You are on page 1of 18

MGA GAMIT NG WIKA BILANG

INSTRUMENTO SA LIPUNAN
ARALIN IKA-5
LIPUNAN AT WIKA
IMPORMASYON
REGULATORYO
INTERAKSIYONAL
PERSONAL
HEURISTIKO
IMPORMATIBO
LIPUNAN AT WIKA
• Ang lipunan ay isang malaking
pangkat ng mga tao na may
karaniwang set ng pag-uugali,
ideya, saloobin, at
namumuhay sa tiyak na
teritoryo at itinuturing ang
mga sarili bilang isang yunit.
• Ang wika, pasalita man o
pasulat, ang instrumentong
ginagamit ng mga tao sa loob
ng lipunang ito upang
makipag-ugnayan sa isa’t isa.
INSTRUMENTAL
Tumutugon sa mga pangangailangan ng tao
gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba. Ang
paggawa ng liham pangangalakal, liham sa
patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas
tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng
gamit at halaga ng produkto.

 HALIMBAWA:
PERSONAL
Ang pagpapahayag ng sariling
opinyon o kuro-kuro sa paksang
pinag-uusapan. Kasama rin dito ang
pagsusulat ng talaarawan at journal,
at ang pagpapahayag ng
pagpapahalaga sa anumang anyo ng
panitikan.

 HALIMBAWA:
REGULATORYO
Ang gumagabay sa kilos at asal ng tao.
Itinuturing na instruksiyon o ang
pagkokontrol sa anong dapat gawin
tulad ng pagtakda ng mga regulasyon,
direksyon o proseso sa kung paano
gawin ang isang partikular na bagay,
pag-ayon, pagtutol at iba pa.

 HALIMBAWA:
INTERAKSIYONAL
Ay nakikita sa paraan ng pakikipag-
ugnayan ng tao sa kanyang kapwa,
pakikipagbiruan, pagkukuwento ng
malulungkot o masasayang
pangyayari at iba pa.

 HALIMBAWA:
IMAHINATIBO
Masining at malikhaing paraan ng
pagpapahayag. Kagaya ng panulaan,
maikling kuwento, sanaysay at iba
pa.

 HALIMBAWA:
HEURISTIKO
Ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng
impormasyong may kinalaman sa
paksang pinag-aralan. Halimbawa nito ay
ang pag-iinterbyu, pakikinig sa radyo,
panonood sa telebisyon at pagbabasa ng
pahayag, blog at aklat.

HALIMBAWA:
IMPORMATIBO
Ang kabaliktaran ng heuristiko. Kung ang
heuristiko ay pagkuha o paghahanap ng
impormasyon, ito naman ay may
kinalaman sa pagbibigay ng
impormasyon sa paraang pasulat at
pasalita. Halimbawa nito ay pagbibigay-
ulat, thesis, panayam, at pagtuturo.

HALIMBAWA:
Mga halimbawa ng Instrumental:

Patalastas

Liham
Mga halimbawa ng Personal:

Pagsulat ng Journal o Diary


Mga halimbawa ng Regulatoryo:

Pagbibigay ng
panuto Mga babala
Mga halimbawa ng Interaksyonal:

Pakikipagkuwentuhan
Pagkakaisa
Mga halimbawa ng Imahinatibo:

paglalahad ng kuwento
Mga halimbawa ng Heuristiko:

Pagbabasa o
panonood ng blog
Panonood ng telebisyon
Mga halimbawa ng Impormatibo:

Business presentation Pagbibigay ng ulat


IKA-5 GRUPO
Miyembro:

• Ballester, Jevin
• Bernal, Keziah Faith
• Bartolome, John David
• Del Rosario, Maureen

You might also like