You are on page 1of 1

ELISAN, Alexa Mariel G.

20210425
10-St. Louis of Montfort G.C.P. Aquino, LPT
Mini Ptask Blg. 1: Talumpati

“Politika: Pamahalaan at ang Taong Bayan”

Gawaning political, ano nga ba iyon? Ang Gawaing Pampolitikal ay Gawain ng isang
mamamayan upang makapagambag nang kahit maliit na bagay sa ating bansa. Mula
sa pagboto o pagtulong sa kapwa patungo sa pangangampanya. Maituturing rin na
gawaing pampolitika ang pagpapahayag ng opinion sa ating pamahalaan upang
makapagbigay payo o rekomendasyon ukol sa mga programa o proyekto ng ating
gobyerno. Sa mga simpleng gawaing ito ay maari natin masabi na isa itong pakikilahok
sa political na gawain.

Ang pakikiisa sa mga gawaing ito ay magsisilbing tulong sa marami upang mapaunlad
ang pamumuhay ng isang mamamayan. Ang simpleng suhestiyon at rekomendasyon
ay maaring masgbigay daan para sa mga naghihirap na mapadali ang buhay. Ang
pagboto sa tamang tao ay maaring mabigyan tayo ng pagkakataon na maiangat ang
ating bansa. At ang pagsali sa mga rally o mga organisasyong pampulitika ay
makakapag bigay daan upang maipahayag ang mga kagustuhan para sa ating bansa,
maaaring mapatunayan na ang taong bayan ay mas makapangyarihan pa sa mga
opisyales na nagpapatupad lamang ng mga batas na makakabuti sa atin.

Sa dahilanan na ako ay isang estudyante lamang, ay hindi na ibig sabihin na wala


akong alam sa mga nangyayari sa ating bansa. Maraming kabataan tulad ko ay may
alam sa mga pangyayari sa ating bansa, marami rin ang nananatiling bulag sa
katotohanan. Ang pagpapahayag ng opinion at kagustuhan ay paraan upang maisabi
ang gusto rin ng iba. Naayon na lang sa isang opisyales kung gusto niya ba ito
ipanukala o hayaan na magpahayag ang taong bayan sa wala. Naayon rin sa taong
bayan kung nais ba nila mapansin at mapakinggan ng pamahalaan. Kung mgakakaroon
ng magandang koenksyon at ugnayan ang mamamayan at pamahalaan, ay
magkakaroon ng maunlad na daan ang ating bansa.

You might also like