang kanyang naririnig na sa palagay niya ay
kailangan sa pakikipag- usap sa mga tao sa kanyang paligid.
 Nangangahulugan na ang mga terminong ‘pagkatuto ng wika’ at ‘Akwisisyon ng wika’ ay magkaiba. Ang
akwisisyon ng wika ay tumutukoy sa pagkatuto ng wika na walang pormal na pag- aaral o nakabatay sa
karanasan samantalang ang pagkatuto ng wika ay tumutukoy sa pormal na pagkatuto ng wika sa isang loob ng
silid- aralan.
ARALIN 3
Rehistro at mga Barayti ng Wika: Mga Pagkakaiba- iba
ARALIN 4
ANG PAGPROSESO NG IMPORMASYON AT PAGBASA
 Kategorya ng Pagproseso ng Impormasyon
1. Pandinig (aural o auditory)- Sa pamamagitan ng pandinig ay natatamo ang mahahalagang
impormasyon. Karaniwan sa mga indibidwal na nakakapagroproseso sa pamamagitan ng pandinig ay
iyong may hilig sa musika o iyong may hilig sa pakikinig ng talakayan o anumang gawaing may
kaugnayan sa paggamit ng tainga o pandinig.
2. Pampaningin (visual)- Ang mga mapa, tsart, dayagram, graphic organizer, mga pattern at mga hugis ay
ilan sa mga pinakamahusay na kagamitan para sa mga indibidwal na may kahusayang biswal. Ang mga
impormasyon ay kanilang napoproseso sa pamamagitan ng mahusay na pagpapakahulugan o
interpretasyon sa mga bagay na kanilang nakikita. Ang hugis, kulay, bilang, bigat at gaan, ayos at ang
pagkakabuo ng mga bagay ay ang basehan ng kanilang pagunawa o pagbuo ng bagong kaalaman.
3. Pagkilos (kinesthetic)- Ang salitang kinesthetic ay may kaugnayan sa salitang Griyego na
nangangahulugang pagkilos. Sa prosesong ito, nagaganap ang pag-unawa sa pamamagitan ng pagkilos o
paggawa ng isang bagay na pisikal. Nakauunawa ang mga indibidwal sa ganitong proseso sa
pamamagitan ng mga demonstrasyon, eksibit, pag-aaral ng kaso, at mga kongkretong aplikasyon. Ang
mga pelikula at video ay nakahanay sa estilo na kinesthetic. Ginagamit ng mga mag-aaral na kinesthetic
ang lahat ng kanilang mga pandama (panlasa, amoy, pandama, paningin, pandinig) upang maging
kapaki-pakinabang ang kanilang pag-aaral.

Pagpili ng Batis (Source) ng Impormasyon

1. Ang impormasyon ay anumang bagong kaalaman na natamo mula sa mga naririnig, nababasa, napapanood o
nararamdaman na napoproseso ayon sa sariling karanasan. Maaari ding ang mga impormasyon ay mga kaisipang
nabubuo sa isipan o representasyon at interpretasyon sa mga bagay sa paligid sanhi ng kaayusan, laki, hugis,
kulay o bilang ng mga ito.
2. Ang impormasyon ay maaaring ukol sa pananaw, kuro-kuro, kontrol, datos, direksyon, kaalaman, kahulugan,
persepsyon at mga representasyon. Ang kasingkahulugan ng salitang impormasyon ay “katotohanan”,
“kaalaman” at mga “datos”.
3. Ang mga datos at kaalaman ay mga konseptong magkaugnay bagamat may tiyak na gamit ang mga ito. Ang
datos ay mga kaalamang kinokolekta, inuunawa at sinusuri upang makabuo ng bagong impormasyon o
kaalaman. Ang kaalaman naman ay mga kaisipang natutuhan bunga ng pagproseso ng impormasyon o mga
kaisipang natamo o natutuhan mula sa maraming karanasan.

Kahulugan ng pagbasa- Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga idea mula sa mga
nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa mga mambabasa. Sa
pamamagitan ng pagbasa ay nahahasa ang iba’t ibang kasanayan ng isang indibidwal. Kapaki-pakinabang ang gawaing
ito sapagkat ito ang huhubog ng kaniyang pagkatao— ang tutugon sa kaniyang pagnanais na makapagtamo ng mas
malawak na kaalaman hinggil sa kaniyang kapaligiran, hinggil sa kaniyang bansa at daigdig na ginagalawan, at sa marami
pang iba na kailangan niyang matutuhan.

Kahalagahan ng pagbabasa- Sa pamamagitan ng pagbasa ay nakatutuklas ng maraming kaalaman at karunungan na


tutugon sa pangangailangang pangkabatiran sa iba’t ibang disiplina tulad ng agham, panitikan, teknolohiya, at iba pa.
Higit sa lahat, napakahalaga ng pagbasa upang hindi mapagiwanan ng nagbabagong panahon na dulot ng rumaragasang
makabagong teknolohiya.

Pananaliksik ng Impormasyon- Ang pananaliksik ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na
humahantong sa pagtamo ng bagong kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit at pag-uugnay ng sariling
karanasan at kaalaman hinggil sa isang paksa. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng
pagpapatunay ng mga panukala (teorya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na
pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon.

Layunin sa pagsasaliksik ng impormasyon- Kahalagahan ng Pagsasaliksik ng Impormasyon Gaano ba kahalaga na matuto


ang bawa’t mag-aaral na manaliksik?

Una, sa pananaliksik ay matututuhan nilang hanapin at alamin ang mga bagong kaalaman o interesanteng mga bagay na
sila mismo ang aalam o gagawa nito. Natututulungan ang sarili upang maging masipag, matiyaga, malikhain at malayang
magdesisyon, kumilos o gumalaw sa paghahanap ng impormasyon.

Pangalawa, sa pananaliksik ay makapagsasanay kung paano matuto nang mag-isa (self learning). Sapagka’t hindi lamang
ang paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pakiramdam ang ginagamit sa pananaliksik. Ginagamit dito pati ang
malalim na pagsusuri at interpretasyon sa bawat impormasyon na makukuha nila.

Pangatlo, ang pananaliksik ay isang kasangkapan para lalong mapahusay ang kakayahan sa pakikipagtalastasan; lalong
mapalawak ang magandang relasyon sa kapwa at lalo pang mapalawig ang kaniyang kaalaman hinggil sa kapaligiran at
lipunang ginagalawan.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsasaliksik ng Impormasyon

1. Maging mapatmatyag sa buong kapaligiran. Itala ang mga detalyeng kailangan.

2. Tukuyin ang nakikinitang magiging suliranin o tinatayang balakid sa paksang nais saliksikin.

3. Ilahad ang posibleng solusyon ng suliraning nais bigyan ng solusyon.

4. Magplano ng isang maayos na pamamaraan para masolusyonan ang nasabing suliranin.

5. Kumilos o gumawa nang naaayon sa plano at pamamaraang nabanggit. Magtala ng mga datos o mahahalagang
impormasyon at suriing mabuti ang bawat detalye ng impormasyon at lapatan ng angkop na gamit pang-estadistika para
sa interpretasyon nito.

6. Sabihin o ilahad ang resulta. Ulitin ang pamamaraan nang maraming beses. Kung kinakailangan, ilahad muli ang
pangkalahatang resulta para masagutan ang mga tanong o matugunan ang mga suliranin o balakid.

7. Ipahayag ang mga bagong impormasyon o epektibong solusyon ng nasabing suliranin para sa mga mambabasa.

8. Laging banggitin ang pinanggalingan ng impormasyon kung ang pagtalakay ng awtor ay gagamitin (sourcing and
citations).
ARALIN 6
KOMUNIKASYONG DI BERBAL
Komunikasyong Di-Berbal

- Ang mga uri ng komunikasyong di-berbal tulad ng paraan ng pag-upo, bilis ng paggalaw ng mga kamay, pagbilog
ng mga mata, pag-iling at maging paggalaw ng bibig, pagtapik at iba pa ay nadsasaad ng iba’t ibang mensahe na
nabibigyang kahulugan ng kausap.
1. Kinesika (Kinesics)- tumutukoy sa komunikasyong di-berbal na may kaugnayan sa paggalaw ng katawan
tulad ng tindig (posture), kumpas (gestures), ekspresyon ng mukha (facial expression) at occulesics na
tumutukoy sa paggamit ng mata (eye contact) sa pagpapahayag ng mensahe.
 Tindig. Isinasaalang-alang dito ang idea kung paano naaapektuhan ang ibang tao sa paraan ng pag-
upo, paglakad, pagtayo, o kaya ay pagkilos ng ulo. Kung paano igalaw ang katawan o tumindig ay
nagkapagpapahayag ng iba’t ibang kahulugan. Ang bilis at bagal ng paggalaw ay mayroon ding
kahulugang inihihiwatig.
 Pagkumpas. Ang pagkumpas ay bahagi na ng pang-araw-araw na pagpapahayag ng kaisipan at
damdamin ng isang tao. Ang pagkaway ay maaaring mangahulugan ng pagsasabi ng “kumusta” o
kaya ay “paalam”. Ang pagturo (point) ay maaari ding mangahulugan ng galit o kaya ay simpleng
pagtukoy lamang ng mga bagay na nagugustuhan. Ang ilan pa sa mga ginagamit na kumpas ay kapag
kinukuyom ang palad bilang kahulugan ng pagpigil ng matinding emosyon at paglalahad ng palad
paharap sa kausap na ang ibig sabihin ay pagpapahinto. Bilang paglalagom, ang (paggamit ng)
kumpas ay may iba-ibang kahulugan sa konteksto ng iba-ibang lahi at bansa.
 Ekspresyon ng mukha. Binanggit nina Hans at Hans (2015) na ang mukha ay isa sa mga bahagi ng
katawan na nakapagpapahayag ng maraming ekspresyon at kahulugan. Ang mukha ay
nakapagpapahiwatig ng kaligayahan at saya, ng kalungkutan, ng galit, ng takot at maging ng
kabiguan.
 Occulesics / Pagtingin. Mabisang gamitin ang mata sa pagpapahayag. Kung paano tumingin sa iba ay
nakapagpapahayag ng maraming kahulugan. Ito ay maaaring makapagpakita ng pagkawili,
pagmamahal o pagsinta, poot at maging pagkagusto. Ang pagtingin ay napakahalaga rin sa
pagpapanatili ng daloy ng usapan at sa kung paano maaaring tumugon ang kausap. Ayon pa rin kina
Hans at Hans (2015), maaari tayong makipag- usap sa pamamagitan ng ating mga mata:

2. Pandama (haptics) Ang pandama, tulad ng paghawak, ay nakapagpapahayag din ng iba’t ibang kahulugan.
Daan-dang taon na itong ginagamit bilang isa sa mga anyo ng komunikasyon. Nagkakaroon ng iba-ibang
kahulugan ang paraan ng paghawak.
 Halimbawa, ang mariing pakikipagkamay at pagtapik sa balikat ay may magkaibang kahulugang
inihahatid. Maaaring may galit, nakikiramay, nagmamahal o nambabastos ang kahulugan ng
paghawak. Samantala, iba-iba ang kahulugan ng paghaplos, pagpisil, pagpindot at paghipo sapagkat
ang diin sa pagsasagawa nito ay naghahatid magkakaibang mensahe ayon sa pandama ng
tumatanggap nito.
3. Proksemika (Proxemics) Tumutukoy ito sa espasyo o agwat na maaaring may kaugnayan sa dalawang taong
nag-uusap. Ang pagiging malapit, malayo o kaya’y malapit na malapit ng mga taong naguusap ay naghahatid
ng iba’t ibang kahulugan ayon sa kung sino ang mga nag-uusap. Karaniwan, ang espasyo ay di-gaanong
napapansin na nakapaghahatid din ng kahulugan.
 Halimbawa, naranasan mo na bang makadama ng pagkairita kapag ang taong kinakausap mo ay
napakalapit sa iyo? Ang espasyo ay nakapaghahatid ng mga kahulugan tulad ng kapalagayan ng
loob, pagkamapusok o pagiging agresibo, pangingibabaw (dominance) at pagmamahal o pagsuyo.
Inilahad nina Hans at Hans (2015) na ang espasyo ay may mga kahulugang taglay tulad ng isinasaad
ng “Proxemics Zones of Personal Space”:
4. Paralengguwahe (Paralanguage) Ang paralengguwahe ay higit na tumatalakay sa kung paano nasabi o kung
ano ang paraan ng pagkasabi ng isang salita kaysa sa kung ano ang kahulugan ng mga nasabi. Halimbawa
nito ay ang bilis o bagal ng pagsasalita, tono, impleksyon ng boses, pagtawa, paghikab, buntong-hininga,
pag-ungol at kahit na ang pananahimik o hindi pag-imik.
 Halimbawa, iba-iba ang naipararating ng simpleng pagngiti sa lakas ng pagtawa. Iba rin ang
kahulugan kapag ang isang tao ay humahalakhak sa karaniwang pagbungisngis. Ang pagngiti,
pagbungisngis, pagtawa at paghalakhak ay iba-ibang ekspresyon na naghahatid ng iba-ibang
mensahe. Isa pang halimbawa ng paralengguwahe ay kapag ang isang tao ay pahinto-hinto o pautal-
utal sa kaniyang pagsasalita na naiiba rin kapag ang karaniwang paghinto (pause) sa pagsasalita ay
ginagamit para maging maayos na maiparating ang mensahe.
5. Bagay (Object language) Malimit itong tawaging material culture. Ito ay tumutukoy sa komunikasyong
nagaganap sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kahulugan sa mga bagay-bagay na nakikita sa paligid (na
tinatawag ding material artifacts). Karaniwan, nauukol ito sa arkitektura tulad ng disenyo ng mga gamit,
damit, mga sasakyan at iba pa. Ang pagkakaayos ang mga kagamitan sa isang bahay o opisina ay nagtataglay
rin ng mensahe na nabibigyang kahulugan ng tumitingin nito. Kaugnay nito, ang pananamit at uri ng
pananamit ay ginagamit din bilang isang paraan ng pagsasaad ng mensahe tulad ng lahi, kalagayan, antas at
uri ng pamumuhay at kalagayang ekonomiko. Kaugnay nito, sa ibang kalagayang kultural, mayroon ding iba
pang mga uri ng di-berbal na komunikasyon tulad ng oras (chronemics, simbolo (iconics), kulay (color) at
bilang o numero (numbers).
 Oras. Binibigyang pansin ang pagkakaiba-iba ng umaga, tanghali, hapon, takipsilim, gabi,
hatingggabi at madaling araw. Sa ibang kultural na kalagayan, ang mga ito ay may kaugnayan sa
trabaho at pagpapahinga ngunit sa iba naman ay walang takdang oras ang pagtatrabaho at
pagpapahinga. Kaugnay nito, maaaring nakaugnay ang kaisipan na ang mga Filipino ay maaaring
pumasok sa trabaho na lampas sa takdang oras ng pagpasok samantalang ang mga Amerikano ay
dapat pumasok sa trabaho ayon sa oras na itinakda. Sa ibang bansa ay may winter, summer, spring
at fall, ngunit sa Filipinas ay tanging tag-ulan at tag-araw lamang ang mayroon tayo.
 Simbolo. Malinaw ang mga mensahe na inihahatid ng mga simbolo. Makikita ang mga ito sa mga
pamilihan, daan, palikuran, sasakyan at iba iba pa. Halimbawa rito ang mga simbolo ng na No-U
Turn, No Smoking, No Parking at Male / Female sa mga palikuran
 Kulay. Maraming kulay at iba-iba ang kahulugan nito. Halimbawa, ang pagsusuot ng puting damit ng
ikakasal na babae ay simbolo ng kabusilakan, ang itim na damit ay simbolo naman ng pagluluksa.
Ang pula ay karaniwang ginagamit sa mga fastfood chain sapagkat ito ay sumisimbolo sa kulay ng
pagkain at bukod pa rito ay nagdadala ito ng mainit na pakiramdam katulad ng apoy. Maliban dito,
noon, ang kulay ay nagpapahiwatig ng oryentasyong pangkasarian. Ang asul ay para sa mga lalaki
samantalang ang pula (o pink) ay para naman sa mga babae. Ngunit sa pangkat ng LGBT community,
ang kulay ng bahaghari ay simbolo naman ng kalayaan nilang maging bahagi ng lipunan na walang
diskriminasyon.
 Bilang. Kultural ang simbolo ng mga pamilang. Halimbawa, binibigyan ng kahulugan ang numerong
13 na masamang pangitain at ang 9 na masuwerteng numero. Ang pagsasabi halimbawa ng 143 o
14344 ay paghahatid ng idea ng pag- ibig, pagsinta o pagtatangi. Sa panahon ng mga Kastila,
itinataon ang pagtatanim ng niyog sa mga petsang may bilog tulad ng 8, 9 o 0 sapagkat
pinaniniwalaan na sa mga petsang ito ay magiging mabunga ang mga niyog.

You might also like