Professional Documents
Culture Documents
Dyosesis ng Malaybalay
Walang makapagsasabi kung ang mga teoryang ito’y totoo o walang batayan, subalit nagiging
mahalaga ang mga ito sa pagtatalakay ng pinagmulan ng mga wika. Sa ganitong paraan nakabubuo tayo
ng mga palagay.
C. Mga Layunin:
Nauunawaan ang kahalagahan ng wika, pambansang wika at konseptong pangwika;
Nabibigyang-halaga ang paggamit ng wika;
Nakagagawa ng sariling katuturan ng Wikang Filipino;
Nakasusulat ng isang komposisyon na naglalarawan sa wikang kinamulatan;
Nakasusuri ng isang balita na nasasalamin ang anim na katangian.
H. Mga Sanggunian
Aklat (Pintig Senior High School Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino,
Servillano, Marquez, Jr. PhD)
I.Susi sa Pagwawasto
Ang pagwawasto ay naaayon sa husay nang pagsagot ng mag-aaral.
Petsa: Petsa:
Pinagtibay ni:
Multilingguwalismo
Ito ay patakarang pangwika kung saan nakasalig sa paggamit ng pambansang wika at wikang katutubo
bilang pangunahing midyum sa pakikipagkomunikasyon at pagtuturo bagama’t hindi kinalilimutan ang
wikang global bilang mahalagang wikang panlahat.
Layunin nitong pakinisin at gamitin ang mga wikang katutubo at/o wika ng tahanan (unang wika) bilang
pangunahing wika ng pagkatuto at pagtuturo mula sa una hanggang ikatlong baitang sa elementarya,
susundan ito ng Filipino o ng wikang pambansa bago simulant ang pagtuturo sa wikang Ingles.
Homogenous at Heterogenuos na Wika
Ang ideya ng pagiging heterogenous ng wika ay kaugnay ng sosyolingguwistikong teroyang ito
dahil sa magkakaibang mga indibidwal at pangkat na namumuhay sa magkakaibang lugar na
tinitirhan, interes, gawain, pinag-aralan, at iba pang aspekto ng pamumuhay. Pinaniniwalaan na sa
teoryang ito, ang wika ay hindi lamang instrument sa pakikipagkomunikasyon kundi isang
mahalagang instrumento sa pagbuo ng isang sama-samang lakas ng magkakaibang kultural at sosyal
na gawain.
Samantala, ang ideya ng homogenous ng wika ay nababatay sa kapaligiran ng mga indibidwal o
pangkat na nanininirahan sa iisang pook; pagkakatulad ng interes, paniniwala, at paraan ng
pamumuhay; at pagkakaunawaan gamit ang iisang wika lamang.
Paksa: Ang Register at Iba’t Ibang Barayti ng Wika
Ayon kay Pamela Constantino (2002), “mahalaga ang pagkakaisa at pagkakaiba. Pagkakaiba tungo sa
Pagkakaisa”. Naniniwala siyang may malaking kinalaman o ugnayan ang wika sa lipunan at ang lipunan
ay isang masining na kultura. Dagdag pa niya “Ang kultura ay hango sa mga tao at ang wika ay
nagpapahayag ng espiritu/kaluluwa ng mga tao na bumubuo sa lipunan/komunidad.” (Constantino, p.10)
Bilingguwalismo at Multilingguwalismo
Register ng Wika
Sa isang akademikong pagbasa, madalas tayong nakatatagpo ng mga salitang sa biglang malas ay iba
ang kahulugan o hindi akma ang pagkakagamit dahit dahil sa kahulugang taglay nito.Natutukoy lamang
ang kahulugan nito kung malalaman ang larangang pinaggamitan nito.
Register
Isang opisyal na listahan ng mga pangalan, kapanganakan, pagpapakasal, kamatayan
Isang listahan ng mga bisita sa isang hotel (turismo)
Pagpapatala ng isang sulat sa post office (komunikasyon)
Pagpapatala ng pangalan sa halalan (politika)
Pagpasok ng mga mensahe sa utak/pagtanda o pag-alala sa natutuhan (sikolohiya)
Sa papel ni Nilo Ocampo (2012) na “May Varayti ng Wika,” naging paksa ng kanyang pagtatalakay ang
salin at/o halaw sa aklat ni George Yule (2010) na The Study of Language. Dito, binigyang-diin na ang
pagkakaiba-iba ng wika ay napakahalaga at kinikilalang bahagi ng pang-araw-araw na paggamit ng wika
sa iba’t ibanh komunidad na rehiyonal at panlipunan.
1. Rehiyonal. Ipinaliliwang dito ang papel ng mga aspektong rehiyonal (lugar at espasyo o kapaligiran
ng wika) sa pagkaroon ng pagkakaiba-iba sa wikang ginagamit at kung papaano ito sinasalita.
a. Istandard na Wika. Itinuturing itong ‘wastong’ uri at gamit ng wika– bumubuo sa batayan ng
varayting nakalimbag at wikang panturo.
b. Punto/Aksent at Diyalekto. Bawat gumagamit ng wika ay may punto o aksent ng pagbigkas na
nagpapakilala sa pinanggalingang rehiyon na nagsasalita. Ang diyalekto naman ay naglalarawan sa
mga sangkap ng grammar at bokabularyo, gayundin ng aspekto ng pagbigkas.
c. Diyalektolohiya. Pag-aaral ng mga diyalekto; pagkilala ng dalawang magkaibang diyalekto sa (1)
magkatulad na wika (kung saan ang mga tagapagsalita ay nagkakaunawaan), at (2) dalawang
magkaibang wika (kung saan ang mga tagapagsalita ay hindi nagkakaunawaan sa isa’t isa).
Mga Diyalektong Rehiyonal. Ito ay naglalarawan sa mga identipikasyon ng mga
konsistent na katangian ng pananalitang matatagpuan sa isang heograpikong lugar.
Isoglos at Diyalektong Hanggahan. Ang isogloss umutukoy sa linya sa isang mapa na
kumakatawan sa pagitan ng mga lugar tungkol sa isang partikular na salita
(lingguwistikong aytem). Ang hanggagan ay tumutukoy sa kaibahan ng pananalita a
iba’t ibang lugar kung saan makikita ang pagkakaiba-iba ng gamit ng mga salita.
d. Mga Pidgin at Creole. Ang pidgin ay isang barayti ng isang wika na napaunlad sa kadahilanang
praktikal, tulad ng mga pangangalakal, sa mga pangkat ng mga taong hindi alam ang wika ng iba pa.
Kaya, sinasabing wala itong katutubong ispiker. Nagiging creole naman ang isang wika kung ang pidgin
ay nadedebelop lagpas sa tungkulin nito bilang wika ng pangangalakal at naging unang wika ng isang
pamayanang panlipunan.
C. Mga Layunin:
Nakapagsusuri kung paano nakatutulong ang pag-alam ng iba’t ibang wika at paano ito
nakatutulong sa pag-unlad sa sarili;
Nakapagtatala mula sa pinanood na bidyo ng mga salitang ginamit na nabibilang sa iba’t ibang
barayti ng wika;
Nakapagbibigay ng halimbawa ng salita sa bawat barayti ng wika;
Nakasusulat ng isang repleksyon na nakatutulong sa intelektuwalisasyon.
H. Mga Sanggunian
Aklat (Pintig Senior High School Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino,
Servillano, Marquez, Jr. PhD)
I.Susi sa Pagwawasto
Petsa: Petsa:
Pinagtibay ni:
Petsa:
Bukidnon Association of Catholic School (BUACS), Inc.
Dyosesis ng Malaybalay
Kasangkapan sa
Paghahatid
Bago maganap ang komunikasyon, ang mananalita o communicator ay kailangang magkaroon nng
sasabihin, samakatwid, dapat muna siyang dumaan sa proseso ng pag-iisip o ideation. Ito ang pagbuo ng
mensaheng nais na ihatid. Pagkatapos, kailangan isipan ng mananalita kung ano ang gagamitin niya sa
paghahatid– senyas o wika. Sa kasalukuyan, wika ang pinakagamitin sa paghahatid ng anumang uri ng
mensahe. Ito ang pinakamabuti sapagkat maaaring gamitin sa paraang pasulat at pasalita.
Ang komunikasyon ay gumaganap ng kanyang tungkulin sa sangkatauhan ayon sa mga sumusunod na mga
layunin.
1. Magbigay ng daan tungo sap ag-uunawaan ng mga tao.
2. Makapagkalat ng tamang impormasyon at kapaki-pakinabang na mga kaalaman.
3. Magbigay-diin o halaga sa mga paksa o isyung dapat mabigyang-pansin, talakayin, at dapat suriin ng
mga mamamayan.
4. Magbukas ng daan sa pagpapahayag ng iba’t ibang kaisipan, damdamin, at saloobin ng mga tao.
1. Komunikasyong Verbal. Gumagamit ng wika na maaaring pasulat o pasalita. Pasulat ang uri ng
komunikasyong nababasa at pasalita yaong binibigkas at naririnig. Ito ang pinakagamiting uri ng
komunikasyon.
2. Komunikasyobng Extra-Verbal. Gumagamit ng tamang tono o timbre ng boses sa pagsasalita o
pagpapahayag ng kanyang saloobin o damdamin.
3. Komunikasyong Di Verbal. Uri ng komunikasyong hindi gumagamit ng wika, sa halip, kilos at galaw
ng katawan ang ginagamit sa pakikipagtalastasan.
4. Komunikasyong Simboliko. Binubuo ng mga mensaheng naibibigay ng mga bagay na ginagamit na
nakapaglalarawan ng mga nakatagong katangian at personalidad ng isang tao. Ang mga ito ay maaaring
naipapakita sa pamamagitan ng:
a. Kasoutan o damit
b. Alahas/palamuti sa katawan
c. Make-up
d. Kulay na napili
Samantalam, sa tsart naman ni Gordon Wells, isang guro sa wika, ipinakita niya ang ugnayan ng
tungkulin ng komunikasyon (functions) sa gawi ng pagsasalita (speech acts) upang lubusang
maunawaan ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo.
Tungkulin ng Komunikasyon Gawi ng Pagsasalita
Pagkontrol sa kilos o gawi Pakikiusap, pag-uutos, pagmumungkahi,
pagpupunyagi, pagtanggi, pagbibigay-babala
Pagbabahagi ng damdamin Pakikiramay, pagpapahayag,
panlilibak,paninisi,pagsalungat
Pagbibigay o pagkuha ng impormasyon Pag-uulat, pagpapaliwanag, pagtukoy, pagtatanong,
pagsagot
Pagpapanatili sa pakikipagkapwa at pagkakaroon Pagbati, pagpapakilala, pagbibiro,
ng inter-aksiyon sa kapwa pagpapasalamat,paghingi ng paumanhin
Pangangarap at paglikha Pagkukuwento, pagsasadula, pagsasatao,
paghihinuha
C. Mga Layunin:
Nauunawaan ang proseso ng komunikasyon;
Nabibigyang-halaga ang konseptong komunikasyon;
Nakabubuo ng pansariling pamantayan sa pakikipagkomunikasyon.
D. Malinaw at Detalyadong Panuto
1. Basahin at unawain nang maayos ang paksang ibinigay sa itaas.
2. Pagkatapos unawain ang paksa, sagutan ang mga gawain na ibibigay sa ibaba. Sagutan ito sa
dalawang buong papel.
2.Nasa pahina 57
Gumawa o gumuhit ng iyong pansariling modelo ng komunikasyon batay sa mga halimbawa ng modelong
tinalakay sa araling ito. Maaari mong pagsamasamahin ang mga teorya mula sa mga modelong inilahad dito.
Bigyan mo ito ng pangalan at magbigay ka ng isang tiyak na halimbawa na magpapakita ng lahat ng mga
elementong isinama mo sa iyong modelo nina Shannon at Weaver.
H. Mga Sanggunian
Aklat (Pintig Senior High School Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino,
Servillano, Marquez, Jr. PhD)
I.Susi sa Pagwawasto
Petsa: Petsa:
Pinagtibay ni:
PRIMA A. PANCHACALA, MA
Punong-Guro
Petsa:
Bukidnon Association of Catholic School (BUACS), Inc.
Dyosesis ng Malaybalay
Para kay Berlo, kapag mahusay ang kasanayan sa komunkasyon ng parehong tagapagsalita at tagatanggap,
higit na nagiging epektibo ang paghahatid at pag-unawa sa mensahe. Kung ang guro ay eksperto sa kanyang
larangan, may magandang tinig, may masiglang pagtatalakay sa teorya, subalit kung ang mag-aaral
bagama’t matalino, masipag, at litereyt ay walang interes sa tinatalakay na teorya at para sa kanya’y walang
saysay ito, hindi rin mararating ang komunikasyong hinahangad.
Pinagmulan
Tagahatid Tsanel Tagatanggap Destinasyon
ng Impor-
masyon
Ingay
Ang pag-aaral ni Shannon at Weaver ay may dalawang oryentasyon. Nag isa ay hinggil sa inhenyeriya ng
transmisyon at resepsiyon. Ang ikalawa ay konsiderasyon kung paanong ang accuracy ng komunikasyon ay
nakarating sa mga tao gayong iba-ibang karanasan at attitude mayroon ang mga ito. Pangunahing pokus ng
modelong ito ang teknolohiya bilang “source” o pinanggalingan ng “ingay” sa komunikasyon.
Mensahe
(Tagadala/Tagahatid)
Decoder
(Tagatanggap)
Intrepreter Decoder
Encoder Intrepreter
(Tagatanggap)
Encoder
(Tagadala/Tagahatid)
Mensahe
Para kay Schramm, ang mensahe ay maaaring maging masalimout mula sa iba’t ibang kahulugang
ibinibiga/natutuhan ng tao. Ang kahulugan ay maaaring denotasyon o konotasyon. Ang diksyunaryong
kahulugan o denotasyon ay maaaring pareho sa maraming tao subalit ang kahulugang konotasyon ay
maaaring magkaroon ng maraming kahulugan para sa mga tao batay sa personal na karanasan at
ebalwasyon.
C. Mga Layunin:
Nauunawaan ang iba’t ibang modelo ng komunikasyon;
Nabibigyang-halaga ang bawat modelo ng komunikasyon na inihayag sa paksa;
Nasusuri ang paraan pagbabalita ng mga newscaster gamit ang mga modelo ng komunikasyon
D. Malinaw at Detalyadong Panuto
1. Basahin at unawain nang maayos ang paksang ibinigay sa itaas.
2. Pagkatapos unawain ang paksa, sagutan ang mga gawain na ibibigay sa ibaba. Sagutan ito sa
dalawang buong papel.
2.Manood ng isang balitang pantelebisyon (TV Patrol o 24 Oras). Suriin ang paraan ng pagbabalita ng
mga newscaster ng napili mong programa ayon sa dalawang oryentasyon ng modelo nina Shannon at
Weaver.
I.Susi sa Pagwawasto
Petsa: Petsa:
Pinagtibay ni:
MARITA G. OPERIO
Punong-Guro
Petsa:
Bukidnon Association of Catholic School (BUACS), Inc.
Dyosesis ng Malaybalay
Batay sap ag-aaral ni Jocobson (2003), may anim na tungkulin ang wika.
1. Pagpapahayag ng damdamin (emotive). Ginagamit ang wika upang palutangin ang karakter ng
nagsasalita.
2. Panghihikayat(conative). Ginagamit ang wika upang mag-utos, manghikayat, o magpakilos ng taong
kinakausap.
3. Pagsisimula ng Pakikipag-ugnayan (phatic). Ginagamit ang wika bilang panimula ng isang usapan o
pakikipag-ugnayan sa kapwa.
4. Paggamit bilang sanggunian (referential). Ginagamit ag wikang nagmula sa aklat at iba pang
babasahin bilang sanggunian o batayan ng pinagmulan ng kaalaman.
5. Pagbibigay ng kuro-kuro (metalinguwal). Ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng
komentaryo sa isang kodigo o batas.
6. Patalinghaga (poetic). Ginagamit ang wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan,
prosa, sanaysay, at iba pa.
C. Mga Layunin:
Natutukoy ang gamit ng wika sa mga pinanood na talkshow;
Nakakalikha ng isang video presentation ukol sa sitwasyong heuristiko, impormatibo, at
imahinatibo
Nakatutukoy ang mga tungkulin at gamit ng wika ayon kina Jacobson at Halliday.
2. Lumikha ng mga sitwasyong nagpapakita ng tatlo pang gamit ng wika – heuristiko, impormatibo, at
imahinatibo. Ipakita ito sa pamamagitan ng paggawa ng video. Ang video ay may kahabaan ng 2
hanggang 5 minuto lamang.
3. Nasa pahina 79
Sumulat ng isang iskrip na nagpapakita ng iba’t ibang tungkulin ng wika sa pagpapahayag.
Gamiting paksa ang tungkol sa paghahanda ng klase para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
H. Mga Sanggunian
Aklat (Pintig Senior High School Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino,
Servillano, Marquez, Jr. PhD)
I.Susi sa Pagwawasto
Petsa: Petsa:
Pinagtibay ni:
PRIMA A. PANCHACALA, MA
Punong-Guro
Petsa:
H. Mga Sanggunian
Aklat (Pintig Senior High School Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino,
Servillano, Marquez, Jr. PhD)
I.Susi sa Pagwawasto
Petsa: Petsa:
Pinagtibay ni:
PRIMA A. PANCHACALA, MA
Punong-Guro
Petsa:
2.Nasa pahina 93
Humanap ng isang tulang isinulat sa Filipino noong panahon ng Amerikano at isa sa panahon ng
Hapones. Paghambingin ang pagkakagamit ng wika sa dalawang akda. Isaalang-alang ang mga gamit na
salita at ano-anong mga barayti ng wika ang matatagpuan dito batay sa mga natatalay=kay sa nagdaang
aralin.
H. Mga Sanggunian
Aklat (Pintig Senior High School Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino,
Servillano, Marquez, Jr. PhD)
I.Susi sa Pagwawasto
Petsa: Petsa:
Pinagtibay ni:
PRIMA A. PANCHACALA, MA
Punong-Guro
Petsa:
Bukidnon Association of Catholic School (BUACS), Inc.
Dyosesis ng Malaybalay
Ilang dahilan kung bakit wikang Tagalog ang napiling batayang wika:
1. Mas marami ang nakapagsalita at nakauunawa ng Tagalog kompara sa ibang wika.
2. Mas madaling matutuhan ang Tagalog kompara sa ibang wikain sapagkat sa wikang ito, kung
ano ang bigkas ay siyang sulat.
3. Tagalog ang ginagamit sa Maynila at ang Maynila ang sentro ng kalakalan sa Pilipinas.
4. Ang wikang Tagalog ay may historical na batayan sapagkat ito ang wikang ginamit sa
himagsikan na pinamumunuan ni Andres Bonifacio.
5. May mga aklat na panggramatika at diksiyonaryo ang wikang Tagalog.
Ipinalabas noong 1937 ni Pang. Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na
Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang pambansa.
Dahil sa pagsusumikap ni Pang. Quezon na magkakaroon ng wikang pagkakakilanlan, hinirang siyang
“Ama ng Wikang Pambansa.” Ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 noong Abril 1940 at
nagpapahintulot sa pagpapalimbag at paglalathala ng talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang
Pambansa. Pinasimulan ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralang pampubliko at
pampribado sa buong bansa.
Noong Pebrero 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
noong Agosto 13, 1959 na nagsasaad ng kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang
Pilipino ang gagamitin.
Marso 27, 1968, nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim-Tagapagpaganap, ang memorandum Sirkular Blg.
96n na nag-atas ng paggamit ng wikang Pilipino sa mga opisyal na komunikasyon sa mga transaksiyon
ng pamahalaan.
Memorandum Sirkular Blg. 488 noong Hulyo 29, 1972 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng
pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika.
Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksyon 2 at 3– “Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng
mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino at hangga’t
hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas.
Hunyo 19, 1974, nilagdaan ni kalihim Juan L. Manuel ng Edukasyon at Kultura ang kautusang
Pangkagawaran Blg. 25 na nagtatadhana ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang eduasyong
bilingguwal sa mga paaralan.
Hunyo 21, 1978, nilagdaan ng Ministro ng edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang Kautusang
Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasang antas.
Nabagong muli ang Konstitusyon nang sumiklab ang EDSA 1 noong Pebrero 25, 1986 at naging
pangulo ng bansa si Gng. Corazon C. Aquino.
Malinaw na nasasaad sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa
ng Pilipinas:
Sek. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino
Sek.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas
ay Filipino at hangga’t walang ibang itinadhana ng batas, Ingles
Sek 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Espanyol.
Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng
mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnauy at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilnag
pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili.
2.Sa tulong ng kasanayang pampag-iisip na SAG (Sketch Appropriate Graphic). Iguhit ang kabuoang senaryo
ng pag-unlad at pagbabago ng wikang Filipino sa bawat panahon. Iugnay ito kung paano nagkaroon ng patuloy
na paggamit mula sa iba’t ibang larangan tulad ng radyo, telebisyon, komunikasyon, at sa iba pa. Maaari itong
isagawa nang pangkatan. (Tingnan ang halimbawa na ibinigay sa ibaba.)
Aklat at Internet
I.Susi sa Pagwawasto
Petsa: Petsa:
Pinagtibay ni:
PRIMA A. PANCHACALA, MA
Punong-Guro