You are on page 1of 10

MAHALAGANG KONSEPTO NG WIKA

WIKA

 Ay sistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng
mga taong kabilang sa isang kultura ( Henry Gleason).

 Ay pangunahin at pinakakomplikadong anyo ng simbolikong gawaing pantao (Achibal A. Hill).

 Ay isang behikulo sa paghahatid ng kaisipan, ideya, damdamin sa kinauukulan. Sa pamamagitan ng mga salita o
sa maliwanag na pagbigkas ng salita at dila.

 Napapaloob ang kayamanan ng diwa, kultura at sining.

 Sistematiko- lahat ng wika ay may sariling balangkas, balangkas ng mga tunog at balangkas ng mga kahulugan,
tinutukoy dito na may sariling paraan ng pagbuo at paglikha ng tunog upang makabuo ng yunit o salita.

 Halimbawa: /a/b/l/p/

Alab, bala , laba pala at lapa

 Arbitraryo- gamit ang wika bawat komunidad ay may iba’t ibang gamit ng wika.

 Dinamiko- ang wika ay buhay at patuloy na nagbabago. Kasabay ng pagbabago ng panahon upang makasunod sa
pag-unlad atpag-inog ng daigdig.

 Malikhain- nakapagpapahayag at nakabubuo ng anumang pangungusap, habang ginagamit ang wika.

KALIKASAN NG WIKA

 Ang Wika ay may TUNOG- ang lahat ng wika ay may sariling tunog. Ang bawat titik o simbolo ay may tunog at
kung pagsama-samahinnang maayos ay lumilikha ng mga salita na simbolo ng kaisipan o ideya na gustong
ipahayag.

 Ang Wika ay may SISTEMA- lahat ng wika ay may sariling istruktura o balangkas na sinusunod. May sariling
ponolohiya, morpolohiya, sintaksis, pagbuo ng salita, parirala at pangungusap.

 Ang Wika ay ARBITRARYO- ang wika ay kanya-kanyang sariling paraan o tatak na pagkakilanlan na ikinaiba sa
ibang wika.

 Ang Wika ay GINAGAMIT- dapat gamitin ang wika pasalita o pasulat man upang mapaunlad makaagapay sa
panahon ng kanyang kinalalagyan.

 Ang Wika ay kaugnay sa KULTURA- ang wika at kultura ay hindi dapat paghiwalayin dahil ito ang tatak ng bawat
isa at dito naipapahayag ang kanilang mga kaisipan, damdamin, adhikain, edukasyon, pangarap, tagumpay at
karanasan ng isang bayan.

 Ang Wika ay PINIPILI at ISINASAAYOS- piliin ang mga salita na nararapat ayon sa antas ng pagkaunawa at
damdamin ng kausap.

 Ang Wika ay PINIPILI at ISINASAAYOS- piliin ang mga salita na nararapat ayon sa antas ng pagkaunawa at
damdamin ng kausap.

 Ang lahat ng Wika ay NANGHIHIRAM- ang lahat ng wika ay nanghihiram upang madebelop ang talasalitaan at
makaagapay sa pag-umladng bansa, siyensya at teknolohiya.

KATANGIAN NG WIKA

 Ang Wika ay Dinamiko at Nagbabago- Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago ang
kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksyon ng wika.

Halimbawa; BOMBA
PAMPASABOG, IGIPAN NG TUBIG MULA SA LUPA ,KAGAMITAN SA PAGLALAGAY NG HANGIN, BANSAG SA
MALALASWA NA LARAWAN O PELIKULA , SEKRETO O BAHO NG KILALANG TAO.

 Ang Wika ay may ANTAS O LEBEL- Ang wika ay mayroon ding antas ng wika gaya ng kolokyal, balbal,
pampanitikan, pormal at di-pormal.

 Ang Wika ay MAKAPANGYARIHAN- ang wika ang nagtatakda ng kilos ng tao, nagtatakda ng panahon o paraan.

 Ang bawat Wika ay may sariling KAANGKINAN-ang wika ay may sariling kilos, galaw at tuntunin. Lahat ng
wikaay pantay pantay walang mataas walang mababa.

 Ang Wika ay KOMUNIKASYON- Ang tunay na wika ay wikang sinasalita. Ang wikang pasulat ay paglalarawan
lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap. Walang pangungusap kung walang salita.

 Ang Wika ay KAGILA-GILALAS- Bagama't ang pag-aaral ng wika ay isang agham, kayraming salita pa rin ang kay
hirap ipaliwanag. Pansinin ang mga halimbawa:

a. may ham nga ba sa "hamburger"? (beef ang laman nito at hindi hamo)
b. may itlog nga ba sa gulay na "eggplant"?

KAHALAGAHAN NG WIKA

MAHALAGA ANG WIKA SAPAGKAT:

 ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o kumunikasyon.

 Ginagamit ito upang malinaw at epektibong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao.

 Sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan; at

 Isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

TUNGKULIN NG WIKA

Tungkulin ng Komunikasyon Gawi ng Pagsasalita


( Function of Communication) (Speech of Communication
Arts)
Pagkontrol sa kilos o gawi ng iba Pakikiusap, Pag-uutos,
(Conrtolling Function) Pagmumungkahi, Pagpupunyagi,
Pagtanggap, Pagbibigay babala
Pagbabahagi ng damdamin Pakikiramay, pagpuri, pagsang-ayon
(Shared Feelings) sa pahayag, Paglibak, Paninisi,
Pagsalungat
Pagbibigay o Pgkuha ng impormasyon Pag-uulat, Pagpapaliwanag,
(Information) Pagtutukoy,
Pagtatanong at Pagsasagot
Pagpapanatili sa Pakikipagkapwaat Pagbati, Pagpapakilala, Pagbibiro,
Pagkaroon ng Interaksyon sa kapwa Pagpapasalamat, Paghinging
(Ritualizing) paumanhin at iba pa
Pangarap/ Paglikha Pagkukuwento, Pagsasadula,
(Imagining/Creating Function) Pagsasatao, at Pagluha

GAMIT NG WIKA (Michael Halliday)

 Interaksyon- nagpapanatili o nakapagpapatatag ng ugnayang sosyal.

 Instrumental- tumutugun sa mga pangangailangan

 Regulatori- kumokontrol o gumagabay sa kilos at asal ng iba.

 Personal- nakapagpapahayag ng sariling damdamin.

 Pang-imahinasyon- nakakapagpapahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing paraan.

 Heuristiko- naghahanap ng mga impormasyon o datos.

 Impormatib- nagbibigay ng impormasyon o datos.

Mga Teoryang pinagmulan ng wika

TEORYANG TORE NG BABEL

 KILALA RIN SA TAWAG NA TEORYANG KALITUHAN, HANGO ITO SA AKLAT NG GENESIS NA NAGSASABING NOON
AY MAY IISANG WIKA LAMANG ANG GINAGAMIT NG TAO, IYON ANG WIKANG ARAMAIC.

TEORYANG PENTECOSTES

 Ito naman ay hango sa Bagong Tipan na nagsasabing sa pamamagitan ng biyaya ng Espiritu Santo, natuto ang
mga apostol ng mga wikang hindi nila nalalaman. Nilukob sila ng maladilang apoy na nagpasigla sa kanila
hanggang sa magsalita ng iba-ibang wika.

Teoryang siyentipiko

TEORYANG bow-wow

 sa teoryang ito ay, maaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.

 ang mga primitibong tao diumano ay kulang sa bokabularyong magagamit kaya natutunan nilang tagurian ang
mga bagay-bagay sa paligid sa pamamagitan ng tunog na nalikha ng mga ito.

TEORYANG pooh-pooh

 ayon sa teoryang ito unang nagsalita ang tao, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing
damdamin tulad ng sakit ,tuwa, sarap, kalungkutan, takot at pagkabigla.

TEORYANG yo-he-ho

 Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S Diamond(sa Berel,2003)na nag tao ay natutong magsalita bunga
diumano ng kanyang pwersang pisikal.

TEORYANG ta-ra-ra-boom-de-ay

 Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal sa halos lahat ng gawain kagaya ng pakikidigma, pagtatanim, pag-
aani,pangingisda, pagpapaksal,pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa pagliligo at pagluluto.

 Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong.

TEORYANG tata

 Ito ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng
dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita.
TEORYANG ding dong

 Kilala rin ito sa tawag na teoryng natibistiko na ayon sa haka haka ay ito ay nabuo sa pamamagitan ng mga
tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid.

 Tinatawag din itong simbolismo ng tunog.

TEORYANG mama

 Sa teoryang ito,nagmula ang wika sa mga pinakamadaling pantig ng pinakamahahalagang bagay.

Teoryang sing-song

 Mungkahi ni Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro,pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba
pang mga bulalas-emosyunal

TEORYANG Hey you!

 hawig ito sa teoryang pooh-pooh.

 iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang
wika

 o hindi kaya ay nagmula sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (ako!)

 tinatawag din itong teoryang kontak.

TEORYANG coo coo

 ayon sa teoryang ito ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol.

Teoryang yum yum

 Katulad lamang ito nga teoryang ta-ta

 Pinag-uugnay ng teoryang ito ang tunog at kilos ng pangangatawan .

Teoryang babble lucky

 Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao.

 Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw nang ang mga hindi sinasadya at walang kabuluhang tunog na
kanyang nalikha ay binigyang kahulugan.

Teoryang hocus pocus

 Ayon kay Boeree(2003) MAARING ANG PINANGGALINGAN NG WIKA AY TULAD NG PINANGGALINGAN NG MGA
MAHIKAL O RELIHIYOSONG ASPETO NG PAMUMUHAY NG ATING MGA NINUNO.

TEORYANG EUREKA!

 Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw na ang ating mga ninuno ay may ideya ng
pagtakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay.

Sa larangan ng sikolohiya

Teoryang behaviourist

 Batay sa teoryang ito ang bata ay ipinanganak na may sapat na lakas at kakayahan sa pagkatuto. Ang gawi at
kilos ay mamaring hubugin sa pamamagitan ng pagkontrol ng kanyang kapaligiran.

 Ayon kay B.F Skinner(1968) Tagapagsulong ng behaviorist higit na pinagtuunan ng pansin sa teoryang ito ang
“pag-aalaga” kaysa pag-unlad ng intelektwal.
Teoryang Innative

 ito ang teoryang nagsasabi na nag pagkatuto ng wika ng bata ay batay sa kanyang angking lakas na kakayahan.

 Noam Chomsky ayon sa kanya ang kakayahan sa pagkatuto ng wika ay kasama na mula pagkasilang na
umuunlad sa pakikipag-interaksyon ng bata sa kanyang kapaligiran kung saan nagbibigyang hugis ang kanyang
kakayahang sosyo-kultural.

Teoryang cognitive

 Ang pagkatuto ng wika ay nagaganap matapos maunawaan ang isang bagay o pangyayari .

 Sa larangan ng Kognitibong Sikolohiya ang mga bata ay unang natutong bumuo ng biswal na larawan bago
paman siya ay nakapagsalita.

Konstitusyon ng 1935

• Kailangang magkaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas.

• ARTIKULO XIV, SEKSIYON 3

“ Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungkol sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na
batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”

Wikang Opisyal (1935)

Kastila

Ingles

Oktobre 27, 1936

• Itinagubilin niya sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa.
Na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas.

• Layunin na makapagpapaunlad at makapagpatibay ng isang panlahat na batay sa isang wikang umiiral.

TUNGKULIN AT GAWAIN NG SWP:

• PAG-AARAL NG MGA PANGUNAHING WIKA NA GINAGANAP NG MAY KALAHATING MILYONG PILIPINO MAN
LAMANG;

• PAGGAWA NG PAGHAHAMBING AT PAG-AARAL NG TALASALITAAN NG MGA PANGUNAHING DIYALEKTO;

• PAGSURI AT PAGTIYAK NG PONETIKA AT ORTOGRAPIYANG PILIPINO;

• PAGPILI NG KATUTUBONG WIKA NA SIYANG MAGIGING BATAYAN NG WIKANG PAMBANSANG FILIPINO NA


DAPAT UMAAYON SA ;

A. ANG PINAKAMAUNLAD AT MAYAMAN SA PANITIKAN,

B. ANG WIKANG TINATANGGAP AT GINAGAMIT NG PINAKAMARAMING PILIPINO.

Opisyales ng SWP
(ENERO 12, 1937 ) sek. 1 batas komonwelt blg. 184
• JAIME C. DE VEYRA – TAGAPANGULO(SAMAR-LEYTE)

• CECILIO LOPEZ - KALIHIM AT PINUNONG

• TAGAPAGPAGANAP (TAGALOG)

• MGA KAGAWAD:

• 1. Felix B. Salas Rodriguez (Hiligaynon)

• 2. Santiago A. Fonacier (Ilokano)

• 3. Casimiro F. Perfecto (Bikolano)

• 4. Filemon Sotto (Cebuano)

• 5. Hadji Beeto (Muslim)

MGA PUMALIT NA
OPISYALES

• ISIDRO ABAD (PINALITAN SI SOTTO)

• GULAMO RASUL ---- ZOILO HILARIO

• (KAPAMPANGAN)

• LOPE K. SANTOS

• JOSE I. ZULUETA

Resulta ng ginawang pagsusuri

• TAGALOG – 59.6%

• KAPAMPANGAN-59.6%

• CEBUANO- 48.2%

• HILIGAYNON- 46.6%

• BIKOL- 39.5%

• ILOKANO- 31.1%

Batayan ng Wikang
Pambansa

• Nobyembre 9, 1937

• Nagrerekomenda na Tagalog ang wikang pagbabatayan ng wikang pambansa.


Bakit Tagalog?

• 1. Lingua franca ito sa pangangalakal.

• 2. Maraming katutubo ang gumagamit nito.

• 3. Pangunahing ginagamit ito sa Maynila at karatig probinsya.

• 4. Maraming nakasulat na panitikan sa wikang ito.

Abril 1, 1940 kautusang tagapagpaganap blg. 263.

• Nilimbag ang Diksyunaryo at isang Gramatika na Wikang Pambansa.

Jeorge bacobo

Abril 12,1940

• Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sisimulan muna sa mataas na paaralan at mga paaralang normal.
HUNYO 4, 1940

Pangulong Ramon Magsaysay

Proklama blg. 186 (proklama blg. 12 serye 1954)

• Linggo ng Wikang Pambansa

• Agosto 13 -- 19, 1955

• Proklamasyon Blg. 186

Agosto 13, 1959 blg.7


Ferdinand Marcos
(oktubre 24,1967)

• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96.

• Na nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo, at tangggapan ng pamahalaan at pangalanan sa Pilipino.

Rafael m. Salas
(marso 27, 1968) sirkular blg. 172

• Iniaatas din na nagmga letterhead ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay ng pamahalaan ay nararapat
na nasusulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles.

• Iniaatas din na ang mga pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleyado ng pamahalaan
ay sa Pilipino gaagwin.

You might also like