sa lupain nilang katutubong October 31, 2015 himlayan ng sagrado nilang panata by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez kadluan ng kanilang ligaya’t pag-asa (Tula — alay sa Lumad nating mga kapatid) at muli’t muling sasalakayin ang kanilang lupain dati pa silang nakangingiti ng dambuhalang mga makinarya sa bawat pagbulaga ng araw lalaplapin ang mayamang dibdib kung umagang inaantok pa ang papawirin hahalukayin ang ubod ng sikmura at humahalik ang hamog gugutayin ang pinakabituka sa nauuhaw na mga bulaklak sa damuhan dahil gahaman ang mga diyus-diyosan umaawit pa sila dati sa gintong nasa sinapupunan tulad ng mga ibong ng katutubo mong lupaing pinakasasamba… naglalaro sa kakahuyan ngunit hindi iidlip ang habagat nagsasayaw pa sila dati hindi hahalik sa lupa ang mga punongkahoy gaya ng mga palakang hindi mananangis na lamang ang mga damo naglulundagan sa kasukalan o basta na lamang maluluoy ang mga bulaklak o ng mga isdang pumupusag hindi mahihimbing ang mga ilog sa mabining agos ng ilog at sa saliw ng tagupak ng lintik humahabi pa sila dati at singasing ng kidlat ng mumunting mga pangarap at tungayaw ng kulog habang payapang nakamasid magkukulay-dugo ang mga ulap puting ulap sa katutubong lupaing at sisilay na muli ang iyong mga ngiti dibdib nila’t tiyan buong giliw na pakikinggan ng mga ibon at kadluan ng masiglang halakhak taginting ng iyong halakhak ng makukulay na mga alaala. mga kapatid naming lumad! ngunit ngayon, oo, ngayon, tumakas ang ngiti sa kanilang mga labi bumukal sa kanilang mga mata mga talulot ng lungkot at dusa namaos na mga tinig nila di dahil sa halakhak ng pagsinta kundi sa protesta laban sa inhustisya laban sa kalupitang nanibasib sa mga katribo sa lianga na ngayo’y namamaluktot nakatulala sa tandag maulap ang mga mata maputla ang mga labi tuliro ang diwa at kaluluwa’y nag-aapuhap ng kalinga’t pagmamahal. itinaboy sila ng mga putok ng baril ng mala-militar na mahat bagani niligis ng takot