You are on page 1of 1

SI G.

JACINTO

Isang ordinaryong umagang sa tahanan nila G. Juan Jacinto o JJ ng may


matanggap itong mensahe sa pagkatanggal niya sa kaniyang trabaho bilang guro, sa
isang pribadong paaralan kung saan siya nagtuturo. Nanlumo siya at napasabing,
“Diyos ko po, paano na ako ngayon, may sinusuportahan akong kapatid na nag-aaral
at pamilya, paaano ko na lamang sila matutulungan, sa hirap ng buhay ngayon at may
pandemiya pa”. Nagdulot ito ng lungkot kay JJ sapagkat hindi niya inaasahan ang
mensaheng iyon, isa naman siyang magaling at masipag na guro, kung kaya’t bakit
siya pa ang napiling tanggalin sa paaralan. Parehong senior citizen ang kaniyang mga
magulang at kapwa namamalagi na lamang ang mga ito sa kanilang tahanan. Sa
kaniya lang umaasa ang kaniyang pamilya upang tustusan ang pag-aaral ng kaniyang
kapatid at para na rin sa mga gagamiting perang pantustos sa pang-araw-araw.

Unti-unting naubos ang ipon ni JJ, napilitin na rin siyang patigilin ang kaniyang
kapatid na nag-aaral, sapagkat wala na siyang maibayad sa kaniyang matrikula kada
semester. Isa pang malaking dagok na nangyari ay nagkaroon ng Type 2 diabetes ang
kaniyang ina, na kinagulat rin niya at kinatakot, bagay na itinago ng kaniyang ina
dahil ayaw na raw niya itong pagproblemahin pa. “Anong kamalasan ba ang
nangyayari sa akin, walang katapusan, wala na bang awa ang diyos?,” ang naiusal ni
JJ dahil sa dala ng emosyon at problemang kaniyang nararanasan.

Isang umaga ay may narinig si JJ na kumakatok at tumatawag ng kaniyang


pangalan sa labas ng kanilang bahay, yaon pala ay si Melina, ang kaniyang kababata
na isa ring guro. Nabalitaan ni Melina ang pagkakatanggal sa trabaho ni JJ kung
kaya’t nagbalak itong puntahan si JJ sa kanilang tahanan upang kumustahin at
pag-usapan ang problema ng kaniyang kaibigan para mabawasan ang bigat na
kaniyang nadarama. Masaya ang naging daloy ng kanilang kwentuhan at kahit
papaano ay nabawasan ang dinadamdam ni JJ. Pauwi na sana si Melina ng naalala
nito na naghahanap pala ng bagong guro ang Unibersidad na kaniyang pinapasukan,
“Siya nga pala, naalala ko, naghahanap pala ng bagong guro yung paaralang
pinagtuturuan ko? Baka gusto mong mag-apply, sakaling makuha ka.” Hindi na
nag-alinlangan pa si JJ dahil sabik na itong bumalik sa pagtuturo para matustusan niya
ang pagpapagamot ng kaniyang ina at upang makabalik na rin ang kaniyang kapatid
sa pag-aaral.

Kinagabihan, pagkatapos ng pag-uusap nilang magkaibigan ay dali-daling


nag-ayos ng kaniyang requirements si JJ para maipasa niya rin kinabukasan ito.
Kinabukasan ay nadatnan niya si Melina sa harap ng gate ng Unibersidad, “Dalian mo
para mabilis kang makapagpasa, at kung papalarin ka, iinterbyuhan ka agad”, usal ni
Melina. Binilisan nga ni JJ ang paglalakad upang makapagpasa, at sa kaniyang
kaswertihan ay nainterbyu at agad na nakuha ito.

Makalipas ang panahon ay unti-unting nakaahon si JJ sa lugmok na kaniyang


naranasan, laking pasalamat niya sa kaniyang kaibigan ni si Melina. Nakabalik na sa
pag-aaral ang kaniyang kapatid, kung saan ito nagtuturo. Naagapan na rin ang
kaniyang ina sa sakit nitong diabetes at masaya na siya sa pagtuturo sa bagong
unibersidad na kaniyang pinagtatrabahuan.

-ALEXANDER R. DELA CRUZ BSED-FILIPINO 2A

You might also like