You are on page 1of 5

“Sugatang Mandirigma”

Isinulat ni: Jhun Mark Siete

"Ang tunay na mandirigma ay hindi sumusuko sa anumang laban, marami man ang sugat na iniwan ng
masalimuot na nakaraan."

Masaya at puno ng pagmamahal kung mailalarawan ni Jesa ang kaniyang pamilya. Tandang-tanda niya
pa iyong mga araw kung gaano sila kasaya sa tuwing sila'y namamasyal sa parke at pamilihan at
manood sa sinehan.

Jesa: Tay, bilhan niyo po ako ng lobo.


Itay: Sige anak, anong kulay ang gusto mo?
Jesa: Yung pink po itay. Yung may barbie.
Inay: Ayan ka na naman. Kaya nagiging spoiled yang anak mo eh. Binibili mo kase lahat ng gusto.
Itay: Ano ka ba naman para to sa prinsesa ko eh.
Inay: Ano nga ulit ang sasabihin mo pag may nagbigay sa’yo anak?
Jesa: Salamat po itay. Salamat din po inay, I love you.

Ngunit sa kabila pala ng kanilang kaligayahan ay may dalamhating nakaamba na babago sa takbo ng
kanilang buhay.

Nasa kalagitnaan ng klase si Jesa nang may tumawag sa kanya sa telepono.

Kriinnnngggg kringggggg krinnggggggg

Jesa: Can I excuse myself maam? Tumawag po kase ang mama ko.
Teacher: Okay Ms. Ramos , you may take that call.
Jesa: Hello Nay, ba’t napatawag ka?
Inay: Jesa anak, wala na ang kuya mo.

Sa puntong iyon ay parang pinagsakloban si Jesa ng langit ng lupa. Gusto niyang umiyak at
maglumpasay sa sahig. Rinig na rinig niya ang iyak ng kanyang ina sa telepono. Ngunit sa isip niya ay
dapat niyang magpakatatag para sa kanyang ina at ama.

Makalipas ang isang buwan ay isa na namang dagok ang kanilang mararansan.Hindi pa nga sila
nakakabangon mula sa pangyayari ay sumunod ang isa pa niyang kapatid na lalaki nang masagasaan
ito ng dyip. Dumaan ang dalawang taon nang pumanaw naman ang kanyang kapatid na babae sa sakit
na dengue rin.
Ina: Bakit? Bakit nangyayari sa atin to anak? Bakit parang tinalikuran na tayo ng Diyos? Ano ba ang
kasalanan namin ng papa mo. Bakit parang pinaparusahan niya kami.
Jesa: Wala po kayong kasalanan ni itay. Hindi ko rin po alam nay bakit nangyayari sa atin to.
Ina: Hindi naman kami masamang tao. Naging mabuti naman kaming mga magulang sa inyo.

Niyakap ni Jesa ang kanyang ina ng sobrang higpit habang ito ay humahagulgol. Ang ama naman niya
naman ay parating nakakulong sa loob ng bahay. At nakatitig sa larawan ng kanyang tatlong
nakatatandang kapatid habang tumutulo ang luha.Masakit isipin na ang sana'y ang tatawagin niyang
mga kuya at ate ay hindi na niya magagawa pa, ngunit kahit sa sandaling panahon ng kanilang
pagsasama at kahit wala pa siyang kamuwang-muwang nang mawalay ang mga ito sa kanilang piling
ay ramdam niyang mahal siya ng kanyang mga kapatid.

Sa pagdaan ng panahon, unti-unting naghilom ang sugat nang nadagdagan ng dalawang myembro ang
kanilang pamilya. Hingal na hingal si Jesa sa katatakbo dahil nabalitaan niya sa kanyang ama na
manganganak na ang kanyang ina. Kaya halos liparin na ni Jesa ang papunta sa hospital. Pagkarating
niya sa hospital ay nakita niya ang kanyang ama sa labas ng operating room.

Jesa: itay! Kumusta na po si inay? Lumabas na po ba ang baby?


Itay: Nasa loob pa ang nanay mo anak. Pina-iiri pa siya ng doctor.

Makalipas ang 5 oras ay lumabas na ang doctor sa operating room.

Itay: Kumusta na po ang asawa ko doc? Okay lang po ba ang mga anak ko?
Doctor: Congratulations Mr.Ramos, successful po ang panganganak ng asawa ninyo. Kambal po ang
baby niyo, babae at lalaki po.
Itay: maraming salamat po doc. Anak jesa, ate ka na! Kambal ang kaaptid mo.
Jesa: Yehey! Ate na ako. Promise po itay mamahalin at aalagaan ko po sila.

Inakala niya na iyon na ang panibagong simula ng isang masayang pagsasama. Ngunit, totoo ngang
Hakbang tayo'y nabubuhay pa, patuloy pa rin ang pagdating ng mga problema na susubok sa ating
katatagan.

Nasa ikalawang baitang si Jesa nang makaranas siya ng pamamantal at pangangati ng kanyang balat.
Kung minsan ay namamaga pa ito at nakakaranas din siya ng pananakit ng katawan. Kaya minabuti
nila na magpa check-up sa doktor.

Ina: Doc, ano po ba ang dahilan bakit nagkakaganito ang anak ko?
Doktor: Misis, ang anak niyo po ay may sakit sa balat. Ang tawag po sa sakit niya ay psoriasis. Sa
kasalukuyan po ay wala pang lunas sa sakit na ito.
Ina: Bakit po nagkaroon ng ganitong sakit ang anak ko. Sa katunayan po ay malusog naman po siya .
Doktor: Ang ganitong uri ng sakit po misis ay dulot ng mahinang immune system. Maaari din po itong
mamana kung may history sa pamilya niyo ng ganitong klaseng sakit.
Ina: Ano po ang dapat naming gawin doc?
Doktor: Kung maaari po misis ay iwasang ma stress ang anak niyo po. At huwag niyo pong pakainin
ng pagkaing bawal sa kaniya upang mabawasan ang sakit na iniinda niya.

Tulala si Jesa habang nakikinig sa usapan ng kaniyang ina at ng doktor. Hindi siya makapaniwala na sa
murang edad pa lamang niya ay nagkaroon siya ng karamdaman. May mga bagay siya na hindi niya na
magagawa at ang masklap pa ay habang buhay niya na itong dala-dala.

Lumipas ang pitong taon, nasa ika-apat na baitang si Jesa ay pumanaw ang kanyang pinakamamahal na
ama. Ito iyong panahong pighati ang bumalot sa kanilang tahanan at kasabay ng paglisan nito sa
mundong ibabaw ay ang pagguho ng pundasyong kanilang itinatag.

Ina: Mahal! Ba’t mo kami iniwan ng anak mo? Paano na kami ngayon? Paano ko bubuhayin ang
pamilya natin.
Jesa: Itay! Ang daya mo! Sabi mo papasyal pa tayo. Sabi mo manonood pa tayo ng sine. Bakit niyo
kami iniwan itay!

Nagpatuloy ang kanilang buhay ngunit hindi na kagaya ng dati. Kung noo'y nabibili nila ang halos
lahat ng kanilang nais, ngayo'y hindi na.
Ina: Jesa ,anak halika muna dito. May sasabihin ako sa’yo.
Jesa: Ano po iyon inay?
Ina: Alam mo naman diba ang sitwasyon natin. Wala na ang papa mo, ako nalang ang nagtatrabaho at
kakarampot lang ang kinikita ko. Hindi ko na kayang tustusan ang pag-aaral mo.
Jesa: ano pong ibig niyong sabihin inay?
Ina: Nais ko sanang huminto ka muna sa pag-aaral. Ang bunso muna natin ang pag-aaralin ko.
Naiintindihan mo ba ako anak?
Jesa: Opo inay, naiintindihan ko po ang sitwasyon natin.

Pero sa tulong ng kaniyang mga kamag-anak ay nakapagpatuloy sa pag-aaral si Jesa.

Ina: Anak, halika dito. Tumawag si tita mo, siya daw ang magpapa-aral sa’yo. Magpapadala daw siya
ng pera buwan-buwan para may pangtustos tayo sa pag-aaral mo.
Jesa: Talaga po ba inay?
Ina: Oo anak, salamat sa Diyos at di niya tayo pinababayaan.

Naging maayos ang kanilang buhay, payak, pero kahit papano'y masaya naman ngunit iba la rin talaga
ang ngiti sa kanilang mga labi noong sila'y kumpleto pa. Sa patuloy na pakikibaka niya sa buhay, hindi
niya inakalang panibagong pagsubok na naman ang haharapin nila.
Isang araw, abalang-abala ang kanilang ina sa paglilinis ng bahay dahil day-off nito sa kanyang
pinapasukan. Napansin ni Jesa na ang putla ng kanyang ina at nangangayayat ito. Ilang sandali lamang
ay bilang natumba ang kanyang ina at ito’y hinimatay. Sumigaw si Jesa at tinawag ang kanyang mga
kapatid. Kalaunan ay nagising din ang kanilang ina.

Jesa: nay, may hindi po ba kayo sinasabi sa akin?


Ina: anong ibig mong sabihin anak?
Jesa: napapansin ko po kase nitong nagdaan na nangangayayat po kayo at ang putla-putla niyo. May
sakit po ba kayo inay?
Ina: Anak, matagal ko ng inililihim ito sa inyo. May sakit ako. Sabi ng doctor, may kanser ako sa
dibdib.

Tila pinagsakluban siya ng langit at lupa. Litong-lito siya at hindi mawari kung ano ang gagawin.
Nangibabaw ang takot na kaniyang nadama kaya paulit-ulit biya itong hinihikayat magpa-opera.
Ngunit paulit-ulit naman siya nitong tinatanggihan dahil takot itong mapadali ng pagpapa-opera ang
kaniyang buhay. Wala siyang nagawa kung kaya't ang tanging naging pag-asa nila sa pagpapaggaling
ng ina ay ang pag-inom nito ng gamot. Dahil dito, siya na ang tumayong ama at ina sa kanyang mga
kapatid. Madalas na siyang lumiban sa klase para alagaan ang kaniyang ina ngunit hindi nito
naapektuhan ang kaniyang pag-aaral. Sa katunayan, isa pa nga siya sa mga mag-aaral na nakatanggap
ng parangal.

Jesa: Nay, tingnan niyo po may medal po ako. Honor student po ako nay.
Ina: Proud na proud talaga ako sa iyo anak. Pasensya na at hindi ako nakadalo sa parangal kanina.
Jesa: Naiintindihan ko po inay. Mas mabuti po na nandito ang kayo sa bahay para hindi po mapagod
ang inyong katawan.

Dumating ang araw na sobrang hina na ng kaniyang ina. Ang mga labi nito'y tila kulay abo na sa putla.
Ang mga mata'y nahihirapan ng dumilat at bilang na rin ang hininga. Alam niyang iyon na ang araw ng
pamamaalam nila sa isa't-isa.

Jesa: Nay, alam ko pagod na pagod na kayo.


Ina: Anak, mahal na mahal kayo ng nanay. Palagi mong tatandaan yan.
Jesa: Mahal na mahal na mahal din po kita nay.
Ina: Huwag mong papabayaan ang mga kapatid mo ha. Pakamahalin mo sila kagaya ng pagmamahal
ko sa inyo.
Jesa: Nay kung hindi niyo na po kaya maari na po kayong magpahinga.

Hawak-hawak niya ang nanlalamig na kamay ng kaniyang ina. At sa pag bitaw nito, kasabay din ng
pagpatak ng mga luha mula sa kaniyang mga mata. Tuluyan na ngang pumanaw ang ina ni Jesa.
Jesa: Huwag kang mag-alala nay. Tutuparin ko ang mga pangarap ko kahit mahirap. Kahit wala na
kayo. Gabayan niyo po sana kami nay. Salamat sa iyong walang katumbas na pagmamahal ,mahal
kong nanay.

Dalawang taon na ang lumipas ngunit lahat ng pangyayari ng gabing yaon ay parang kahapon lamang.
Masakit pa rin kapag naaalala niya ang mga sandaling sila'y magkasama pa. Sa tuwing naiisip niyang
hindi niya na kailanman masisilayan pang muli ang mga tawa at mahahagkan ang kaniyang ina, siya'y
napapaluha at humahagulgol na lamang. Hindi talaga madaling mamuhay ng walang magulang.
Masaya man daw ang tingin ng ibang tao sa kanya, ngunit, hindi nito mapapalitan ang sayang hatid ng
isang kumpletong pamilya.

Teacher: Okay Ms. Jesa ,share to us who is your inspiration?


Jesa: Ang akin pong inspirasyon ay ang aking pamilya. Wala man sa tabi ko ngayon ang aking ama’t
ina , mananatili sila sa puso ko’t isipan magpakailanman.
Teacher: ating palakpakan si Ms. Jesa.

Ngayon ay nasa ika-11 baitang na si Jesa. Siya ay patuloy na nagsisikap sa pag-aaral. Nais niyang
maabot ang kanyang pangarap na maging isang CPA balang araw.

"Hindi madaling magsimula at muling bumangon, ngunit dapat nating pulutin ang mga pira-pirasong
bakas ng kahapon at habiin ito upang harapin ang panibagong araw na nakataas ang noo," wika niya.

You might also like