You are on page 1of 2

Pamilya sa Gitna ng Pandemya

ni Regene M. Baysa, Lipay National High School

Sa simula pa lamang ay natatakot na ang lahat sa kumakalat na sakit na COVID-19 sa


buong mundo, isang kalaban na hindi nakikita. “Anak, buksan mo ang telebisyon at manood ng
balita” nagmamadali si ama habang inuutusan akong buksan ang telebisyon. Nang mabuksan ko
ito ay saktong idineklara ng Pangulo na magkakaroon ng lockdown kasama ang aming lugar,
kaya dali-daling umalis si tatay upang mamili at makaabot pa sa mga bukas pang tindahan ng
oras na yaon. Nasalubong siya ni nanay,” saan ka pupunta Amer?”, tanong niya. “Sa bayan
mamimili at baka mawalan tayo ng pagkain siguradong matatagalan pa itong lockdown kaya
kailangan nating mag-stock, halika samahan mo ako”, sabi niya. Simple lang ang aming buhay
kasama si Tatay, Si Nanay at ako.

Kasunod nga nito ay nag- iingat ang pamilya sa hindi nakikitang kalaban ang virus ngunit
mayroon pang isang pinag –aalala ang aking magulang ang aking ate Lea na nasa abroad isang
nars. Napakasakit na mawalay ang isang anak sa kanyang magulang lalo na ngayon nakakatakot
ang mga nangyayari. Tatlong taon ng nasa abroad si ate Lea at hindi pa nauwi sa Pinas. Uuwi na
sana upang magbakasyon kaso dumating ang pandemya. Sabik na siyang makita ng aking
magulang. Nagkakausap naman kami kapag walang trabaho si ate.

Si ate ay breadwinner namin sa pamilya matulungin at mapagmahal. Lingid sa kaalaman


namin si ate pala ay tinamaan ng COVID- 19, nahawa siya sa kanyang pasyente hindi namin
agad nalaman na nasa kritikal na kondisyon na siya. May mga tumawag na lamang sa amin
upang ipagbigay-alam ang nangyayari sa kanya. Lubos na nalungkot ang aking mga magulang,
hindi mawari ang iniisip ko. Ngunit ayaw kong ipakita sa kanila na nawawalan ako ng pag asa.
Nagpapakatatag ako para sa kanila. Araw-araw ipinagdarasal namin siya na gumaling at
makasama pa namin siya. Labis na nangungulila kahit naisin naming puntahan siya ay hindi
maari. Ganoon na lamang ang idinulot ng pandemya sa ating lahat.

Walang ano – ano’y humagulgol ang aking ama kaya ako’y kinabahan.” Itay ano po ba
ang nangyari bakit kayo umiiyak?” Napatingin sa akin ang itay, “ang ate mo”, “ano po… ang ate
mo” ligtas siya “hay napabuntunghininga ako. At nagpasalamat sa Diyos at ligtas na ang ate.
May pag-aalala pa rin dahil hindi namin siya nakikita at naalagaan, ngunit isang himala walang
imposible sa Panginoon. Dininig niya ang aming panalangin.

Sa wakas nakita ko ang bakas ng saya sa mukha ng aking magulang naibsan ang kanilang
lungkot. Napalitan ng tuwa at pag-asa. Nariyan pa rin ang pag- aalala na may halong kaba at
takot. Subalit sa mundong ito ay walang permanente, ang mga bagay -bagay ay nagbabago, dahil
sa pagkakataong ito binigyan pa kami ng pag-asang makasama ang aming ate na lubos naming
ikinagalak at ipinagpasalamat sa Dakilang Lumikha.
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ilarawan ang pamilya nila Mang Amer.


2. Ano ang naging suliranin ng kanilang pamilya?

3. Ano ang iyong mga napansin sa mga nakasalungguhit na mga salita?

You might also like