You are on page 1of 3

‘‘PAGSUBOK’’

Sa kabila ng pagsubok sa buhay di maiwasan ang maging malungkot,

magalit, matukso, at higit sa lahat ang salitang sumoko.

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito. Pito kaming magkakapatid sa

isang pamilya.Di man kagandahan ang aming pamumuhay bagkos kami ay buo. Buo

ang aming pamilya at pagmamahalan sa isat-isa. Ngunit sa kabila ng saya at

pagmamahal na aming naranasan ay nabura lamang lahat.

Taong 2014,ng magsimula ang hindi namin inaasahan na pangyayari sa

aming pamilya. Nagtataka ako kung bakit palagingmay gamot na inilalagay si Mama

sa kanyang bibig.Kaya na tanong ko si Mama “Ma, ano ba yang palagi mong

nilalagay sa iyong dila ,tila iba na yata ang naging hitsura niyan ma”. “Di ko alam

,pero noong nakaraang araw ay nakagat ko lamang ito”ang sagot ni Mama sa akin.

Kayo hinayaan ko na lamang si Mama.Hanggang nag tuloy-tuloy na ang kanyang

paggamot sa kanyang dila.

Makalipas ang ilang buwan ,laking gulat na lamang naming na malaki na

pala ang ipinagbago ni Mama. Nataranta si Papa dahil malaki talaga ang pinagbago

ni Mama kaya ang ginawa ni Papa ay kina usap niya si Mama. “Anon a bang

nangyari diyan sa dila mo Inday , tila nag-iba na” ang tanong ni Papa .”Mawawala

din ito ,lalagyan ko lamang ito ng dahon ng bayabas na pinakuluan.”sagot ni

Mama.”Ngunit iba nay an eh! Mas mabuti pang ipatingin na natin iyan sa doctor”

dagdag pa ni Papa. Buti na lamang at sumang ayon si Mama sa desisyon ni Papa.

Kinaumagahan ay pumunta agad sila sa hospital. Kung saan doon naming na

lamang may sakit na nga pala si Mamana tinawag sa doctor na Tounge Cancer.Pag-

uwi nina Papa at Mama ay labis an gaming kalungkutan ng mabalitaan naming iyon.

Kaya pala wala ng ganang kumain si Mama at labis ang pagtitimpi niya sa

kanyang iniindang sakit. Dagdag pa nito nakakapang hinayang dahil siya ay labis na

pumayat. Napatanong si Papa “Saan tayo kukuha ng pagpapagamot sa Mama


niyo,eh ayon sa doctor kinakailangan ng mas malaking halaga na humigit

limampong-libong piso(P50,000)sa kanyang operasyon. Napabuntong hininga na

lamang kami at halos mangiyakngiyak na.

Kinabukasan ay napagdesisyonan ni Papa na humingi ng kaunting tulong sa

Municipal Hall ng aming probinsya. Gayon pa man nakatanggap nga si Papa ng

kaunting tulong galling sa Municipalidad ngunit di pa rin ito naging sapat para sa

pagpapagamot kay Mama .Nabinta na nga naming ang aming kauntig lupain sa

kabilangnayon ,hidi pa rin sa halga na aming kakailanganin para sa tuluyang

gamotan ni Mama.Nababawasan din ito sa aming pang araw-araw.

Araw, Linggo, Buwan at Taon na ang inabot ay hindi pa rin namin naipagamot si

Mama. Tuluyan ng nangangayayat si Mama dahil sa kanyang sakit na iniinda. Halos

di nan i Mama maigalaw ang kanyang katawan ,ni hindi nga siya makakalakad at

makakain ng maayos. Araw-araw ko binibhisan,,pinapakain,at naglalaba sa mga

damit ni Mama maalagan lamang siya .Sa tuwing nakikita ko si Mama na

nahihirapan napapaiayak na lamang ako ngunit di ko ito ipinapakita sa kanya.Gusto

kung sisihin ang panginoon kung bakit kung bakit niya giawa sa amin to ngunit alam

kung sa kabila ng mg pagsubok ko sa buhay ang may plano ang dyos para sa amin.

Isang araw laking gulat ko na lamang ng biglang napasigaw ang aking kapatid

habang ako ay naglalaba.”Ate… Ate..” sigaw niya. “Oh bakit?Ba’t ang ingay-ingay

mo “ tanong ko .”Si Mama ate,sumuka ng dugo”dagdag pa niya . “Ano??” gulat na

tanong ko . Napasugd agad ako saka Mama at agad na inalalayan ssya sa kanyang

pagsusuka. Matapos noon ay nilinisan ko ito at pinainom ng tubig tapos ay

pinagpahinga si Mama. Habang ako ay naglilinis bigla akong kinamay ni Mama

sinyales na pinapalapit niya ako ngunit hindi ko siya na lapitan.

Alas tres(3) ng madaling araw ,panay ang gising ni Papa kay Mama upang

painumin ng gatas. Gulat kaming lahat ng bigla din kaming ginising ni Papa sabay
sabing”Gumising na kayo”, “Bakit ho pa !” tanong ng aking kapatid. “Si Mama niyo ay

wala na”. Naptulala ako sa aking narinig , at agad napatayo at napadasal kay Sr. Sto

Niňo nagbabakasali na panaginip lamang ito, hindi ito totoo. Walang nagawa at napa

hagolhol na lamang ako at ng kapatid ko sa kakaiyak. Habang akoy papalapit sa

kanyang kinahihigaan tila akoy parang batang paslit na umiiyak, hawak ang kanyang

kanang kamay sabay haplos sa pulso kung itoy tumitibok pa. “Ma,gumising ka

marami pa tayong kailangang gawin sasamahan mo pa ako sa aking huling martsa

sa sekondarya” pa bulong na sabi ko kasabay ng pag agos sa aking mga luha.

Nanlalamig,naninigas na ang buong katawan ng aking Ina di ko pa rin batid anng

salitang sumoko upang gisingin sya.

Siyam na araw na ang nakalipas , hawak-hawak ang litrato ng aking ina ,lahat

naka kulay puti na damit at bendisyon ang aming handog para sa kanyang huling

hantungan. Masakit mang sabihin pero kailangang tanggapin, sa paglisan niyay

hindi ko makakalimutan ang mga aral na kanyang bilin sa amin. Sumisigaw na

parang bang musmus kung tawagin sa kanyang huling hantungan akoy di padidiin.

“Ma,salamat sa mga aral na iyong ibinigay sa aming magkakapatid di kita

makakalimotan ma” bulong ko sa aking sarili habang umiiyak. Tuluyan ng nilisan ng

aking Ina ang mundong ito. Magtatatlong taon na ang nakalilipas ay naging presko

pa rin sa aking ala-ala si Mama.Sa ngayon siya ang pinaghuhugutan ko ng lakas at

inspirasyon sa aking pag-aaral. Sa kabila ng aking pinagdadaan ,hindi man madali

pero kakayanin alang-alang sa aking pamilya.

You might also like