You are on page 1of 78

MODYUL 1

ANG KULTURANG POPULAR,


ANG MAGASIN, AT ANG
PAHAYAGAN

I. Pamagat: ANG KULTURANG POPULAR, ANG MAGASIN, AT ANG PAHAYAGAN


II. Mga mag-aaral na gagamit: Mga mag-aaral ng BSED na nasa ikatlong antas sa
kolehiyo.
III. Layunin:
1. naibibigay ang katuturan ng (a) kultura; (b) popular; (c) kulturang popular.
2. naisasalaysay ang kasaysayan at kasalukuyang kalagayan ng kulturang popular.
3. naiisa-isa ang mga simulain sa kulturang popular.
4. naibibigay ang kahulugan ng magasin.
5. naiisa-isa ang mga pangunahing magsin sa sumisirkulo sa Pilipinas.
6. nakapagpapakita ng mga aktwal na halimbawa ng magasin.
7. nakapagbibigay ng mga halimbawa ng artikulo/teksto na makikita sa magasin.
8. nabibigyan ng kahulugan ang pahayagan at tabloid.
9. naipapakita sa harap ng klase ang mga halimbawa ng pahayagan at tabloid na
sumisirkulo 10. sa Pilipinas.
11. naiisa-isa ang pagkakaiba at pagkakatulad ng pahayagan at tabloid.

IV. Panuto sa mga mag-aaral: Basahin, unawain at magbigay reaksyon sa paksang


babasahin.
V. Mga Gawain sa Pagtuturo at Pagkatuto

1
Fil 114 Kulturang Popular
Aralin 1
ANG KULTURANG POPULAR
Kultura- Ito ay tumutukoy sa
paraan ng pamumuhay na nakagawian
ng tao. Kabilang ditto ang sining, wika,
musika at panitikan. Kasama rin ang
paninirahan, pananamit, kaugalian,
tradisyon at mga mahahalagang moral
ng isang tao. Ang kultura, sa payak na
kahulugan, ay karunungan, sining
literature, paniniwala at kaugalian ng
isang pangkat ng mga taong nananahan
sa isang pamayanan.

Lahat ng kultura ay natutuhan, ngunit hibndi lahat na bagay na natutuhan ay


kultura. Kabilang ditto ang lahat n gating mga kilos at paniniwala na ipinapadala sa
pamamagitan ng genes, ngunit ipinapadala (at naka-imbak) sa pamamagitan ng
simbolo.

Samantala, hindi naman pwedeng maging independent variable o isolated


conceptual marker ang “panahon/kasalukuyan/ngayon” lamang, dapat may ka-konsepto
ito na kaya nating unawain at lingunin nang pabalik-balik kahit na ba sabihin ng iba na
mahirap unawain yan. Ang tinutukoy ko po rito’y ang terminong “kultura”.  Isa sa
pinakamahirap ng terminong i-define ay kultura ayon kay Raymond Williams. Sa aking
pag-unawa, ang simpleng interpretasyon ng kultura ay “lokasyon/pook/espasyo/sityo” at
ang kaakibat nitong pag-iral, kabuluhan, esensiya dahil sa kamalayan at pisikal na
presensiya ng tao. Ibig sabihin ang kultura sa kulturang popular ay panandaliang
nagkakaroon ng saysay dahil sa tao, mula sa tiyak niyang pag-iral sa
lokasyon/espasyong kinalalagyan niya (tao: mrt, tao: kompyuter, tao: media, tao:
pelikula, etc. etc.) hanggang sa malay niyang pagturing sa mga ito bilang bahagi ng
kanyang buhay, pamumuhay at pag-inog sa mundong ito dahil marahil ito ang kanyang

2
Fil 114 Kulturang Popular
natatanging realidad (ito ang totoo sa kanya habang binabagtas niya ang kanyang
karanasan sa kasalukuyan).

Sa madaling salita, ang kultura ay kombinasyon ng pag-iral ng materyal sa isang


lokasyon at pinapalagay na lokasyon, pag-iral ng tao habang nakaintersek siya sa iba’t
ibang materyal na ito, at ang kamalayan at karanasang nalilikha mula rito.

Dalawang saray ng materyalidad

1.  Ito ang first-order materiality o pisikal o materyal na nakatambad sa atin sa isang


lokasyon/pook – mga gusali, NLEX, SLEX, kalsada, mall, village, subdivision,
palengke, ukay-ukay, parke, zoo, istasyon ng TV, atbp.
2. Ang second-order materiality na ini-internalize natin sa isipan at kalooban natin
dahil hindi naman nakatambad ang mga ito o di nakatirik ang mga ito sa isang
lokasyon o pook, kundi nililikha ito bunga ng functionality ng first-order
materiality. Ibig sabihin mula pisikal na bagay tungo sa ibang anyo o forma ng
materyalidad. Halimbawa, tunog, ingay o musika na likha ng radyo, ipod,
paligid/kalikasan, choir, orchestra; telebiswal na karanasan na nakatali sa
panonood siyempre natin ng TV; cinematic na karanasan dahil sa sinehan o
mula sa DVD player at TV; at virtual na karanasan tulad ng online game, chat,
facebook, youtube atbp na mula sa internet o cyberspace at nagkakaroon ng
second-order na materyalidad dahil sa kompyuter/laptop/palmtop.

Popular- Ito ay isang salitan na ginagamit upang


ilarawan ang isang tao, bagay, hayop, lugar,
pangyayari o ideya na nakilala ng marami.

Alam kong alam nyo na kung ano ang ibig sabihin ng popular, ng sikat, ng uso,
“in” ngayon – lahat ng salitang ito’y nagpapahiwatig sa kasalukuyan. Ibig sabihin ang
specific time frame o fixated time marker natin ay kung ano ang sikat, uso, at in ngayon
at wala nang ibang panahon pa, walang noon, walang hinaharap na time frame. Basta
sa kasalukuna lamang.

3
Fil 114 Kulturang Popular
Kung tutuusin simpleng sikolohiya ng panahon ang terminong popular. Kumbaga
nag-iisip tayo sa ngayon, umiiral tayo sa ngayon, naiimpluwensiyahan tayo ng
maraming bagay at tao sa ngayon, binabagabag tayo ng maraming problema sa
ngayon, lahat talaga sa ngayon. Samakatuwid ang salitang “popular” sa kulturang
popular ay walang ibang pinapatungkulan kundi ang “kasalukuyan”, ang “ngayon”.

KAHULUGAN:

a. Kulturang mula sa at
naimpluwensayhan ng media, ng
mamimili at ng komersyo, at may
malaking epekto sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga tao sa lipunan
(Grakname, 2020).

b. Ito ay kulturang nakabatay sa pagkagusto o pagtangkilik ng maraming tao (Torralba,


w.p.).

c. Ito ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para maramdaman ang pagtanggap
sakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa mga
tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang
nagmumula sa mga modernong produkto ng mga kumpanya at modernong mga
bansa. Ang kulturang popular ang kadalasang nagbibigay ng depinisyon kung ano
ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap. Ang kulturang popular ay maaaring
teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-
samang kultura na itinatakda ng makakapangyarihang tao, kumpanya at
bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag ang kanilang pagsang-
ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili (Orito, w.p.)

HALIMBAWA

Musika
1. Dynamite (BTS)
2. Savage Love (Jawsh 685, Jason Derulo ft. BTS)

4
Fil 114 Kulturang Popular
3. Paubaya (Moira Dela Torre)
4. Positions (Ariana Grande)
5. Ice Cream (Blackpink with Selena Gomez)

PAGKAIN AT INUMIN
1. Samgyupsal
2. Ube cheese pandesal
3. Ramen
4. Milk tea
5. Dalgona coffee
DAMIT
1. High-waisted pants
2. Off-shoulder
3. Skinny jeans
4. Tattered pants
5. Loose shirt

EPEKTO NG KULTURANG POPULAR

Positibo: Nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang


kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng mga
kumpanya at modernong mga bansa (Orito, w.p.).

Negatibo:  Marami ang kinakailangang isakripisyo ng mga mamimili para lang matamo


nila ang mga pinapangarap na mga bagay-bagay. Handa silang masaktan dahil gusto
nila makiuso sa uso na nagging uso dahil sa masa. Ito ang ideya ng sado-masokismo
na isang katangian ng kulturang popular (Chantal, w.p).

Ano Ang Kulturang Popular? Iba pang pagapakahulugan….

Kung noon ay radyo, dyaryo, telebisyon at magasin lang ang ating media para malaman
kung anong uso, anong sikat at ano ang popular, sa panahon ngayon, napakamoderno na ng
teknolohiya at napakadali na para sa mga tao na makiuso at magpauso sa pamamagitan ng

5
Fil 114 Kulturang Popular
lahat ng uri ng media --lahat ng nabanggit kanina at idinagdag pa ang internet. Bakit ba
napakaimportante sa mga tao makasabay sa uso? Ano nga ba talaga ang kulturang popular?
Ating alamin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng uso o mas pormal na kilala bilang kulturang
popular.

Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para maramdaman
ang pagtanggap sakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang
nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular ay
kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng mga kumpanya at modernong mga
bansa. Ang kulturang popular ang kadalasang nagbibigay ng depinisyon kung ano ang
maganda at kung ano ang katanggap-tanggap. Ang kulturang popular ay maaaring teknolohiya,
pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-samang kultura na itinatakda
ng makakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao para
maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang
sarili. 

Ngunit bakit nga ba may kulturang popular? Saan ba ito galing?

MAY SINASABING ANIM NA DAHILAN AT PINAGMUMULAN NG KULTURANG


POPULAR AT ITO ANG MGA:

1. Pangangailangan na itinatakda ng mga negosyante

Ang mga negosyante ay nagbibigay o nagpapakita sa mga tao ng isang


pangangailangan. Maaaring ito ay pangangailangan maging maputi, maging diretso ang buhok,
magkaroon ng kolorete sa mukha at iba pa para matawag na maganda. Maaari rin namang
gamitin ito ng mga negosyante sa mga teknolohiya; natatanim sa utak ng tao na hindi na sila
mabubuhay ng wala silang magagandang cellphone, camera, at iba pa. Dahil dito, napipilitan
bumili ang mga tao ng mga produktong ginagawa ng mga negosyante para lang matugunan
ang pangangailangan na ito. Ang produktong ito ay siya namang nagiging sikat at napapasama
sa kulturang popular kinalaunan.

2.Latak

6
Fil 114 Kulturang Popular
Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang latak. Panghalili sa mahal
at sa orihinal. Sinasabing nangyayari ito dahil ang masa ay hindi makabili ng mga kustal at
kasuotan na mamahalin kaya sila ay nagkakasya na lamang sa pagbili ng mga damit at bag na
mura hanggang sa ito na ang maging uso at gamit na ng lahat.

3. Pangmasa o komersyal na kultura

Kaugnay ng sinasabi natin kanina tungkol sa mamahaling mga gamit, ang mga
mumurahing gamit ay kadalasang sumasailalim sa maramihang produksyon o mass production.
Ang kulturang popular ngayon ay ang mga pagkakaparepareho ng mga kagamitan na nabili ng
mga tao sa murang halaga.

4. Ginagawa ng tao

Ito naman ang nagsasabing ang kulturang popular ay ginagawa ng tao --maaaring ng
isang sikat na personalidad na nais tularan ng marami. Sa pag-gaya dito ng mga tao, unti-unti
itong napupunta sa mainstream. Ito ang tinatawag na pagpapauso. Ito ay maaaring ginagawang
pang hanapbuhay, pampasikat o tikis na pang-libangan lamang.

5. Larangan ng gahum

Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang ebidensya ng mataas na tingin
natin sa isang gahum na bansa. Kung ano ang mga gamit, damit, bag o kung ano man na
ginagamit sa kanilang bansa ay ating tinatangkilik dahil ito ang maganda, nakahihigit at
nakatataas para sa ating paningin. Sinasabing nakakasama ito para sa ating sariling bansa
dahil unti-unti nitong nakikitil ang ating  sariling industriya dahil walang tumatangkilik sa ating
sariling mga produkto. Dahil dito, sinasabing mas napapahalagahan natin ang kalinangan at
kabihasnan ng iba kaysa sa sarili nating kultura.

6. Pagkalusaw ng mga hangganan

Sa tumitingding globalisasyon at pagkakaugnay-ugnay ng mga kultura at sibilisasyon sa


buong mundo, hindi na nagiging hadlang ang distansya ng mga bansa para magkaroon ng
iisang kulturang popular. Nawawalan na ng distinksyon ang mataas at mababang kultura, ang

7
Fil 114 Kulturang Popular
sariling kultura, comersyal at popular na kultura. Lahat ng kultura ay nagkakasabay-sabay na
ginagamit at nagiging isa.

Ang kulturang popular ay isang kulturang maaaring sabayan at sakyan ng tao. Sa


kabilang banda, maaari rin namang tayo rin ang magpa-uso at gumawa ng kulturang ito. Ngunit
dapat natin isaisip na  ang kulturang popular ay hindi maiiwasang magbago kaya marapat lang
na panatilihin pa rin natin at wag kalimutan ang kulturang "unique" at sariling atin. Hindi dapat
natin ito hayaang matabunan ng kulturang popular --kulturang nagbibigay depenisyon sa
kasalukuyang panahon.

Repleksyon:

Ang kulturang popular ay hindi masamang tangkilikin lalo na kung may nadudulot
itong magagandang pangyayari sa mga taong tumatangkilik nito at hindi lang nila ito
tinatangkilik upang kainggitan sila ng ibang tao o ang pagtangkilik nila sa mga ito ay
may negatibong epekto sa kanilang sarili o pamumuhay at sa mga taong nakapaligid sa
kanila.
Nawa ay ang kulturang popular ay gamitin ng wasto at para sa kabutihan ng
lahat ng bawat tao upang hindi ito maging negatibong paksa.

VI. Mga Tanong na Sasagutin/ Ebalwasyon

I. PAGPIPILI
Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Kulturang mula sa at naimpluwensayhan ng media, ng mamimili at ng komersyo,


at may malaking epekto sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao sa
lipunan. Ito ay pinakahuluigan ni/ng

a. Torralba
b. Grakname
c. Orito
d. Diksyunaro

2. Ito ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para maramdaman ang
pagtanggap sakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang
nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang

8
Fil 114 Kulturang Popular
popular ay kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng mga
kumpanya at modernong mga bansa. Ito ay pinakahuluigan ni/ng

a. Orito
b. Torralba
c. Grakname
d. Diskyunaro

3. Ito ay kulturang nakabatay sa pagkagusto o pagtangkilik ng maraming tao. Ito ay


pinakahuluigan ni/ng

a. Diskyunaro
b. Torralba
c. Orito
d. Grakname

4. Ito ay maaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang


mga pinagsasama-samang kultura na itinatakda ng makakapangyarihang
tao, kumpanya at bansa.

a. Panitikan
b. WIka
c. Kulutang Popular
d. Lahat ay tama

5. Nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang


kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng
mga kumpanya at modernong mga bansa. Ito ay isang positibong epekto ng
kulturang popular.

a. Tama
b. Mali

II. PAGPAPALIWANAG
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano-ano ang positibo at negatibong epekto ng kulturang popular sa kasasuluyang
panahon?

2. Bakit may kulturang popular? Paano ito nabubuo?

Pagpapahalaga/Repleksyon
Bilang isang mag-aaral, mahalaga sa akin ang aking natutuhan sapagkat
________________________________________________________________
__________

9
Fil 114 Kulturang Popular
Aralin 2
ANG MAGASIN
Ang magasin ay peryodikong publikasyon na
naglalaman ng maraming artikulo,kwento,larawan,
anunsyo at iba pa. kalimitang pinopondohan ng mga
patalastas.

 • Ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga


mambabasa.
 • Ito ay may sukat na mas malaki kaysa aklat ngunit
mas maliit kaysa pahayagan.
• Maaring ito ay naglalaman ng mga larawan ng mga
produkto na iniindorso ng mga sikat na tao sa bansa.

Ang Mga Kauna-unahang Magasin sa Pilipinas

1. Lipang Kalabaw (1907) - Ang magasin ay pag-aari ng editor din nito na si Lope


K. Santos. Ang Lipang Kalabaw ay tumatalakay sa mga isyu ng politika, lipunan
at kultura. Naging kontrobersyal ang magasing ito dahil sa mga karikatura ng
mga kilalang personalidad ng panahong iyon. Ayon sa mga mananalaysay ng
sining, ang mga karikaturang ito ay iginuhit ni Jorhe Pineda. Tumigil ang
operasyon ng magasin noong 1909 dahil sa mga reklamo ng mga opisyal ng
pamahalaan na parati nitong tinutuligsa. - Ito’y nailathala sa tatlong
magkakaibang panahon:1907-1909, 1922-1924, 1947-1948 dahil sa paulit-ulit na

10
Fil 114 Kulturang Popular
pagpapatigil dito. - Ilan sa mga tinuligsa nitong pulitiko ay sina Gobernador
Leonard Wood. - May mga komiks din na nailathala dito bilang isang “page filler”
na tumutuligsa sa pamumuno ng mga Amerikano.

2. Telembang (1922-1924) -ay isang satirikong lingguhang magasin na nasa


sirkulasyon ng industriya noong 1922 hanggang 1924. Ang pangunahing editor
sa magasing ito ay si Inigo Ed Regalado. - Ang magasing ito ay naglalaman ng
mga nakakatawang mga kwento mga caricatures at mga cartoons. - Ayon sa
mga historyador ang mga cartoons sa magasing ito ay likha nina Fernando
Amorsolo at Jorge Pineda. - Ang magsing ito ay naglalaman ng mga satirikong
cartoons na laban sa mga Amerikano at mga pederalista. - Mayroong 111 isyu
ang magsing ito.

3. Liwayway (1922) - Naunang nakilala bilang “Photo News” ito’y naglalaman ng


mga larawan, balita, salaysayin, sanaysay, prosa, at tula, at nasusulat sa tatlong
wika. - Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa
Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga
nobela. Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga
Pilipino. - Inilunsad ni Ramon Roces ang mga magasin na nasa katutubong wika.
- Mayroon pa ring magasing Liwayway hanggang sa kasalukuyan.

Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang


produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang
magpasukan ang iba’t ibang magasin mula sa ibang bansa. Dahil sa pagbabagong

11
Fil 114 Kulturang Popular
nagaganap naghanap ang mga tao ng ibang uri nang mga magasin na sasakto sa
kanilang panlasa at mga hinanahanap. At dahil sa mga ito umusbong ang industriya ng
mga makabagong magasin.

12
Fil 114 Kulturang Popular
13
Fil 114 Kulturang Popular
14
Fil 114 Kulturang Popular
15
Fil 114 Kulturang Popular
Mga Tanong na Sasagutin/ Ebalwasyon:
I. A. PAGPIPILI
Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming


artikulo,kwento,larawan, anunsyo at iba pa. kalimitang pinopondohan ng mga
patalastas.

a. Komiks
b. Magasin
c. Tabloid
d. Liwayway

2. Ang magasin ma ito ay pag-aari ng editor din nito na si Lope K. Santos. Ito ay
tumatalakay sa mga isyu ng politika, lipunan at kultura. Naging kontrobersyal ang

16
Fil 114 Kulturang Popular
magasing ito dahil sa mga karikatura ng mga kilalang personalidad ng panahong
iyon.

a. Telembang
b. Lipang Kalabaw
c. Liwayway
d. Wala sa nabanggit

3. Naunang nakilala bilang “Photo News” ito’y naglalaman ng mga larawan, balita,
salaysayin, sanaysay, prosa, at tula, at nasusulat sa tatlong wika.

a. Telembang
b. Lipang Kalabaw
c. Liwayway
d. Wala sa nabanggit

4. Ang magasin na tungkol sa balitang showbiz.

a. Metro
b. Candy
c. Yes!
d. Lahat ay tama
5. Isang magasin para sa isang abalang ina.

a. Cosmopolitan
b. FHM
c. T3
d. Good Houskeeping

B. PAGTUTUKOY.

Panuto: Tukuyin ang sagot ng mga sumusunod na tanong.

17
Fil 114 Kulturang Popular
II. PAGPAPALIWANAG
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong.

1. Maghanap ng halimbawa ng mga uri ng magasin at tukuyin ang kulturang


popular na makikita dito.

2. Ano sa palagay mo ang kahalagahan ng magasin sa kasalukuyang panahon?

3. Gaano kahalaga ang magasin a kasalukuyan? Sa palagay mo, ito ba ay


kailangan pa ng tao?

18
Fil 114 Kulturang Popular
Aralin 3

ANO ANG PAHAYAGAN? KAHULUGAN,


URI, AT MGA BAHAGI
Alam mo ba kung ano ang
pinagkukunan ng mga balita noong
panahong hindi pa uso ang telebisyon,
radyo at internet? Ito ay ang pahayagan.
Ngayon, atin itong bibigyan ng
kahulugan. Atin ding aalamin ang
dalawang uri nito at ang ilan sa mga
bahagi ng dyaryo.

Ano ang Kahulugan ng Pahayagan?

Ang pahayagan ay isang uri ng


paglilimbag. Ito ay naglalaman ng mga
balita o tala tungkol sa mga kaganapan
na nangyayari sa lipunan. Nagbibigay
din ito ng mga impormasyon tulad ng
mga patalastas. Ito ay karaniwang
iniimprinta araw-araw at ipinagbebenta
sa murang halaga. Ito rin ay maaring
pangkalahatan o may pokus na interes.
Ang iba pang terminolohiya para sa
salitang ito ay dyaryo at peryodiko.
Dalawang Uri ng Pahayagan

Broadsheet. Ang broadsheet ay pormal na uri ng pahayagan, karaniwang nakaimprinta


sa malaking papel at nakasulat sa Ingles na wika. Malawak ang nasasaklaw ng
sirkulasyon nito. Bukod sa mga balita sa loob ng bansa, naglalaman din ang broadsheet
ng mga internasyonal na mga kaganapan. Ang target reader nito ay ang mga taong
may mga kaya sa buhay.

Tabloid. Ito naman ay maituturing na impormal na uri ng pahayagan. Ito ay mas maliit


at mas maunti ang nilalaman kumpara sa broadsheet. Ang pangunahing wika na
ginagamit sa Tabloid ng Pilipinas ay Tagalog. Sa dyaryong ito, maari kang makabasa
ng mga salitang balbal.

Ano ang mga Bahagi ng Pahayagan?

Ang mga sumusunod ay ang mga bahagi ng pahayagan o dyaryo:

19
Fil 114 Kulturang Popular
Mukha ng Pahayagan – Ito ang pinakaunang pahina ng pahayagan. Naglalaman ito ng
pangalan ng pahayagan at headline ng mga balita. Makikita mo rin sa pahinang ito ang
petsa kung kailan nailimbag ang dyaryo.

Balitang pandaigdig – Mababasa naman sa bahaging ito ang mga kaganapan sa iba’t-
ibang parte ng daigdig. Naglalaman din ito ng mga balita na may kaugnayan sa labas
ng ating planeta.

Balitang Panlalawigan – Nakapaloob naman sa bahaging ito ang mga kaganapan sa


iba’t-ibang lalawigan ng bansa.

Editoryal o Pangulong Tudling – Ang pahinang ito ay naglalaman ng matalinong


kuro-kuro ng patnugot o mamamahayag tungkol sa isang napapahong isyu o paksa.

Balitang Komersyo – Ang bahaging ito ng pahayagan ay naglalaman ng mga ulat na


may kaugnayan sa industriya, kalakalan, at komersyo. Mababasa din dito ang
kasalukuyang estado ng palitan ng piso kontra sa pera ng ibang bansa.

Anunsyo Klasipikado – Ang pahinang ito ay nakalaan para sa mga taong naghahanap
ng trabaho na pwedeng pag-aplayan. Dito rin mababasa ang mga patalastas tungkol sa
mga bagay na ipinagbebenta o pinapaupahan tulad ng kotse, bahay at iba pang ari-
arian.

Obitwaryo – Ito ay parte ng pahayagan na naglalaman ng mga anunsyo tungkol sa


mga taong pumanaw na. Mababasa sa bahaging ito ang impormasyon ng mga
namayapang tao, kung saan ito nakaburol, kailan at kung saan ito ililibing.
Libangan – Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga balita na naghahatid ng aliw sa
mga mambabasa. Mababasa dito ang mga balita tungkol sa mga kaganapan sa
showbiz, mga tampok na palabas sa pelikula at telebisyon, at iba pang maiuugnay sa
sining. Naglalaman din ito ng mga laro na nakakakuha ng interes ng mga mambabasa,
tulad ng sudoku at crossword puzzle. Dito rin matatagpuan ang komiks at horoscope.

Lifestyle – Mababasa sa bahaging ito ang mga artikulong may kaugnayan sa


pamumuhay. Tulad ng tahanan, pagkain, paghahalaman, paglalakbay at iba pang
aspeto ng buhay sa lipunan.

Isport o Palakasan – Sa bahaging ito mababasa ang iskedyul ng mga laro. Mababasa
din sa bahaging ito ang mga kaganapan at balita tungkol sa iba’t-ibang isport sa loob at
labas ng bansa.

Mga Tanong na Sasagutin/ Ebalwasyon:

I. PAGPIPILI
Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

20
Fil 114 Kulturang Popular
1. Ito ang pinagkukunan ng mga balita noong panahong hindi pa uso ang
telebisyon, radyo at internet.

a. Magasin
b. Pahayagan
c. Tabloid
d. Broadsheet

2. Ito ay naglalaman ng mga balita o tala tungkol sa mga kaganapan na nangyayari


sa lipunan. Nagbibigay din ito ng mga impormasyon tulad ng mga patalastas. Ito
ay karaniwang iniimprinta araw-araw at ipinagbebenta sa murang halaga. Ito rin
ay maaring pangkalahatan o may pokus na interes. Ang iba pang terminolohiya
para sa salitang ito ay dyaryo at peryodiko.

a. Pahayagan
b. Broadsheet
c. Magasin
d. Komiks

3. karaniwang nakaimprinta sa malaking papel at nakasulat sa Ingles na wika.


Malawak ang nasasaklaw ng sirkulasyon nito. Bukod sa mga balita sa loob ng
bansa, naglalaman din ang broadsheet ng mga internasyonal na mga
kaganapan. Ang target reader nito ay ang mga taong may mga kaya sa buhay.

a. Tabloid
b. Magasin
c. Broadsheet
d. Pahayagan

4. Sa dyaryong ito, maari kang makabasa ng mga salitang balbal.

a. Magasin
b. Tabloid
c. Pahayagan
d. Broadsheet

5. Ang pahinang ito ay naglalaman ng matalinong kuro-kuro ng patnugot o


mamamahayag tungkol sa isang napapahong isyu o paksa.

a. Balitang Panlalawigan
b. Mukha ng Pahayagan 
c. Anunsyo Klasipikado 
d. Editoryal o Pangulong Tudling 

II. PAGPAPALIWANAG
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong.
21
Fil 114 Kulturang Popular
1. Bakit kailangan ng mga tao ang pahayagan noon at ngayon?
2. Ano ang kahalagahan ng pahayagan sa kasalukuyang panahon?
3. Sa iyong palagay, kailangan pa ba ng tao ang pahayagan sa kasalukuyang
panahon?

Pagpapahalaga/Repleksyon
Bilang isang mag-aaral, mahalaga sa akin ang aking natutuhan sapagkat
________________________________________________________________
___________.

22
Fil 114 Kulturang Popular
MODYUL 2

ANG PELIKULA AT
KOMIKS/HUGOT/MEMES

I. Pamagat: PELIKULA at KOMIKS/HUGOT/MEMES


II. Mga mag-aaral na gagamit: Mga mag-aaral ng BSED na nasa ikatlong antas sa
kolehiyo.
III. Layunin:
1. nabibigyan ng kahulugan ang pelikula
2. natutukoy ang mga tanyag na director at ang kanilang mga obran maestrang pelikula.
3. nakapagpanonood ng mga kontemporaryong pelikula at nasusuri ang mga kulturang popular
na napapaloob sa mga ito.
4. naibibigay ang kahulugan ng komiks/hugot/memes
5. nakikilala ang mga bahagi ng komiks/hugot/memes
6. nakabuo ng sariling komiks/hugot/memes
7. naibibigay ang kahulugan ng magasin.
8. naiisa-isa ang mga pangunahing magsin sa sumisirkulo sa Pilipinas.
9. nakapagpapakita ng mga aktwal na halimbawa ng magasin.
10. nakapagbibigay ng mga halimbawa ng artikulo/teksto na makikita sa magasin.

IV. Panuto sa mga mag-aaral: Basahin, unawain at magbigay reaksyon sa paksang


babasahin.
V. Mga Gawain sa Pagtuturo at Pagkatuto:

23
Fil 114 Kulturang Popular
Aralin 4
PELIKULA
Ang pelikula, na kilala din bilang
sine at pinilakang tabing, ay isang
larangan na sinasakop ang mga
gumagalaw na larawan bilang isang
anyo ng sining o bilangbahagi ng
industriya ng libangan. Dahil naging
pangunahing tagapamagitan para sa
pagpapakitang mga gumagalaw na
larawan ang letratong pelikula sa
kasaysayan, kadalasang tinutukoy
anglarangang ito ng akademya bilang
ang pag-aaral ng pelikula. Isang anyo
ito ng sining, at tanyagna anyo ng mga
libangan, at negosyo.

Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao at bagay


(kabilang ang inarte na pantasya at mga peke) sa kamera, at/o
sapamamagitan ng kartun.

WIKA

Ang pelikula ay mayroong sariling wika. Ayon kay Ingmar Bergman, si Andrei
Tarjirjy ang kanyang tinuturing na pinakamagaling na direktor sapagkat nagawa
niyang isa-pelikula ang buhay sa paraangmakikita ito bilang isang panaginip. Ang
wika ng pelikula ay mababatay sa pag-arte ng aktor na parangnagsasalita ng
personal sa tagapanood.

DISTRIBUSYON

Karaniwang pinoproseso ang mga pelikula upang maibahagi ito sa madla.


Karaniwang mgapropesyonal na distributor ang gumagawa nito at maaaring ipalabas
sa teatro, telebisyon, o personal napanonood sa pamamagitan ng DVD-Video o Blu-
ray Disc, video-on-demand, o pag-download mula sainternet. Dahil sa mabilis na

24
Fil 114 Kulturang Popular
pag-unlad ng teknolohiya, mabilis na ring makapanood ng mga pelikula sa ibang
nagbibigay ng serbisyong ito gaya ng Netflix o maaari na ring makakuha ng mga
pelikula online sailegal na paraan gaya ng torrent.

MONTAGE

Ang montage ay isang paraan kung saan hinahati ang parte ng isang pelikula
at ito ay pinipili,inaayos, binabago para makagawa ng mas magandang seksyon ng
pelikula. Ang pinangyarihan ay pwedemagpakita ng isang lalaki na sasabak sa laban,
na may sulyap ng kanyang kabataan at sa kanyang buhaynoon. Kapag kumpleto na
ang pelikula na ito, dito dinadagdagan ang mga pwede pang animasyon
paragumanda lalo ang pelikula.

Pelikulang Pamumuna

Ang pagkritik ng pelikula ay ang pagpupuna ng isang gawa batay sa mga


rubriks.Ang pagkritik ay masusuri sa dalawang kategorya, ang pagsuri ng mga
akenemiko at ang pagsuri ng mgamamahayag na kalimitang magbabasa sa mga
diyaryo at iba pang matining na katinig.

MGA TANYAG NA DIRECTOR


Ayon sa official website ng NCCA, ang National Artist award ay iginagawad sa
Filipino citizens na mayroong malaking ambag sa kanilang field of expertise, na
naglalarawan ng kanilang talento at pagtangkilik sa kulturang Pinoy. Sa kasalukuyan,
ang mga sikat na personalidad mula sa showbiz na tumanggap ng naturang parangal
ay sina Fernando Poe Jr. (main photo), Lino Brocka (upper right frame) at Ishmael
Bernal (lower right frame).
Sa gitna ng kontrobersiyal na pagkakatanggal kay Nora Aunor sa mga nominado
bilang National Artists ngayong taon, nabuhay ang interes ng publiko kung sinong mga
personalidad sa larangan ng pelikula, teatro, at sayaw ang nabigyan ng ganitong
parangal.
Ang National Artist Award ay pinamumunuan ng National Commission for Culture and
Arts (NCCA) at Cultural Center of The Philippines (CCP).

25
Fil 114 Kulturang Popular
Ayon sa official website ng NCCA, ang joint recommendations ng nabanggit na
organisasyon ay isinusumite sa Office of The President para sa final approval.
Layunin nito na bigyang karangalan ang ‘di matawarang talento at kontribusyon ng
Pinoy artists sa larangan ng sining at kultura.

1. LINO BROCKA

Para sa larangan ng pelikula, una na rito ang pinakapipitagang direktor na si Lino


Brocka na nagdirehe ng 66 na pelikula. Karamihan sa mga ito ay naglalarawan ng
tunay na mukha ng kahirapan, karahasan, pang-aabuso ng gobyerno, at iba pang
problema sa lipunan.
Ilan sa mga ito ay ang Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974) Maynila Sa Kuko Ng
Liwanag (1975), Insiang (1976), Bayan Ko (1984), at Orapronobis (Fight For Us, 1989).
Ang kanyang pelikulang Insiang ang kauna-unahang Filipino movie na ipinalabas sa
Cannes Film Festival. Ang Bona naman ay naging entry sa Director's Fortnight section
ng Cannes. Samantala, ang Jaguar at ang Bayan Ko: Kapit Sa Patalim ay parehong
nominado para sa Palme D’Or.

2. ISHMAEL BERNAL 

26
Fil 114 Kulturang Popular
Ang director na si Ishmael Bernal ay dalubhasa sa paggawa ng mga pelikulang
may makabuluhang tema at paggamit ng makabagong technique pagdating sa
aesthetic aspect nito.
Malawak ang pagkilala niya sa paggawa ng pelikula base na rin sa kanyang body of
work katulad ng Nunal Sa Tubig (1976), Himala (1982), Broken
Marriage (1983), Working Girls (1984), at City After Dark (1980).
Ang Himala ang hinirang ng CNN bilang best film of all time sa Asia-Pacific region.

3. GERARDO DE LEON

Si Gerardo de Leon ay itinuturing na most-awarded film director dahil sa pitong


awards na natanggap niya mula sa Filipino Academy of Movie and Arts (FAMAS).
Kabilang dito ang mga sumusunod: Sawa sa Lumang
Simboryo (1952), Hanggang sa Dulo ng Daigdig (1958), Huwag Mo Akong
Limutin (1960), Noli Me Tangere (1961, adaptation of the novel Noli Me Tangere ), El
Filibusterismo (1962), Daigdig ng mga Api (1965), Lilet (1971).
Kasama sa mga nominado para sa Best Director ng FAMAS noong 1971 sina Bernal
(Pagdating sa Dulo) at Brocka (Stardoom).

4. FERNANDO POE JR. 

27
Fil 114 Kulturang Popular
Si Fernando Poe Jr. ang tinaguriang Action King of Philippine Movies o Da King
dahil sa galing niya sa pag-arte sa action movies at dami ng box office hits mula 1950s
hanggang 2003.
Ilan sa pinakasikat niyang pelikula ay ang Kamay Ni Cain (1957), The
Ravagers (1965), Totoy Bato (1977), Ang Panday (1978), Kapag Puno Na Ang
Salop (1987), Isang Bala Ka Lang (1983, 1992), Isusumbong Kita Sa Tatay Ko (1999),
at Pakners (2003).

5. EDDIE ROMERO. 

Si Eddie Romero ay kilalang director, witer, at producer ng pelikula mula 1940s


hanggang 1980s.
Isa sa mga pinakasikat niyang pelikula ay ang Ganito Kami Noon, Paano Kaya
Ngayon (1976) na pinagbidahan nina Christopher De Leon at Gloria Diaz.
Siya rin ang direktor ng 13-part telemovie adaptation ng Noli Me Tangere, na
nagbigay daan upang mas maintindihan ng makabagong henerasyon ang nobelang
isinulat ni Jose Rizal.

Ayon sa website ng NCCA, nakatala sa citation ng National Artist Award ni


Romero ang pagkilala sa kanyang “minimalist,” “calculated” at unpredictable na estilo sa
pagdirehe ng pelikula.

28
Fil 114 Kulturang Popular
6. HONORATA “ATANG” DELA RAMA.

 
Pinagbidahan ni Honorata “Atang” Dela Rama—isang sikat na singer at bodabil
performer—ang kauna-unahang Filipino film, ang Dalagang Bukid (1919).
Siya rin ang gumanap na lead actress para sa sarzuela version ng naturang
pelikula.
Noong panahon ng pananakop ng U.S. sa Pilipinas, itinaguyod ni Dela Rama
ang pagtangkilik sa kundiman o tradisyonal na Filipino love songs, sa pamamagitan ng
pag-perform mga sikat na teatro sa Maynila at maging sa open plaza sa iba’t ibang
parte ng Pilipinas.

7. DAISY AVELLANA

 Si Daisy Avellana ay isang aktres, direktor, at manunulat sa teatro. Pinagbidahan niya
ang stage play na Candida at film adaptation ng Portrait of The Artist as Filipino na
isinulat ni Nick Joaquin.

29
Fil 114 Kulturang Popular
8. ROLANDO TINIO.

Si Rolando Tinio ay kilala para sa kanyang poetry collections, at translated plays.


Naging aktibo rin siya bilang direktor at aktor sa Ateneo Experimental Theater at Teatro
Pilipino.
Ang kanyang poetry collectiona na may pinamagatang Sitsit Sa Kuliglig (1972)
ay naglalarawan ng pamumuhay ng isang laking-Tondo na nakatamasa ng marangyang
buhay.

9. SALVADOR BERNAL.

30
Fil 114 Kulturang Popular
Si Salvador Bernal ay isang sikat na theater designer na naging bahagi ng 300
na produksiyon sa teatro. Kilala siya sa paggamit ng native materials tulad ng bamboo,
abaca, rattan, at cacha para sa kanyang mga disenyo.

10. LAMBERTO AVELLANA. 

Si Lamberto Avellana ay kilalang director sa teatro at maging sa pelikula. Ayon


sa NCCA website, siya ang unang Filipino director na gumamit ng point-of-view (POV)
shot, na nakakatulong sa pag-establish ng kuwento ng isang pelikula.
Ang kanyang pelikulang Kandelerong Pilak (1954) ang kauna-unahang Filipino
movie na ipinalabas sa Cannes Film Festival.

11. WILFREDO GUERRERO

31
Fil 114 Kulturang Popular
Si Wilfredo Guerrero ay isang professor at theater artist na itinuturing na mentor
ng mga kilalang personalidad sa larangan ng sining tulad nina Behn Cervantes, Celia
Diaz-Laurel, at Joy Virata, Joonee Gamboa.
Pinamunuan niya ang UP Drama Club mula 1947 hanggang 1996. Sa loob ng
panahong ito ay inilunsad niya ang UP Mobile Theater, kung saan nagsagawa siya ng
campus stage plays sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Ilan sa mga isinulat niyang dula ay ipinalabas sa ibang bansa tulad ng Three
Rats; Condemned; One, Two, Three; Wanted: A Chaperon, at Conflict.

12. SEVERINO MONTANO 

Isa sa mga itinuturing na haligi sa larangan ng teatro, si Severino Montano ay


nagsilbing Dean of Instruction sa Philippine Normal College. Naglunsad siya ng isang
graduate program upang mag-train ng professional artists sa teatro, kabilang na sina
Rolando Tinio, Emmanuel Borlaza, Joonee Gamboa, at Behn Cervantes.

Mga Kontemporaryong Pelikula


Dito ay inilista ang sampung pinakamahusay na pagsasakontemporanyo ng mga akda.

10. Beastly

     Beastly ay isang pelikula na nagsimula sa isang libro na pareho lamang ang

32
Fil 114 Kulturang Popular
pangalan. Ang pinagmulan naman ng Beastly ay ang nobelang La Belle et la Bête
(Beauty and the Beast) ni Gabrielle-Suzanne Barbot de Villeneuve. Ito ay ginawa ring
pelikula ng Walt Disney Studios noon 1991. Ito ay tungkol sa isang babae na si Belle at
ang halimaw na tinatawag na Beast. Si Beast(Adam) ay isang prinsipe na itinaboy ang
isang matandang nangangailan nang tulong. Ang matandang ito ay isa palang
enkantada at sinumpaan siya na siya ay naging nakakatakot na halimaw. Isang rosas
ang ibinigay sa kanya at binalaan siya na kailangan niyang makahanap nang taong
magmamahal sa kanya sa kabila nang kanyang itsura.

     Ang librong Beastly ay nakasentro sa buhay ng bidang si Kyle Kingsbury na


mayaman, matalino, at ang pinakatanyag na katangian niya -- guwapo. Ang katauhan ni
Belle ay makikita sa karakter ni Lindy na inilalarawan bilang ‘di naman kagandahan, ‘di
tulad nang orihinal na Belle. Hindi lang ito and pinagkaiba nang mga unang akda sa
pelikula. Si Kyle ay sumasalamin sa parehong persona nina Adam at Gaston galing sa
orihinal na akda. Nakatuon ito sa dalawang pangalan na ginagamit niya sa istorya.
Wala siyang mga enkantadong mga alipin, kung hindi ay isa lamang kasambahay at
isang pribadong gurong bulag. Ang enkantada naman sa Beastly ay isang babae sa
pangalan na Kendra. Sinumpaan niya rin si Kyle sa parehong paraan kay Adam sa
orihinal na akda pero dalawang taon lang ang ibinigay sa kanya.

9. Warm Bodies

     Ang Warm Bodies ay isang pelikula na nagmula sa librong Warm Bodies ni Isaac


Marion, na nagmula sa librong Romeo and Juliet ni Willam Shakespeare. Sa Warm
Bodies, si R ay isang zombie na napaibig sa isang babae, si Julie. Sa mundo nina R at
Julie, magkalaban ang mga tao at zombie ngunit sila’y naging magkaibigan at sa huli,
magkasintahan.

     Si R at si Julie ay nagsasalamin sa persona nina Romeo at Juliet, dalawang


kababatang pinipilit ipaghiwalay ng kanilang pamilya—sa Warm Bodies, and pamilyang

33
Fil 114 Kulturang Popular
ito ay ang mga zombies at tao. Pero, kung sa huli nagpakamatay sina Romeo at Juliet
dahil sa pagmamahal nila sa isa’t-isa, sa Warm Bodies muling nabuhay si R dahil
nakaramdam siya ng emosyon at pagmamahal para kay Julie.

     Kung ang mga pangyayari sa Romeo and Juliet ay naganap sa Elizabethan Era ng
England, ang Warm Bodies ay naganap sa isang post-apolacypic world kung saan
nagkaroon ng zombie outbreak.

8. Charlie and the Chocolate Factory

     Ang pelikulang ito ay ihahambing natin sa Willy Wonka and the Chocolate
Factory ginawa noong 1971 na batay sa 1964 pambatang libro ni Roald Dahl. Pareho
itong tungkol sa isang maswerteng bata na nakahanap ng golden ticket sa chocolate
bar para makasama siya sa pagbukas muli ng Chocolate Factory na isinarado noon.
Ipapamana rin ang Factory sa huling batang natitira pagkatapos ng factory tour. Walang
gaanong ipinagbago ang balangkas bilang kalahatan kung ito ay ating susuriin.

     Ibinago lamang ang kaunting bagay para mas moderno itong tignan tulad ng
pagbago sa mga pananamit. Tinanggal rin ang musical kumpara sa unang pelikula at
isa lang ang natirang kanta. Mayroon ring idinagdag sa Charlie and the Chocolate
Factory; ipinakita ang nakalipas ng may-ari ng Chocolate Factory na si Willy Wonka.

7. Sydney White

     Ang Sydney White ay isang modernong pagsasalin ng klasikong kuwento na Snow


White ng Brothers Grimm.

     Sa Sydney White ang bidang si Sydney ay bagong estudyante sa Southern Atlantic
University. Ang nais ni Sydney ay salihan ang kapatirang Kappa Phi Nu na kung saan
miyembro ang kanyang pumanaw na ina. Si Rachel Witchburn ay ang kasalukuyang

34
Fil 114 Kulturang Popular
presidente sa nabanggit na kapatiran at ang pinakatanyag sa buong kampus, at nakita
niyang banta si Sydney sa kanyang popularidad. Pagkatapos paalisin at ipahiya ni
Rachel si Sydney, si Sydney ay nakitira sa pitong lalaking estudyante sa kanilang luma
at sira-sirang dormitoryo, at lahat silang magkakasama ay lalaban kay Rachel
Witchburn at lalaban para maiba ang sistema ng kolehiyo.

     Sa orihinal na kuwento na Snow White ang tagpuan ay bansa sa Europa sa taong


1500; gayunman, sa Sydney White masasabing nasa 2000’s ang taon ng tagpuan, at
sa Estados Unidos ang tagpuan. Sa Sydney White ang bidang si Sydney ay bagong
estudyante sa Southern Atlantic University, kung saan ang karamihang bahagi ng
pelikula ay nagaganap ang kuwento. Sa halip na mga kastilyo ang tinitirahan ng mga
maharlika, prinsesa, at prinsipe, sa Sydney White ang mga tinitirahan ng mga mag-
aaral ng unibersidad ang mga bahay ng kapatirang sinalihan nila.

     Sa Snow White ang mga tauhan ay mga pesante at maharlika, sa Sydney White ang


mga tauhan ay mga estudyante at ang mga matataas ang antas ang mga presidente o
lider ng mga kapatiran. Sa pelikulang Sydney White ang antas ay nakabase sa
katanyagan, kung saan ang pinakatanyag ay si Rachel Witchburn, ang presidente ng
kapatirang Kappa Phi Nu at presidente ng konseho ng mga mag-aaral; ang bida ay si
Sydney White, at ang kanyang kalaban sa pelikula ay si Rachel Witchburn. Ang
‘prinsipe’ naman sa pelikula ang presidente ng kapatirang Beta Omega Rho na si Tyler
Prince. Katulad nang sa kuwentong Snow White, ang ninanais ng kontrabidang siya
ang pinakamaganda o pinakatanyag sa buong kolehiyo, at si Sydney White, tulad ni
Snow White, ang nagsapanganib nito, at tinangka ni Rachel Witchburn na ipasuko si
Sydney sa pagtatakbo bilang presidente ng konseho ng mga mag-aaral.

6. Clueless

     Ang pelikulang Clueless, sa direksyon ni Amy Heckerling, ay modernong salin ng


libro ni Jane Austen na pinamagatang Emma. 

35
Fil 114 Kulturang Popular
     Sa libro, ang kuwento ay tungkol kay Emma Woodhouse, isang mayamang babae
na mahilig ipag-pares ang mga tao upang maging magkasintahan, ngunit siya mismo ay
walang buhay pag-ibig. Hinahanapan niya ng mapapangasawa ang kanyang kaibigan
na si Harriet. Sinubukan niya na ipagtambal si Harriet kay Mr. Elton at kay Frank
Churchill, ngunit hindi ito naging matagumpay, dahil sinabi ni Harriet na ang iniibig niya
ay si Mr. Knightley, ang matalik na kaibigan ni Emma. At napagtanto naman ni Emma
na iniibig niya din si Mr. Knightley, subalit tinulak niya si Mr. Knightley papunta kay
Harriet, dahil iniisip niya na mahal ni Mr. Knightley si Harriet. Ngunit si Emma pala ang
minamahal ni Mr. Knightley, at sa dulo ay sila ang nagkatuluyan, samantalang ang
pinakasalan ni Harriet ay si Robert Martin, ang kanyang magsasaka na mahal niya rin.

     Ganito rin ang daloy ng kuwento sa pelikula. Ang bida naman ay si Cher Horowitz,
isang mayaman at sikat babae na sanay makuha ang kanyang mga ninanais.
Nagsimula ang pagkawili niya sa pagtatambal ng mga tao noong kanyang pinagtambal
ang kanyang dalawang guro, upang sila ay maging masaya at bigyan siya at ang
kanyang mga kaklase ng mas mataas na marka. Sinabi sa kanya ng kanyang dating
kinakapatid na lalaki na si Josh, ay gumawa naman siya ng magandang bagay para sa
ibang tao, hindi para sa sarili niya. Kaya pagkarating ng isang bagong estudyante na si
Tai, nagdesisyon siya na turuan si Tai kung paano maging tanyag sa kanilang paaralan.
Itinatambal niya din si Tai sa kaibigan niyang si Elton, na hindi naging kaaya-aya ang
kinalabasan, dahil si Elton ay may gusto kay Cher. Sa madaling panahon, naging mas
sikat pa si Tai kay Cher, at nagkagusto siya kay Josh. Nang nalaman ni Cher na may
gusto si Tai sa kanyang dating kinakapatid, hindi siya natuwa. Doon niya napagtanto na
mahal niya si Josh, at sa dulo ay nalaman niya na siya din ang mahal ni Josh, at hindi si
Tai. Si Josh at si Cher ang nagkatuluyan, samantalang ang inibig ni Tai ay ang isa
nilang kaklase na si Travis.

     Kitang-kita ang pagkakapareho ng pelikula at ng libro, binago nga lang ang ilang
mga bagay. Binago ang panahon, dahil sa Emma, ito ay nasa 1800’s, samantalang
1995 ang panahon sa Clueless, kaya ito ay moderno. Binago din ang mga pangalan ng

36
Fil 114 Kulturang Popular
mga tauhan, gaya ni Emma, na ginawang Cher, at si Mr. Knightley, na ginawang Josh.

     Wala man masyadong pinagbago, maganda at epektibo ang


pagsasakontemporanyo na ginawa ng pelikulang Clueless sa librong Emma ni Jane
Austen. Mas naintindihan ang kuwento sa modernong salin, at mas madaling iugnay sa
totoong buhay ang pelikula dahil ito ay nakatakda sa mas modernong panahon.

5. 10 Things I Hate About You

     Binatay sa dula na The Taming of the Shrew ni William Shakespeare ang


pelikulang 10 Things I Hate About You, na nasa direksyon ni Gil Junger. Ang dula ay
tungkol sa pagpapaamo ng isang lalaki na si Petrucio sa isang babae, si Katherine, na
palaaway. Kailigangan kasi may ikasal muna kay Katherine, bago ipapakasal ang
kanyang kapatid na si Bianca. Napaamo niya nga si Katherine, naging mabait ang
masunurin ang babae kay Petrucio, at sila ay kinasal.

     Sa pelikula naman, ang mga bida ay si Patrick at si Kat. Nabayaran lang ni Joey si
Patrick na ligawan si Kat, dahil hindi puwedeng ligawan ang kapatid ni Kat na si Bianca
kung hindi muna maliligawan si Kat, ngunit sila talaga ay nahulog para sa isa’t-isa.
Malaki ang pinagkaiba ng dalawa pagdating sa tagpuan, dahil moderno ang tagpuan ng
pelikula. Malaki ang pinagkaiba ng dula at ng pelikula pagdating sa mga papel ng mga
babae. Sa dula ay tinratong parang hayop na kailangan paamuhin si Katherine, nguinit
sa pelikula ay pinakita lang na mabait at mapagmahal din si Kat, kahit siya ay palaaway
at mainitin ang ulo. Mas matimbang ang pelikula dahil dito; dahil mas feministiko ang
pagkakagawa sa kuwento.

4. Black Swan

    Ang pelikulang Black Swan ay nagmula sa akdang Swan Lake. Ang kabuuan ng


pelikula ay natuon sa karakter ni Nina, isang ballerina na may lumalaking
pagkahumaling sa pagsayaw at lumalaban para siya ang maging bida sa produksyon

37
Fil 114 Kulturang Popular
ng Swan Lake na magaganap sa pelikula at maging White Swan. Ang kanyang ina
naman ay isang dating ballerina rin na kumokontrol sa kanyang mga gawain.
Sumasalamin ito sa inain ni Odette sa Swan Lake. Si Lily ay isa ring ballerina, pero siya
ay sumasalamin sa Black Swan o ang hadlang kay Nina para maging White Swan.

     Mas madilim ang Black Swan kaysa sa orihinal na akdang naging base nito. Mas
naging pokus sa pelikula ang pagiging mag-isa at kontrolado ng buhay ni Nina tulad ni
Odette. Magkapareho si Thomas sa Black Swan sa karakter ni von Rothbart sa Swan
Lake kung saan pareho nilang ninanais ang kawalan ng pagbabago kay Odette at Nina
para sila’y maging pasibo at sumunod na lang sa mga utos na ibinibigay sa kanila,
ipinapagpatuloy ang pagiging malinis, perpekto.

3. She's The Man


   
     Ang She’s The Man ay isang pelikula na modernong pagsasalin ng Twelfth Night ni
Shakespeare.

     Sa She’s The Man ang bida ay si Viola Hastings, isang mag-aaral sa eskuwelahang


Cornwall, at miyembro ng futbol klub dito, subalit ang klub ay itinigil na ng eskuwelahan;
Ang lalaking kapatid ni Viola, si Sebastian, ay pumuntang London, at upang maka-ganti
sa Cornwall nag-panggap siya bilang kapatid niya upang maging miyembro ng futbol
klub sa eskuwelahan ni Sebastian, kung saan nakilala niya si Duke Orsino.

     Ang pangalan ng mga tauhan sa She’s The Man ay ikinuha din sa Twelfth Night.
Ang kuwento ng pelikula ay insiprasyon mula sa Twelfth Night, kung saan si Viola at
ang kanyang kapatid na si Sebastian ay biktima ng pag-bagsak ng bapor, at si Viola ay
nag-panggap bilang si Sebastian, upang magtrabaho bilang kawani ni Duke Orsino.
Ang tagpuan sa Twelfth Night ay Illyria, malapit sa baybayin ng Adriatica, at ang She’s
The Man ay nasa Estados Unidos sa eskuwelahan ni Viola na Cornwall at ang
eskuwelahan naman ni Sebastian na Illyria. Walang nakatakdang panahon sa Twelfth

38
Fil 114 Kulturang Popular
Night ni Shakespeare, at ang She’s The Man ay masasabing nasa taong 2000’s.

2. Maleficent
 
   Ang pelikulang Maleficent ay isang live-action na paggawa muli ng animated 1959
bersiyon ng Sleeping Beauty ng Walt Disney. Alam naman siguro nating lahat ang
kuwento ng isang prinsesa na isinumpang walang hanggang pagtulog kapag naturok
siya sa krayom ng rowedang panginog sa kanyang ika-labing anim na taon. Sa
pelikulang Maleficent, sinusunod parin nito ang orihinal na balangkas tulad ng
pagsumpa ng “masamang” reyna sa anak ng hari, ang pangangalaga ng tatlong
engkanto kay Aurora, at ang mga pangunahing tauhan ay naroon parin.

     May mahalagang pagkaiba rin ito kumpara sa Disney na bersiyon. Iba ang
perspektibo nito; ipinakita ang nakalipas ni Maleficent noong bata pa siya na nakatira sa
mahiwagang gubat at may natagpuang batang magnanakaw na naging “kasintahan”
niya pagkaraan ng ilang taong pagkikita. Si Stefan, ang karaniwang tao lamang, ang
dahilan at nagpasimula ng gulo sa dalawang kaharian dahil pinutol niya ang mga
pakpak ni Maleficent para lang mapamana sa kanya ang trono. Napakawalang hiya nga
naman ni Stefan na iniwan na nga niya si Maleficent at binalikan lamang para
pagtangkaang patayin.

     Pagktapos isumpa ni Maleficent ang sanggol ng hari, palihim na binantayan niya ang
paglaki ni Aurora sa isang tahanan na malayo sa kastilyo. Fairy godmother ang tingin ni
Aurora sa kanya dahil lagi niyang nakikita ang anino ni Maleficent na sumusunod sa
kanya. May itinatagong pagkasuklam si Maleficent kay Aurora ngunit patiwasay niya
itong kinausap nang magkita at mag-usap sila. Sa pagkalipas ng ilang masayang
pagsasama na napagmasdan niyang mabuting tao si Aurora, ibig niyang bawiin ang
sumpang ibinigay. Iniwasan niyang mangyari ang sumpa sa pag-aanyayang tumira
nalang si Aurora sa engkantong gubat kasama siya at ang ibang mga nilalang na
nakatira roon.

39
Fil 114 Kulturang Popular
     Isinagot rin ng pelikulang ito ang “plot hole” sa sumpa ni Maleficent sa unang
pelikula (Sleeping Beauty) nang sinabi niyang “...the princess will be loved by all who
know her…” at sa huli si Maleficent ang nagmahal kay Aurora bilang isang ina. Si King
Stefan naman, ang ama ni Aurora, ay galit na binati si Aurora sa kanyang maagang
pagbalik. Ang wakas ng kuwento sa Maleficent ay iba rin sa Sleeping Beauty (1959).
Ang “true love’s kiss” na magpapagising kay Aurora ay hindi mula sa prinsipe ngunit
mula kay Maleficent na nagmahal at nagbantay sa kanya na parang isang ina. Sa
pagtakas nilang dalawa, naabutan sila ng mga guwardiya ni King Stefan. May laban na
naganap at namatay si King Stefan sa pagkahulog nilang dalawa ni Maleficent sa tore
sa halip ng pagkamatay ni Maleficent kalaban ni Prince Phillip sa Sleeping Beauty.

     Maganda ang pagsasakontemporanyo dito dahil nabigyan ng bagong punto de bista


ang isang kwentong matagal na nating alam.
1. Lion King

     Ang Lion King as isang pelikulang pambata na kumuha ng inspirasyon mula


sa Hamlet ni William Shakespeare. Tulad ng Hamlet, ang kwento ng Lion King ay
nakasentro sa pagiging hari ng tiyohin ng bida pagkatapos mamatay ng ama niya, pero
sa pelikula, lumayas si Simba, ang pangunahing bida, mula sa kanilang tahanan, ang
Pride Rock. Tumira sa kagubatan si Simba at nabuhay sa pagaalaga nina Timon at
Simba, isang meercat at isang wild boar; sa Hamlet, nanatili sa palasyo si Hamlet
kasama ang pamilya niya. Sa kagubatan, natagpuan muli ni Simba ang kayang
kaibigang si Nala. Kinuwento ni Nala kay Simba ang kalagayan na ng Pride Rock at
pinipilit niyang bumalik doon si Simba ngunit umayaw siya at umalis. habang wala siya,
nagpakita sa kanya ang kaniyang ama at sinabi sa kanya na kailangan na niyang
bumalik at kunin at trono mula sa tiyohin niyang si Scar; maikukumpara ito sa pagiging
multo ng ama ni Hamlet, pero kung sinabi lang ng ama ni Simba na kailangan na niyang
bumalik, inamin ng ama ni Hamlet na ang kanyang tiyohin ang pumaslam sa kanya.

     Noong bumalik si Simba, kasama niya sina Nala, Timon at Pumbaa at gumawa ng
plano para patalsikin ang tiyo niyang si Scar. Sa gitna ng laban, sinabi ni Scar na siya

40
Fil 114 Kulturang Popular
ang pumatay kay Mufasa at sa galit ni Simba, natalo niya sa Scar. Namatay si Scar
dahil para hindi siya patayin ni Simba, sinisi niya ang mga kakampi niyang hyena;
narinig ito ng mga hyena at noong nahulog si Scar sa Pride Rock, inatake nila siya.
Sa Hamlet, namatay ang buong pamilya ng Hamlet—kasama siya—dahil hindi
sumunod sa plano ang plano napatayin si Hamlet.

     Hindi kasing mabigat ang madilim ang kwento ng pelikulang Lion King. Dahil ito’y
isang pelikulang pambata, tinaggal ang mga mas bayolenteng parte ng kwento. Pero,
kahit iba na yung tono ng kwento, makikita pa rin ang mga paghahambing ng dalawang
istorya.

Mga Tanong na Sasagutin/ Ebalwasyon:

I. PAGPIPILI
Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

I. Ito ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang


isang anyo ng sining o bilangbahagi ng industriya ng libangan.

a. Sining
b. Pelikula
c. Tula
d. Panitikan

2. Ayon sa kanya, si Andrei Tarjirjy ang kanyang tinuturing na pinakamagaling na


direktor sapagkat nagawa niyang isa-pelikula ang buhay sa paraang makikita ito
bilang isang panaginip.

a. Ingmar Bergman
b. Fernando Poe Jr.
c. Lino Brocka
d. Wala sa nabanggit

3. Ito ay isang paraan kung saan hinahati ang parte ng isang pelikula at ito ay
pinipili,inaayos, binabago para makagawa ng mas magandang seksyon ng pelikula.

a. Montage
b. Pelikulang Pamumuna
c. Distribusyon
d. Lahat ay tama

41
Fil 114 Kulturang Popular
4. Para sa larangan ng pelikula, una na rito ang pinakapipitagang direktor na nagdirehe
ng 66 na pelikula. Karamihan sa mga ito ay naglalarawan ng tunay na mukha ng
kahirapan, karahasan, pang-aabuso ng gobyerno, at iba pang problema sa lipunan.

a. Lino Brocka
b. Ishmael Bernal
c. Gerardo de Leon
d. Fernando Poe Jr.

5. Ilan sa pinakasikat niyang pelikula ay ang Kamay Ni Cain (1957), The


Ravagers (1965), Totoy Bato (1977), Ang Panday (1978), Kapag Puno Na Ang
Salop (1987), Isang Bala Ka Lang (1983, 1992), Isusumbong Kita Sa Tatay Ko (1999),
at Pakners (2003).

a. Ishmael Bernal
b. Lino Brocka
c. Fernando Poe Jr
d. Gerardo de Leon

6. Si R at si Julie ay nagsasalamin sa persona nina Romeo at Juliet, dalawang


kababatang pinipilit ipaghiwalay ng kanilang pamilya. Ano ang pamagat ng pelikulang
ito.

a. Beastly 
b. Warm Bodies
c. Charlie and the Chocolate Factory
d. Sydney White

7. Sa librong ito, ang kuwento ay tungkol kay Emma Woodhouse, isang mayamang
babae na mahilig ipag-pares ang mga tao upang maging magkasintahan, ngunit siya
mismo ay walang buhay pag-ibig. Hinahanapan niya ng mapapangasawa ang kanyang
kaibigan na si Harriet. Sinubukan niya na ipagtambal si Harriet kay Mr. Elton at kay
Frank Churchill, ngunit hindi ito naging matagumpay, dahil sinabi ni Harriet na ang
iniibig niya ay si Mr. Knightley, ang matalik na kaibigan ni Emma. At napagtanto naman
ni Emma na iniibig niya din si Mr. Knightley, subalit tinulak niya si Mr. Knightley papunta
kay Harriet, dahil iniisip niya na mahal ni Mr. Knightley si Harriet. Ngunit si Emma pala
ang minamahal ni Mr. Knightley, at sa dulo ay sila ang nagkatuluyan, samantalang ang
pinakasalan ni Harriet ay si Robert Martin, ang kanyang magsasaka na mahal niya rin.

a. 10 Things I Hate About You


b. Black Swan
c. She's The Man
d. Clueless

42
Fil 114 Kulturang Popular
8. Tulad ng Hamlet, ang kwentong ito ay nakasentro sa pagiging hari ng tiyohin ng bida
pagkatapos mamatay ng ama niya, pero sa pelikula, lumayas si Simba, ang
pangunahing bida, mula sa kanilang tahanan, ang Pride Rock.

a. Sleeping Beauty
b. Lion King 
c. Maleficent 
d. She’s The Man 

9. Ang pangalan ng mga tauhan dito ay ikinuha din sa Twelfth Night. Ang kuwento ng
pelikula ay insiprasyon mula sa Twelfth Night, kung saan si Viola at ang kanyang
kapatid na si Sebastian ay biktima ng pag-bagsak ng bapor, at si Viola ay nag-panggap
bilang si Sebastian, upang magtrabaho bilang kawani ni Duke Orsino.

a. Lion King
b. Maleficient
c. She’s The Man
d. Black Swan

10.     Ang pelikulang ito ay nagmula sa akdang Swan Lake. Ang kabuuan ng pelikula
ay natuon sa karakter ni Nina, isang ballerina na may lumalaking pagkahumaling sa
pagsayaw at lumalaban para siya ang maging bida sa produksyon ng Swan Lake na
magaganap sa pelikula at maging White Swan.

a. Black Swan
b. She’s The Man
c. Clueless
d. Maleficient

I. PAGPAPALIWANAG
Panuto: Ipaliwang ang mga sumusunod na tanong.

1. Pumili ng isang tanyag at napapanahong pelikulang Pilipino at panoorin ito.


Pagkatapos ay suriin ang kulturang popular na nakapaloob dito.
2. “Ang wika ng pelikula ay mababatay sa pag-arte ng aktor na
parangnagsasalita ng personal sa tagapanood.”

Pagpapahalaga/Repleksyon
Bilang isang mag-aaral, mahalaga sa akin ang aking natutuhan sapagkat
________________________________________________________________
___________.

43
Fil 114 Kulturang Popular
Aralin 5
KOMIKS/HUGOT/MEMES
KOMIKS

Ang komiks ay isang
grapikong midyum na kung saan
ang mga salita at larawan ang
ginagamit upang ihatid ang
isang salaysay o kuwento.
Maaaring maglaman ang komiks
ng kaunti o walang salita, at
binubuo ng isa o higit pang mga
larawan, na maaaring
maglarawan o maghambing ng
pagkakaiba ng teksto upang
makaapekto ng higit sa lalim.
Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks sa kasaysayan, lumawak na ang
sakop ng anyo ng sining na kinabibilangan ang lahat ng mga uri (genre), hinahayaan
ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.

The first Filipino komik, as the Comics Cube! has pointed out, was Jose Rizal's
"Ang Matsing at Ang Pagong" ("The Monkey and the Turtle"). In summary, Jose Rizal,
our national hero who fought against the Spanish oppressors of the time, crafted a tale
about how a turtle outwits a monkey, even though he still loses the prize they fight for.
The only thing the monkey loses is face — and this is important. At the time (heck, even
now, I'd say), being oppressed by a bunch of foreigners leaves the locals really with
very little apart from their dignity and their sense of humor. The prideful tyrants during
the time of colonial rule really placed a lot of stock in their demeanor, so to embarrass
them, even in the face of defeat, is considered a victory by the little guys.

44
Fil 114 Kulturang Popular
Jose Rizal, the Philippines' national hero,
and also our first komikero.

That was1884, and the first instance of words and pictures being used in
sequence in the Philippines that has been recorded. It does seem to offer some social
and political commentary by way of a fable.

Fast forward to 1929, and the Spaniards have been driven out by Americans
right after the Spanish-American War. Most history books will mention this war but
never mention the Philippines, but yes, we were involved and we became an American
territory right after. It makes sense that we got a lot of stuff from American culture then,
including commercial comic strips. In the pages of Liwayway magazine, Tony
Velasquez created the recurring character Kenkoy, in the strip ANG KABALBALAN NI
KENKOY (THE MISADVENTURES OF KENKOY).

Kenkoy is a pop icon, and was our first recurring comic character. He was a
satirical portrait of a Filipino always trying to keep up with the Americans, going with the
latest fashions, slang, and all the other aspects of American culture that were working
their way into our society at the time. This started his version of pidgin English. Just
note some of his dialogue in that example up there — "Is beri nesesari..." ("It's very
necessary...") and "Gud moning, Mis Biyutipul." ("Good morning, Miss Beautiful."). This
kind of language mixing and mangling has stuck with us since then and can be seen
even in the titles of our comedy shows (Show Me Da Manny starring Manny Pacquiao,

45
Fil 114 Kulturang Popular
for instance). "Kenkoy" has also become part of our language, and is defined simply as
"a funny person."

HUGOT LINES

Ang hugot lines ay ay isang pang-aliw na diskurso .Ang hugot lines din ay


binubuo ng mga  pangungusap na nagpapahiwatig ng malalim na kahulugan ng isang
salita, maaring ito ay nabuo mula sa isang karanasan na kalimitan ay tungkol sa
kaibigan, pag-ibig, pamilya, katranaho at iba pa.
Ang hugot lines ay isang modernong tayutay at ito ay kalimitang ginagamit ng mga
millennials upang ipahiwatig ang kanilang malalim na pagdaramdam.
Ang "hugot" ay isang kontemporaryong ekspresyon o pagpapahayag ng
nararamdaman gamit ang retorika sa paghahambing/paghahalintulad.  Kalimitan ang
paksa ay tao, bagay, pangyayari atbp. na siyang paghahambingan ng karanasan.

1. pangangailangan (needs)

"Daig ko na ang pyramid of hierarchy of needs, ako na kuhanan ng mga


pangangailangan niyo."

"Nagiging Abraham Maslow ako kapag nagba-budget. Dapat gagastos lang ako sa
talagang kailangan ko lang."

2. and kagustuhan (wants) ng tao

46
Fil 114 Kulturang Popular
"Gagawin mo lang naman ang nakakapagpasaya sa kanya kapag Michael ka.
Michaelangan lang sa kanya."

"Ang mga kagustuhan mo ay parang creamer lang sa kape. Pwede namang asukal lang
ang ilagay. Ayaw mo lang kasi ng pait!"

MEMES

Ang isang meme ( /ˈmiːm/; meem) ay isang ideya, pag-aasal o istilo na


kumakalat mula isang tao tungo sa isa pang tao sa loob ng isang kultura. Ang isang
meme ay umaasal bilang unit sa pagdadala ng mga ideya, mga simbolo o mga
kasanayang kultural na maaaring maipasa mula sa isang isipan tungo sa isa pa sa
pamamagitan ng pagsulat, pananalita, mga kilos, mga ritwal o ibang mga magagayang
phenomena. Ang mga tagapagtaguyod ng konseptong ito ay tumuturing sa mga meme
bilang mga katulad na pangkultura sa mga gene na nagrereplika sa sarili nito, nagmu-
mutate at tumutugon sa mga pressure na selektibo. 
Ang salitang meme ay pagpapaikli(minodelo sa gene) ng mimeme (mula sa
Sinaunang Griyego na μίμημα Pagbigkas sa Griyego: [míːmɛːma] mīmēma, "ginayang
bagay", mula sa μιμεῖσθαι mimeisthai, "gayahin", from μῖμος mimos "mime") at
inimbento ng biologong ebolusyonaryo na si Richard Dawkins sa The Selfish

47
Fil 114 Kulturang Popular
Gene (1976) bilang isang konsepto para sa pagtalakay ng mga prinsipyong
ebolusyonaryo sa pagpapaliwanag ng pagkalat ng mga ideya at mga phenomena na
kultural. Ang mga halimbawang ibinigay sa aklat na ito ay kinabibilangan ng mga himig,
mga catch phrase, fashion, at teknolohiya ng pagtatayo ng mga arko.
Iminungkahi ng mga tagapagtaguyod nito na ang mga meme ay maaaring mag-
ebolb sa pamamagitan ng natural na seleksiyon sa paraang katulad
sa ebolusyong biyolohikal. Ito ay ginagawa ng mga meme sa pamamagitan ng mga
proseso ng bariasyon, mutasyon, tunggalian, at pagmamana ng katangian na
nakakaimpluwensiya sa tagumpay ng pagpaparami ng meme. Ang mga meme ay
kumakalat sa pamamagitan ng pag-aasal na nalilikha sa kanilang mga host. Ang mga
meme na lumaganap ng kaunti sa supling ay maaaring maging extinct samantalang ang
iba ay maaaring makapagpatuloy, kumalat o mag-mutate. Ang mga meme na
pinakaepektibong dumadami ay nagtatamasa ng mas maraming tagumpay at maaaring
mareplika nang epektibo kapit na napatunayang mapanganib sa kapakanan ng kanilang
mga host.

Mga Tanong na Sasagutin/ Ebalwasyon:


I. PAGPIPILI
Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito  ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang


ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.

a. Wika
b. Komiks
c. Hugot
d. Memes

2. It was a pop icon, and was our first recurring comic character. He was a satirical
portrait of a Filipino always trying to keep up with the Americans, going with the
latest fashions, slang, and all the other aspects of American culture that were
working their way into our society at the time.

a. Kenkoy
b. Darna
c. Lam-ang
d. Wala sa nabanggit

48
Fil 114 Kulturang Popular
3. Ito ay  binubuo ng mga  pangungusap na nagpapahiwatig ng malalim na
kahulugan ng isang salita, maaring ito ay nabuo mula sa isang karanasan na
kalimitan ay tungkol sa kaibigan, pag-ibig, pamilya, katranaho at iba pa.

a. Hugot lines
b. Memes
c. Komiks
d. Tula

4. Ito isang kontemporaryong ekspresyon o pagpapahayag ng nararamdaman


gamit ang retorika sa paghahambing/paghahalintulad.  Kalimitan ang paksa ay
tao, bagay, pangyayari atbp. na siyang paghahambingan ng karanasan.

a. Memes
b. Tula
c. Komiks
d. Hugot

5. Ito ay isang ideya, pag-aasal o istilo na kumakalat mula isang tao tungo sa isa
pang tao sa loob ng isang kultura. Ito rin ay umaasal bilang unit sa pagdadala ng
mga ideya, mga simbolo o mga kasanayang kultural na maaaring maipasa mula
sa isang isipan tungo sa isa pa sa pamamagitan ng pagsulat, pananalita, mga
kilos, mga ritwal o ibang mga magagayang phenomena.

a. Tula
b. Meme
c. Hugot lines
d. Lahat ay tama
 
6. "Daig ko na ang pyramid of hierarchy of needs, ako na kuhanan ng mga
pangangailangan niyo." Ang pahayag na ito ay isang pangangailan.

a. Tama
b. Mali

7. "Nagiging Abraham Maslow ako kapag nagba-budget. Dapat gagastos lang ako
sa talagang kailangan ko lang." Ang pahayag na ito ay isang kagustuhan.

a. Tama
b. Mali

8. "Gagawin mo lang naman ang nakakapagpasaya sa kanya kapag Michael ka.


Michaelangan lang sa kanya.". Ang pahayag na ito ay isang kagustuhan.

a. Tama

49
Fil 114 Kulturang Popular
b. Mali

9. "Ang mga kagustuhan mo ay parang creamer lang sa kape. Pwede namang


asukal lang ang ilagay. Ayaw mo lang kasi ng pait!". Ang pahayag na ito ay
isang pangangailan.

a. Tama
b. Mali

10. Ang salitang meme ay pagpapaikli(minodelo sa gene) ng mimeme (mula sa


Sinaunang Griyego na μίμημα Pagbigkas sa Griyego: [míːmɛːma] mīmēma,
"ginayang bagay", mula sa μιμεῖσθαι mimeisthai, "gayahin", from
μῖμος mimos "mime") at inimbento ng biologong ebolusyonaryo na si Richard
Dawkins sa The Selfish Gene (1976) bilang isang konsepto para sa pagtalakay
ng mga prinsipyong ebolusyonaryo sa pagpapaliwanag ng pagkalat ng mga
ideya at mga phenomena na kultural.

a. Tama
b. Mali
c. Opinion lamang
d. Lahat ay mali

II. PAGPAPALIWANAG
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusund na tanong.

1. Maghanap ng halimbawa ng komiks. Anong kulturang popular ang makikita sa


komiks na nabasa mo?

2. Ilahad ang mga kulturang popular na nakapaloob sa bawat magasin na tinalakay.

GAWAIN:
 Bumuo ng tiglilimang orihinal na gawa na hugot at memes.

50
Fil 114 Kulturang Popular
Pagpapahalaga/Repleksyon
Bilang isang mag-aaral, mahalaga sa akin ang aking natutuhan sapagkat
________________________________________________________________
___________.

51
Fil 114 Kulturang Popular
MODYUL 3

ORIHINAL NA MUSIKANG PILIPINO,


SOCIAL MEDIA at MGA KULTURANG
POPULAR NA UMIIRAL SA SARILING
BAYAN (Kulturang Popular sa Panahon ng
Pandemya)

I. Pamagat: ORIHINAL NA MUSIKANG PILIPINO, SOCIAL MEDIA at MGA


KULTURANG POPULAR NA UMIIRAL SA SARILING BAYAN (Kulturang
Popular sa Panahon ng Pandemya)
II. Mga mag-aaral na gagamit: Mga mag-aaral ng BSED na nasa ikatlong
antas sa kolehiyo.
III. Layunin:

1. naiisai-isa ang mga tanyag na musikerong Pilipino at ang mga naiambag na awitin sa
industriya ng musika.
2. naisasalaysay ang kasaysayan ng social media
3. naiisa-isa ang mga halimbawa ng social media noon at sa kasalukuyan.
4. naipapaliawanag ang epekto ng social media sa kasalukuyang kultura.
5. nakapaglalahad ng sariling repleksyon bilang guro sa darating na panahon hinggil
6. nakapagmamasid ng kulturang popular na umiiral sa sariling bayan
7. natutukoy ang mga pangunahing kulturang popular na umiiral sa sariling bayan
8. nasusuri ang mga pangunahing kulturang popular na umiiral sa sariling bayan batay sa mga
mabubuti at msasamang epekto ng mga ito.
9. . nakapagsaliksik ng pinagmulan ng kulturang popular na umiiral sa sariling bayan

IV. Panuto sa mga mag-aaral: Basahin, unawain at magbigay reaksyon sa


paksang babasahin.
V. Mga Gawain sa Pagtuturo at Pagkatuto:
Aralin 6
ORIHINAL NA MUSIKANG
PILIPINO
52
Fil 114 Kulturang Popular
Ang OPM o Orihinal na Musikang Pilipino ay bahagi ng iba’t-ibang kultura sa
Pilipinas, gamit ang iba’t-ibang instrumento, wika at pananaw. Ang musika ay isang
napakalaking bahagi ng ating kwento at kasaysayan. Bagamat maraming Pilipino ang
tumatangkilik sa mga awitin ng ibang bansa, hindi dapat natin kalimutan ang awiting
atin at patuloy itong tangkilikin at pahalagahan.

Marami ang mga sikat na mang aawit ng mga awiting OPM katulad nina Sarah
Geronimo, Yeng Constantino, Gary Valenciano, Ryan Cayabyab, Regine Velasquez,
Lea Salonga at marami pang iba.

Isang halimbawa ang napakagandang awitin na OPM ang “Tagpuan” na isinulat


at inawit ni Moira Dela Torre. Siya ay isang sikat na Pilipinong mang-aawit at manunulat
ng mga kanta. Nakilala siya dahil sa kanyang kantang “Malaya” at sa kanyang
magandang tinig.

Isang napakagandang awitin


nanangangahulugan ng pag- asa para
sa mga lubos na nasaktan at iniwan.
Ayon kay Moira, isinulat niya ang
kantang ito nang malaman na ang
paghihintay ay hindi isang masamang
bagay; na may napakaraming pag-asa
kapag nagpursige ka at kapag ikaw ay
matapang sa buhay, at nagtitiwala sa
panginoon na siya ay maaaring gumawa
ng magagandang bagay sa lahat ng
kaguluhan na ating naranasan.
Ito ang kanyang panghuling kanta sa kanyang album na Malaya. Gusto niyang ipaalam
sa mga makikinig sa pamamagitan ng musika ay “You are worth the wait, worth fighting
for and you are worth praying for.”

53
Fil 114 Kulturang Popular
Nang una kong marinig ang awiting ito, isang tao lamang ang pumasok agad sa aking
isipan. Isang taong nagbigay sa aking ng pag-asa at nagbigay sa akin ng lubos na
kasiyahan. Ang taong ipinaramdam sa akin kung paano pahalagahan at mahalin.

Katulad sa kanta, mayroon rin akong napakaraming “bakit?” at “paano kung’. . Bakit


ikaw pa? Bakit hindi ako? Bakit hindi tayo? Bakit mapaglaro ang tadhana? Paano kung
tayo nalang? Ngunit ngayon ay nasagot lahat ng tanong ng makilala ko ang nararapat
na tao para sa akin. Tila bang nakaayon lahat sa tadhana. Napakagaling nga ng
Panginoon, sapagkat sa may darating na tamang tao, sa tamang panahon at tamang
tagpuan.

Isa itong napakagandang kanta na tumataguyod sa Orighinal na Musikang Pilipino.


Dapat ay tangkilikin natin ang mga awiting tulad nito. Nagbibigay ang pagkanta ng
kalayaan para sa mga Pilipino na ipahayag ang kanilang mga gustong sabihin sa
malikhaing paaralan. Kaya supotahan ang Opm;suportahan ang sariling atin at
Mabuhay ang Opm!

ILANG MGA MANG-AAWIT SA PILIPINAS (awiting


Pilipino)
Gary Valenciano
Kilala bilang Mr. pure energy dahil sa kaniyang walang maliw na enerhiya. Hindi
lamang siya sa pag-awit magaling, maging sa pagsayaw ay nangingibabaw siya

Ogie Alcasid
Maliban sa pagkanta, siya at kilalang manunulat ng awit, komedyante, at aktor.
Kasalukuyan din siyang pangulo ng OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit).
Ang ilan sa kanyang mga kilalang awitin ay bakit ngayon ka lang, hanggang ngayon,
ikaw sana at marami pang iba.

Sarah Geronimo

54
Fil 114 Kulturang Popular
Siya ay isang mang-aawit, aktres at modelo. Nag-wagi siya sa reality show na
star of the night sa Pilipinas na naging simula na ng kanyang karera

Morisette Amon
Isa siya sa mga kalahok ng The Voice of the Philippines at naging coach si
Sarah Geronimo. Samantala, ang kanyang awiting akin ka nalang ay naging patik sa
masa. Sa kasalukuyan ay napili sya upang awitin ang A Whole New World ng
pelikulang Aladdin kasama si Darren Espanto

Moira dela torre


Maliban sa pag-awit, siya ay manunulat ng kanta at ang ilan sa kanyang mga
tanyag na awitin ay Tagpuan, Titibo-Tibo, Malaya at marami pang iba. Isa rin siya sa
mga hurado ng kompetisyon sa pag-awit na Idol Philippines.

TNT boys
Sila ay kilala sa tawag na The Big Shot Trio at Tawag ng Tanghalan Boys.
Binubuo ito nina Keifer Sanchez, Mackie Empuerto, at Francis Concepcion na naging
tanyag nang awitin ang Listen sa palabas na GGV (Gandang Gabi Vice). Nakilala rin
sila maging sa ibang bansa.

December Avenue
Isang banda na binubuo nina Zel Bautista, Jem Manuel, Don Gregorio, Jet
Danao, at Gelo Cruz. Naging kilala sila sa mga awiting Sa Ngalan ng Pag-ibig, Kung 'Di
Rin Lang Ikaw, at Kahit 'Di Mo Alam.

Pinoy pop
Ang Pinoy pop o Filipino pop (daglat: OPM Pop) ay tumutukoy sa
kontemporaryong musikang popular sa Pilipinas. Mula noong dekada sitenta, ang Pinoy

55
Fil 114 Kulturang Popular
pop ay patuloy na lumalawak at nakikilala bilang isang sensasyon. Ito ay nagmula sa
mas malawak na uri ng musika, ang Original Pilipino Music (OPM).

Ang Pinoy pop o Filipino pop (daglat: OPM Pop) ay tumutukoy sa


kontemporaryong musikang popular sa Pilipinas. Mula noong dekada sitenta, ang Pinoy
pop ay patuloy na lumalawak at nakikilala bilang isang sensasyon. Ito ay nagmula sa
mas malawak na uri ng musika, ang Original Pilipino Music (OPM).

Kasaysayan
Unang Bahagi (1960's – 1990’s)

Ang mga awiting kabilang sa Filipino pop ay ang mga kantang nauso mula pa
noong 1960’s; tulad ng balad na isa sa mga uri ng musikang tunay na bumihag sa
atensiyon ng mga Pilipino. Ilan sa mga tanyag na artistang sumikat sa pag-awit ng
balad ay sina Pilita Corrales, Nora Aunor, Basil Valdez, Freddie Aguilar, at Rey Valera.
Kasabay din nilang kinilala ang husay nina Ryan Cayabyab at José Mari Chan sa pag-
awit at paggawa ng mga orihinal na Ingles at Tagalog na awiting tungkol sa pag-ibig. Sa
parehong dekada rin unang nabuo ang ilan sa mga sikat na grupong pop tulad ng APO
Hiking Society at Hotdog. Noong 1980’s, ang disco group na VST & Co. at pop icon na
si Gary V naman ang nagbigay-daan upang makilala ang dance-pop sa industriya.

“Ginintuang Panahon” ng Hip-hop (unang bahagi ng 1990s)


Sa unang bahagi ng 1980’s, ang Pilipinas ay kinilala bilang unang bansang
nagkaroon ng unang hip-hop music scene sa buong Asya at Pasipiko. Kasabay nito ay
ang pagsikat din ng magagaling at hinahangaang mga hip-hopper at rapper tulad nina
Francis Magalona at Andrew E. na nagbigay-daan sa pag-usbong ng Ginintuang
Panahon ng Pinoy hip-hop sa unang bahagi ng dekada ‘90.

Ang Musikang Hip Hop o Musikang Rap ay nangaling sa kulturang Hip Hop na


nagsimula sa Estados Unidos sa panahong 1970. Nung panahon ng 1980, sumikat ito
lalo na sa makabagong Kulturang Pop.

56
Fil 114 Kulturang Popular
Ang musikang rap ay ipinapasok ang mga lirika na tumutugma at mga pamaraan
na gawing mahimig ang tunog ng lirika. Ang mga lirika ay sinasabayan ng mga tugtog
na tawaging tiyempo o beat gawa ng isang DJ.

Kung hihilingin mo sa maraming tao na tukuyin ang terminong "hip hop" ,


malamang na maririnig mo ang maraming iba't ibang mga sagot. Hip hop ay higit pa sa
isang paraan ng paglipat sa hip hop music ... ito ay isang paraan ng pamumuhay. Hip
hop ay isang lifestyle na kinabibilangan ng sarili nitong wika, musika, estilo ng wardrobe
at estilo ng sayaw. Ang ilang mga tao ay naniniwala na ang hip hop dancing ay lumilipat
lamang sa hip hop music. Gayunpaman, ang hip hop bilang isang sayaw estilo ay
anumang bagay ngunit simple. Ang mga manlalaro ng hip hop ay madalas na
nakikipag-ugnayan sa mga mahilig makipag-away o impormal na mga kumpetisyon sa
sayaw. Sa isang artikulo na lumalabas sa magasin ng Dance Teacher, tinutukoy ni
Rachel Zar ang limang pangunahing elemento ng hip hop dance.

Isang Kaunting Bagay na Dapat Mong Malaman Tungkol sa Hip-


Hop Dancing
Isang Kasaysayan ng Hip-Hop
Ang hip-hop ay isang
estilo ng sayaw, kadalasan ay
sumayaw sa hip-hop music, na
umunlad mula sa hip-hop culture.
Ang unang sayaw na nauugnay
sa hip-hop ay break dancing.
Habang binubuo ang
breakdancing lalo na ng mga
gumagalaw na naisakatuparan
malapit sa lupa, ang karamihan
sa mga galaw ng hip-hop ay
ginaganap na nakatayo. Ano ang
hip-hop dance, eksakto?
Magsimula tayo sa pamamagitan
ng pag-aaral tungkol sa mga ugat
ng ganitong uri ng sayaw.

Hip-Hop Culture

57
Fil 114 Kulturang Popular
Hip-hop na binuo mula sa maraming mga kultura kabilang ang jazz , rock, tap, at
American at Latino kultura.

Hip-hop ay isang napakagandang anyo ng sayawan. Natatangi ito dahil


pinapayagan nito ang mga mananayaw na magsagawa ng kalayaan sa pagkilos,
pagdaragdag sa kanilang sariling mga personalidad. Ang kultura ng hip-hop ay
naiimpluwensyahan ng mga sumusunod na apat na elemento: disc jockey, graffiti
(sining), MC ( rappers ), at B-boys at B-girls.

Kumuha ng Paglipat sa Hip-Hop Sayaw

Ang mga hakbang sa sayaw ng hip-hop ay nangangailangan ng kasanayan at


karanasan upang perpekto. Ang mga mananayaw ng hip-hop ay nagsasagawa ng
maraming upang makabisado ang mga pangunahing hakbang at paggalaw na lilitaw na
simple kapag isinagawa. Ang mga mananayaw na may mahusay na pakiramdam ng
ritmo ay mas madaling malaman ang mga hakbang sa hip-hop.

Breakdancing

Ang breakdancing ay isang paraan ng hip-hop na maraming tao ang nagnanais


na manood, dahil mayroon itong mga cool na gumagalaw at mabilis na spins. Ang
paglilipat ng breakdancing ay tumatagal ng maraming oras at kasanayan upang
makabisado, lalo na ang mga ginanap malapit sa lupa, na tinatawag na "down rock" na
gumagalaw. Ang "Uprock" na gumagalaw, na ginagawang nakatayo, binibigyan ng
pagkakataon ang mga mananayaw upang maisama ang kanilang sariling estilo.

Ang mga ugat ng sayaw na ito ay nagsimula sa 1970s sa New York City - ang
South Bronx ay eksaktong.

Ang Keith "Cowboy" na si Wiggins, na kabilang sa Grandmaster Flash at ang


Furious Five ay sinabi na magkaroon ng termino noong 1978. Matuto nang higit pa
tungkol sa kasaysayan ng break dancing .

Pag-aaral ng Hip-Hop

58
Fil 114 Kulturang Popular
Ang mga klase ng hip-hop ay nakarating sa mga studio ng sayaw sa buong
bansa. Sa katunayan, ang karamihan ay nag-aalok ng hip-hop dancing kasama ang
ballet, tap, jazz, at modernong sayawan. Ang mga kabataan ay partikular na interesado
sa pag-aaral kung paano sumayaw tulad ng mga mananayaw na nakikita nila sa MTV
at sa mga video ng musika. Ang mga guro sa sayaw ay may malaking titik sa interes na
ito at sinimulan ang pagsasama ng hip-hop at break na mga klase sa pagsasayaw sa
kanilang mga curriculums. Maraming mga tao na may mga ugat sa hip-hop kultura ang
pakiramdam na hip-hop dancing ay hindi dapat pormal na "itinuro." Pakiramdam nila na
ang pagtuturo ng mga tukoy na gumagalaw ay nag-aalis sa kadahilanan ng pagka-
orihinal na nagtataglay ng hip-hop.

Katanyagan ng Pop-Rock (kalagitnaan ng 1990s sa


kasalukuyan)

Sa pagbungad hanggang kalagitnaan ng dekada nubenta unang nasaksihan ang


husay ng isa sa mga pinakakinagigiliwang grupong pop-rock, ang Eraserheads. Ang
kanilang paglitaw ay pinaniniwalaang nagbigay ng kritikal na sitwasyon para sa sektor
ng OPM. Nagbigay-daan din ang kanilang pagsikat sa paglabas ng iba pang
impluwensiyal na banda; tulad ng Yano, Siakol, Parokya ni Edgar, Rivermaya, Moonstar
88, at Hungry Young Poets. Ang istilo ng mga nabanggit ay nabuo mula sa
impluwensiya ng iba’t ibang mga musikang pop at rock.

Nagpatuloy sa pag-unlad at paglago ang Filipino rock, hanggang sa


kasalukuyan, sa pamamagitan ng mga bagong grupo. Ilan sa mga ito ay
ang Hale, Cueshe', Sponge Cola, Chicosci, Kamikazee, Urbandub, at ang unang virtwal
na banda ng bansa, ang Mistula. Ang ilan sa mga bandang nabanggit, tulad
ng Eraserheads ay tuluyan nang nabuwag. Subalit, ang ilan sa mga miyembro ng mga
grupong ito ay bumuo pa rin ng mga bagong bandang patuloy na namamayagpag. Ilan
sa mga ito ay ang Pupil, Sandwich, at Bamboo. Mayroon ding ilang bumubuo na
lamang ng sariling musika, tulad nina Kitchie Nadal, Barbie Almalbis, at Rico Blanco.

59
Fil 114 Kulturang Popular
Kahit na dinodomina ng mga “rock bands” ang industriya ng musika mula noong
90’s, patuloy pa ring naipapakita at naiparirinig ang mga musikang pop sa mga live
band scene. Ang mga bandang pop tulad ng Side A, True Faith, Neocolours, South
Border, at Freestyle ay nagpauso ng mga kantang tunay na sumasalamin ng
sentimental na karakter at katangian ng OPM pop. Ang mga solong mang-aawit
at balladeers, tulad nina Regine Velasquez, Sharon Cuneta, Joey Albert, at Martin
Nievera ay regular ding napapanood sa televisyon at naririnig sa radyo. Sa
kasalukuyan, ang mga tanyag na makabagong soloyista, tulad nina Mark Bautista, Erik
Santos, Sheryn Regis, Sarah Geronimo, Christian Bautista, at Rachelle Ann Go ay
patuloy ding namamayagpag at iniidolo ng marami. Bagaman, ang kanilang mga awit
ay pawang mga revisyon lamang ng mga lumang awiting OPM at banyaga. Ang popular
na mga acoustic acts nina Nina, Juris (ng MYMP), at Aiza Seguerra ay nagpapatunay
rin ng malawak na pagkakaiba ng Filipino pop. Ang mga soloyistang mang-aawit ng
R&B na sina Kyla at Jay-R, at ang hip-hopper na sina Gloc-9 at Dice & K9 (Mobbstarr),
ay nananatiling matatag at kinagigiliwan sa kabila ng kakulangan ng representasyon ng
kanilang sariling genre sa kasalukuyang industriya.

Muling paglitaw ng Urban at Dance Pop (2000’s)

Ang lokal na urban at dance pop ay parehong hindi gaanong napagtuunan ng


atensiyon ng mga tao sa industriya at manonood simula ng inilunsad noong 1980’s at
1990’s.

Subalit simula noong 2000, muli itong kinilala sa tulong na rin ng musikang R&B
nina Kyla, Nina at Jay R na nagsimulang sumikat. Ang orhinal Pinoy hip-hop nina Gloc-
9 at Dice & K9 (Mobbstarr) ay umani rin ng natatanging atensiyon. Noong 2006, ang
mga soloyistang sina Amber, Young JV at O.N.E. naman ay sumikat dahil sa kanilang
orihinal na “Filipino-American urban music.”

Samantala, sa simula ng 2002, nakilala naman ang iba’t ibang grupo ng mga
mananayaw, ang SexBomb Girls, Viva Hot Babes, at Masculados na nagpasimulang
magpasikat ng mga kantang novelty, na labis na kinagiliwan ng sambayanan.

60
Fil 114 Kulturang Popular
Mula sa impluwensiya ng mga grupong ito at sa popularidad ng Pussycat
Dolls (isang banyagang grupo ng mga mang-aawit at mananayaw na kababaihan),
sunod na inilunsad ang mga grupong tulad ng Kitty Girls, Mocha Girls and PYT-Pretty
Young Thing. Ang mga grupong ito ay partikular na nagpapakita ng istilong tulad ng sa
mga grupong banyaga.

Mga Grupong P-pop o Pinoy Pop (2010 hanggang sa


kasalukuyan)

Mula sa impluwensiya ng industriya ng musikang nag-ugat at patuloy na sumusikat sa


bansang Korea, na ngayon ay namamayagpag sa buong mundo, nabuo ang mga grupo
ng mga mananayaw at mang-aawit na nagpapakilala ng bagong versyon ng Pinoy pop.
Ang mga grupong ito ay tinatawag na P-Pop. Kabilang dito
ang XLR8, 1:43, Freshmyx, Sakto at A-FIVE—pawang mga lalaki. At, ang grupong ng
mga kababaihan tulad ng PopGirls, Pointen at Eurasia. Mayroon ding kombinasyon ng
mga lalaki at babaing astista, ang RPM.

Internasyunal na Pagkilala
Sa taong 2010, ang paglunsad ng unang album ng Little Big Star 2nd runner-
up at YouTube sensation na si Charice ay kinilala ng Billboard 200 bilang pangwalo sa
may pinakamataas na kita. Ito ang unang beses na nakapasok at nabigyan ng
karangalan ang isang Asyano sa ganitong pagkakataon. Isa rin siya sa mga unang
artistang Asyanong nagkaroon ng kantang nanguna sa Dance/Club Play
Songs ng Billboard 200.

Katanyagan
Ang P-pop ay popular na sa Asya at patuloy pang lumalaganap sa ibang bahagi
ng mundo, tulad ng Estados Unidos at Europa.

Mga Tanong na Sasagutin/ Ebalwasyon:

I. PAGPAPALIIWANAG

61
Fil 114 Kulturang Popular
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong.

1. Bakit kailngang tangkilikin ang musikang Pilipino


2. Isa-isahin ang katangian ng muskinag Pilipino.
3. Ano sa palagay mo ang epekto ng kolonyalismo sa musikang Pilipino?

Pagpapahalaga/Repleksyon
Bilang isang mag-aaral, mahalaga sa akin ang aking natutuhan sapagkat
________________________________________________________________
___________.

Aralin 7
SOCIAL MEDIA

62
Fil 114 Kulturang Popular
Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na
kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga
ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang
pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at
teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at
pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit.

Bukod dito, ang social media ay may interactive platform na kung saan ang isang
indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin
ang nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa isang matibay at
malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon, mga
komunidad at mga indibidwal.

Pagtukoy sa Social Media

Ayon sa Wikipedia, tinukoy ni Andreas Kaplan at Michael Haenlein ang social media na
"isang pangkat ng mga application na nakabase sa Internet na nagtatayo sa mga ideolohikal at
teknikal na pundasyon ng Web 2.0, at nagbibigay-daan sa paglikha at pagpapalitan ng nilalaman
na binuo ng gumagamit."

Kaya, ang social media ay talagang anumang medium ng Internet na maaaring magamit
upang magbahagi ng impormasyon sa iba. Sa katunayan, ang "social media" ay isang malawak
na kataga na maaaring magamit upang ilarawan ang isang bilang ng mga platform kabilang ang
mga blog , forum, application, laro, website at iba pang mga bagay.

Ngunit hayaan mo akong tanungin ito: Ano talaga ang "social" tungkol sa pag-upo sa
isang pag-scroll sa pamamagitan ng Facebook sa iyong Facebook feed ng impormasyon mula sa
500 mga kaibigan na alam mo, o pag-set up ng WordPress blog at pagba-blog para sa mga araw

63
Fil 114 Kulturang Popular
nang hindi bumubuo ng anumang uri ng mga mambabasa? Kung hihiling ka sa akin, maaari
itong maging mas kontra-panlipunan kaysa sa anumang bagay.

Ang social media ay hindi isang "bagay." Ito ay hindi lamang Twitter at Facebook at
MySpace at YouTube at Instagram. Ito ay higit pa sa isang frame ng isip at isang estado ng
pagiging. Ito ay tungkol sa kung paano mo ginagamit ito mapahusay ang iyong mga relasyon sa
ibang mga tao sa totoong buhay. Ironically, may posibilidad naming umasa sa teknolohiya at
social media kaya magkano ang maaari itong aktwal na mapunit ang mga relasyon sa malayo
mas malayo.

Kahalagahan ng Social Media

Ang pangunahing benepisyo ng social media ay ang kakayahan nito na


magbigay ng pagkakataon sa gumagamit na makipag-ugnayan sa maraming tao
malapit man o malayo sa iyo.Nangangahulugan ito na maaari kang mailantad sa isang
mas malayo, mas malawak na hanay ng mga opinyon. Bilang karagdagan, magagawa
mong  ibahagi ang iyong opinyon sa mas maraming mga tao kahit saan mang bahagi 
ng mundo. Dito ay maaari mo ring limitahan ang mga tao na mayroong parehong
opinyon at paniniwala sa iyo at limitahan ang mga taong gusto mong makatransaksyon.

Ang social media ay isang mainam na paraan na makatutulong sa iyo na


makahanap ng mga customer. Maaari rin itong makatulong sa iyo na kumonekta sa iba
pang mga negosyo at negosyante. Maaari kang gumawa ng isang profile sa LinkedIn
para mas lumawak ang iyong koneksyon at magkaroon ka ng pagkakataon na makabuo
ng malawak na koneksyon na magbubukas ng maraming oportunidad para sa iyo at ito
rin ay nagpapahintulot sa iyo na kumonekta sa mga negosyo at mga propesyonal doon.
Mahalagang isaalang-alang na ang paggawa ng mga koneksyon ngayon ay magbibigay
daan sa iyo na makinabang sa mga hindi inaasahang paraan, kaya tanggapin ang mga
kahilingan mula sa mga kagalang-galang na mga propesyonal sa mga social media.

64
Fil 114 Kulturang Popular
Epekto ng Social Media

Maraming sites sa internet ang kadalasan na naaccess ng mga kabataan.


Kabilang dito ang facebook,twitter,instagram, tumblr, at mga laro tulad ng Dota,Clash of
clans at kung ano ano pa. Sa isang klik lamang ay maaari ka nang mapabilang sa isa o
sa lahat ng mga to. Maraming kabataan na ginagawa abg mga social networking sites
na ito bilang libangan. Pero ano nga ba anf mga epekto ng mga ito sa kabataan sa
panahon ngayon? Unang bagay dito ay ang pagiging tamad ng mga kabataan sa pag
aaral dahil sa mga sites na mayroon ay nahahti ang kanilang atensyon. Mas marami pa
silang ginugugol na oras sa pag accss o paglalaro kaysa sa pag aaral. Mas nagiging
interesado sila sa mga bagay na makikita sa sites kesa pagtyagaan ang mga aralin sa
paaralan. Dahil din s mga social networking sites na ito ay nagiging aktibo ang mga
estudyante sa latest na bagay at sa kung anong uso.Nagiging ugali nila ang makiuso sa
mga sikat na nagpapabago sa kanilang mga ugali.

Dahil din sa mga social networking sites marami kabataan ang nalalayo sa
tamang landas.Marami sa kanila ang nalululong sa mga larong kinasisira ng kanilang
pag aaral. May pagkakataon pa na hindi sumisipot ang ibang mag-aaral makapaglaro
lamang ng mga Dota o clash of clans o di kaya’y magfacebook lamang. Marami din
kabataan ang naiimpluwensiyahan ng mga laro at napapanuod nila. May nga
naappektuhan ng mga madadahas na pamumuhay. May ibang kaso pa nga na
nakakapatay ang mga kabataan ng kapwa nila dahil lamang sa inis o galit sa mga laro.
Nagiging sanhi ito upang maging brutal sila at malulong sa madaming gawa. Ngunit sa
kabila nito ay nasa tao padin ang limitasyon ng bawa bagay. Kahit ano pa mang ibigay
ng buhay na ito ay dapat marunong tayong magkontrol sa mga ito. Dahil walang ibang
magiging responsibilidad sa ating sarili kundi tayo. Dapat may sapat na gabay ang mga
magulang sa kabilang mga anak.

Halimbawa ng mga Social Media:

1. Facebook
2. Twitter
3. Instagram

65
Fil 114 Kulturang Popular
4. Tiktok
5. Tumblr
6. Pinterest
7. Snapchat

Ang "IRL" Factor

Ang IRL ay Internet slang na kadalasang ginagamit ng mga manlalaro ng


hardcore at nerds ng computer na nakatayo para sa "In Real Life." Ito ay ginagamit
upang makilala ang anumang uri ng sitwasyon na nangyari habang nakikipag-ugnay ay
karaniwang nakaharap sa ibang mga tao sa halip na simpleng online lamang.

Narito kung paano ko tinitingnan ito: kailangan ng social media na magkaroon ng


"IRL" na kadahilanan, ibig sabihin na dapat itong makaapekto sa kung paano iniisip ng
isang tao o kumilos offline. Pagkatapos ng lahat, ang social media ay hindi dapat
maging isang wakas sa sarili nito. Ito ay binuo upang mapahusay ang iyong aktwal na
buhay panlipunan, sa totoong buhay.

Halimbawa ng isang kaganapan na dumaranas ng isang tao dahil inanyayahan


sila ng host sa Facebook sa pamamagitan ng pahina ng kaganapan sa Facebook.
Isang bagay na tulad nito ay tiyak ang IRL factor. Gayundin, ang isang Instagram na
larawan na gumagalaw ng isang tao kaya magkano ang nararamdaman nila ang
pangangailangan upang dalhin ito at ilarawan ito sa ibang tao sa panahon ng isang
petsa ng hapunan din bilang ang IRL kadahilanan.

Ngunit ito ba ay itinuturing na sosyal na gumugol ng isang oras na pag-scroll sa


mga larawan sa Tumblr o nakakatagpo ng isang grupo ng mga pahina sa
StumbleUpon, na walang maalalahanin o emosyonal na epekto na nag-trigger ng
alinman sa mga larawan at walang pakikipag-ugnayan sa iba tungkol sa paksa?

Hindi lahat ng bagay sa mga social networking site ay may IRL na kadahilanan


para sa lahat, at kadalasan ay resulta ng labis na karga ng impormasyon, tulad ng
inilarawan nang mas maaga.

66
Fil 114 Kulturang Popular
Mga Tanong na Sasagutin/ Ebalwasyon:

I. PAGPAPALIIWANAG

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang implikasyon ng social media sa kasalukuyang panahon?


2. Anong kulturang popular ang makikita sa social media?
3. “Ang social media bilang lunsaran ng impormasyon at talastasan.”

Pagpapahalaga/Repleksyon
Bilang isang mag-aaral, mahalaga sa akin ang aking natutuhan sapagkat
________________________________________________________________
___________.

Aralin 8
KULTURANG POPULAR SA
PANAHON NG PANDEMYA
Kung dadalumatin ang kulturang popular, kailangang maunawaan ang dalawang
salitang bumubuo rito, ang kultura at popular.

A. Kahulugan

67
Fil 114 Kulturang Popular
Ayon kina Nuncio at
Nuncio (2004), ang kultura ay
isang pinagsasaluhang
praktika at mentalidad ng tao.
Idinagdag pa nila na isang
deskripsyon lamang ito sa
terminong kultura sapagkat
walang tahasang kahulugan
ito. Ang kultura ay masasabing
mayroong repleksibong
kahulugang maaaring
nakabatay sa katangian, salik
at deskripsyon na sumasanga
sa usapin ng politika,
ekonomiya at
kasaysayan, wika pa nina
Nuncio at Nuncio.

Ganito naman binigyang-kahulugan ni Barker (2000; sa Nuncio at Nuncio,


2004) ang kultura: Culture is both the ‘arts’ and the values, norms, and symbolic
goods of everyday life. While culture is concerned with tradition and reproduction,
it is also a matter of creativity and change.

Samantala, ayon naman kay Tolentino (2001; sa Nuncio at Nuncio,


2004), ang kultura ay isang kamalayang gumaganap sa cohesion o kabuuan ng
isipan sa mga kilos at bagay-bagay na likha nito o nilikha para rito. Dagdag pa
niya, ito ay tumutukoy sa apinidad ng indibidwal na kaisipan sa iba pang
kolektibong kaisipan.

Kung gayon, masasabing ang kultura ay set ng mga paniniwala,


pagpapahalaga, layunin at mga gawaing pinagsasaluhan ng mga tao sa isang
organisasyon, institusyon o lipunan (Bernales at De la Cruz, 2017; nasa
Bernales, et al., 2019 din).

Samantala, ang salitang popular naman, ayon kay Williams (1983; sa


Nuncio at Nuncio, 2004) ay isang pang-uri na nangangahulugang kinagigiliwan,
68
Fil 114 Kulturang Popular
nagugustuhan ng nakararaming tao. Dagdag pa nina Nuncio at Nuncio
(2004), numerikal din ang pakahulugan ng popular. Popular ang isang bagay o
tao kung maraming tumatangkilik. Ang apirmadong aksyon na pagtangkilik ang
lumilikha ng bilang.

Ayon naman kina Bernales at Dela Cruz (2017; nasa Bernales, et al., 2019
din), ang popular ay nangangahulugang karaniwan, malawak ang sakop, talamak
at napapanahon. Maaari itong tumukoy sa tao, bagay, lugar o pangyayaring
tinatangkilik o kinagigiliwan ng maraming tao. Sa karaniwang salita,
nangangahulugan itong sikat, uso o in na ayon kay Gonzalez (2009) ay mga
salitang nagpapahiwatig sa kasalukuyan. Idinagdag pa nga niyang:
…ang specific time frame o fixated time marker natin ay kung ano ang sikat, uso
at in ngayon at wala nang ibang panahon pa, walang noon, walang hinaharap
na time frame. Basta sa kasalukuyan lamang, Kung tutuusin, simpleng sikolohiya
ng panahon ang terminong popular. Kumbaga, nag-iisip tayo sa ngayon, umiiral
tayo sa ngayon, naiimpluwensyahan tayo ng maraming bagay at tao sa ngayon,
binabagabag tayo ng maraming problema sa ngayon, lahat talaga sa ngayon.
Samakatwid, ang salitang popular sa kulturang popular ay walang ibang
pinapatungkulan kundi ang kasalukuyan, ang ngayon.

Batay sa mga inilahad na pagpapakulugan, maaaring, kung gayon,


bigyang-kahulugan ang kulturang popular bilang produkto, anyo ng
pagpapahayag o identidad na karaniwang tinatanggap, kinagigiliwan o sinasang-
ayonan ng maraming tao at karasteristiko ng isang partikular na lipunan at
panahon. Iniuugnay rin sa kulturang popular ang mass culture na tinitingnan
bilang komersyal na kultura – maramihang produksyon para sa konsumpsyon ng
madla (Bernales at Dela Cruz, 2017; nasa Bernales, et al., 2019 din).

Tinutukoy rin ng kulturang popular ang iba’t ibang midyang maituturing


na mainstream (musika, telebisyon, pelikula at iba pa) at tinatangkilik ng
mayorya, ng masa. Sa madaling sabi, ito ang kung ano ang sikat sa panahon,
kung ano ang napag-uusapan ng mga karaniwang tao sa kanilang libreng
panahon (thethespiandreamer.wordpress.com).
Samantala, ganito naman binigyang-kahulugan ni Hornedo (sa Nuncio at Nuncio,
2004) ang kulturang popular:

69
Fil 114 Kulturang Popular
Ang kulturang popular ay kasangkapan sa pagpapahayag ng damdamin at
kaisipang popular. Ngunit ang pagpapahayag na ito ay hindi payak lamang sa
paglilipat nilalaman ng isang isipan sa isipan ng iba. May radikal na intensyon
ang komunikasyon sapagkat ito ay kasangkapan ng kapangyarihan dahil bukal
ang wika sa pagnanasa ng taong abutin at manipulahin ang kanyang lugar.

B. Katangian

Ayon kay Tolentino (2007; sa Bernales, et al., 2019), may shelf life ang


ano mang artifact ng kulturang popular. Sikat lamang ito sa kasalukuyang
pagdanas ng fad kahit pa may paratihang media at genre na nagsisiwalat nito.
Ano mang bagay na uso sa kasalukuyan ay nawawala rin sa uso. Nawawala sa
uso ang mga ito dahil sa pag-unlad ng teknolohiya o pagbabago sa panlasa ng
mga konsyumer, Kasi nga, laging may dumarating na bago.

Mahigpit ding nauugnay ang kulturang popular sa modernismo dahil usapin ito
kung ano ang uso at laos na. Kaya nga, madalas na nagmumula ang kulturang
popular sa mga modernong produkto ng mga kompanya at mauunlad na bansa.

Maaari ring sabihing bunga ng kolonyalismo at komersyalismo ang


kulturang popular. Ang popularisasyon ng isang bagay ay karaniwang bunsod ng
pagtangkilik ng madla sa ano mang dayo. May mahigpit itong kaugnayan sa
komersyalisasyon ng mga produkto dahil ito ang nagdidikta ng popularisasyon
ng konsumpsyon.

Kaugnay ng komersyalismo, binanggit ni Tolentino (sa


lisannemariechantal.blogspot.com) na isa sa mga katangian ng kulturang popular
ang kakayahan nitong lumikha ng kita. Kaya nga, isa sa mga nakikinabang sa
kulturang popular ay ang mga negosyante. Nagiging isang komoditi ang
kulturang popular para sa karamihan dahil hindi na kinakailangang humanap ng
mga paraan para alukin ang masa. Ang masa mismo ang gumagawa ng mga
paraan para lumaganap ang ano mang bagay o produktong bahagi ng kulturang
popular.

Lagi ring may sentrong pinanggagalingan ang kulturang popular. Madalas,


ang sentro nito ay mga ulong-bayan, mga pangunahing lungsod, mga sentro ng
70
Fil 114 Kulturang Popular
kosmopolitanismo at urbanidad. Kasi, kung ano ang nagaganap sa sentro ay
sinusundan ng mga periphery. Para nga itong nakahahawang sakit na mahirap
iwasan (lisannemariechantal.blogspot.com).

Samantala, sa kabila ng kasiyahang dulot ng mga produkto ng kulturang


popular, may “sakit” din itong kaakibat kung minsan. Halimbawa, ang isang
mamimili ay kailangang magtipid upang matamo ang isang pinapangarap na
bagay na usong-uso. Wika nga, kailangang magsakripisyo upang makiuso. Ayon
sa lisannemariechantal.blogspot.com, ito ang ideya ng sadomasokismo na isang
katangian ng kulturang popular.

Panghuli, ang kulturang popular ang realidad ng masa. Ito ang isinusubo
sa kanya ng panahon at kalaunan ay kanyang kinagigiliwan at tinatangkilik. Ito
ang alon ng panahon na kanyang kinapapatianuran. Ito ang kanyang minamahal,
kahit pa panandalian lamang dahil nga popular, kahit pa kinasusuklaman ng ilan.

C. Dahilan at Pinagmumulan

Ayon sa christelleagustin.blogspot.com, may anim na dahilan at


pinagmumulan ang kulturang popular:

1.Pangangailangang itinatakda ng mga negosyante. Maaaring ito ay


pangangailangang maging maputi, maging diretso ang buhok, o magkaroon ng
kolorete sa mukha upang gumanda. Isa pang halimbawa nito ang pagkondisyon
sa utak ng masa na hindi sila mabubuhay nang walang magandang cellphone,
kamera at iba pa. Dahil dito, napipilitang bumili ang mga taong ng mga produkto
ng mga negosyante upang matugunan ang mga pangangailangang mga
negosyante mismo ang nagtakda. Dahil sa malawakang pagtangkilik sa mga
produktong ito, nagiging bahagi ng kulturang popular ang mga produktong
tumutugon sa mga pangangailangang itinatakda ng mga negosyante.

2.Latak. May mga kulturang popular ding panghalili sa mahal at orihinal. Dahil
nga masang nakararami ang ahente ng popularisasyon at madalas ay hindi niya
kayang bilhin ang mga produktong mamahalin, nagkakasya na lamang siya sa
mga mumurahin upang makiuso pa rin kahit paano.

71
Fil 114 Kulturang Popular
3.Pangmasa o komersyal na kultura. Madalas, ang mga mumurahing produkto
ay sumasailalim sa maramihang produksyon. Bunga nito, nagkakapare-pareho
ang nabibili ng masa sa murang halaga.

4.Gawa ng tao. Karaniwan nang ang isang sikat na personalidad ay nais tularan


ng mga tao. Sa panggagaya sa mga sikat na tao, unti-unting napupunta
sa mainstream ang mga ginagaya ng tao at nagiging uso. Madalas pa,
ginagawang hanapbuhay ang panggagayang ito at hindi libangan lamang.

5.Larangan ng gahum. Ang kulturang popular ay isang katibayan din ng mataas


na pagtingin sa isang gahum na bansa. Kaya nga nabanggit na ang kulturang
popular ay maaaring sabihing bunga ng kolonyalismo bunsod ng pagtangkilik ng
madla sa ano mang dayo.

6.Pagkalusaw ng hangganan. Dahil sa patuloy na pag-igting ng globalisasyon


at pagkakaugnay-ugnay ng mga kultura at sibilisasyon sa mundo, hindi na
nagiging hadlang ang layo ng mga bansa sa pagkakaroon ng isang kulturang
popular. Unti-unti nang nawawalan ng distinksyon ang mataas at mababang
kultura, ang sarili at dayong kultura, maging ang katutubo at komersyal o popular
na kultura.

D. Silbi ng Kulturang Popular

Tinitingnan ang kulturang popular bilang kasangkapan ng namamayaning


kaayusan sa lipunan na isulong at panatilihin ang kanilang interes. Sa pananaw
na ito, pasibong konsyumer lamang ang mga gumagamit ng mga produkto ng
kulturang popular. Ginagamit ang mga teleserye, reality TV, novelty songs, pick-
up lines, usong pananamit at iba pa bilang libangan at paraan na rin upang
makalimutan ang mga problema kahit panandalian lamang.

Sa pananaw na ito, para tayong mga esponghang walang ibang kayang


gawin kundi ang sipsipin ang lahat ng inihahain sa atin ng naghaharing uri at ng
mga galamay nila tulad halimbawa ng midya (Tolentino, 2001; sa Bernales at
Dela Cruz, 2017).

72
Fil 114 Kulturang Popular
Para sa ilang kritiko ng kulturang popular, napipilay nito ang progresibong
potensyal ng mga kultural na produkto. Ikinakawing ng Frankfurt School,
partikular nina Max Horkheimer at Theodor Adorno (1972, sa Gimenez- Maceda,
1996; nasa Bernales at Dela Cruz, 2017) ang aliw na nakukuha sa mga
kulturang popular sa kawalan ng pag-iisip ng mga taong tumatangkilik dito,
paglimot sa kanilang pagdurusa at kawalan ng pag-asa. Para sa kanila, ito ay
hindi pagtakas sa mapait na realidad, kundi pagtakas sa posibilidad ng paglaban.
Paniwala nila, ginagawa nitong bulag ang masa sa mga lunas na maaari sanang
makapagpabuti sa kanilang kalagayan.
Salungat sa pananaw na ito ang ilang mag-aaral ng kulturang popular.
Ayon kay Gimenez-Maceda (1996; sa Bernales at De la Cruz, 2017),
napakasimplistiko kung titingnan ang mga konsyumer bilang masang walang
sariling pag-iisip. Sinabi niya, sa industriya ng kulturang popular sa Pilipinas,
isang porma ng elitismo ang pagtingin na repleksyon lang ng kamartiran ng
masa ang mga tema ng represyon at pang- aapi sa mga kultural na produkto.

Ayon kay Gimenez-Maceda (1996; sa Bernales at Dela Cruz, 2017),


elitista ang pananaw na pantasya at ang kagustuhang makatakas sa mga
problema ang dahilan ng pagkahilig ng masa sa mga happy ending, halimbawa,
sa mga teleserye at pelikulang rom-com ng Star Cinema. Sa ganitong batis, hindi
tayo pasibong tagatanggap lamang ng kung anong ihain sa atin. Pinipili natin
kung anong produkto ang tatangkilikin at kung ano ang hindi tatangkilikin. Pinipili
natin kung anong mensahe ang paniniwalaan o kung ano ang may halaga sa
atin.

Isa pang silbi ng kulturang popular ang paglikha ng kolektibong identidad.


Sa pagkonsumo ng kulturang popular, nakabubuo at nakapagpapatatag ng
ugnayan ang mga tao. Nagiging daan ito upang magkaroon sila ng palitan ng
kaalaman at bahaginan ng karanasan. Makikita ang ganitong ugnayan sa
kwentuhan ng mga kasambahay sa pinanood na teleserye o ng mga bata sa
pinanood na anime, pakikipagdebate sa social media tungkol sa eskandalong
kinasasangkutan ng isang artista, o paglikha ng sariling bidyo bilang tugon sa isa
pang bidyong nauna nang naging viral at pakikipagbatuhan ng mga pick-
up o hugot lines.

73
Fil 114 Kulturang Popular
Sa pangkalahatan, ayon kay Tolentino (2001; sa Bernales at De la Cruz,
2017), tinitingnan ng ilang pag- aaral ang kulturang popular bilang kulturang
mapaghahanguan ng kaalaman tungkol sa pagiging Pilipino natin. Hindi dapat
kinukutya o hinuhusgahan ang mga kasambahay na mahilig magbasa ng
mga romance novel o pocketbook, mga kabataang lalaking nag-eeksperimento
sa estilo ng buhok, o iyong mga nahuhumaling sa mga teleserye sa hapon at
gabi. Mainam kung susuriin ang mga salik na nagdulot sa kanilang kumonsumo
ng produkto ng kulturang popular. Mainam kung titingnan sila hindi lamang bilang
konsyumer, kundi mga taong ang pagkonsumo ay manipestasyon ng kanilang
pagiging Pilipino.

E. Pandemik na Kultura

Ang pandemyang kinakaharap ng mundo ay nagluwal ng mga bagong


kultura. Pangangailangan ang nagbunsod sa mga kulturang ito, minsan, batas at
politika. Bunga nito, nauso ang sumusunod:
a.Corona virus/CoViD-19
b.Quarantine/Lockdown
c.Face Mask
d.Social Distancing
e.Mañanita
f.Zoom/Google Meet/Webinar
g.Online Learning
h.Online Selling/Work from Home/Bike to Work
i.New Normal

Ang malaking tanong, ano ang direksyong tinatahak o patutunguhan ng


kulturang popular sa panahong ito ng pandemya? Ang sagot: Kaiba sa ibang
bansa, dahil sa dependens ng gobyerno sa bakuna, sa aking pansariling tantya
bagama’t ako ay hindi eksperto sa larangan ng syensya at medisina, malayo pa
ang back to normal na inaasam nating lahat. Bunga nito, mukhang matatagalan
pa ang sumusunod:
a.Freedom of Movement
b.Face to Face Interaction
c.Mass gathering
d.Regular work
74
Fil 114 Kulturang Popular
Matatagalan pa nga bago pa mawala ang konsumisyon natin dulot ng
CoVid-19. Pansamantala, pilit nating yinayakap ang mga bagong kulturang
idinidikta ng pandemya, may konsumisyon at pangamba mang kaakibat ang mga
ito, habang idinadalangin nating malaos din ang mga ito, upang tayo ay
makabalik na sa mga dati nating nakagawiang uso – sa kulturang popular bago
magkapandemya.

Mga Tanong na Sasagutin/ Ebalwasyon:

I. PAGPAPALIIWANAG

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong.

1. Bakit sinasabing may kulturang popular sa panahon ng


pandemya?
2. Isa-isdahin ang anim na dahilan at pinagmumulan ang
kulturang popular at ipaiwanag ang mga ito.

Pagpapahalaga/Repleksyon
Bilang isang mag-aaral, mahalaga sa akin ang aking natutuhan sapagkat
________________________________________________________________
___________.

SANGGUNIAN

Agustin, C. Ano ang kulturang popular. christelleagustin.blogspot.com. Marso, 29, 2020.

Bernales, R.A. & Dela Cruz, M.A.S. 2017. Filipino sa larangan ng sining at disenyo.
Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

75
Fil 114 Kulturang Popular
Bernales, R.A., Cordero, M.E.B., Balagat, R.B. & Golloso, H.E. 2019. Panitikan ng
Pilipinas: Kasaysayan at pagsusuri. Malabon City: Mutya Publishing House,
Inc.

Chantal, L.M. Kultura at iba pa. lisannemariechantal.blogspot.com. Marso 29, 2020.

Chantal, L. (w.p.). Kulturang Popular. Nakuha


sa http://lisannemariechantal.blogspot.com/2013/04/blog-post.html

Gaya-gaya ang mga Pilipino: Kulturang popular sa modernong panahon.


2013. thespiandreamer.wordpress.com. Marso 29, 2020.

Gimenez-Maceda, T. 1996. Modes of resistance in globalizing popular culture industry.


Kasarinlan, 12 (2), 35-56.

Grakname (2020). Kulturang popular. Nakuha sa https://e-edukasyon.ph/filipino/1-ito-


ay-kulturang-mula-sa-at-implu-5433623

Gonzalez, A. 2009. Kritika/Kultura/Popular: Ang kulturang popular ng kritika at kritika ng


kulturang popular. Manila: DLSU.

Kritika/Kultura/Popular: Ang Kulturang Popular ng Kritika at Kritika ng Kulturang


Popular” sa Seryeng Panayam Br. Andrew Gonzalez, FSC noong Nobyembre
2009 sa DLSU)

Nuncio, R.V. & Nuncio, E.M. 2004. Sangandiwa: Araling Filipino bilang talastasang
pangkalinangan at lapit-pananaliksik. Manila: UST Publishing House.

Orito, R. (w.p.). Kulturang Popular. Nakuha


sa https://www.academia.edu/9686034/KULTURANG_POPULAR

Philippine Daily Inquirer, 4 Enero 2010, "Introducing the Pop Girls"

Philippine Daily Inquirer, 22 Mayo 2010, "Charice debuts at No. 8 on Billboard"

Sanchez, R. J., Manila Bulletin, 24 Mayo 2010, “Charice happy with chat performance
of her album, song.”

Torralba, J. (w.p.). Kahulugan ng Kulturang Popular. Nakuha

76
Fil 114 Kulturang Popular
sa https://www.scribd.com/doc/111121696/Ang-Kahulugan-Ng-Kulturang-
Popular

Tolentino, R.B. 2001. Sa loob at labas ng mall kong sawi/kaliluha’y siyang nangyayaring
hari: Ang pagkatuto at pagtatanghal ng kulturang popular. Quezon City: UP
Press.

Treva Bedinghaus, T. Isang Kaunting Bagay na Dapat Mong Malaman Tungkol sa Hip-Hop
Dancing

Zar, Rachel. "Isang Patnubay ng Guro sa Sayaw sa Hip Hop: Pagwawakas ng Limang
Mahahalagang Sangkap ng isang Kurikulum ng Hip-Hop." Guro ng Sayaw,
Agosto 2011.

https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01jputBjnifGTU2pJx3mTIV1O4AMQ
%3A1602079674009&ei=ust9X_0J3I2vvA_7qoa4DA&q=Mga+tanyag+na+director+sa+
kasalukuyang+pelikula&oq=Mga+tanyag+na+director+sa+kasalukuyang+pelikula&gs_lc
p=CgZwc3ktYWIQAzIHCCEQChCgAToICCEQFhAdEB5QudsZWNKIGmDIjBpoAXABe
ACAAd8CiAHGEZIBBzAuOC4yLjGYAQCgAQKgAQGqAQdnd3Mtd2l6wAEB&sclient=p
sy-ab&ved=0ahUKEwj9zvvu06LsAhXcxosBHXuVAccQ4dUDCA0&uact=5
https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk012rVkGJ7KI-kzLTnLqxkJWXV58ng
%3A1602080102933&ei=Zs19X6_ROJ6Vr7wPkpqV2AQ&q=Mga+Kontemporaryong+p
elikula&oq=Mga+Kontemporaryong+pelikula&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQA1DP0xpYz9MaY
KfZGmgAcAB4AIABvwGIAb8BkgEDMC4xmAEAoAECoAEBqgEHZ3dzLXdpesABAQ&s
client=psy-ab&ved=0ahUKEwivnL-71aLsAhWeyosBHRJNBUsQ4dUDCA0&uact=5

https://internetatsocialmedia.wordpress.com/socialmedia/
https://tl.eyewated.com/ano-ang-social-media-2/

http://christelleagustin.blogspot.com/2012/11/ano-ang-kulturang-popular.html. Featured
image – Freepik.com
http://lessonproper.blogspot.com/2011/07/bahagi-ng-pahayagan.html
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Pahayagan

https://upd.edu.ph/tanyag-likha-2019-panayam-at-paglulunsad/
http://kontemporaryo.blogspot.com/2015/10/mga-pelikula.html
Published by christinspirations . PublishedFebruary 28, 2018

https://christinspirations.wordpress.com/2018/02/28/orihinal-na-musikang-pilipino/

77
Fil 114 Kulturang Popular
https://quizlet.com/519248485/ilang-mga-mang-aawit-sa-pilipinas-awiting-pilipino-flash-
cards/

https://tl.eferrit.com/isang-kaunting-bagay-na-dapat-mong-malaman-tungkol-sa-hip-hop-
dancing/

https://tl.eferrit.com/mga-sangkap-ng-hip-hop/. Experience Festival, "Music of the


Philippines - Filipino Hip-Hop"

78
Fil 114 Kulturang Popular

You might also like