You are on page 1of 4

REZIA ROSE PAGDILAO Subject Teacher: Shery Ann

Tumamao BSE-Major in Social Studies GE


07- SOSLIT
1st year/ Block-12
Talas-Diwa

A. Panitikan Hinggil sa Kahirapan Panuto:

Paano nagkakatulad o nagkakaiba ang sitwasyon sa kantang “Upuan” sa kasalukuyang


kalagayan ng ating lipunan? Ipaliwanag ang inyong tugon.

UPUAN PAGKAKATULAD
KASALUKUYAN

-sitwasyon ng isang mayaman -Kahirapanng mga mahihirap na


-sitwasyon
na mayroong napakaraming -merong mahirap
nagsisikap meronmasagana
upang maging
bagay na wala ang mahihirap rin ang pamumuhay
ding mayayaman na nila.
tao
-paglalarawan ng buhay ng -ang
- pamumuhay ng mahirap at
mahirap at mayaman mayaman sa kanta ay hanggang
ngayon ay ganon parin.
-walang mahanap na sulosyon
-Sa ngayon ay masasabi kong
ang mga mayayaman at mga kumikilos na ang mga pulitiko at
pulitiko tungkol sa kahirapan. mayayaman para masulusyonan ang
-dito sa kanta iniimbitahan pa problemang kahirapan sa tulong ni
nila ang mayayaman upang Pangulong Duterte.
masilayan rin nila ang mga -ngayon hindi na natin kaylangang
mahihirap. hikayatin sila upang masilayan rin
-kung sa awit na ito ay hindi tayo kundi sila na mismo ang
pinapakinggan ang mga kusang tumanaw sa mga mahihirap
hinaing ng mga mahihirap sa upang tulungan ang mga mahihirap.
mayayaman - ngayon ay gumagawa na ng
paraan ang pangulo upang
mabigyan ang mga mahihirap na

B. Panitikan hinggil sa Karapatang Pantao

Panuto: Bigyang repleksyon ang kantang “Tatsulok” ni Bamboo. Ano ang ibig ipahiwatig ang
kantang ito na tumutukoy sa karapatang pantao?

 Ang kantang tatsulok ay sumisimbolo ang tatsulok sa "Economic status" sa ating bansa.
Ipinapakita nito na kung sino ang may impluwensya at kapangyarihan sa batas ang siyang nasa
taas ng tatsulok. Habang mga nasa ibaba ng tatsulok ay ang nakararaming naghihirap na di
nakakaranas ng hustisya. Ipinapakita lang ng pamagat na ito ang hindi pagkakapantay-pantay
ng mga mahihirap at mayayaman at ang pagkontrol ng mga may kapangyarihan sa mga dukha.
Ang ipinapahiwatig ng awit na ito na tumutukoy sa karapatang pantao ay ang paglalahad
ng kanta sa isang problema o isyu ng ating lipunan at ito ang kahirapan. Ang imahe o hugis ng
tatsulok ay larawan ng pagkakahati-hati at hindi pagkakapantay-pantay ng mga uri sa ating
lipunan. Ang bawat uri ng tao ay nakabase sa katayuan ng kanyang kabuhayan o economic
status. Sa awit masusuri nating Malaki ang agwat ng mayayaman sa mahirap.
Sa awit na tatsulok inilalahad niya ang karapatan na meron ang mga taong mahihirap at
iyon ang gustong ipamulat ng awit para sa mga tao kung hindi man pantay pantay ang turing ng
mga mayayaman para sa ating mga taong mahihirap wag tayong susuko dahil may pag-asa pa
tao na baguhin ang Sistema ng lipunan. At ang mahalagang gawin natin ay kumilos magsikap
para abutin ang ating pangarap. Dahil meron tayong karapatan na lumaban para sa ating
kapayapaan ng mga tao na mamuhay ng matiwasay kagaya ng mayayaman.
Kung ang hustisya ay para lang sa mayayaman na sabi sa awitin, sa katayuan ng
pamumuhay natin hindi talaga tayo nararapat para sa hustisya kung wala tayong ginagawa,
kung wala tayong pangarap sa buhay at hindi ka magsisikap. Dapat nating tandaan na ang mga
mayayaman ay nagsisikap rin sila upang mapalago rin ang kanilang buhay. Kaya ang tanging
gawin lang natin ay magtiwala sa sarili na kaya rin nating magsikap.
Masisilayan nating sa awiting ito na ipinapahiwatig ang karapatang pantao, dahil sa
kantang tatsulok nakapaloob rin ang layunin nitong pagsamahin ang pagpapalago ng panitikan
kaakibat ng paggawa ng aksyon tungkol sa mga isyu, kung saan ito ay pangunahin at
kinakailangang elemento ng pakikipaglaban sa karapatang pantao.

C. Panitikang Hinggil sa Manggagawa

Panuto: Bigyang repleksyon ang kanta na “Walang Natira” ni Gloc 9. Anu-ano ang mga
dahilan na nabanggit sa kanta kung bakit nagsisialisan ang mga manggagawa upang magtrabaho
sa ibang bansa?
 Ang mga dahilan na nabanggit sa kantang walang natira kung bakit nagsisialisan ang
mga manggagawa upang magtrabaho sa ibang bansa ay:
1. Unang inilahad sa kanta ay ang kahirapan dahil ito mismo ang nagpapababa ng
kalidad ng tao. Isa ito sa mga na hindi na kinakaya ng mga Pilipino ang kanilang
pinagdadaanan dito sa ating bansa. Kaya mas minabuti ng ating mga kababayang
pilipino na magtrabaho sa ibang bansa. Dahil walang pag-asa ang mga
manggagawang Pilipino sa kanilang sitwasyon. Kaya napipilitan silang umalis ng
bansa para maghanap ng trabaho at para umahon din ang kanilang buhay.
2. Hindi binibigyan ng pagkakataon na ang mga nakapagtapos sa pag-aaral ay
makapagtrabaho na kaagad. Ngunit sa halip na nagtratrabaho na sila mas naging
tambay nalang sila sa kanto. Kaya mas inisip nalang nilang magtrabaho sa ibang
bansa dahil doon mas pinadali ang pagtanggap nila ng mga trabahador nila kaysa
sa ating ating bansa.
3. Kakulangan ng sahod na ibinibigay ng mga amo nila. Hindi sapat ang pera na para
sa pamilya nila. Dahil sa kaliitan ng sahod na ibinibigay nila mas minabuting
pumangibang bansa nalang sila dahil doon mas Malaki ang sahod na ibinibigay
nila.
4. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit ang ating mga kababayan ay nagtratrabaho sa
ibang bansa ay dahil walang mga namumunong pulitiko na bigyang sana ng
sulosyon ang ganitong problema sa ating bansa. Dahil narin sa palaging mababa
ang estado ng ating ekonomiya.

D. Panitikang Hinggil sa Pangkasarian

Panuto: Pakinggan ang kanta ni Gloc 9 na Sirena. Basahin ang lyrics nito sa ibaba at analisahin
kung ano ba ang mensahe ng kanta. Sa tatlong talata, isalaysay kung ano ang pakahulugan ito.
 Ang kanta ni Gloc 9 na Sirena na ito’y nangangahulugang tungkol sa isang tao na
mayroong kilos pambabae pero siya ay isang lalake. Ang sirena ay isang mitolohikal na
nilalang na anyong babae mula ulo hanggang baywang at may buntot ng isda sa halip na mga
paa. Sinasabing ang mga tagapangalaga ng karagatang ito ay may nakabibighaning kagandahan,
napakahabang buhok, at malamyos na tinig. Dahil ang mga nilalang na ito ay hubad ang itaas na
bahagi ng katawan ngunit walang maselang bahagi, hindi rin maaaring matukoy eksakto nilang
kasarian. Ito ay malimit na ginagamit rin bilang simbolo ng mga miyembro ng ikatlong kasarian
dahil tulad ng mga sirena, sila rin ay itinuturing na kakaiba sa lipunan kaya’t hindi pa ganap ang
pagtanggap sa kanila. Ito ay ang tinatawag nating mga bakla.
 Ang karahasan at pang-aabuso sa mga miyembro ng LGBTQ+ ay umiiral pa rin sa
lipunan lalo na ng mga panahong isinulat ang kanta. Ang ilan sa mga karahasang nararanasan
ng sector na ito ay ang mga sumusunod: pagkitil sa kalayaang makapagisa at pribadong
pamumuhay, panlalait, pisikal na pananakit, hindi pantay na karapatan sa pinansya at pulitika,
mapang-abusong pananalita at sekswal na panghaharass. Kaya ang kantang “Sirena” ay
nagbigay daan upang magkaroon ng kamalayan ang mga tagapakinig ukol sa isyu ng
diskriminasyon at karahasan sa ikatlong kasarian na ilang dekada na ring umiiral sa ating
lipunan. Hinihikayat tayo nito na hamunin at kwesyunin ang pamantayan ng pagkalalaki sa
lipunan at ang kulturang pagsasantabi sa mga isyung matagal nang inimumulat ng takilya sa
mga Pilipino.
 Ipinahihiwatig rin ng awiting ito na walang sinuman ang may kakayahan na baguhin ang
isang tao, kahit pa man gumamit ng karahasan. Ang ating mundo ay maaaring maging
mapayapang tahanan para sa lahat ng tao, anuman ang kanilang sekswalidad, kung ang bawat
isa ay matututong tanggapin ang ating mga pagkakaiba at respetuhin ang piniling landas ng iba.
Mahabang proseso man ang pagkamit ng ganap na pagtanggap ngunit ito ang kailangan ng
lipunan upang maituwid ang mga maling pananaw at kaisipan.

E. Panuto: Sumulat ng isang tula hingil sa karanasan ng mga kasarian sa kasalukuyang


panahon. Ipabatid sa mambabasa kung ano ang iyong paningin sa mga kababaihan, kalalakihan
o kahit pa sa ibang kasarian kung ano ang mga suliranin nila sa kasulukuyan.

Sa panahong ito mga taong walang respeto


Walang ibang ginawa kundi husgahan tayo.
Lalake ka man o babae, tomboy o bakla ka pa,
Mga pisikal na anyo mo’y lahat nasisilayan nila.
Mayaman ka man o mahirap,
Maganda’t gwapo ka man o panget.
Sa anong dahilan para tayo’y husgahan?
May maitutulong ba ito sa buhay niyo?
Dahil hindi sa mga mata niyong mapanghusga, uunlad tayo.

Mga di makatarungang pananaw nila


Lalake ka man o babae, tomboy o bakla ka pa,
Di na maalis kung ano ka sa kasarian na meron tayo
Mga pananaw ng ibang tao,
Kapag lalake sila na ay manloloko
Kapag babae sabi nila’y mahina na tayo
Mga bakla’t tomboy na sinasabing kanser sa lipunan.
Sa anong basehan nila para tayo’y husgahan?
Pero hindi niyo nasisilayan kung gaano kalaki ang naiambag namin sa bayan.

Lalake ka man o babae, tomboy o bakla ka pa,


Maganda’t gwapo ka man o panget.
Mayaman man o mahirap,
Basata’t ang mahalaga ay irespeto niyo sila,
Lahat tayo di perpekto.
Kapatid gumising ka na!!
Imulat mo ang inyong mga mata,
At hanapin ang tama at hindi ang mali sa kanila.

Itigil na ang diskriminasyon!


Sa bagong henerasyon ating iahon
Respeto at pagkakaisa
Para sa ikakaunlad ng ating nayon.

You might also like