You are on page 1of 1

‘TATSULOK’ NG BUKLOD

Pagsusuri ni Leslyn D. Reyes

Ang Tatsulok ay isang awiting kilalang kilala ng marami dahil ipinapakita


nito ang larawan ng pagkakahati-hati at hindi pagkakapantay-pantay ng mga uri
ng katayuan o kabuhayan sa lipunan. Iminemensahe rin ng awitin ang
pagkakaroon ng malaking agwat sa pagitan ng mahihirap at mayayaman na ang
mga taong nasa tuktok lamang ang may karapatan sa hustisya at kapayapaan.Sa
pagpapatuloy pa ng pamamahalang baliko ng mga nasa itaas na bahagi ng
tatsulok., sinasabi na hindi talaga matatapos ang gulo na ang kahulugan ay
kahirapan sa ating bansa.

Sa awitin, si Totoy bilang tauhan ang sumasalamin sa tunay na kalagayan


ng mga taong lugmok na lugmok sa kahirapan. Mga mamamayang nais
ipaglaban ang pagbabago sa pamahalaan ngunit walang sapat na kakayahan at
lakas ng loob dala na rin nang walang kaalaman dahil sa pagkakait ng
karapatang pang edukasyon. Sinabi rin sa awitin na hindi dilaw at pula ang
tunay na magkalaban (iligtas ang hininga ng maraming tao, at ang dating
munting bukid, ngayo’y sementeryo)

Sa kalagayan ng Pilipinas ayon sa awitin, marapat na tayo ay kumilos


upang mabaliktad ang tatsulok upang ang mga dukha ay makaangat mula sa
kahirapan at ang mga taong nasa itaas ay maranasan kung anong buhay ang
nakakamit ng mga taong kanilang nasasakupan at pinagkakaitan ng karapatan
sa hustisya at kabuhayan.

You might also like