You are on page 1of 28

Register

bilang Varayti ng Wika


ABOT-TANAW
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng
mga mag-aaral ang sumusunod:

nasasabi kung ano ang register bilang varayti ng


wika; naikaklasipika ang mga salita ayon sa
disiplina o larangang pinaggagamitan ng mga ito;
nakapagtatala ng mga halimbawa ng register ayon sa
iba't ibang larangan o disiplina;
nakasusulat ng maikling talatang ginagamitan ng mga
register, at
nakabubuo ng word list ng mga register sa iba't ibang
larangan o disiplina.
BALIK-TANAW
Basahin ang mga salitang nakatala sa loob ng
kahon.Tiyak na pamilyar sa iyo ang mga salitang
ito dahil ginagamit mo ang mga ito kapag
nagkokompyuter ka.
1. May mga salita ba sa loob ng kahon na
ginagamit mo rin kapag wala ka sa harap ng
kompyuter o kapag hindi ka nagkokompyuter?
Ano-ano ito? Itala sa sa ibaba.
2. Saang gawain mo ginagamit ang mga salitang
ito maliban sa pagkokompyuter?
3. Alin-alin naman sa mga salita ang tanglng sa
pagkokompyuter mo lamang gina-gamit? Itala sa
ibaba ang iyong sagot.
Luksong-Kaalaman
Pangkatang gawain.
1. Bumuo ng grupo na may limang miyembro.
2. Pumili ng isang miyembro na niagiging tagalista.
3. Ilalabas ng bawat miyembro ang laman ng kaniyang bag at
sasabihin niya kung ano-ano ita
4. Ililista sa papel ng napiling tagalista ang laman ng bag ng bawat
miyembro.
5. Kapag nakatapos na ang lahat ng miyembro at nailista na ang
lahat ng gamit, pagtutulungan ng lahat ng miyembro na iklasipika ang
mga gamit ayon sa gawain o larangang pinaggagamitan ng mga ito.
Halimbawa:
6. luulat sa harap ng klase ang naging resulta ng
ginawa ng bawat grupo:
7. Pagkatapos ng pag-uulat ng lahat ng grupo,
pag-usapan sa klase ang mga tanong na ito:
Sa anong gawain o larangan kayo
pinakamaraming nailista?
Saan naman pinakakaunti?
May napansin ba kayong mga bagay na maaaring
ilista sa dalawa o mahigit pang gawain o
larangan? Ano-ano ito?
Register bilang Espesyalisadong Termino

Mapapansin na ang ilang terminong pang-washing


machine at pang cell-phone ginagamit din sa ibang
larangan. Mapapansin din na kapag ginamit sa
ibang larangan at mga terminong ito, naiiba na ang
taglay na kahulugan ng mga ito.

Halimbawa, ang "spin" washing machine ay


nangangahulugan ng mabilis na pag-ikot ng makina
upang mapiga at matanggal ang tubig sa mga
damit. Samantala, sa paggawa ng sinulid,
nangangahulugan ang spin ng paghahabi ng hibla o
fiber upang maging sinulid.
Ang "text" sa cell phone ay tumutukoy sa
ipinadalang mensahe patungo sa isa o iba pang
cellphone. Samantala, sa literatura, ang text ay
tumutukoy sa anomang nakasulat na akda gaya ng
tula, sanaysay, kuwento.

Ang isang salita o termino ay maaaring magkaroon


ng iba't ibang kahulugan ayon sa larangan o
disiplinang pinaggamitan nito. Register ang tawag
sa ganitong uri ng mga termino.
Register bilang Espesyalisadong Termino

Tinatawag na register ang mga espesyalisadong termino gaya


ng mga salitang siyentipiko o teknikal na nagtataglay ng iba't
ibang kahulugan sa iba't ibang larangan o disiplina. Isa pang
halimbawa ng register ang salitang "kapital" na may
kahulugang "puhunan": larangan ng pagnenegosyo at may
kahulugan namang "punong lungsod' o 'kabisera" sa larangan
ng heograpiya.

Bawat propesyon ay may register o mga espesyalisadong


salitang ginagamit. Iba ang register ng wika ng guro sa
abogado. Iba rin ang sa inhinyero, computer programmer,
negosyante, at iba pa. Samantala, ang doktor at nars ay
pareho ang register ng wika sapagkat iisa ang kanilang
propesyon o larangan—ang medisina.
Hindi lamang ginagamit ang register sa isang
partikular o tiyak na larangan kundi sa iba't ibang
larangan o disiplina rin. Espesyal na katangian ng
mga register ang pagbabago ng kahulugang taglay
kapag ginamit na sa iba't ibang disiplina o
larangan. Dahil iba-iba ang register ng wika ng
bawat propesyon at nababago ang kahulugang
taglay ng register kapag naiba ang larangang
pinaggagamitan nito, itinuturing ang register bilang
isang salita sa varayti ng wika.

Isang tiyak na halimbawa ng register ng wika ang


magkakaibang tawag sa binibigyan ng serbisyo ng
bawat propesyon o larangan.
Napiling Register ng Wika sa Lyrics
Larangan Kahulugan
a.
b.
B. Ang Register sa Facebook.
Tingnan ang dalawang huling linggong Facebook istatus at
tweets sa Twitter ng mga kaklase at kaibigan. Piliin ang
mga register na makikita sa kanilang istatus at tweets.
Ibigay ang kahulugan ng bawat register ayon sa larangan.
Ipakita sa mga kaklase at hayaan silang magkomento sa
iyong ginawa
C. Hingin ang komento ng iba.
Gumawa ng word list ng isang larangang kultural
(halimbawa: sayaw, awit pagkain, relihiyon) at isang
larangang panlipunan (halimbawa: batas, ekonomiya,
edukasyon, midya). Bubuuin ng tig-25 register ang bawat
larangang napili mo. I-post sa iyong Facebook wall ang
nabuo mong word list at pabigyan ito ng komento sa iyong
mga kaibigan..
Daong Kamalayan
Ngayong alam na kung ano ang register bilang
isang varayti ng wika, bakit kaya mahalagang
matutuhan ang tungkol dito? May tulong bang
maibibigay ito sa iyo bilang mag-aaral sa
kasalukuyan at bilang isang propesyonal sa
hinaharap? Magbigay ng mga halimbawang
patunay batay sa iyong sariling karanasan o sa
alam mong karanasan ng iba. Isulat ang iyong
sagot sa iyong kuwaderno.

You might also like