You are on page 1of 33

MGA

BARAYTI
NG
WIKA
Ni: C.L.Y
08/14/2017
Lunes ng umaga, tulad ng dati, maraming tao
kang makasasalubong at makakausap. Paano
mo sila kakausapin o babatiin sa pamamagitan
ng pagsasadula.
Ano ang sasabihin mo,
A. Sa kaibigan mong sosyal?
B. Sa isa sa mga guro mo?
C. Sa kaibigan mong “beki” o bakla?
D. Sa kaklase mong jejemon?
E. Sa kaibigan mong kagagaling sa probinsiya ninyo?
RUBRIKS:
1.Maganda ang ekpresyon ng mukha -15%
2.Malakas ang dating sa mga manonood -10%
3.Makitaan ng pagiging malikhain -25%
100%
HETEROGENOUS
AT
HOMOGENOUS
NA WIKA
HOMOGENOUS
 Ito ay nangangahulugang pare-pareho
o pagkakatulad.
Ito ay tumutukoy sa pagkakatulad ng
mga salita, ngunit dahil sa paraan ng
pagbaybay at intonasyon o aksent sa
pagbibigkas ito ay nagkakaroon ng
ibang kahulugan.
HETEROGENOUS
 Ito ay nangangahulugang hindi pareho o
magkaiba.
 Dahil sa pagkakaiba ng mga indibidwal at grupo
ng tao ayon sa iba’t ibang salik panlipunan na
kanyang ginagalawan tulad ng edad, hanapbuhay
o trabaho, antas ng pinag-aralan, kasarian,
kalagayang panlipunan, rehiyon o lugar, pangkat-
etniko o tinatawag ding etnolingguwistikong
komunidad kung saan tayo’y nabibilang.
BARAYTI NG WIKA
 Dayalek
 Idyolek
 Sosyolek
 Etnolek
 Register
 Pidgin at Creole
DAYALEK
 Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng
partikular na pangkat ng mga tao mula
sa isang partikular na lugar tulad ng
lalawigan, rehiyon, o bayan.
 Ito ay mapapansing may pagkakaiba sa
tono o punto.
Halimbawa:

Payao na ako. (Aalis na ako.)

Ngano? (Bakit?)

Naglibog ko. (Nalilito ako.)


IDYOLEK
 Ito ay tumutukoy sa partikular na paggamit ng isang
tao sa kanyang wika.
 Ito ay inihahalintulad sa fingerprints ng isang tao na
tanging kanya lamang. Dito nailalantad ang estilo sa
pagsasalita ng isang indibidwal na maaaring maligoy o
tuwiran, mabilis o mabagal.
 Personal na paggamit ng wika na nagsisilbing
simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao.
Halimbawa:
“Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro

“Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez

“Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim Atienza

“I shall return” ni MacArthur


SOSYOLEK
 Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o
antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga
taong gumagamit ng wika.
 Ayon kay Rubrico, ito ang mahusay na palatandaan
ng istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang
nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng
mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang
katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang
kinabibilangan.
WIKA NG MGA BEKI
(GAY LINGO)
Ito ang sosyolek ng mga beki.
Ang unang intensiyon sa paggamit
sa wikang ito ay para magkaroon
sila ng sikretong lengguwaheng
hindi maiintindiihan ng ibang tao.
Halimbawa:
Churchill (sosyal)
Indiana Jones (nang-indyan o hindi sumipot)
Bigalou (big)
Givenchy (give)
Juli Andrews (mahuli)
WIKA NG MGA COÑO
(COÑOTIC O CONYOSPEAK)
 Ito ang sosyolek ng mga “sosyal” o “pasosyal”.
 Isang baryant ng Taglish.
 Sa Taglish ay may ilang salitang Ingles na inihahalo sa
Filipino kaya’t masasabing may code switching na
nangyayari.
 Karaniwang maririnig sa mga kabataang may kaya at
nag-aaral sa mga eksklusibong paaralan.
Halimbawa:
Kaibigan 1: Let’s make kain na.
Kaibigan 2: Wait lang. I’m calling Anna pa.
Kaibigan 1: Come on na.We’ll gonna make
pila pa. It’s so haba na naman for sure.
Kaibigan 2: I know right. Sige, go ahead na.
JEJEMON (JEJESPEAK)
 Ito ag sosyolek para sa mga kabataang jologs.
 Ang salitang jejemon ay nagmula sa pinaghalong
jejeje na isang paraan ng pagbaybay ng hehehe at ng
salitang mula sa Hapon na pokemon.
 Nakabatay sa mga wikang Ingles at Filipino subalit
isinusulat nang may pinaghalo-halong numero, mga
simbolo, at may magkasamang malalaki at maliliit na
titik kaya’t mahirap basahin o intindihin lalo na nang
hindi pamilyar sa tinatawag na jejetyping.
Halimbawa:
3ow ph0w, mUsZtAh nA phow kaOw?
(Hello po, kumusta na po kayo?)

aQcKuHh iT2h (Ako ito)

iMiszqcKyuH (I miss you)

MuZtaH (Kumusta)
JARGON
 Ito ang sosyolek sa iba’t ibang pangkat ng
propesyon, partikular na trabaho, o gawain ng tao.
 Natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat
na nakapagpapakilala sa kanilang trabaho o gawain.
 Bawat propesyon o okupasyon ay mmay sariling
mga salita o terminong hindi bastang mauunawaan
ng mga hindi ganoon ang trabaho.
Halimbawa:
Sa mga abogado: Sa mga guro:
exhibit lesson plan
appeal objectives
complainant grading sheets
ETNOLEK
 Ito ay barayti ng wika mula sa mga
etnolongguwistikong grupo.
 Ang salitang etnolek ay nagmula sa
pinagsamang etniko at dialek.
 Taglay nito ang mga salitang naging bahagi
na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-
etniko.
Halimbawa:
Vakkul- gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo
sa init o sa ulan man.

bulanon- full moon

kalipay- tuwa o ligaya

palangga- mahal o minamahal


REGISTER
 Ito ang barayti ng wika kung saan
naiaaangkop ng isang nagsasalita ang uri
ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at
sa kausap.
 Pormal na wika (nakatatanda at okasyon)
 Di-pormal na wika (kaibigan, kaklase, at
malalapit na kapamilya)
Halimbawa:
Hindi ako makakasama, wala
akong datung. (kaibigan)

Hindi po ako makakasama dahil


wala po akong pera. (guro)
PIDGIN AT CREOLE
PIDGIN
 Umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na
“nobody’s native language” o katutubong wikang di
pag-aari ninuman.
 Ito’y ginagamit ng dalawang indibidwal na nag-uusap
na may dalawa ring magkaibang wika. Umaasa lamang
sila sa mga “make-shift” na salita o mga
pansamantalang wika lamang.
Halimbawa:
Ako kita ganda babae.
(Nakakita ako ng magandang babae.)
Ako tinda damit maganda.
(Ang panindang damit ay maganda)
Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado.
(Mag-aral ka ng mabuti upang mataas ang iyong
grado)
CREOLE
 Ito ang wikang nagmula sa isang pidgin at
naging pangunahing wika ng partikular na
lugar.
 Mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa
mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal,
mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay
naging pangunahing wika ng partikular na
lugar.
 Chavacano (Tagalog at Espanyol)
Halimbawa:
Mi nombre (Ang pangalan ko)
Di donde lugar to? (Taga saan ka?)
Buenas dias (Magandang umaga)
Buenas tardes (Magandang hapon)
Buenas noches (Magandang gabi)
“Mga barayti ng wika’y
mahalagang matutuhan,
makatutulong ito upang
tayo’y higit na
magkaunawaan.”
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano ang dayalek? ang idyolek? ang sosyolek? ang etnolek?
ang register?
2. Paano nagkakaiba ang pidgin at creole?
3. Sa anong sosyolek nabibilang ang pagsasalita mo?
4. Ano ang jargon? Paano mo malalaman ang propesyon o
gawain ng mga taong ag-uusap batay lang sa kanilang
jargon?
5. Paano mo mailalarawan ang iyong idyolek? Paano naiiba
ang paraan mo sa pagsasalita sa iba pang taong nagsasalita
rin ng wikang ginagamit mo?
Pakinggan o panoorin ang mga programang panradyo
o pantelebisyon at saka sagutin ang mga tanong.
1. Ano-anong barayti ng wika ang kapansin-pansin sa paraan
ng pagsasalita ng host sa programang panradyong
napakinggan mo? Bakit?
2. Bakit kaya dayalek ng mga Batanggenyo ang napiling gamitin
para sa Batman joke time?
3. Bakit sina Boy Abunda, Kris Aquino, at Gloria ang napiling
gayahin o i-spoof sa mga pinanood mo? Ano ang masasabi
mo sa kanilang idyolek?
4. May mga nagamit bang jargon ang host o ang mga bisita?
Kung mayroon, ano-ano ang mga ito?
RUBRIK:
MARAMING SALAMAT

You might also like