You are on page 1of 14

1st Quarter KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK

Week 2
Aralin: Konseptong Bilingwalismo, Multilingwalismo, Register
ng Wika.

I. Panimulang Nilalaman

I. Layunin:

A. Pamantayang Nilalaman
Nauunawaan ang mga konsepto, element kasaysayan at gamit ng wika sa Lipunang Pilipino.

B. Pamantayang Pagaganap

Nakagagawa ng mga pag-aaral ukol sa ibat-ibang sitwasyong ng paggamit ng Filipino sa

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto

Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sasariling kaalaman , pananaw at mga karanansan.

II. Nilalaman:
KONSEPTONG BILINGWALISMO, MULTILINGWALISMO, REGISTER NG WIKA.
1st Quarter KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
Week 2
Aralin: Konseptong Bilingwalismo, Multilingwalismo, Register
ng Wika

Konsepto ng Aralin

Bilingguwalismo at Multilingguwalismo sa Lipunang Pilipino "Ang hindi magmahal sa sariling

wika ay higit sa hayop at malansang inda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng Inang sa atin ay
nagpala." Dr. Jose P Rizal Pamilyar ang winikang ito ni Dr. Jose Rizal- dalawang linyang hinango
mula sa kanyang tula na may layuning ipabatid sa bawat isa sa atin ang kahalagahan ng sariling
wika bilang simbolo ng pagkakaisa at pagkakakilanlan. Subalit para sa isang bansang binubuo ng
7,107 mga pulo na kagaya ng Pilipinas, tila isang napakalaking hamon ang isyu ng pagkakaroon
sapagkat ang mga Pilipino ay multilingguwal. Napakaraming wikang ginagamit sa iba't ibang
lalawigan sa bansa, tulad ng Tagalog. Kapampangan, Pangasinense, lloko, Bikol, Cebuano,
Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguinadanaoan, Maranao, at Chavacano. Sa kasalukuyan, bagamat
sinasabi nating Filipino ang ating wikang pambansa, masasabi pa ring hindi lahat ay tumatangkilik
dito. Mas pinipili pa rin ng iba na gamitin ang lengguwaheng kinalakhan at kinasanayan. Kung kaya
nga, mas makikitang nangingibabaw sa atin ang rehiyonalismo kaysa sa damdaming nasyonalismo.
wikang pambansa. Isa itong matinding pagsubok Isa pang nakadaragdag na hamon sa ating wikang
Filipino ang malaganap na paggamit ng wikang Ingles. Itinuturing na ng marami ang wikang Ingles
bilang ikalawang wika, kundi man bilang wikang nakalakhan at nakasanayan. Makinig sa usapan
ng mga magulang at maliit pang anak sa panahon ngayon. "Baby," tanong ng ama sa hindi pa
nagsasalitang anak, "Where is Mommy?" at kung anu-ano pang "Where is...?" ang itinatanong nito
na sinasagot naman ng bata sa pamamagitan ng pagturo nito ng daliri.

Tuwang-tuwa ang mga magulang na nakauunawa at nakapagsasalita ang kanilang anak ng

Ingles, kahit pa nga pabaluktot ang Ingles nito. Bakit nga kaya? Ano ang paliwanag sa ganitong
pananaw? Marami ang nagnanais na maging bihasa sa wikang Ingles sapagkat itinuturing na
simbolo ito ng kapangyarihan at ng pagkakaroon ng mataas na estado sa lipunan. Kapag matatas
at magaling mag-Ingles, iniisip ng marami na mayaman, sosyal, at edukado ang kanilang kausap.
Itinuturing ng lipunan na lang status quo ang wikang Ingles sapagkat tila batayan na ito ng yaman
kapangyarihan atestado sa lipunan. Dahil sa ganitong pagpapalagay tila naging pader ang wikang
ito na humahati sa lipunang Pilipino - ang mga nagsasalita ng Ingles para sa mga taga-alta de
sociedad, at ang mga nagsasalita ng Filipino lunang para sa karaniwan at maralitang mamamayan.
Ngunit huwag isiping masama ang malawakang paggamit natin ng wikang Ingles
Bagamat Filipino ang itinuturing na pambansang wika, may probisyon sa ating Saligang
Batas na nagsasabing For purposes of communication and instruction, the official languages
of the Philippines are Filipino and, until otherwise provided by law, English "Samakatuwid,
kinikilala rin naman ng ating Saligang Batas ang kahalagahan ng wikang Ingles sa larangan ng
komunikasyon at globalisasyon Noong 1987, ipinatupad ng DECS (dating pangalan ng DepEd).
ang "1987 Policy on Bilingual Education." Sa pamamagitan ng Department Order No. 52. 5.
1987, nilayong payabungin pa ang paggamit ng wikang Filipino, at linangin ito bilang simbolo
ng nasyonalismo at pagkakailanlan nating mga Pilipino. Kaalinsabay nito ang mungkahing
gamitin kapwa ang mga wikang Filipino at Ingles bilang midyum ng instruksyon o pagtuturo sa
mga paaralan Sa mga pag-aaral na isinagawa ni Krupskaya M. Anonuevo (Anonuevo 2013).
may mga nagsasabing ang Filipino ay tulad ng isang kapamilya, samantalang maituturing
namang isang kaibigan ang Ingles. Sinabi nila ito sapagkat malayang naipahahayag ng
indibidwal ang kanyang saloobin at isipan gamit ang wikang Filipino. Sa kabilang banda,
nagiging epektibo naman ang pakikipagtalastasan, lalo na sa mga eskwelahan at opisina kung
Ingles ang gamit na wika Tinatawag na bilingguwalismo ang malawakang gamit ng wikang
Ingles at Filipino sa pagpapahayag. Isang magandang resulta ng pagiging bilingguwal ang
madaling pag-aangkop ng isang indibiduwal sa kanyang kausap. Nagiging madali at epektibo
ang komunikasyon. Kaya nga lamang nagiging produkto rin nito ang code switching, kung saan
nagpapalit ng ginagamit na wika mula Ingles na nagiging Filipino, o vice versa. Sa isang
lipunang tulad ng sa ating bansa, malaking tulong ang bilingguwalismo upang magkaroon ng
mas epektibong midyum ng komunikasyon. Bukod pa rito, isang paraan marahil ang
bilingguwalismo upang buwagin ang pader sa lipunan sa pagitan ng mga taong maka-Pilipino
at maka-Ingles. Nagsisilbing tulay ang bilingguwalismo upang pag-ugnay-ugnayin ang mga
mamamayang Pilipino at matapang ang nasyonalismo sa tulong ng epektibong komunikasyon.

Sabi ni Nelson Mandela, “Kapag kinausap mo ang iyong kapwa sa wikang

nauunawaan niya, pumapasok sa kanyang kaisipan ang mensahe. Ngunit kapag kinausap
mo siya gamit ang kanyang katutubong wika, tumatagos sa kaibutiran ng kanyang puso ang
iyong sinasabi.” (If you talk to a man in Language he understands, that goes to his head if
you talk to him in his own language, that goes to his heart.
Dayalek
•Taguri sa wikang ginagamit ng mga etnolinggwistikong grupo. (Bisaya-
Cebu, Tagalog-Bulacan, Ilokano-La Union, Kapampangan-Nueva Ecija,
Bikolano-Naga, Pangasinense-Benguet)
•Tinutukoy nito ang pagkakapareho o pagkakaiba ng mga tao sa isang
bansa ayon sa kultura . Maaaring ituring na kasapi ng isang partikular na
grupong etnolinggwistiko ang mga tao kung sila ay kabilang o
nararamdaman nilang kabilang sila sa isang kabuuan .
•Basehan nito ay pagkakaroon ng kapareho sa wika , pinaggalingan , pag-
unlad na pangkasaysayan , mga tradisyon at paniniwala , at iba pang salik
na nagbibigay-hugis sa kulturang taglay ng nasabing grupo .
Idyolek
•Ang katangi-tanging pananalita ng isang tao, kaugnay sa kanyang
pinagmulang dayalektong sinasalita. (puntô o pagbuo ng pangungusap)
•Tinatawag na Idyolek ang kabuuang katangian at kagawian sa pagsasalita
ng isang indibidwal. Ang variant o mga linggwistik na katangian ng isang
idyolek sa isang linguistic-community ay di kasing laganap sa mga variant
na ginagamit ng geographic dialect o ng sosyolek. Dahil gamit lamang ang
mga ito ng indibidwal.
Barayti at Baryasyon ng Wika
•Sa sosyolinggwistika, - ito ay salita para sa pagkakaiba iba ng porma ng
wika.
•Kadalasan ding ginagamit ng mga linggwista ang barayti/baryasyon ng
wika para sa pagkakategorya ng wikang mula sa iisang sanga.
1.Heyograpikal – Pagbabago ng wika sa lugar. (Ilokano sa La Union,
Pangasinan, Ilocos, sa ilang bahagi ng Baguio)
2.Sosyal – Pagbabago ng wika sa kahingian ng sitwasyon at taong
kasangkot. (kaswal sa kapamilya, kaibigan o kakilala at pormal naman sa
pagtitipon, pagpupulong o kasiyahan)
3.Okupasyunal – Pagbabago ng wika sa kahingian ng propesyon o
hanapbuhay. (Literatura, Korte, Simbahan, Medisina)
Rehistro ng Wika
1. Static Register – Bibihirang istilo ng wika dahil piling sitwasyon
lamang ang ginagamitan. (Panunumpa sa Husgado, Mga
Pagsasabatas, Pananalita ng mga Magsisipagtapos, atbp.)
2. Formal Register – Ang wikang ginagamit sa ganitong sitwasyon ay
isahang-daan na daluyan lamang (one-way). Kadalasang impersonal.
(Pagtatalumpati, Homilya, Deklarasyon atbp.)
3. Consultative Register – Wikang may pamantayan. Ang mga
gumagamit ng wikang nasa ganitong sitwasyon ay katanggap-
tanggap para sa magkabilang panig ng struktura ng komunikasyon.
(sa pag-uusap sa pagitan ng doktor at pasyente, guro at mag-aaral,
abogado at kliyente, atbp.)

4. Casual Register – Impormal na wika na kadalasang ginagamit sa

malalapit na kakilala o kaibigan. Ang pagbibiro at paglolokohan o
paggamit ng mga koda / pananagisag ay normal. Ito ay wika ng isang
pangkat, kinakailangang kabilang ka sa grupo upang makakonekta sa
usapan.
5. Intimate Register – Pangpribadong pakikipag-usap. Ito ay limitado
lamang sa mga matatalik na kasama sa bahay o espesyal na tao
sa buhay. (Usapang mag-asawa, magkasintahan, magkapatid,
mag-ina o mag-ama, atbp.)
UGNAYAN NG WIKA AT TAO
Ayon kay Rankin, pitumpung porsyento (70%) ng gising na oras
ng tao ay inuukol niya sa pakikipagtalastasan. Samakatuwid, wika ang
ginagamit ng tao sa maghapon niyang pakikipag-interaksyon sa kanyang
kapwa.
Saan nga ba nagsimula ang wika? Ayon sa Genesis 11:1-9,
noon ay iisa lamang ang wikang ginagamit ng tao. Subalit noong nagtayo
ng lungsodang mga tao na halos abot sa langit ay lubos na nabahala ang
Diyos dahil gusto nilang langpasan ang Diyos. Pinag-iba-iba ng Diyos ang
kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan at upang hindi matuloy
ang kanilang balak. Ang pahayag na ito ay pinaniniwalaan ng mga
relihiyoso subalit ayon sa mga pilosopo at dalubwika, ang wika ay
dinevelop lamang ng tao para makabuo ng iba’t-ibang kaalaman.
Magkasalungat man ang pinaniniwalaan ng mga relihiyoso at
klasikong Griyego, huwag natin kalimutan na Diyos ang lumikha at
nagbigay sa atin ng talino upang makatuklas ng mga bagay na maaari
nating magamit sa araw-araw.
UGNAYAN NG WIKA AT KULTURA
Sinasabing nasasalamn ang kultura ng isang lahi sa wikang
siasalita ng lahing iyon. Ang kultura ang nagdidikta ng mga leksikong
magiging bahagi ng wika ng isang lahi.
Sinabi ni Gleason sa kanyang komprehensivong depinisyon,
ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili
at isinasaayos sa paraang arbitrary upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.
Samakatuwid, hindi pwedeng paghiwalayin ang wika at kultura
dahil habang tinutuklas ng tao ang kanyang wika ay tinutuklas din niya
kung saang kultura siya nabibilang.
UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN

Bawat lipunan ay may kani-kaniyang wika. Halimbawa nito ay

ang Filipino, Ingles, Pranses at iba pa. Sa Pilipinas ay may walong
maituturing na pangunahing wika: Tagalog, Ilokano, Pangasinan,
Pampanggo, Waray, Hiligaynon, Cebuano at Bikol. Dayalek ang tawag
sa wika na nagkakaroon ng pagkkaiba-iba o barayti sa loob ng wika.
Halimbawa na lamang ng mga barayti ng Tagalog. Meron tayong
Tagalog-Nueva Ecija, Tagalog-Bulacan at iba pa. Ang Idyolek naman ay
masasabing isang finger prints ng isang tao dahil tanging kanya lamang.
Dito makikita ang istilo ng isang individwal sa pagsasalita.
Tinatawag na Sosyolek ang wikang nakabatay sa pagkakaiba
ng katayuan o istatus ng isang ginagamit ng wika sa lipunang
ginagalawan. Kabilang naman sa mga Slang words ang haleer, yuck,
praning, japorms, windang at iba pa. hindi ito lubos na maintindihan ng
mga may edad na kapag ito ay binibigkas ng mga kabataan.
Ang mga bakla ay bumuo rin ng naman ng kanilang sariling
salita na tinatawag na Gaylingo o Sward speak. Ito ay nilikha nila para sa
kanilang grupo. Bawat propesyon o okupasyon ay may sariling wika rin
na hindi basta mauunawaan ng hindi ganoon ang trabaho. Ito ay
tinatawag na Jargon.
Meron din tayong tinatawag na Rehistro. Ito ay nakabatay sa uri
at paksa ng talakayan, sa mga tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa
okasyon at iba pang salik.

MGA KONSEPTONG PANGKOMUNIKASYON

Komunikasyon/Pakikipagtalastasan
Kahulugan…
•Hinango sa salitang Latin na communis (komon) na ang kahulugan ay
pagkakatulad, ibig sabihin, posible ang pag-iral ng komunikasyon
kung may katula na paraan ng pakikipagtalastasan dito.
•Mula naman sa Communication as a Field of Study, ito ay isang
sistematikong proseso, ibig sabihin, tuluy-tuloy itong nagaganap at
nagbabago, may mga hakbang upang maganap ito.
•Mula naman sa Getting Started-An Approach to Communication
Skills, ito ay paggamit ng mga salita at kilos na kung saan
nagkakaroon ng ugnayan gamit ang salita at kilos.
•Ito ay pakikipag-ugnaya sa pamamagitan ng mga simbolo, ayon kay
Wood noong 1994.

3 konteksto:
1) pisikal- kung saan nagaganap ang talastasan;
2)sosyo-sikolohikal- kung anong kalagayan ng taong
kausap/kasangkot;
3)panahon- kung kalian naganap ang usapan/talastasanMga
teorya ng pinagmulan ng wika
DAPAT TANDAAN!
Konsepto ng Aralin

Bilingguwalismo at Multilingguwalismo sa Lipunang Pilipino "Ang hindi magmahal

sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang inda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya
ng Inang sa atin ay nagpala." Dr. Jose P Rizal Pamilyar ang winikang ito ni Dr. Jose Rizal-
dalawang linyang hinango mula sa kanyang tula na may layuning ipabatid sa bawat isa sa
atin ang kahalagahan ng sariling wika bilang simbolo ng pagkakaisa at pagkakakilanlan.
Subalit para sa isang bansang binubuo ng 7,107 mga pulo na kagaya ng Pilipinas, tila
isang napakalaking hamon ang isyu ng pagkakaroon sapagkat ang mga Pilipino ay
multilingguwal. Napakaraming wikang ginagamit sa iba't ibang lalawigan sa bansa, tulad
ng Tagalog. Kapampangan, Pangasinense, lloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray,
Tausug, Maguinadanaoan, Maranao, at Chavacano. Sa kasalukuyan, bagamat sinasabi
nating Filipino ang ating wikang pambansa, masasabi pa ring hindi lahat ay tumatangkilik
dito. Mas pinipili pa rin ng iba na gamitin ang lengguwaheng kinalakhan at kinasanayan.
Kung kaya nga, mas makikitang nangingibabaw sa atin ang rehiyonalismo kaysa sa
damdaming nasyonalismo. wikang pambansa.
Dayalek

•Tinutukoy nito ang pagkakapareho o pagkakaiba ng mga tao sa isang

bansa ayon sa kultura . Maaaring ituring na kasapi ng isang partikular na
grupong etnolinggwistiko ang mga tao kung sila ay kabilang o
nararamdaman nilang kabilang sila sa isang kabuuan .
Idyolek
•Ang katangi-tanging pananalita ng isang tao, kaugnay sa kanyang
pinagmulang dayalektong sinasalita. (puntô o pagbuo ng pangungusap)
•Tinatawag na Idyolek ang kabuuang katangian at kagawian sa pagsasalita
ng isang indibidwal.
Barayti at Baryasyon ng Wika
•Sa sosyolinggwistika, - ito ay salita para sa pagkakaiba iba ng porma ng
wika.
•Kadalasan ding ginagamit ng mga linggwista ang barayti/baryasyon ng
wika para sa pagkakategorya ng wikang mula sa iisang sanga.
1.Heyograpikal – Pagbabago ng wika sa lugar. (Ilokano sa La Union,
Pangasinan, Ilocos, sa ilang bahagi ng Baguio)
2.Sosyal – Pagbabago ng wika sa kahingian ng sitwasyon at taong
kasangkot. (kaswal sa kapamilya, kaibigan o kakilala at pormal naman sa
pagtitipon, pagpupulong o kasiyahan)
3.Okupasyunal – Pagbabago ng wika sa kahingian ng propesyon o
hanapbuhay. (Literatura, Korte, Simbahan, Medisina)
Rehistro ng Wika
1. Static Register – Bibihirang istilo ng wika dahil piling sitwasyon
lamang ang ginagamitan. (Panunumpa sa Husgado, Mga
Pagsasabatas, Pananalita ng mga Magsisipagtapos, atbp.)
2. Formal Register – Ang wikang ginagamit sa ganitong sitwasyon ay
isahang-daan na daluyan lamang (one-way). Kadalasang impersonal.
(Pagtatalumpati, Homilya, Deklarasyon atbp.)
3. Consultative Register – Wikang may pamantayan. Ang mga
gumagamit ng wikang nasa ganitong sitwasyon ay katanggap-
tanggap para sa magkabilang panig ng struktura ng komunikasyon.
(sa pag-uusap sa pagitan ng doktor at pasyente, guro at mag-aaral,
abogado at kliyente, atbp.)
4. Casual Register – Impormal na wika na kadalasang ginagamit sa
malalapit na kakilala o kaibigan. Ang pagbibiro at paglolokohan o
paggamit ng mga koda / pananagisag ay normal. Ito ay wika ng isang
pangkat, kinakailangang kabilang ka sa grupo upang makakonekta sa
usapan.
5. Intimate Register – Pangpribadong pakikipag-usap. Ito ay limitado
lamang sa mga matatalik na kasama sa bahay o espesyal na tao
sa buhay. (Usapang mag-asawa, magkasintahan, magkapatid,
mag-ina o mag-ama, atbp.)
UGNAYAN NG WIKA AT TAO
Ayon kay Rankin, pitumpung porsyento (70%) ng gising na oras
ng tao ay inuukol niya sa pakikipagtalastasan. Samakatuwid, wika ang
ginagamit ng tao sa maghapon niyang pakikipag-interaksyon sa kanyang
kapwa.
UGNAYAN NG WIKA AT KULTURA
Sinasabing nasasalamn ang kultura ng isang lahi sa wikang
siasalita ng lahing iyon. Ang kultura ang nagdidikta ng mga leksikong
magiging bahagi ng wika ng isang lahi.
UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN
Bawat lipunan ay may kani-kaniyang wika. Halimbawa nito ay
ang Filipino, Ingles, Pranses at iba pa. Sa Pilipinas ay may walong
maituturing na pangunahing wika: Tagalog, Ilokano, Pangasinan,
Pampanggo, Waray, Hiligaynon, Cebuano at Bikol. Dayalek ang tawag
sa wika na nagkakaroon ng pagkkaiba-iba o barayti sa loob ng wika.
MGA KONSEPTONG PANGKOMUNIKASYON
Komunikasyon/Pakikipagtalastasan
Kahulugan…
•Hinango sa salitang Latin na communis (komon) na ang kahulugan ay
pagkakatulad, ibig sabihin, posible ang pag-iral ng komunikasyon kung may
katula na paraan ng pakikipagtalastasan dito.
•3 konteksto:
1) pisikal- kung saan nagaganap ang talastasan;
2)sosyo-sikolohikal- kung anong kalagayan ng taong
kausap/kasangkot;
3)panahon- kung kalian naganap ang usapan/talastasanMga teorya
ng pinagmulan ng wika
1st Quarter KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
Week 2
Aralin: Konseptong Bilingwalismo, Multilingwalismo,
Register ng Wika.

Tala ng Gawain 2

Panuto: Tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba Diyalek at Idyolek sa pamamag=itan

ng Venn diagram.

PAGKAKAIBA
DAYALEK PAGKAKAIBA
PAGKAKATULAD
IDYOLLEK
1st Quarter KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
Week 2
Aralin: Konseptong Bilingwalismo, Multilingwalismo,
Register ng Wika.

Tala ng Gawain 3

Panuto: Ipaliwanag ang mga katagang.

“Ang hindi mag-mahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda; kaya
ating pagyamaning kusa, gaya ng Inang sa atin ay nagpala”
-Dr. Jose P. Rizal

________________________________________________________________
______________________________________________________________________

_______
1st Quarter KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
Week 2
Aralin: Konseptong Bilingwalismo, Multilingwalismo,
Register ng Wika.

PAGSASANAY 1

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mgfa katanungabn.

1. Bakit masasabing umiiral ang multilinguwalismo sa ating bansa? Ano-ano ang mga wikang
ginagamit ng mga Pilipino.

2. Ano ang kabutihang marahil ay naidudulot ng pagiging multilinguwal? At ano namn ang
problemang hatid nito?

3. paano namn umiiral ang pagiging bilinguwal n gating bansa? Anu-ano ang mga wikang
nangingibabaw sa ating pagiginbg bilinguwal?

4. Nakatulong kaya an gating pagiging bilinguwal upang mabigyan ng solusyon an gating mga
di-pagkakaunawaan dulot ng pagiging multilinguwal?

5. Nakakasama rin kaya an gating lubos na pagiging makiling sa Ingles na dulot ng bating
madamdaming bilinguwal?

6. Bilinguwalismo o multilingwalismo –aling panuntunan ang nakahihigit? Pangatwiranan ang

kasagutan.
1st Quarter KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
Week 2
Aralin: Konseptong Bilingwalismo, Multilingwalismo,
Register ng Wika

Gawain 3: Sagutin MO!

Panuto: Batay sa araling ating tinalakay

Magbigay ng limang mahahalagang kaisipan na iyong naunawaan sa aralin.

1.

2.

3.

4.

5.

You might also like