You are on page 1of 7

Langaw

Awtobiograpiya

Ang Buhay kong Gulong

Lumaki akong may payak na pamumuhay sa bukid kasama ang aking ama at

ina. Noong bata pa ako hindi ako tinutubuan ng buhok kaya’t naiinggit ako kung minsan

sa mga kalaro kong mahahaba ang buhok. Dahil sa kahirapan, umasa ang aking

pamilya sa mga panggagamot ng mga albularyo sa aming baryo. Sa katunayan, ang

ipinanggamot ng aking ina sa kawalan ko ng buhok at panot na anit ay ang mga langaw

na inutos niya saking patayin. Hindi na naabutan ng aking ina na tumubo ang buhok ko

sapagkat namatay siya sa kadadahilanang pinaghigantihan umano siya ng tawong lipad

na ina ng napatay kog langaw.

Nang mamatay ang aking ina, kinuha ako ng aking tiyahin upang sana ay

mapag-aral sa bayan. Ngunit imbis na makapag-aral, nauwi ako sa pagsisilbi sa

kanilang negosyong karinderya at pagkakatay ng baboy. Sinalo ko ang mga naiwang

gawain ng kasambahay na si Lourdes noong siya ay mawala – sa bahay at sa negosyo

ng aking tiyahin. Ngunit, kasabay ng aking pagdadalaga ay nagsimula akong

makaramdam ng kakaiba sa ikinikilos ng aking tiyuhin sa akin.

Kahit na nasa bayan kami ay nabuhay pa rin ako sa mga superstisyong

paniniwala. Sa katunayan, noong ako ay dinatnan ng buwanang dalaw, pinatalon nila

ako sa hadnanan, pinaghilamos ng pinagreglahan, at iniiwas sa paghuhugas ng maiitim

na kawali. Kasabay noon nagbago ang takbo ng aking mundo.


Isang gabi nang pinilit ako ng aking tiyuhin na sumama sa kaniya at dinala ako

sa kanilang inuman. Pinagsamantalahan ako ng mga langaw sa kanilang inuman na at

iniwan akong parang isang nabubulok na pagkain. Ito ang buhay kong parang gulong.

Noong una nasa itaas ako. Ngayon nama’y natumba at nalugmok sa ilalim.

Repleksiyon

Desisyon

Nakababagabag ang kwento. Noong una ay tila napakagaan ng kwento ngunit

pabigat nang pabigat ang mga tagpo. Mahalaga ang bawat desisyon sa buhay.

Maraming bagay ang napagtanto ko sa kwento na kaugnay nito. Una, hindi madali ang

buhay sa kanayunan. Dahil sa kalayuan sa mga pagamutan at kakulangan sa salapi,

umaasa ang maraming tao roon sa mga paniniwala at mga albularyo na nagsisilbing

alternatibong doktor. Naisip ko rin na kung mas pinili sana ng ama na dalahin ang ina

ng tauhan sa kwento sa ospital, nagamot pa sana siya at nakaligtas. Nalalulungkot ang

pangyayaring iyon sapagkat sa kaniyang pagkamatay, nabago ang buhay ng tauhan.

Isa pang mapagtatanto dito ay ang kahalagahan ng tiwala – ang pagpili sa

pagtitiwalaan. Pinagtiwalaan ng ama ang kanyang kapatid na pag-aaralin nito ang

kaniyang anak kaya’t pumayag ito ngunit hindi naman ito natupad sapagkat inilugmok

lamang nito ang bata sa labis na pagdurusa. Gayundin, ang tiwalang ibinigay ng bata

sa kaniyang tiyo ay nawasak nang siya mismo ang magsamantala sa bata. Tila

ipinahihiwatig nito na kailangan nating mamili ng pinag-titiwalaan at palaging mag-ingat

sa lahat ng oras.
Gayundin, nakalulungkot na hindi maganda ang kinalabasan ng desisyon nilang

pasamahin ang tauhan sa kaniyang tiyahin. Palagi ko ngang binabanggit sa sarili ko na

ang tiwala ay hindi basta-bastang iginagawad bagkus ay pinaghihirapan itong makuha

sa isang tao. At ang pinakahuli ay ang respeto. Naipakita sa kwento na anuman ang

iyong edad o suot ay maaari kang abusuhin nino man. Kaya’t ganoon kahalaga ang

bawat desisyon at pananaw sa buhay gaano man ito kalaki o kaliit. Sa huli, ang ating

kapalaran at kinabukasan ng taong nakapaligid sa atin ay maaapektuhan ng anumang

desisyong ating gagawin ngayon.

Journal

Enero 21, 2003

Nakaabang ako ngayon sa aming pintuan upang hintayin ang pagbalik ng aking

mga magulang. Hinuhuli ko ang mga langaw upang ipanggamot ito ni amay sa aking

napapanot na anit. Nakakadiri man ay ginagawa koi to upang tubuan ako ng buhok.

Nakakainggit nga yaong mga nakakalaro ko sapagkat mahahaba ang kanilang mga

buhok. Sinubukan kong sumali sa kanilang laro kanina ngunit hindi ako pinasali dahil

kalbo ako. Sabi nila sa bahay-bahayan lang daw ako pwede dahil walang lalaki sa

kanila. Dahil wala akong buhok, mukha akong lalaki at madalas na tatay-tatayan ang

ginagampanan ko.

Wala akong mataas na tiwala sa aking sarili. Hindi na rin ako umaasa na

tutubuan pa ako ng buhok. Ngunit hangga’t hindi tumitigil si Amay sa paggamit sakin ay

hindi rin ako mawawalan ng pag-asa na balang araw ay hahaba rin ang aking buhok.

Pebrero 20, 2003


Unti unting tumubo ang aking buhok. Sinong mag-aakalang ang magpapagaling

sakin ay ang pagpapahid ni Amay ng mabahong langaw sa aking anit? Napakalakas ng

ulan ngayong gabi. Labis akong nabahala nang sumuka nang sumuka si Amay. May

kasamang dugo ang kaniyang isinusuka. Nagpunta kami sa bahay ni Tyang Idang

upang ipagamot si Amay. Magaling kasi siyang albularyo. Ang sabi niya

pinaghihigantihan si Amay ng tawong lipad na ina ng napatay kong langaw. Binigyan

lamang siya ni Tyang Idad ng gamot na may ugat at dahong nakahalo sa pulang tubig.

Pinayuhan rin si Apay na maghanda ng alay sa mga tawong lipad.

Naaawa ako sa sitwasyon ni Amay. Ipinagdarasal ko ang kaniyang paggaling.

Ngunit hindi ko alam kung gagaling ng aba siya sa mga panggagamot ng albularyo.

Marso 4, 2003

Ito ang malungkot na araw para sa akin. Naghanda kami ng alay sa tawong lipad

kanina. Hindi na makabangon si Amay mula sa kaniyang hinihigaan. Napakapayat na

ng aking Amay. Dalawang lingo na ang nakalilipas simula ng siya ay magkasakit.

Ngunit kahit wala na kaming pera ay ipinangutang na ni Apay ang pang-alay sa tawong

lipad. May dala ring mga pagkain ang mga nagpunta. Kailangan naming magtipid kaya’t

imbis na sa doktor, kay Tyang Idad ipinagamot si Amay.

Nang matapos ang pag-aalay at kainan ay iniligpit namin ang mga pinagkainan.

Kinausap ako ni Apay na nais akong kunin ni May Cecilia upang pag-aralin sa bayan.

Nang mamatay ang ilaw sa altar ay pinuntahan ko si Amay. Ngunit kasabay ng pagdilim

ng paligid ay ang pagsisimula ng madilim kong mundo. Wala na si Amay.

Nababalot ako ng lungkot at pangamba.


Marso 5, 2003

Maagang sinimulan ni Apay ang paggawa ng kabaong ni Amay. Si Tyang Idad

ang nagbihis kay Amay ng bestidang ginamit niya noong kasal nila ni Apay. Nagdasal

kami ng desinaryo. Matapos noon ipinaliwanag ni Tyang Idad kung bakit namatay si

Amay. Natakot ako pero mas mababaw ang lungkot at pangamba. Ngayong gabi

lamang ibuburol si Amay. Bukas na rin ang kaniyang libing.

Marami man ang nagpaabot ng tulong ay hindi ko pa rin maiwasan na

malungkot. Ngunit pinipigil ko ang aking iyak.

Marso 6, 2003

Ngayong araw kami tuluyang nagpaalam kay Amay. Dahil sa kakulangan sa pera

ay basbas lamang ang nakayanan ni Apay na ibigay sa kaniya. Mahal kasi ang misa.

Marami ang nalungkot sa pagkawala ni Amay. Tunay ngang malungkot ang kamatayan.

Marso 20, 2003

Dumating sa bahay si May Cecilia. May dala siyang mga pagkain. Nag-usap rin

sila ni Apay tungkol sa pagkuha sakin. Pumayag si Apay na kunin ako ni May Cecilia.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ang alam ko lang ay hindi ako

mapakali na iiwan ko si Apay dito. Ngunit para iyon sa kinabukasan ko. Hindi kami

makatulog ni Apay ng gabing iyon. Mahirap ang ginawa niyang desisyon ngunit para

iyon sa akin.
Marso 21, 2003

Ngayong araw, sumama ako kay May Cecilia sa bayan. Nangako si Apay na

bibisitahin ako sa bayan. Habang nasa byahe ay tila sinusundan ako ng mga langaw.

Napasukan pa nga si May Cecilia sa bibig. Nakilala ko ang asawa ni May Cecilia ni Pay

Ramon nang makarating kami sa bahay. Ipinakilala rin sa akin si Manay Norma at si

Lourdes na kanilang mga kasambahay. Malaki ang bahay at malayong malayo ang

itsura nito sa bahay namin sa bukid.

Hindi ako makatulog ngayong gabi kaya niyayakap ko na lang ang dami ni Apay

na kinuha ko sa kaniya.

Abril 7, 2006

Matapos ang tatlong taon kong pananatili rito sa bahay nila May Celia, hindi pa

rin ako dinadalaw ni Apay. Nagbantay ako ng karinderya ni May Celia. Naghuhugas ng

plato at iba pang mga trabaho. Pag-uwi ko sa bahay hinawakan ni Tiyo ang aking

buhok na ngayon ay mahaba na. Habang tumatagal ay bumibigat ang mga haplos ni

Pay Ramon sa aking buhok.

Isinasama na rin ako ni Pay Ramon sa katayan. Dati si Lourdes ang kasama niya

pero nang mawala si Lourdes ako na ang humalili sa lahat ng trabaho niya hanggang

sa nawala na ang pangako ni May Celia na pag-aralin ako dahil sabi niya ayos na raw

na marunong ako ng pagsulat, pagbasa, at pagkekwenta. Kanina sa katayan,

ipinbakain sakin ni Pay Ramon ang ari ng baboy pero hindi ko yon kinain. Itinapon ko

na lang sa labas ng katayan.


Ngayong araw din ako dinatnan ng unang dalaw. Kung ano anong pamahiin ang

ginawa sa akin ni May Celia at Manay Norma. Napakasakit ng aking tiyan. Napaisip nga

ako kung ano kaya ang kalagayan ko kung nasa tabi ko si Amay at Apay para alagaan

ako.

Abril 14, 2006

Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Nadungisan at nawalan ako ng

halaga. Maagang umalis si May Celia papunta sa Maynila upang kumuha ng paninda.

Iniwan ako ni Manay Norma para maghintay kay Pay Ramon habang siya ay natutulog.

Dumating nga ang aking tiyuhin na lasing na lasing. Pinilit niya akong sumama sa

kaniya kahit na takot na takot ako sa kung anong pwedeng mangyari sakin. Dinala niya

ako sa inuman nila. Doon, inalis nila ang puri ko at iniwan akong nakahandusay na

tanging dyaryo lang ang nakatakip sa aking katawan.

You might also like