You are on page 1of 3

Sino ba ang Responsible Para sa Pagbabago?

Una sa lahat, nais kong batiin ng maligayang (hapon/gabi) ang lahat ng naririto ang mga magsisitapos sa elementarya sa (pangalan ng paaralan), ang mga magulang na lubos na nagsikap para maitaguyod ang pag-aaral ng kanilang mga anak at mga guro na walang-sawa sa pagbibigay-kaalaman at inspirasyon sa amin sa loob ng anim na taon. Malugod ko ring binabati ang ating mga bisita ngayon na sina (isa-isahin kung sino ang mga bisita.) Ikinalulugod po namin ang inyong pagdating sa araw ng aming pagtatapos. Marahil sa ating batang edad-12 o 13 marahil,di pa natin naiintindihan talaga ang mga balita sa telebisyon. Habang tayoy naglalaro kasama ng ating mga kapatid,si nanay o si tatay ay nasa harap ng telebisyon. Maririnig mo ang mga salitang di pa natin siguradong alam-impeachment, radiation,korapsyon,kidnappingat kung ano-ano pa. Ano bang mga pakialam natin doon? Bata pa naman tayo at sigradong malayo pa ang mga bagay na iyon sa ating isipan. Mas malapit sa ating puso ang Barbie dolls o computer games. Ngunit alam ko,habang pinagmamasdan ko ang mukha ni inay at itay habang nanunuod ng TV,ang mga bagay na naririnig ko ay napakaseryoso. Mga bagay na,sa ating pagtanda ilang taon mula ngayon, ay siguradong makakaapekto sa atin. Ako man,naiintinidihan ko ang mga suliraning kinakaharap ng bayan natin ngayon. Nakatira ako sa isang pamayanang kahit saan ay makikita mo ang kahirapan. Mga batang tumatakbo sa kalsada-gutom at sira ang mga damit,mga magulang na walang trabaho kaya nakatambay na lang sa labas. Kung minsan kulang ang suweldo ni tatay para sa araw-araw naming pagkain,ngunit suwerte pa nga ako sa lagay na iyon dahil ang ibang kilala ko ay isang beses na nga lang kung makakain (kanin at asin lang). Yung iba,naririnig ko na lang sa tsismisan na nasasangkot na lang sa krimen para lang mabuhay ang pamilya. Nangangamba tuloy ako sa sarili ko kung magkatotoo na ang linalaro naming bahay-bahayan ng aking mga kaibigan, magiging mas maganda ba ang buhay ng aking magiging anak? Kung totoo lang sana ang buhay ng mga Barbie dolls,pero sa tunay na buhay,mailap ito. May pag-asa bang magbago ang kapalaran ko? Ng aking mga kaibigan at kapitbahay? Ng aming komunidad? O kahit ng bansa? Sigurado akong May iba sa atin na ang mga magulang ay nasa ibang bansa para lang matustusan ang gastos ng kanilang pamilya. Balita ko magulo daw sa Libya at Japan ngayon. Pero kailan pa ba naging masaya na di mo makasama ang mommy at daddy mo sa Pasko dahil abala sila sa pag-aalalaga ng anak ng iba? May iba sa atin na baka di na makatungtong sa hayskul dahil,diumano,wala daw pera. Kung ngang sariling sikmura,di na malagyan,edukasyon pa kaya? Paano na ang baon at ang libro kung si bunso ay maysakit at kailangang dalhin sa ospital? May iba sa atin na sa murang edad ay natutunan na ang hamon ng buhay. Baka yung iba sa inyo,nagtratrabaho na para lang makapasok sa paaralan. Pag-uwi

mo ng bahay,maabutan mo si nanay at tatay,nag-aaway. Si ate,malaki ang tiyan,si kuya humihithit ng kung ano. Nakakatakot isipin,pero ito ang nangyayari. Hindi ito teleserye sa TV. Totoo ito. May nagsabing,Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Pero baka di na yun totoo sa nakikita ko. Maraming kabataan ang naliligaw ng landas at napupunta sa ibat ibang bisyo. Kaya heto ang nangyayari-paulit-ulit na lang. Ang mga maling nagawa ng ating mga magulang noong silay bata pa at nauulit lang sa ating mga kapatid. Tayo ba ay susunod doon? May hamong naghihintay sa atin. Sino ba ang responsible para sa pagbabago? Si Pangulong Noynoy Aquino ba? Si mayor? Ang mga guro natin? Si ate at si kuya? Si mommy at si daddy,si lolo at si lola,si Amy Perez ng Face to Face o si Mike Enriquez ng Imbestigador? HINDI! Nasa atin na ang responsibilidad. Oo,bata pa tayo,pero hinahamon na tayo ng panahon. Nagbabago ang buhay,pahirap ito ng pahirap. Ang barilbarilan,bahay-bahayan o tister-tisteran ay baka maging totohanan na nang di natin namamalayan. Tayo ay magiging susunod na guro,mga pulis,mga doktor at nars. Hindi ito kadali gaya ng isang laro. Nasa atin nakasalalay ang pagbabago ng ating bansa. Nasa atin nakasalalay ang pagbabagong hinihintay ng bayan sa pinakamatagal na panahon. Ayaw niyo bang mabuhay sa isang disenteng pamilya? Na sa pagdating mo galing sa paaralan,may masarap nang pagkain sa mesa,at di puro noodles na lang? Gusto niyo bang bumalik si mommy at daddy mula sa ibang bansa? Pagod na ba kayo sa pagtratrabaho,sa problema,sa gulo at krimen? Sa panibagong yugto ng buhay natin,iisa lang ang hiling sa atin-magsikap tayo sa pag-aaral. Ito lang ang tangi nating sandata para sa pagharap sa mga hagupit ng buhay ngayon. Mas mahirap na ang ating pag-aaralan sa hayskul,pero huwag kayong mag-alala. Kakayanin natin ito. At ilang taon pa ng pagsisikap at matutupad na ang mga pangarap natin sa buhay. Magiging singer ka na,dancer,aktor,doktor,nars,pulis,guro. At kapag nagawa natin ito,magagawa na nating baguhin ang kapalaran ng Pilipinas. At di na mararanasan ng susunod na henerasyon ang mga suliraning hinaharap natin ngayon. Sa aming mga magulang,suportahan niyo po kami sa aming landas na tatahakin pagkatapos ng araw na ito. Alam po namin ang hirap na tinitiis ninyo upang kami ay makapagtapos. Inay,itay,huwag po kayong mag-alala. Magsisikap po ako sa pag-aaral para masuklian ang hirap ninyo. Sa aming mga guro,wala na siguro kaming maisusukli sa anim na taon na pagtuturo sa amin. Tinuruan niyo kaming magbasa,sumulat at makihalubilo sa kapwa. Inspirasyon namin kayo kaya kami nakatungtong sa lugar na ito ngayon. Sanay di kayo magsawang gabayan ang mga susunod sa amin. Sa pamahalaan,lubos kaming nagagalak sa walang-sawa ninyong suporta sa aming pag-aaral. Napakahalaga ang mga aklat,upuan at silid na ibinibigay ninyo sa amin. Hindi po masasayang ang gastos ninyo sa amin. Sa Panginoong Diyos,lubos ang aming pasasalamat sa mga biyayang ibinibigay ninyo sa amin. Hindi po kami mabubuhay araw-araw kung wala ang

gabay ninyo. Sa bagong yugto ng buhay namin,gabayan niyo pa kaming lalo upang makamit namin ang aming mga pangarap. Sa mga magsisipag-tapos ngayong taong 2011,atin nang harapin ang hamon ng pagbabago. Tayo nat magsikap na baguhin ang pagkakamali ng makaraan at gumawa ng bagong istorya para sa atin at sa mga susunod sa atin. Muli,maraming salamat at magandang (hapon/gabi) po.

You might also like