You are on page 1of 22

Ang Inang Matapobre

Laging bukambibig ni Aling Osang na ang anak na engineer na si Monching ay


dapat lang makapag-asawa ng isang mayaman dahil may mataas itong katungkulan sa
kumpanyang pinapasukan at topnotcher pa sa board exam. Kaya gayon na lamang ang
galit at pagkabigla nito nang malaman niyang si Corazon na kapitbahay niya ang naging
kasintahan ng anak. Ayaw niya sa babaeng ito. Gagawa siya ng paraan upang
mapaglayo ang dalawa.
Kinausap ni Aling Osang ang anak, ipinakakalas kay Corazon.

“Ngunit Mama, si Corazon ay mahal ko at mahal din niya ako. Mabait siya,
masipag, magalang, at kilala n’yo ang pamilya. Isa rin siyang kapita-pitagang guro.
Bakit ayaw n’yo sa kanya?”

“Gusto ko’y mayaman ang mapangasawa mo. Kung si Corazon lang, hindi ako
makapapayag.”

“Pero, hindi mahirap sina Corazon, Mama. May lupa’t bahay sila, may tindahan
at may niyugan.”

“Pero hindi rin sila mayaman! May tindahan at niyugan nga, tatlo naman silang
magkakapatid na maghahati kung saka-sakali. Baka maging sandalan ka lang ng
pamilya niya pagdating ng araw. Higit pa kay Corazon ang babaeng hinahangad ko
para sa iyo, anak. Huwag mo sana akong bibiguin.”

Tumahimik na lang si Monching upang huwag nang humaba pa ang


pagtatalo nila ng ina. Nag-iisa siyang anak at lumaki siyang masunurin.
Mula noon, naging madalang na ang pagkikita nila ni Corazon. Tinanggap ni Monching
ang malalaking project ng kumpanya sa iba’t ibang lugar sa Visayas at Mindanao. Si
Corazon naman ay naging abala rin sa pagtuturo lalo na nang ma-promote ito
bilang Head Teacher.
Mahigit dalawang taon ang mabilis na lumipas.
Nakatanggap ng sulat si Aling Osang mula kay Monching. Ito pala ay may
asawa’t anak na sa Bacolod. Anang isang bahagi ng sulat:

“Mama, napikot po ako ng solong anak ng boss ko. Nagpakasal po kami at


ngayon ay 3 months old na ang baby girl namin na kamukha ninyo. Napakayaman po
ng boss ko, na ama ni Lanie. Binilhan po kaming lupa at bahay na pinuno ng
mamahaling kasangkapan. May ipinagawa rin akong playhouse sa gilid ng bahay. Sana
mabigyan ko kayo ng maraming apo, Mama. Kalakip nito ang Twenty-thousand pesos’
para sa pagbabakasyon n’yo ni Papa rito sa Bacolod. Aasahan ko po kayo sa Linggo.
Excited na itiniklop ni Aling Osang ang sulat.

“Martes pa lang ngayon, hindi ko na mahihintay pa ang araw ng linggo. Sabik na


akong makita sila.”

Nang araw ring iyon ay bumiyahe ang mag-asawa mula Bohol patungong
Bacolod via Cebu. Nang sapitin nila ang tahanan ng anak, sa gate ay sinalubong sila ng
katulong at napag-alamang wala roon si Monching. Nasa Davao kasama ang Father-in-
law at sa Sabado pa ng gabi ang dating.
Miyerkules na noon kaya nag-pasiya ang mag-asawa na hintayin na lang ang anak
kaysa bumalik pa ng Bohol.

Lumabas ng pinto si Lanie, ang asawa ni Monching. Maganda ito ngunit bakit
hindi man lamang nagmano sa kanila gayong sinabi na ng maid kung sino sila. Ni hindi
nga sila nginitian, pormal itong nagsalita:

“Wala pa si Monching eh. Kung hihintayin ninyo, okey lang.”

At inutusan ang katulong na ihatid ang dalawa sa tutuluyan nito ang playhouse sa gilid
ng bahay.

Tatlong araw at tatlong gabi na sina Aling Osang sa playhouse, hinahatiran ng


pagkain ng katulong, ngunit minsan man ay hindi pa sila nakapasok sa loob ng
malaking bahay. Ni hindi na nga nila nakita o nakausap muli ang manugang na
halatang malayo ang loob pa kanila.

Sabado ng tanghali. Lumabas ng bahay si Lanie, kasama ang yaya na may


kalong na bata. Agad ay lumapit Si Aling Osang, sabik na niyakap at hinalikan ang apo.
Pagalit na nagsalita si Lanie, “Tama na, baka mangati ang bata!” Sumakay ito ng kotse,
kasama ang anak at yaya at lumabas ng gate. Ang naiwang katulong ang nagsabing
pupunta si Lanie sa bahay ng ina na di-kalayuan doon, tapos ay tutuloy
sa airport upang salubungin ang ama at si Monching.
Nakadama ng tuwa si Aling Osang. Naligo silang mag-asawa sa maliit na banyo sa gilid
ng playhouse. Nagbihis at sabik na hinintay ang pagdating ng anak. Makapapasok na
sila sa malaking bahay, ang isip ni Aling Osang. Makikita na niya ang loob nito.

Ngunit lumalim na ang gabi ay wala pa rin si Monching, pati na si Lanie.


Nakatulog na sila sa kahihintay.

Linggo ng umaga. Nagising sina Aling Osang sa katok sa pinto. Sinabi ng maid
na maaantala raw ang uwi ni Monching sa susunod na linggo pa dahil may panibagong
project na namang sinisimulan. May iniabot na Two-thousand pesos’ kay Aling Osang
ang maid. Ipinabibigay raw ni Lanie para pamasahe pabalik ng Bohol. “Sa loob ng
bapor, iniisip ni Aling Osang ang mahal na anak, Bakit parang napakahirap yata niya
itong makita? Halos tatlong taon na itong nawalay sa kanya. Maligaya kaya ito sa piling
ng maganda at mayamang asawa ngunit pangit ang ugali? Kung si Corazon ang
nakatuluyan ni Monching, ilang apo na kaya ngayon ang sa kanya ay yumayakap at
naglalambing?

Sising-sisi si Aling Osang. Siya ang naging dahilan kung kaya lumayo si
Monching at nagtrabaho sa ibang lugar. Kailan kaya sila muling mag-kikita? Alam
niyang hindi ito uuwi ng Bohol upang maiwasan si Corazon na hanggang ngayon ay
patuloy na nagmamahal at umaasa. Kung hindi naging matapobre si Aling Osang,
sana’y nakita niyang higit ang halaga ng magandang ugali kaysa sa materyal na
kayamanan.
BIONOTE

ZIA CZARINA A. GARCIA. Isinilang sa bayan ng Maria Aurora, Aurora noong ika-labing
lima ng Abril taong 1999. Siya ay nag aral ng kanyang Primarya sa Maria Aurora
Central School ngunit kalaunan ay lumipat sa Sagana Elementary School sa Nueva
Ecija at doon tinapos ang kanyang Primarya. Siya ay nagtapos ng kanyang sekondarya
bilang junior high sa Angelcare Science Academy sa Baler, Aurora at siya ay
kasalukuyang nag- aaral sa Aurora National Science High School bilang isang Senior
High School Student.
Marami din siyang sinalihang patimpalak noong siya ay nasa Primarya tulad ng
MTAP, History Quiz Bee at DSPC, naging President din siya ng SPG o Supreme Pupils
Government noong nasa elementarya at siya ay nagtapos bilang Valedictorian sa
kanyang klase. Sa sekondarya ay patuloy pa din siyang nakikilahok sa iba’t ibang
kompetisyon at siya ay nagtapos na may ikalawang karangalan. Ngayong siya ay nasa
Senior High siya ay nangangarap na makapag-aral sa University of Baguio at
makapagtapos bilang isang Dentista.
Talumpati Tungkol Sa Kabataan

Mula sa TakdangAralin.ph

Sa buhay ng isang tao ang pagiging bata ang pinakamasaya sa lahat. Maging sa
aking karanasan ito rin ang aking pinakagusto at hindi malilimutan. Masaya ang maging
bata. Wala kang alalahanin sa buhay.

Umiikot ang yong oras sa laro, pakikipagbarkada at paggawa ng simpleng


gawaing pambahay. Ito yong mga panahon na kahit kain tulog lang ang gagawin mo ay
hindi ka nababahala, dahil nakasalalay pa lahat kina tatay at nanay.

Kung aking babalikan ang panahon ng aking kabataan, mas malayong pinagpala
ang henerasyong kasalukuyan. Maganda at progresibo ang uri ng pamumuhay na
mayroon kayo ngayon. Maraming programa ang ibinibigay ng ating pamahalaan na
nagbibigay pabor sa inyong mga kabataan.

Kung sa edukasyon ang ating pag-uusapan ay hindi na tayo mahuhuli pa sa


hanay ng ating mga karatig bansa. Maging sa mga aspeto ng mga bokasyonal na
pangkabuhayan ay mayroon na tayong mga pagpipilian. Nakalatag na halos lahat ng
oportunidad sa inyong mga harapan, nasa inyo nalang aksiyon na kinakailangan.

Kung sa inyong mga kabataan ito ang pinakamasaya na yugto ng buhay ninyo,
sa mga magulang ito ang kabaligtaran. Sa mga panahon na ito lumlabas ang
pagkakaiba-iba ng asal ng isang bata. Dito nagkakasalungat ang paniniwala ng bata sa
matanda. Mahabang pasensiya at malawak na pang-unawa ang tanging sandata ng
mga magulang na kagaya ko.

Ang bawat tagumpay ng isang bata ay nakasalalay sa patnubay ng kanyang mga


magulang. Napakalaki ng ginagampanan na responsibilidad sa paghubog ng mga
magulang sa murang kaisipan ng isang kabataan. Ang pagbagsak at tagumpay ng mga
ito ay nakaatang sa kanilang mga balikat.
Sa inyong mga magulang, gabayan po ninyo sila. Imulat ninyo sa kanila ang
pagpapahalaga sa lahat ng bagay na mayroon sila ngayon. Iparamdam ninyo na lagi
kayong nasa kanilang mga likuran at handang umagapay sa anumang pagsubok na
darating sa kanila.

Sa inyong mga kabataan tulungan ninyo ang inyong mga sarili. Maging
produktibo kayo at samantalahin ang lakas ng inyong mga pangangatawan at talas ng
kaisipan. Marami kayong maiaambag at mapapatunayan sa ating lipunan kung
gugustuhin ninyo.

Samantalahin ninyo at huwag pakawalan ang lahat ng mga pagkakataon na


darating sainyong mga buhay. Mag-aral kayo at pilitin niyong tapusin at abutin kung ano
man ang gusto ninyong makamtan. Totoong masarap maging bata pero kaakibat nito
ay mayroon rin kayong mga obligasyon na dapat gawin para sa inyong mga sariling
kapakanan.

Hindi lingid sa inyong mga kaalaman ang nanyayari sa loob at labas ng ating
lipunan. Kadalasan ang sangkot ay mga kabaro ninyo, mga menor de edad kung
tawagin. Maging alerto tayo sa mga kaganapan sa ating kapaligiran. Magmatyag tayo at
huwag makisali sa mga bagay na alam natin ay mali. Droga ang isa sa mga
pinamasilan na isyu ng ating lipunan. Pilitin nating huwag masasangkot dito.

Maging mapanuri tayo sa mga uri ng mga kaibigan na ating pakikisamahan. Lagi
ninyong isa-isip na kung ano ang kasiraan ng inyong kabataan ay dala dala ninyo
hanggang sa inyong pagtanda.

Habang bata pa kayo ay bumuo kayo ng mga pangarap. Pangarap na magiging


gabay at susundan ninyo para magsilbing inspirasyon sa inyong magandang hinaharap.
Bumuo kayo ng mga alaala at mga magagandang karanasan na babaunin ninyo at
ipagmamalaki sa inyong pagtanda.
Dahil sa inyong pagtanda ang mga karanasan ng inyong kabataan ang
pinakamasarap na sariwain at ipamahagi sa mga susunod pa na salin lahi. Sinasabi ko
ito sa inyo dahil ako mismo ang aking karanasan sa aking kabataan ang aking
pinakatangi- tanging alaala na nagbibigay ngiti sa aking mga labi tuwing ito ay aking
sinasariwa.

Saan mang bansa, anumang uri ng lipunan, ang kabataan ang mga inaasaha na
pag-asa tungo sa magandang kinabukasan.
POSISYONG PAPEL

“Paggamit ng Droga”

Ang posisyong papel na ito ay tungkol sa mga taong gumagamit ng ipinagbabawal


na gamot. Ang gamot ay sinadya sa mundo na gawin upang makapagbigay-lunas sa
sakit. Ito ay medisina upang madaling mawala ang sakit ngunit sa kabila nito ay
nakapagbibigay sakit kapag inabuso. May gamot na bawal tulad ng ginagamit ng mga
kabataan ngayon. Karamihan sa kanila ay nalulong sa bisyo lalo na sa paggamit ng
ganitong klaseng droga. Ang ganitong sitwasyon ang pinakapangunahing problema ng
lipunan dahil marami na ang masamang pangyayari na nagaganap sa lipunan dulot nga
ng paggamit nito. Dumarami na rin ang bilang ng mga napapatay na kriminal bunsod ng
paglaban ni Duterte sa ilegal na droga. Walang dufang ramdam na ng mamamayan ang
mga pagbabagobg hatid nito. Pero habang tumatagal, unti-unting nauungkat ang
maraming isyung kaugnay na maruming kalakaran ng ipinagbabawal na gamot sa ating
lipunan.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement, tinatayang 92% ng mga barangay sa Metro


Manila ang apektado ng droga. Kaya naman hindi kataka-takang maraming pamilyang
Pilipino ang sangkot sa paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Umabot
rin sa halos 196 na politiko at 283 na mga empleyado ng gobyerno ang naaresto dahil
sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (PDEA, 2016). Ayon rin
sa balita, mahigit 300 na katao na diumano ang napatay sa 'gyera kontra-droga' ng
administrasyon. Karamihan nito ay ang mga napaslang, mga durugurista o nagtutulak
ng droga na antas-kalye. Araw-araw laman ng mga balita ang mga pagpatay, pagsuko
o paghuli sa adik ng ilegal na droga kaya naman hindi nakapagatataka na popular na
popular ang kampanyang kontra-droga ito ni Duterte.
Bagaman alam na alam ng mga tao ang mga panganib, patuloy pa rin sila sa
pag-abuso nito, at gayong pag-abuso ay patuloy na sumisira ng buhay. Oo, karamihan
sa atin ay alam na ang paggamit ng droga ay isang paraan upang makaahon sa
kahirapan, nakababawas ng suliranin o di kaya'y panghanapbuhay ng iba. Pero alam
din natin na ang paggamit nito ay makatutong magnakaw, magsinungaling, maging
agresibo o walang takot na gumawa ng masama hanggang sa mawalan ng katinuan o
mabaliw ang tao. Maraming posibleng epekto nito. Kahit na mabuti o masama,
magdudulot pa rin ito ng epekto dahil sa ating aksyon.
SANA M AGING ANGHEL N A LANG AKO:

REPLEKTIBONG SANAYSAY

October 12, 2017

Ang pagkakaroon ng mahabang pasensiya ang kinikilala ng iba bilang


isang forte ng indibidwal sa pakikipagsalamuha sa komunidad. Sa usapin sa panahon
ngayon tungkol sa droga, natawa na lamang ako sapagkat hindi na ito naisasali sa
pagdedesisyon para sa mga magiging kalagayan ng mga adik at sumisinghot
ng solvent. Bilang isang kabataan na nasa Senior High, hindi na karaniwan na ako’y
tanungin ng aking mga kamag-aral o aking mga kabarkada kung bakit ako
mapagpasensiya. Ngunit ang hindi nila alam, ang kilala nilang Janssen ngayon ay
ibang-iba kumpara sa Janssen noon.

Mula pa lamang sa aking pagkabata,kilala ako bilang isang


batang nakakaintimidate; mapabata, kabataan, o maging sa katandaan man. Dahil
isang anak ng kilalang matapang at palaban na guro, ni minsan ay hindi ako nakaranas
na magkaroon ng totoong kaibigan na hindi ako tinitingnan bilang isang batang laging
may gwardiyang nagbabantay sa aking harapan. Bagaman mayroon pa rin naman
akong mga kaibigan na masasabi kong lagi kong kasa-kasama, hindi pa rin maitatanggi
na nahihiya din silang kausapin ako nang deretsahan dahil sa aking nga magulang.

Hindi rin alam ng iba, pero sadista din akong maituturing. Nang ako ay nasa
ikalawang grado, syempre dahil anak ng guro, ang turing ko sa aking sarili ay
isang cute na bata. Mahilig akong manghabol ng pamalo sa mga nakatatandang
estudyante sa aming paaralan; sa aking buong pag-aakala na “sige lang, cute naman
ako, okay lang mamalo, nakikipaglaro lang naman ako”. Lingid sa aking kaalaman na
nakakasakit din pala ako, napagtanto ko lamang ito nang mapaiyak ko ang isang nasa
ikaanim na grado na kasama ko sa pagprapraktis sa isang pagtatanghal sa pista ng
aming bayan.
Hindi lamang ito, napatawag din ako sa opisina ng aming punong-guro sa
elementarya dahil napaospital ko ang aking isang kaklase nang ako ay nasa ikatlong
grado pa lamang. Siya ang katabi ko sa aking upuan sa klase. Bagaman nakakagulat,
mahilig akong manapok dati; ako yung tipo ng tao na sa tuwing tatawa ay may kasama
pang sapok na maiuunday sa kung sino mang katabi ko. Dahil sa palatawa ako dati,
nakakaawa ang aking katabi sapagkat panay pasa at bukol ang natatamo niya sa akin.
Dumating ito sa punto na nasapok ko siya nang pagkalakas-lakas na naging sanhi ng
pagkakaroon ng bukol sa kanyang balikat. Isang linggo lamang ang nakalipas nang ako
ay pinatawag sa opisina ng punong-guro, pagkatapos noon, narinig ko sa mga usap-
usapan na siya raw ay lumipat na ng paaralan dahil sa akin.

Bilang anak ng dalawang guro, sa oras na may makaaway ako, o may magalit
sakin; lagi akong handang sumabat o makapantay ang aking kausap. Isa ako sa mga
batang bentang benta sa pagpapatawag ng magulang dahil sa pagiging palaban ko.
Isang halimbawa na rito ang nangyari noong ako ay nasa ikatlong grado pa lamang.
Naranasan ng aking mismong guro sa asignaturang Agham, na masumbatan ko dahil
lamang sa pagkakamali ng isang impormasyon na kanyang itinuro. Sa aming pagtatalo
tungkol sa impormasyong aming pinag-aawayan, hindi ako natigil sa pagpipilit ng
impormasyong aking nais na iparating sa aming inaaral. Ang aming pagtatalo ay
dumating sa punto na inabot ang aming pagklaklase ng hanggang pananghalian na.
Nakatutuwa mang isipin, pero isa akong batang hindi natitinag sa kung ano ang
paniniwala at alam ko.

Hindi lamang ako isang palaban na estudyante, ngunit kilala rin ako bilang
sumbungera ng bayan. Isang patunay na rito ang aking pagsusumbong sa aking mga
kaklase nang ako ay nasa ika-apat na grado. Bawat gawin ng aking mga kamag-aral na
hindi kaaya-aya para sa akin; maliit man ito o malaki, ay deretsahan ko
itong isinusumbong sa aking guro. Pagiging immature man kung maituturing, ngunit ito
ang aking pananaw noon. Maging sa simpleng paghingi nila sa akin ng kapirasong
papel o pagtapon ng nilamukos na papel sa basurahan ng mga plastic, agad ko itong
isinasabi sa aking guro. Oo, aaminin ko, mababaw man ang mga dahilan ko, pero ako
ay isang batang pinalaki sa pagiging palaban at strikto sa mga regulasyon.
Bihira din akong isama ng aking mga kaklase sa mga galaan o pakikipagpasyalan.
Bilang lang ang paglabas ko sa aming bahay; kung papayagan man, lagi kong kasama
ang aking pinsan na aking tagabantay, parang gwardiya ba. Nasa ikaanim na grado na
ako nang aking maranasan na makalabas ako ng aming bahay ng hanggang alas dose
ng madaling araw. Natatawa na nga lang ako, sapagkat pinasama lamang ako dahil ito
ang pinakahuli kong pagsama sa aking mga kaklase nang ako ay nasaelementarya. Ito
rin ang gabi ng aming pagtatapos sa ikaanim na grado.

Siguro ang tanging may alam lang nitong aking sasabihin ay ang mga naging
kaklase ko nang ako nasa 7-Agoncillo. Tandang-tanda ko pa, kahit nagklaklase ay may
mga kamag-aral ako na mahilig maglaro ng table tennis; lalo na kapag iniiwan kami ng
aming guro sa klase. Habang may pinaiwan na gagawin ang aming guro na si Ginang
Montes sa Arts and Drafting, ang aking kaklaseng si Brian Tangson ay naglalaro
ng table tennis; samantalang kami ay pokus na pokus sa paggawa ng pinagagawa ng
aming guro. Sa kanyang paglalaro, hindi niya sinasadyang matamaan ako ng bola
ng ping pong, ngunit dahil sa galit ko, namura ko siya na ito namang naging sanhi ng
pagtigil ng mga iba kong kaklase sa kanilang mga ginagawa. Sariwa pa sa aking ala-ala
ang gulantang at pagkagulat na nakabakas sa kanilang mga mukha ng panahon na
magmura ako nang pagkalakas-lakas sa aming klase.
Bagaman naranasan ko ang mga bagay na ito, napagtanto ko rin naman na ang aking
mga desisyon ay mali; medyo may pagkahuli na nga lamang. Ang iba sa mga ito ay
hindi nalalaman ng mga kaibigan at kabarkada ko ngayon sa aking Senior High. Hindi
nila kilala ang Janssen noon, magugulat ka na lang kung mababasa mo ito dahil ang
kilala mong Janssen ngayon ay ibang iba na sa kung sino siya dati.
Magmula nang ako ay nasa ikawalong grado, napagisip-isip ko ang mga pagkakamali
ko. Sinimulan kong magbago, itinuring ko ang bawat magiging kakilala ko na isang
espesyal na indibidwal. Sinubukan kong bigyan ng respeto ang bawat isa at lagi kong
isinasaisip na sila ay mayroong damdamin, na maaaring masaktan sa kung ano ang
aking sasambitin. Magmula noon ay inuulit-ulit ko sa aking sarili na hindi na ako babalik
sa kung sino ako dati. Magpahanggang ngayon ay sinusubukan kong maging mabait,
magalang at mabuti sa iba.

Siguro, para sa mga kamag-aral, kaibigan, at guro ko ngayon, isa akong


napakabait at mapagpasensyang nilalang. Siguro mayroon sa kanilang napapatanong
minsan kung bakit hindi ako agad nagagalit sa mga mapanloko kong kaklase. Siguro
mayroon ding mga napapaisip dahil sa sobrang mapagpasensya ko. Ang totoo nyan,
hindi lang talaga nila nalalaman na sa bawat sumbat, panloloko, katuwaan at harutan
na kanilang sinasabi at nangyayari; kailangan ko pang magbilang ng hanggang isang
daan. Hindi nila alam na ang tanging paulit-ulit na hinihiling ko lang sa isip at sarili ko,
na sana naging isang anghel na lang ako, upang hindi na ako muling makakasakit ng
ibang tao.
PICTORIAL ESSAY :

“Kahirapan sa Pilipinas.”

Kung bibigyan ka ng papel na lukot at punit, itatapon mo lamang ito. Dahil sa tingin mo
ay hindi mo na ito mapapakinabangan pa. Ngunit kung ikaw ay bibigyan ng lukot at
punit na pera ay magagawan mo pa ito ng paraan. Ipinapahiwatig nito na mahalaga ang
pera sa atin at laging mayroong paraan tungkol dito.

Mayroon ngang kasabihang “hindi namumunga ng pera ang mga puno.” Na siyang
totoo. Dahil ang mga pera ay hindi basta-bastang pinipitas sa mga puno.
Ang kahirapan ay parte na ng ating lipunan. Ito ay araw-araw na nararanasan ng mga
taong kabilang sa mababang antas ng lipunan. Pilit na nilalabanan ng bawat indibidwal
ang suliranin na ito upang mabuhay at makapagpayuloy ng bagong yugto ng buhay.

Maraming kabataan ang hindi nakakapag-aral dahil sa kahirapan. Maaaring dahil sa


kawalan ng trabaho ng mga magulang. Ngunit ang kahirapan ay hindi hadlang sa
tagumpay. Bagkus, Gawain itong inspirasyon sa pagkamit nito.
Ang mga pera ay hindi rin napupulot sa basurahan. At hindi ito basta-basta itinatapon.
Kailangan mo pa itong paghirapan. Kung mayroon ka naman nito, dapat ay hindi mo ito
sinasayang o ginagamit sa hindi importanteng bagay.

Kung sa tingin ninyo ay malabo na ang pag-asa na malagpasan ang paghihirap, ay


nagkakamali kayo diyan. Marami pang paraan, para umahon at guminhawa. Para sa
mata, kailangan lamang ng salamin para luminaw ang paningin.
Maraming kapos sa pera na hindi makabili ng kanilang pangangailangan dahil sa
pangungurakot ng ilan at ang pagtaas ng presyo ng bilihin. Sana ay unahin ng
gobyerno ang pagtulong at hindi ang kung anu-ano pang ginagawa. Kailangan lang
natin maging matibay sa mga dadaanan nating pagsubok sa buhay. Pagsubok lamang
iyan, huwag mong itigil ang laban! Pagsisikap ang tunay na sikreto ng tagumpay.
LAKBAY SANAYSAY :

Baguio Trip

BAGUIO TRIP

Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar na may iba’t ibang
tanawin. Lalong lalo na ang mga lugar na talaga namang tinatangkilik ng mga turista,
mapadayuhan man na galing ibang bansa o yung mga taong doon na mismo sa lugar
na yon lumaki at nagkaisip. Hindi ko ginagawa ito upang magbakasyon lamang at
magmuni – muni kundi para malaman ko kung saan at paano nga ba ganoon ang tawag
sa lugar na iyon.
At bakit nga ba ito tinatangkilik at dinadayo ng mga turista. Masayamg gawin
ito pag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay lalong lalo na ang PAMILYA. Dahil
ang pamilya ay isang pinakamahalaga at magandang regalo sa atin ng Panginoong
Hesukristo, ang pamilya ang siyang masasandalan mo sa oras na ikaw ay may
problema.

Isa sa napuntahan ko kasama ang aking pamilya ay ang lugar na Baguio. Ang
Baguio ay isa sa mga sikat na lugar dito sa Pilipinas lalong lalo na sa North Luzon,
kilala ito bilang Summer Capital of the Philippines hindi dahil mainit dito ngunit dahil
napakalamig dito lalong lalo na kapag bumagsak ang temperatura dito kapag sumasapit
na ang kapaskuhan. Talaga namang dinadayo ito ng maramimg tao dahil para sa kanila
dito masarap ipagdiwang ang KAPASKUHAN kasama ang iyong mga mahal sa buhay.
Ngunit hindi namin ito pinuntahan noong panahon ng kapaskuhan bagkus noong
unang araw ng Enero taong 2015. Dahil pagkatapos naming ipagdiwang ang BAGONG
TAON ay nagsimula na kaming gumayak mula Pampanga hanggang sa makarating
kami sa Baguio. Pumunta kami doon dahil doon nais ng aking pinsan na ipagdiwang
ang kanyang ikapitong kaarawan. At dahil FIRST TIME naming magpipinsan na
pumunta doon kung kaya’t mas lalo kaming naexcite na makarating na doon.

Isa sa mga pinuntahan namin sa Baguio ay ang Burnham Park na kung saan dito kamI
gumala ng ilang oras, dito sa lugar na ito ay matatagpuan ang isang Dancing
Fountain at isang parang ilog na kung saan pwede kang mamangka at maglibot – libot.
Isa rin sa mga napuntahan namin ay angBotanical Garden, dito sa lugar na ito ay
may mga matatandang Igorot na kung saan pwede ka sa kanilang magpakuha ng litrato
na kasama sila. Dito mo makikita na hindi nila kinakahiya kung saan sila nagmula kahit
na ganoon ang kanilang pananamit. At nagpunta rin kami sa Mines View ,ngunit kahit
malayo at maraming tao doon at WORTH IT naman dahil maganda at talaga namang
nakakarelax at mapapahanga ka sa ganda ng view na iyong nakikita.

At ang huli naming pinuntahan sa Baguio, at ang huling araw na rin namin doon ay
ang Strawberry Farm. Dito mo matitikman ang masasarap na strawberry na tinatawag
din na Preyas. Sa loob ng tatlong araw namin sa Baguio ay marami akong nalaman sa
lugar na iyonat dito ko rin nalaman kung bakit nga ito tinatangkilik ng mga turista.
REALISASYON :

Ang naging realisasyon ko sa aking paglalakbay na ito ay huwag mong


kakalimutan ang mga lugar na talaga namang dapat mong ipagmalaki na sa inyo lang
matatagpuan. Dahil ang mga lugar na ito ang nagpapatunay na masagana ang bansa
niyo sa likas na yaman. At huwag na huwag mong kakalimutan ang iyong Pamilya dahil
sila ang magiging kasangga mo sa lahat ng problemang iyong kahaharapin na kahit na
magkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan at magkasakitan man kayo ng damdamin
ay hinding hindi ka pa rin nila pababayaan at kakalimutan bagkus ay mamahalin ka pa
nila ng lubusan. At higit sa lahat ay magpasalamat tayo sa Panginoon sa
mga Biyayang ating natanggap galing sa kanya.

You might also like