You are on page 1of 4

SUSI SA TAGUMPAY

Sa probinsya ng camarines sur, nakatira ang pamilya ni Gillian. Mahirap lamang sila. Si
Mang Jayson ay isa lamang magsasaka at ang kaniyang asawa na si Aling Gina ay katulong niya
sa pagsasaka . Minsan ay hindi sumasapat ang kinikta nilang mag- asawa upang mapag aral at
maibili ng pagkain at pangangailangan ang kanilang pitong anak. Subalit kahit ganoon kahirap
ang buhay nila, nagtitiyaga pa rin si Gillian at nagsusumikap upang makapgtapos lamang siya ng
pag aaral. Nagtapos si Gillian ng Elementarya sa kanilang lugar bilang Valedictorian at ganun din
noong tumuntong siys ng Sekondarya. Bata pa lamang siya ay pangarap na niyang mabilhan ng
malawak at sarling lupa ang kaniyang ama upang kaniyang masaka. Nakikisaka lamang kasi ang
kaniyang ama sa kaniyang tiyuhin, minsan pa nga ay pinatigil ng kaniyang tiyuhin ang kaniyang
amasa pagsasaka. “Jayson total naman ay matagal ka nang nagsasaka sa lupa ko, panahon na
siguro para iba naman ang magsaka dito at dahil na rin sa nalalaman ko na sa tuwing nag aani
kayo dito sa sakahan ko ay nagtatago ka ng mga ani”, sambit ng tiyuhin ni Gillian. Walang
nagawa si Mang Jayson, nawalan ito ng trabaho, minsan ay walang baon sa eskwela si Gillian at
ang mga kapatid niya. Kaya’t tuwing hapon ay nagtitinda siya ng mga gulayin at kakanin sa
kanilang barangay ata karatig barangay nito, at kapag walang pasok ay tumutulong siya sa
paglalabada sa kaniyang ina at minsan ay kinukuha siyang tagalinis ng bahay ng kaniyang mga
guro, sa ganoong paraan ay nakakatulong si Gillian sa gastusin sa kanilang bahay. Noong nasa
Elementarya pa lamang ay madlas siyang tuksuhin at pagtawanan ng kaniyang mga kaklase
dahil luma niyang damit at sapatos. Madalas pa siyang sabihan na hindi raw siya
makakapagtapos ng pag aaral dahil raw mahirap at wala silang pera, ngunit hindi niya iyon
pinansin, inisip na lamang niya na titigil din ang mga ito sa panunukso. Ngunit hanggang sa
tumuntong siya ng sekondarya ay hindi pah din siya tinitigilan ng mga ito . Madalas pa rin siyang
tuksuhin dahil sa itsura niya, luma ang damit, ganoon din ang sapatos, makapala ang kilay at
kulot ang mahaba niyang buhok. Palagi siyang pinapahiya ng kaniyang kaklase na si Jasmine at
ang mga kaibigan nito. Lalo pa itong nagalit kay Gillian ng malaman niya na matagal na din na
crush ni Gillian si Mark Angelo. Simula mga bata pa lamang sila ni Gillian ay galit nag alit na sa
kaniya si jasmine dahil tuwing reconition day nila ay si Gillian ang nasa First Honor at
pangalawa lamang siya, hanggang sa sila ay mag graduate ay nanatiling si Gillian pa din ang
nangunguna , kaya lagi niyang pinapahiya at iangtatawanan si Gillian, Si J asmine isa sa
pinakamaganda aty pinaka mayaman sa kanilang paaralan kaya’t palagi niyang sinasabi na “
Malabong magaka gusto sayo si Angelo kaya’t tigilan mon a ang pag iilusyon mo! Dahil sa akin
sya at ako lang ang gusto niya!. Hindi na lamang niya pinansin si Jasmine at sa tuwing
pinagtatawanan siya nito ay hinahayaan na lamang niya sa halip ay pag aaral na lamang ang
bibigyang pansin niya. Kasalukuyan namang nasa ika apat na taon na siya ng sekondarya at
malapit ng makapagtapos.
Isang araw kinausap siya ng kaniyang mga guro, pagbutihin mo moa ng pag aaral
Gellian dahil ikaw ang nangunguna sa klase at kapag ikaw ang naging Valedictorian bibigyan ka
naming ng scholarship pagtungtong mo ng kolehiyo. Masayang-masaya si Gillian dahil
magandang balita ito para sa kanya dahil hindi na mahihirapan ang kaniyang magulang sa
pagpapa aral sa kanya sa kolehiyo, kaya’t masaya siyang umuwi ng bahay ngunit pagdating niya
ay ang mga kapatid lamang niya ang nandoon at umiiyak “Nasaan ang tatay at nanay? Anong
nangyari bakit kayo umiiyak? Tanong niya. “Nasa ospital sila nanay at tatay dahil inataki sa puso
si nanay ate” sagot ng kapatid niya. Napaluha siya sa nalaman, naawa siya sa kanyang ina,
marahila ay napagod ito ng husto, kaya’t dali-dali siyang umalisng bahay upang maghanap ng
pera. Pumunta siya sa kanyang mga guro at huingi ng tulong, nangako naman siya na
pagtatrabahuhan niya ang ibibigay nitong tulong. Naawa naman sa kanya nagkanyang guro
kaya tinulungan siya nito. Ngunit kulang ang perang nahanap/ nakuha niya, dahil isa lamang ang
gusting tumulong sa kaniya, kaya’t bumalik siya ng bahay nila upang kunin ang naipong pera na
para sa Graduation nila at agad niya itong ibinigay sa kaniyang ama. Labis ang pasasalamat ng
kanyang ama dahil sumapat iyon paramakabili sila ng gamot at upang makalabas na ng ospital
ang kaniyang ina. Kinabukasan ay wala siyang pasok kaya’t maaga siyang gumising at nagluto at
umalis ng bahay upang puntahan ang gurong tumulong sa kaniya, at magtrabaho dito. Pasado
als-dyes na ng gabi siya nakauwi, may dala siya noong pagkain at ulam na bigay sa kaniya ng
kaniyang guro. Binigyan din siya nito ng pera, pambili raw ng gamot at pagkain ng kaniyang ina
ganoon na rin ang pambaon sa eskwela. Halos isang buwan ng siyang ganoon ang Gawain.
Palagi siyang puyat at pagod dahil pinag sasabay niya ang pag aaral at pag tatrabaho. Magaling
na ang kaniyang ina at nagasasaka na ulit sa lupain ng kaniyang tiyuhin ang kaniyang ama.
Ngunit kahit ganoon ay nagtatrabaho pa din siya pandagadag sa gastusin sa kanilang bahay at
ang subra ay iniipon niya. Hanggang sa dumating na ang araw ng kanilang pagtatapos at si
Gillian nga ang naging Valedictorian, masaya ang lahat para sa kaniya lalo na ng kaniyang mga
magulang at kanyang mga guro na siyang namang laong ikinagalit ni Jasmine. Pag uwi ni Gillian
ng bahay ay munting salo-salo na inihanda ng kanyang nanay at tatay at nakatanggap din siya
ng regalo mula sa kanila”, pinag ipunan talaga naming ito para sa iyo anak”, tatay
niya,.Nagpasalamat si Gillian at nang buksa niya ito, isang paris ng sapatos at dalawang paris ng
damit, natuwa siya sa ragalong natanggap niya.
Bakasyon na noon kaya’t naging abala si Gillian sa pagtulong sa kaniyang ina, at sa
pagtatrabaho sa mga dati niyang guro. Naka ipon sig ILLIAN ng pera sa pangkolehiyo niya at
bumili din siya ng mga damit at sapatos niya para sa kaniyang mga kapatid at sa kaniyang ina at
ama.
Kinabukasan ay pasukan na at naging scholar nga siya ng kaniyang dating guro naging
maayos naman ang unang taon niya sa kolehiyo subalit hindi pa rin siya tinitigilan ni Jasmine sa
panlalait maraming masasakit na salita ang naririnig niya dito. Isang hapon malungkot na
umuwi si Gillian, kinusap siya ng kaniyang ina at binigyan ng pera”, gamitin mo iyan sa pag-
aayos ng sarili mo dahil dalaga kana anak! May pera pa naman ako dahil nagpadala ang iyong
tita na nasa ibang bansa”. Ayaw itong tanggapin ni Gillian, ngunit pinilit siya nito. Pumunta sila
sa beauty salon at ipinatuwid angbuhok ni Gillian at ipinaayos ang kilay. Binilhan siya ng
kaniyang ina ng mga gamit sa mukha at magagandang damit” dalaga kana anak kaya dapat ay
maayos na siyang tingnan” ani ni aling Gina. Nagpasalamat si Gillian sa kaniyang ina at niyakap
ito. Dahil din sa kaniyang tita nakapagpatayo ng maliit na karinderya ang kaniyang ina. Kaya’t
kapag wala na siyang pasok ay hindi na siya nagtatrabaho sa halip ay tumutulong na lamang
siya sa kaniyang ina sa karinderya.
Kinabukasan sa eskwelahan, nagulat ang lahat sa pagbabago ni Gillian lahat ay
nagandahan sa kaniya maliban lamang kay Jasmine na mas lalo pang nagalit sa kaniya” Kahit
ano pang gawin mo Gillian mas magagnda pa rin ako”, ani ni Jasmine. Hindi na lamang ito
pinansin ni Gillian. Naiilang si Gillian sa trato ng lahat sa kaniya marami ang lumalapit sa kaniya
at nagtatangkang ligawan siya. Ngunit tumatanggi lamang siya dahil si Mark Angelo lamang ang
gusto niya, ngunit hanggang ngayon ay hindi parin siya nito pinapansin. Hindi naging madali ang
pagkokolehiyo ni Gillian lalo’t Edukasyon ang kaniyang kurso. Madalas siyang pagod at puyat
dahil sa marami siyang kailangang tapusin at isa pang nagpapahirap sa kaniya si Jasmine na
madalas siyang siraan at lahat ginagawa mapahiya at bumagsak lamang siya tuwing may exam
sila at ang kakulangang pinansyal dahil kahit na scholar siya ay marami pa din siyang
pinagkakagastusan sa klase. Ngunit hindi iyon naging hadlang kay Gillian upang makapagtapos
ng pag aaral. Hanggang sa siya nga ay makapagtapos na ng pag aaral sa kolehiyo bilang
bachelor of secondary education major in englis comlaudi. Nagpasalamat siya sa gurong
nagbigay sa kaniya ng scholarship kundi dahil sa kaniya hindi pa siya makakapagtapos ng pag
aaral.
Matapos niyang maka graduate ay nag –“ exam” kaagad siya siya gamit ang perang
naipon niya noon at dahil nga matalino ay napasa kaagad siya at kaagad na nagturo sa kanila
mismong barangay. Ngunit makalipas lamang ang ilang buwan ay inilipat siya sa San Juan
Nation High School sa San Juan Batngas at kasalukuyang doon parin siya nagtuturo ngayon.
Nakabili na rin siya ng malawak na lupain para sa kaniyang ama, at isang sasakyan upang
magamit sa pag dedeliver sa bayan ng mga naani nila. Napakalaki na rin niya ang karenderya ng
kaniyang ina at sila na din ang may ari ng isang Bakery sa kanilang barangay at karatig. Naging
maunlad na ang buhay ng pamilya ni Gillian dahil sa pagsisikap niya. Napagtapos na rin niya ang
mga kapatid at ang iba ay may sarili ng pamilya at may kaniya kaniya na ring trabaho, maliban
na lamang a bunso nitong kapatid ns si Geraldine dahil ito ang nasan ik apat na baiting pa
lamang sa sekondarya at malapit na ring mag kolehiyo. Tatlong taon lang ang lumipas at napag
pasyahan na rin nila Gillian at Angelo na magapakasa, pareha naman silang may trabaho at
nakapa ipon na din sila kaya siguro ay oras na man para sila naman ang bumuo ng masagan
atmasayang pamilya.

You might also like