You are on page 1of 9

ISANG SINING

(Salin ni Louie Jon A. Sanchez ng


“One Art” ni Elizabeth Bishop)
Elizabeth Bishop
• ayisang Amerikanong makata at
manunulat.
• nagwagi ng Pulitzer Prize noong 1956 at
isang National Book Award Winner para
sa Poetry noong 1970.
• Siya ay itinuturing na isa sa mga
pinakamahalagang at kilalang
Amerikanong poets ng ika-20 siglo.
Ang sining ng pagwawaglit ay di mahirap tupdin;
kayraming mga bagay ang tila nakakatakdang
mawala kaya hindi ito gaanong nakasasakuna.
Subukang makawala araw-araw. Tanggaping
nawala ang mga susi, ang nasayang na oras.
Ang sining ng pagwawaglit ay hindi mahirap
tupdin.
Patuloy na magsanay makaligta nang kay dami’t kaybilis;
mga lugar, at pangalan at kung saan ka dapat pumunta.
Wala sa mga ito ang nakasasakuna.
Nawala ko ang relo ni ina. At tingnan mo! wala narin
ang huli, at ang pinakahuli kong mahal na tahanan.
Ang sining pagwawaglit ay di mahirap tupdin.
Nawaglit koý dalawang lungsod, magaganda.
At, kaylawak na mga lupalop ng angkin,
dalawang ilog, isang kontinente.
Inaasam ko sila, ngunit hindi ito nakakasakuna.
--- At kahit Ikaw (ang mapagbirong tinig, ang baling
na iniibig) Hindi dapat ako nagtatwa. Talaga naman
kasing
Ang sining ng pagwawaglit ay di mahirap tupdin
Kahit nagmumukha man itong (Isulat mo!) tila
sakuna.

You might also like