You are on page 1of 4

Mga Konseptong Pangwika

I. Wika
A. Iba’t Ibang Kahulugan ng Wika
Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.
Ayon kay Lachica (1993) matatagpuan sa wika ang mga tanda o simbolo na
nagkakaroon ng kahulugan ayon sa mga gumagamit nito. Ang mga simbolo o tanda ay
maaring salita, bilang, drowing, larawan o anumang hugis na kumakatawan sa
konsepto, ideya o bagay.
Si Caroll (1964) ay nagpahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na
binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng
maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng
kasaysayan.
Ayon kay Todd (1987) ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na
ginagamit sa komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas
na tunog kungdi ito’y sinusulat din. Ang mga tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at
sistematiko.
Ayon naman kay Bram, ang wika ay nakabalangkas na sistema ng mga
arbitraryong simbolo at tunog na binibigkas at sa pamamagitan nito’y nagkakaroon ng
interaksyon ang isang pangkat ng tao.
Ang wika ang pangunahin at pinakatiyak na anyo ng simbolikong gawaing pantao
ayon kay Archibald Hill. Malinaw na tinukoy sa pagpapakahulugan na ang wika ay
pantao.
Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit
ng mga taong kabahagi at kasama sa isang kultura.

B. Katangian ng Wika
1. May masistemang balangkas
May sinusunod na tuntuning gramatikal ang wika bago pa ito maging bahagi
ng pagkikipagtalastasan.
2. Ang wika ay sinasalitang tunog.
Tanging tao ang nakalikha ng tunog na sa kalaunan ay nabubuong ganap
bilang wika. Ito ay sapagkat may aparato o salik sa paglikha ng tunog sa
pagsasalita.
3. Ito ay arbitraryo.
Nang isilang ang bawat nilalang sa mundo ay kinagisnan na ang mga
katawagan sa mga bagay at pagpapangalan. Bigla rin, nakasanayan na sa text
messaging ang mga baybay na “d2 n me” at “san n u?”. Ito ay sa kadahilanang ang
wika ay arbitraryo.
Halimbawa:
Ang salitang rice sa Ingles, ay arroz sa Kastila, bugas sa Bisaya, bigas sa
Tagalog, at abyas sa Kapampangan.
4. Nakabatay ito sa kultura.
Batay sa aklat nina Alcaraz et al.(2005), ayon kay Salazar (1996),
gumaganap ang wika bilang tsanel/daluyan, tagapahayag, impukan at imbakan ng
kultura.Naging bahagi ng wikang Pilipino ang mga katawagang ate, kuya, ditse,
sanse at iba pa patungkol sa mga relasyong pampamilya na mula sa kultura ng
mga Intsik.
Maraming itinutumbas ang mga Pinoy sa riceng mga Kano.May palay, bigas
at kanin. Maari pang idagdag dito ang binhi, punla, malagkit, sinuman,
nilugaw at iba pa na ayon sa ginagawa niya sa rice na tawag lamang ng mga
Kano.
5. Ang wika ay dinamiko - - -namamatay, nabubuhay.
Mayaman sa salita ang mga Pilipino. Kaya, umusbong at patuloy na
ipinapanganak ang ilang katawagan at barayti ng wika na maituturing na buhay na
buhay na minsan naman ay namamatay kapag walang tagatangkilik.
6. Ito ay midyum sa komunikasyon.
Sinasabi nina Alcaraz et al. (2005) ayon kay Otanes (1990), na ang wika ay
kasangkapan sa pakikipagtalastasan . Ayon naman kay Swanson (1976), ang
gampanin ng wika sa naturang gawain ay sa paghahatid, pagtanggap at
komprehensyon ng kabuuan ng mensahe o teksto.
7. Ito ay makapangyarihan.
Ang bisa ng kapangyarihan ng wika ay nangyayari kapag nakapaghahatid at
nakapagpapalabas ng iba’t ibang emosyon, positibo man o negatibo. Napagagalaw
nito ang isip, napasisigaw nito ang puso at napasunod nito ang tao.
8. May pulitika ang wika.
Tinukoy ni Almario (1997) ang pulitika sa wika sa mga sitwasyong dinanas
ng wikang pambansa upang kilalanin at isulong bilang komon na wika.Nakapaloob
dito ang isyu sa pagitan ng mga puristang Tagalog (ang mga higit na makiling sa
Tagalog), hindi Tagalog (maaring buhat sa ibang mga wikain sa Pilipinas kasama
ang mga may kiling sa Ingles at Espanyol).
9. Walang wikang Superyor
Itinatak na sa kaisipan ng ilang Pilipino na ang Ingles ay susi ng
karunungan. Malaking kamalian ang ganoon at ang pagtatatak sa mga nag-iingles
na hawak na nila ang lahat ng katalinuhan sa mundo.

C. Kahalagahan ng Wika
1. Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nito ay
naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan din nito
nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa.
2. Ang wika ay sadyang napakahalaga. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi
lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa mga ibang bansa rin.
3. Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling
komunikasyon ang bawat tao kundi pati na rin sa mga karatig bansa nito.
4. Ang wika ang sumasagisag sa napakaraming aspekto ng buhay ng tao
Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan
5. Sagisag ng pambansang pagkakakilanlan
6. Ang wikang pambansa ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod ng damdamin at
diwa ng mga mamamayan
7. Sa pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang mga tao
8. Nakakapagkomunikasyon sa iba at nasasanay tayo sa gramatika (sa sarili, sa
kapwa, sa lipunan)
Unang Wika
Ito ay ang wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Kilala din itong
katutubong wika, mother tongue, arterial na wika at kumakatawan sa L1.

Pangalawang Wika
Ayon sa dalubwika, ito ay tumutukoy sa alinmang wikang natutuhan ng isang tao matapos
niyang maunawaang lubos at magamit ang kanyang sariling wika o ang kanyang unang wika. Ito
ay bunga ng kanyang exposure sa iba pang wika.

Pambansang Wika (Filipino- Resolusyong Blg. 96-1: na naamyendahan ng resolusyon 92-1)


Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay
dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at
mga di katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba-ibang
sitwasyon, sa mga nagsasalita nito, na may iba’t ibang sanligang sosyal at para sa mga paksa ng
talakayan at iskolarling pagpapahayag.

Wikang Opisyal
Ang opisyal na wika ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus
sa saligang batas ng mga bansa, mga estado, at iba pang teritoryo. Ito ang wikang kadalasang
ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa, bagama't hinihiling din ng batas sa maraming
bansa na isalin din sa ibang wika ang mga dokumento ng gobyerno.

Wikang Panturo
Ito ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa
pagtuturo at pag-aaral sa mga eskwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang
panturo sa mga silid-aralan.

Monolinggwalismo
Ito ay ang pagpapatupad ng iisang wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura,
(England, Pransya, South Korea, at Japan) iisang wika sa larangan ng komersyo, wika ng negosyo,
at wika ng pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na buhay.

Bilinggwalismo
Ito ay paggamit at pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay
kanyang katutubong wika. (Leonard Bloomfield, 1935)
Taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwikang
kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang
unang wika. (John Macnamara, 1967).
Ang pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga paaralan at wikang opisyal na iiral
sa lahat ng mga pormal na transaksyon sa pamahalaan man o sa kalakalan. (Artikulo 15,
Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973)
Magkahiwalay na paggamit ng pilipino at Ingles bilang wikang panturo mula Grade 1 pataas sa
mga tiyak na asignatura. (D.O. No. 25, s. 1974)
Multilinggwalismo
Multilinggwalismo ang tawag sa patakarang pangwika kung saan nakasalig ito
sa paggamit ng wikang pambansa at katutubong wika bilang pangunahing medyum sa
pakikipagtalastasan at pagtuturo, bagamat hindi kinakalimutan ang wikang global
bilang isang mahalagang wikang panlahat. Layunin ng multilinggwalismo sa makatuwid
ang unang pakinisin at gamitin ang mga wikang katutubo o dialekto o wika ng tahanan
bilang pangunahing wika ng pagkatuto at pagtuturo mula sa unang baitang hanggang
ikaapat, susundan ito ng Filipino o ng wikang pambansa bago ibababad sa Wikang
Ingles. Kailangang matamo muna na ang isang mag-aaral ay bihasa na sa unang wika
na susundan ng pangalawa at pangatlo. Kaiba ito sa patakarang sinusunod ng mga
Pilipino ngayon nasa unang baitang pa lamang ay sabay nang itinuturo ang Ingles
(70%) at Filipino (30%) bukod pa sa kanilang wikang ginagamit sa tahanan.

Register ng Wika
Mga wika/salitang partikular ang gamit sa isang tiyak na disiplina.

Barayti ng Wika
Ito ay pagkakaiba ng mga wikang sumusulpot at nagiging bahagi ng pamumuhay
ng mga tao sa iba’t ibang larangan o panig sa bansa.
Ang pagkakaroon ng pagkakaiba o baryasyon ay hindi dapat lumikha ng ingay ng
pagtatalu-talo kung ano ang dapat na linangin o maging superior sa lahat. Ito ay dapat
na ituring na kaangkin ng isang wikang buhay.

 Dayalek
 Idyolek
 Sosyolek
 Etnolek
 Register
 Pidgin at Creole

Homogenous
Homogenous ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit ng
isang wika (Paz, et al., 2003). Walang wikang homogenous

Heterogenous
Heterogeous ang wika kung hindi pare-parehong magsalita ang gumagamit ng
isang wika dulot ng mga salik panlipunan gaya ng edad, hanapbuhay, anats ng pinag-
aralan, kasarian, kalagayang panlipunan, rehiyon, pangkat- etniko at iba pa.

Mga Sanggunian:
Pinagyamang Pluma (Dayag at del Rosario)
Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Espina, et al.)

You might also like