You are on page 1of 2

SINO AKO?

Sa kasalukuyang bahagi ng buhay ko, maraming tao ang nag-sasabing kilala na nila ako
ngunit hindi nila alam kung sino nga ba ako sa kabila ng kanilang nakikita. Sino nga ba ako?
Ako ay minulat sa pangalang Adrian Brahmz Ilupa na binigay ng aking mga magulang na sina
Meraflor at Abraham Ilupa. Dalawa lang kami na magkapatid, at ako yung bunso. Ako ay
isinilang at lumaki sa syudad ng iligan at hanggang ngayon ako ay nananatili dito sa sa syudad.

Sa ngayon ako ay nag-aaral ng kolehiyo sa Mindanao State of University – Iligan


Institute of Technology, kumukuha ako ng kursong inhinyero bilang gabay sa magandang
kinabukasan. Ninais kong maging isang ganap na inhenyero para sa aking kagustuhan kaya’t
pinagbubuti kong makatapos ng pag-aaral nang ang aking pangarap ay makamit ko. Marami
akong napagtanto nitong pagsapit ng kolehiyo, sobrang laki pala talaga ng pagkakaiba kumpara
noong elementarya at hayskul. Marami ng isipin, bayadin at syempre hindi mawawala ang gimik
ng barkada. Naranasan ko na ang walang tulog dahil sa mga proyekto, asaynment at higit sa lahat
ang pag-aaral. Marami mang pagsubok pero kinakaya ko.

Lahat ng tao sa mundong ito ay may mga karanasang hindi makakalimutan. Mga
karanasang nagdulot sa ating ng kasiyahan, kalungkutan, pighati at kabiguan. Habang tumatakbo
ang panahon lahat ng mga karanasan natin ay nag-iiwan ng marka sa ating buhay. Minsan, ito ay
masaya at minsay ito ay malungkot.

At ito ang aking karanasan,

Disyembre 16 2011, Umuulan, Malakas ang hangin at mahimbing ang aming tulog ng
aking buong pamilya na parang normal lang na araw. Sa pagpatak ng alas-12 ng hatinggabi nang
nagising ang aking ina na nagtataka kung bakit maraming tao ang ang nagsilabasan sa kanilang
mga bahay at humihiyaw ang iba sa kanila at hindi nag dalawang isip ang aking ina na
magtanong sa isang ale, at sinabi ng ale ay “Magsi-alisan na kayo tumataas na yung tubig,
bumabaha na dito sa ating lugar”. Nag simula na kaming mabahala na hindi alam kung ano ang
aming gagawin, na sa pagpatak ng bawat minuto ay tumataas yung tubig, yun na pala ang simula
ng bagsik ng bagyong sendong. Napagdesisyonan namin na umalis sa aming bahay, na sa bawat
yapak nang aming mga paa ay may dasal na dala. Mahigpit yung hawak ng aking ama’t ina sa
aming mga kamay upang hindi matangay sa malakas na daloy ng tubig na maaring magtapos ng
aming mga buhay. At matapos ang pangyayari, Masaya parin kami na buo ang aming pamilya na
hanggang sa ngayon ay patuloy na lumalaban sa buhay.

Enero 1, 2018, Ang Pagsalubong sa Bagong taon na isa sa pinakamasayang selebrasyon


dahil sa isang taon lang ito maganap. Ito ang pinaka masaya sa akin dahil dito kami
magkakasama ng buong pamilya, mga kaibigan, at mga barkada. Masaya ako dahil makikita ko
ulit ang aking mga kamag-anak at mga pinsan na sa isang taon mo lang makikita, Syempre hindi
mawawala ang pagbibigay at pagpalit ng mga regalo. Masaya ang lahat sino nga ba ang hindi
masaya sa pagsapit nang Bagong taon, Masaya kame dahil Sabay-sabay kame na nanonood at
nakatingala sa taas nang kalangitan habang pinag-mamasdan ang magagandang kulay na
sumasabog sa kalangitan at syempre hindi mawawala ang mga konting inuman at mga
kwentuhan. Dito na matatapos ang aking kwento at nag papasalamat ako dahil nag karoon nang
bagong taon at nag papasalamat ako sa Panginoon Diyos at sa susunod pang bagong taon na
darating at sa mga mabubuong bagong alaala. Maraming Salamat.

You might also like