You are on page 1of 16

JOSE SANDY C.

ZARAGOSA
Course Facilitator

1
Modyul sa Fil 117
Pamagat ng Kurso: Introduksioyn sa Pagsasalin
Bilang ng Kurso: Fil 117
Diskripsiyon ng Kurso: Saklaw ng kursong ito ang mga simulain ng
pagsasaling-wika upang malinang ang kaalaman at kasanayan sa
pagsasalin ng iba’t ibang anyo ng panitikan tulad ng tula, maikling
kuwento, nobela, dula at iba pa at gayundin ng iba pang uri ng teksto.
Kabuuang Bilang ng Oras ng Pagkatuto: 2 Linggo
Paunang Kurso(kung mayroon):Wala
Pangkalahatang Nilalaman: Ang bahaging ito ay nakatuon sa pag-
alam sa kasaysayan ng pagsasaling-wika sa mundo mula sa mga
naunang nakilalang tagapagsalin at kung paano kumalat sa iba’t ibang
bansa at wika ang gawaing ito. Ganoon din ang pagtalakay sa pagsasalin
ng Bibliya na siyang pinakasinalin na akda sa kasaysayan.
Inaasahang Bungan g Pagkatuto:
1.makilala ang mga kauna-unahang tagapagsalin sa mundo.
2. maisalaysay ang mga kaganapan sa paglaganap ng pagsasalin.
3. matukoy ang mga mahahalagang detalye sa pagsasalin ng Bibliya.
Paksang Nilalaman:
1. Ang Kasaysayan ng Pagsasalin
2. Ang Kahulugan ng Pagsasalin

2
Talakayan:

ANG Kasaysayan ng Pagsasalingwika sa Daigdig at sa Pilipinas

I. Kasaysayan ng Pagsasalin

Ang kinikilalang unang tagasalin ay si Andronicus


na siyang nagsalin ng Odyssey ni Homer sa anyong
patula (240 B.C.) Sinundan ito nina Naevius at
Ennius, gayon din nina Cicero at Catulus. Sa
pagdaraan ng maraming taon ay dumami nang
dumami ang mga tagasaling-wika na siyang
nagdulot ng malaking pag-unlad ng mga bansa sa
Europa at Arabya. Nakilala ang lungsod ng Bagdad
bilang isang paaralan ng pagsasalingwika sa
pamamagitan ng isang pangkat ng mga iskolar na
nakaabot sa Bagdad at isinalin sa Arabiko ang mga
isinulat nina Aristotle, Plato, Galea, Hippocrates at
iba pa. Pagkaraan ng tatlong siglo, Toledo naman
ang sumibol sa larangan ng pagsasalingwika. . Ang
mga tanyag na tagapagsalin ay sina Adelard at Retines. Ang sinasabing
pinakataluktok na panahon ng pagsasalingwika ay ang panahon ng pagsasalin
ng Bibliya.

Ang kinikilalang pinakamabuting salin ng Bibliya ay ang salin ni Martin


Luther (1483-1646).

Ang kinikilalang “Prinsipe ng Pagsasalingwika” sa Europa ay si Jacques


Amyot na siyang nagsalin ng “Lives of Famous Greeks and Romans”(1559) ni
Plutarch sa wikang Aleman.

Si John Dryden ay ibinibilang din na isang mahusay na tagapagsalin dahil


pinag-uukulan niya ng maingat na paglilimi ang gawang pagsasalin sapagkat
naniniwala siyang ang pagsasalin ay isang sining.

Noong 1792, sa aklat na “Essay on the Principles of Translation” ni Alexander


Tyler, binigyang diin ang tatlong panuntunan sa pagsasalin. Ang mga ito ay
ang mga sumusunod: Ang isang salin ay kailangang katulad na katulad ng
orihinal sa diwa; Ang istilo at paraan ng pagsulat ay kailangang katulad ng sa
orihinal; Ang isang salin ay kailangang magtaglay ng “luwag at dulas” ng
pananalitang tulad ng sa orihinal upang hangga’t maaari ay magparang
orihinal. Ayon naman kay Matthew Arnold ang isang salin ay kailangang

3
magtaglay ng bisang katulad ng sa orihinal. Ang paniniwalang ito ay
sumasalungat sa paniniwala ni F.W. Newman na ang isang salin ay kailangang
matapat sa orihinal, na kailangang madama ng bumabasa na ang kanyng
binabasa ay isang salin at hindi orihinal. Sa pagsapit ng ikadalawampung siglo
ay isa na lamang karaniwang gawain ang pagsasalingwika kaya naman ang uri
ng mga nagsisunod na salin ay mababa sa uring nararapat.

A. Ang mga Pagsasalin sa Bibliya

Ang orihinal na manuskrito o teksto ng


Bibliya ay sinasabing wala na. Ang kauna-unahang teksto nito ay nasusulat sa
wikang Aramaic ng Ebreo at ito ang pinaniniwalang pinagmulan ng salin ni
Origen sa wikang Griyego na kilala sa tawag na Septuagint gayon din ang salin
ni Jerome sa wikang Latin.
Ang tatlong itinuturing na pinakadakilang salin ng Bibliya ay ang kay Jerome
(Latin), ang kay Luther (Aleman) at ang kay Haring James (Ingles-Inglatera).
Samantalang ang kauna-unahang salin sa Ingles ng Bibliya ay isinagawa ni
John Wyclif. Ang unang salin ng mga Katoliko Romano ay nakilala sa tawag
na Douai Bible. Sa lupong binuo ni Haring James sa pagsasalin ng Bibliya,
naging panuntunan na ang pagsasalin ay maging matapat sa orihinal na diwa
at kahulugan ng Banal na Kasulatan, dito nga nakilala ang “Authorized
Version”. Ang maituturing naman na pinakahuling salin ng Bibliya ay ang
“The New English Bible” (1970) na inilimbag ng Oxford University. Sa
dinami-dami ng mga pagsasaling isinagawa sa Bibliya, kinailangan pa rin ang
muling pagsasalin dahil sa mga sumusunod na dahilan: (1) Marami nang mga
natuklasan ang mga arkeologo na naiiba sa diwang nasasaad sa maraming
bahagi ng mga unang salin; (2) Naging marubdob ang pag-aaral sa larangan ng
linggwistika na siyang naging daan ng pagpapalinaw ng maraming malabong
bahagi ng Bibliya; (3) Ang sinaunang wikang ginamit sa klasikang English
Bible ay hindi na halos maunawaan ng kasalukuyang mambabasa bukod sa
kung minsan ay iba na ang inihahatid na diwa.

4
B. Ang mga Pagsasalin sa mga Akdang Klasika

Ang kalakhan ng kinikilalang mga akdang klasika ay ang mga orihinal na


nasusulat sa Griyego at Latin, ngunit ayon kay Gng. Virginia Woolf, ang alin
mang salin ay hindi makakapantay sa orihinal sapagkat ang wikang Griyego
ay isang wikang maugnayin, mabisa, tiyak at waring may aliw-iw na
nakaiigayang pakinggan.

Dalawang pangkat ang mga tagapagsaling-wika sa Ingles ng wikang Griyego,


ito ay ang makaluma o Hellenizers at ang makabago o Modernizers. Ang
layunin ng mga makaluma ay maging matapat sa pagsasalin sa paghahangad
na mapanatili ang orihinal na diwa at katangian ng kanilang isinasalin kaya
naman pinapanatili nila ang paraan ng pagpapahayag, at balangkas ng mga
pangungusap at idyoma ng wikang isinalin sa wikang pagsasalinan.
Kasalungat naman ito ng paniniwala ng mga makabago na nagsasabing ang
salin ay dapat nahubdan na ng mga katangian at idyoma at nabihisan na ng
kakanyahan ng wikang pinagsalinan.

Ayon naman kay Robert Browning, ang tagasaling-wika ay kailangang maging


literal hangga’t maaari maliban kung ang pagiging literal ay lalabag sa
kalikasan ng wikang pinagsasalinan.

Naniniwala naman si Robert Bridges na higit na mahalaga ang istilo ng awtor


kung ang isang mambabasa ay bumabasa ng isang salin. Sa kabila ng
magkasalungat na opinyong nabanggit ay may ikatlong opinyong lumitaw, ito
ay ang paniniwalang hindi makatwirang piliting ipasok sa wikang
pinagsasalinan ang mga kakanyahan ng wikang isinasalin. Pareho naman ang
paniniwala nina Edward FitzGerald at Samuel Butler na alin mang salin ng

5
mga akdang klasika ay dapat maging natural ang daloy ng mga salita, madaling
basahin at unawain. Sa mga pagsasalin ni F.W. Newman sa mga akda ni
Homer, pinilit niyang mapanatili ang kakanyahan ng orihinal hangga’t maaari
dahil naniniwala siya na kailangang hindi makaligtaan ng isang mambabasa na
ang akdang binabasa ay isa lamang salin at hindi orihinal. Sumasalungat naman
sa paniniwalang ito si Arnold na tagapagsalin din ni Homer. Ayon sa kanya,
ang katapatan sa pagsasalin ay hindi nangangahulugan ng pagpapaalipin sa
orihinal na wikang kinasusulatan ng isasalin. Samantala, unti-unting
nahalinhan ng Roma ang Atenia bilang sentro ng karunungan nang mga
panahong iyon.

Ayon kay C. Day Lewis sa kanyang pagsasalin ng “Aeneid” ni Virgil (na


siyang pinakapopular sa panulaang Latin) sa wikang Ingles, upang mahuli ng
tagapagsalin ang tono at damdamin, kinakailangang magkaroon ng ispiritwal
na pagkakaugnayan ang awtor at ang tagapagsalin.

Kasaysayan ng Pagsasaling-wika sa Pilipinas

Ang kasaysayan ng pagsasaling-wika sa Pilipinas ay mahahati sa limang


yugto: Panahon ng Kastila; Panahon ng Amerikano; Panahon ng Patakarang
Bilinggwal; Panahon ng Pagsasalin ng Panitikang Di-Tagalog at Panahon ng
Afro-Asian Literature

A. Unang Yugto – Panahon ng mga Kastila

Ang pagsasaling-wika sa Pilipinas ay


nagsimula sa pangangailangang mapalaganap ng mga mananakop na Kastila
ang relihiyong Iglesia Catolica Romana. Kinailangan ang pagsasalin sa
Tagalog at sa iba pang katutubong wika ng mga dasal at mga akdang
panrelihiyon. Ngunit hindi naging konsistent ang mga Kastila sa pagtuturo ng
wikang Kastila sa mga Pilipino, dahil ayon sa kanilang karanasan sa
pananakop, higit na nagiging matagumpay ang pagpapalaganap ng
Kristiyanismo sa pamamagitan ng paggamit ng wika ng mga katutubo at
naging mas katanggap-tanggap sa mga katutubo ang marinig na ginagamit ng
mga prayle ang kanilang katutubong wika sa pagtuturo ng salita ng Diyos. Ang
ikatlong dahilan na hindi lantarang inihayag ng mga Kastila ay ang pangamba
na kung matuto ang mga Pilipino ng wikang Kastila ay maging kasangkapan
pa nila ito sa pagkamulat sa totoong kalagayan ng bansa. Sa paglisan ng

6
kapangyarihang Espanyol sa Pilipinas, nagpatuloy pa rin ang pagsasalin ng
mga piyesang nasa wikang Kastila.

B. Ikalawang Yugto – Panahon ng mga Amerikano

Sa panahong ito, naging masigla ang


pagsasalin sa wikang pambansa ng mga akdang klasikang nasa wikang Ingles.
Edukasyon ang pangunahing patakarang pinairal ng Amerika kaya naman
“bumaha” sa ating bansa ang iba’t ibang anyo at uri ng karunungan mula sa
Kanluran lalo na sa larangan ng panitikan. Ang pagsasalin sa panahong ito ay
isinagawa sa paraang di-tuwiran, ibig sabihin ang isinasalin ay hindi ang
orihinal na teksto kundi ang isa na ring salin.
Isa sa mga tagasaling marami ang naisaling klasikong akda ay si Rolando
Tinio. Ang mga dulang isinalin niya ay ipinalabas sa mga piling teatro sa
Kamaynilaan lalo na CCP.

Isang magandang proyekto rin ang isinagawa


ng National Bookstore (1971) kung saan ipinasalin ang mga popular na nobela
at kwentong pandaigdig at isinaaklat upang magamit sa paaralan. Ang ilang
halimbawa ay ang mga kwentong “Puss N’ Boots”, “Rapunzel”, “The Little
Red Hen” at iba pa.
Ang Goodwill Bookstore naman ay naglathala ng koleksyon ng mga klasikong
sanaysay nina Aristotle, Aquinas, Kant at iba pa. Ang Children’s
Communication Center naman ay nagsalin at naglathala ng mga akdang

7
pambata tul ad ng “Mga Kuwentong Bayan Mula sa Asia, Rama at Sita”,
Palaso ni Wujan”, “Mga Isdang Espada” at iba pa.

Ikatlong Yugto ng Kasiglahan – Patakarang Bilinggwal


Ang ikatlong yugto ay ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales
pampaaralan na nasusulat sa Ingles tulad ng mga aklat, patnubay, sanggunian,
gramatika at iba pa. Kaugnay ito ng pagpapatupad sa patakarang bilinggwal sa
ating sistema ng edukasyon. Ayon sa Department Order No. 25, s. 1974, higit
na marami ang mga kursong ituturo sa Filipino kaysa Ingles.
Nangangahulugan, samakatwid na lalong dapat pasiglahin ang mga pagsasalin
sa Filipino ng mga kagamitang pampagtuturong nasusulat sa Ingles. Ang ilan
sa mga halimbawang isinalin sa panahong ito ay ang mga gabay pampagtuturo
sa Science, Home Economics, Good Manners and Right Conduct, Health
Education, at Music. Isinalin din ang Tagalog Reference Grammar, Program
of the Girl Scouts of the Philippines at iba pa.

Ikaapat na Yugto ng Kasiglahan – Pagsasalin ng mga Katutubong


Panitikang Di-Tagalog
Kinailangan ang pagsasalin ng mga katutubong panitikang di-Tagalog upang
makabuo ng panitikang pambansa. Ang tinatawag nating “pambansang
panitikan” ay panitikan lamang ng mga Tagalog sapagkat bahagyang-bahagya
na itong kakitaan ng panitikan ng ibang pangkat-etniko ng bansa. Upang
maisakatuparan ito nagkaroon ng Proyekto sa Pagsasalin ang LEDCO
(Language Education Council of the Philippines) at SLATE (Secondary
Language Teacher Education) ng DECS at PNU noong 1987 sa tulong ng Ford
Foundation. Inanyayahan sa isang kumperensya ang kinikilalang mga
pangunahing manunulat at iskolar sa pitong pangunahing wika ng bansa
(Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Bicol, Samar-Leyte, Pampango at Pangasinan.
Pinagdala sila ng piling materyales na nasusulat sa kani-kanilang bernakular
upang magamit sa pagsasalin. Sa proyektong ito, nagkaroon din ng pagsasalin
sa ilang Chinese-Filipino Literature, Muslim at iba pang panitikan ng mga
minor na wika ng bansa.

Nagkaroon din ng Pagsasalin ang GUMIL (Gunglo Dagiti Mannurat nga


Ilocano. Pumili ang mga manunulat na Ilocano ng mahuhusay na kwento sa
wikang Iloco at isinalin sa Filipino, pagkatapos ay ipinalimbag ang salin at
tinawag na KURDITAN. Sa pamamagitan ng pagsasalin, ang mga kwentong
orihinal na sinulat sa Iloco ay nalagay na sa katayuan upang mapasama sa
pambansang panitikan sapagkat meron nang bersyon sa wikang pambansa.

8
Ikalimang Yugto ng Pagsasalin –
Pagsasalin ng Panitikang Afro-Asian
Ang panahong ito ay nakatuon sa pagsasalin ng mga panitikang Afro-Asian.
Kinailangan ang pagsasaling ito dahil kasama na sa kurikulum ng ikalawang
taon sa hayskul ang pagtuturo ng Afro-Asian.

Ayon kay Isagani Cruz, “Para tayong mahihina ang mga matang mas madali
pang makita ang malayo kaysa mga likha ng mga kalapit bansa natin.” Ang
pagsasama sa kurikulum ng panitikang Afro-Asian ay masasabing pagwawasto
sa pagkakamali sapagkat noong mga nakaraang panahon mas binigyang halaga
ang pagsasalin ng panitikang Kanluranin at hindi ng panitikan ng mga kalapit
na bansa.

Kaugnay nito nagkaroon ng pagsasalin ng isang


pangkat ng mga manunulat ng mga piling panitikan ng mga kalapit na bansa
(pinondohan ng Toyota Foundation at Solidarity Foundation) na tinawag na
Transalation Project.
Pinangunahan naman nina Rolando Tino at Behn Cervantes ang pagsasalin ng
banyagang akdang nasa larangan ng drama.

9
Samantala, may ilan
ring pangkat o institusyong nagsasagawa ng mga proyektong pagpapaunlad ng
wikang pambansa, ito ay ang NCCA (National Commission on Culture and
Arts) at PETA (Philippine Educational Theatre Association). Isinalin naman
ng Komisyon sa Wikang Filipino ang mga karatula ng iba’t ibang
departamento at gusali ng pamahalaan, dokumento, papeles para sa
kasunduang panlabas, Saligang Batas at iba pa. Sa kabila ng mga kasiglahang
nabanggit, ang pagsasaling-wika bilang isang sining ay hindi pa gaanong
nakakalayo sa kanyang kuna o duyan, lalo na kung ihahambing sa antas ng
kaunlaran sa larangang ito sa ibang kalapit-bansa natin sa Silangang Asia. Ang
isa pang hindi naisasagawa hanggang sa ngayon ay ang paghahanda ng isang
talaan ng mga tagapagsaling-wika o registered translators. Maaaring isagawa
ng Komisyon sa Wikang Filipino ang paghahanda ng kinakailangang mga
instrumento sa pagsusulit at sistema o prosedyur sa pagwawasto at iba pang
bahagi ng proseso. Ang pagtatatag ng samahan sa pagsasaling-wika ay
maaaring makatulong nang malaki sa pagpapasigla ng mga gawain sa
larangang ito.

10
ANG KAHULUGAN NG PAGSASALIN
Ang paglilipat ng kahulugan ng pinagmulang wika sa target na wika (Larson,
1984 ).
Isang proseso ng paglilipat sa pinakamalapit na katumbas ng diwa o
mensaheng nakasaad sa wikang isasalin (Nida at Taber, 1969).
Mga Dahilan ng Panghihiram
•Mapunan ang kakulangan sa talasalitaan
• Katumpakan (precision) – Nanghihiram upang hindi mabago ang nais
ipakahulugan sa mensahe. Hal., Pahingi pa nga ng popcorn.
• Tanda ng pagbabago (transition) – Nanghihiram ng salita upang mabago ang
daloy ng usapan. Hal., Ang sarap magbakasyon sa probinsya! Anyway,
kumusta naman dito noong wala ako?
• Pa-impress (snob appeal) – Nagagamit din ang salitang hiram upang maiangat
ang estado ng sarili sa lipunan. Hal., He’s really guwapo talaga. And gosh! I’m
so kilig when he makes pa-cute to me. / Hey, man, watcha doin? Ang cool ng
gig n’yo last week.
• Pagkukubli (secrecy) – May pagkakataong gumagamit ng salitang hiram
upang itago ang pinag-uusapan sa mga taong nakikinig. Hal., Winner ang keyk
n’yo!
• Pagpapatawa (comic effect) – Nagagamit din ang mga hiram na salita sa
pagbibiro at pagpapatawa, mula sa pagkakamali sa paggamit o pagbigkas at
paglalaro ng salita hanggang sa kamalian ng iba’t ibang personalidad sa
pagsasalita nito. Hal., Mayroon akong LOVEnat kaya kailangan ko ng
KISSpirin at yaCAPSULE.
“Don’t limit my capacity in the four corners of this luxurious abode. Expose
me to the real challenges of the outside world. I want to grow as an individual
with dynamic experiences.” – Si Inday na nagrereklamo dahil ayaw siyang
isama ng kanyang amo sa karnabal
Kahalagahan ng Pagsasalin
1.Pagpapalaganap ng kaalaman o kaisipang nakapaloob sa akda.
2.Pagbibigay-liwanag sa kasaysayan at kultura ng ibang bansa o panahon.
3.Pagpapakilala sa mga bagong mambabasa ng isang akdang itinuturing na
makabuluhan ng isa o ilang tao.
4.Higit na nagkakaunawaan at nagkakadamahan ng kanilang interaksyon.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Tagasalin

11
1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
2. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.
3. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.
4. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin.
Mga Metodo sa Pagsasalin
1. Salita-sa-salita – Word-for-word translation ang tawag dito sa Ingles at
katumbas ito ng sinabi ni Savory (1968) na: A translation must give the words
of the original. Ginagamit ito para ipakita ang kahulugan ng mga salita at
estruktura ng mga wikang tinatalakay.
Hal. John gave me an apple.Juan nagbigay sa akin mansanans.Si Juan ay
nagbigay sa akin ng mansanas.
2. Literal – Sa metodong ito, ang estruktura ng SL ang sinusunod at hindi ang
natural at mas madulas na daloy ng TL, at kadalasan ding ang pangunahing
katuturan (primary sense) ng salita ang ibinibigay na panumbas, hindi ang
salitang may pinakamalapit na kahulugan sa orihinal.
Hal. My father is a fox farmer. That is, he raised silver foxes, in pens; and in
the fall and early winter, when their fur was prime, he killed them and skinned
them. (Mula sa maikling kuwentong “Boys and Girls” ni Alice Munro)
Ang tatay ko ay isang magsasaka ng lobo. Iyon, siya ay nagpapalaki ng mga
lobong pilak; at sa taglagas at maagang taglamig, kung ang kanilang balahibo
ay pinakamataas, siya ay pinapatay sila at binabalatan sila.
3. Adaptasyon – Ito ang itinuturing na pinakamalayang anyo ng salin dahil may
pagkakataon na malayo na ito sa orihinal. Kadalasang ginagamit ito sa salin ng
awit, tula at dula na halos tono na lamang o pangkalahatang mensahe ang
nailipat sa salin.
Hal. Que sera sera!Whatever will be, will beThe future’s not ours to seeQue
sera sera!Ay sirang-sira!Ano ang mangyayariDi makikita ang bukasAy sirang
sira!
4. Malaya – Ayon kina Almario, et. al., ito ay “malaya at walang kontrol. At
parang hindi na isang salin.” Ipinahihintulot nito ang pagdadagdag o
pagbabawas ng mga salita na mas makakapagpalutang ng kahulugan ng
orihinal.
Hal., “For the last twenty years since he is burrowed into this one-room
apartment near Baclaran Church, Francisco Buda often strolled to the seawall
and down the stone breakwater which stretched from a sandy bar into the
murky and oil- tinted bay.” (Mula sa “The Drowning” ni F. Sionil Jose)
12
Mayroon nang dalawampung taon siyang tumira sa isang apartment na malapit
sa simbahan ng Baclaran. Si Francisco Buda ay mahilig maglibang sa
breakwater na mabuhangin at malangis.
5. Matapat – Sinisikap ibigay ang eksaktong kahuluan ng orihinal habang
sinusundan naman ang estrukturang gramatikal ng SL. Kung paano inihanay
ang mga salita sa SL, gayon din ang ginagawang paghahanay ng mga salita sa
TL. Dahil dito, nagkakaroon ng problema sa madulas na daloy ng salin.
Hal., When Miss Emily Grierson died, our whole town went to her funeral: the
men through a sort of respectful affection for a fallen monument, the women
mostly out of curiosity to see the inside of her house, which no one save an old
manservant – a combined gardener and cook – had seen in the last yen years.
Nang mamatay si Bb. Grierson, ang buong bayan ay pumunta sa kanyang
libing: ang mga kalalakihan, upang magpakita ng isang uri ng magalang na
pagmamahal sa isang nabuwal na monumento, ang kababaihan, dahil sa pag-
uusyoso upang makita ang loob ng kanyang bahay, na walang ibangnakakita
kundi isang matandang utusang lalaki – na hardinero- kusinero – sa nakalipas
na di kukulangin sa sampung taon.
6. Idyomatiko – Ang mensahe ng orihinal ay isinasalin sa paraang magiging
madulas at natural ang daloy ng TL. Ginagamit dito ang idyoma ng TL at
sadyang nagiging iba ang porma ng pahayag ngunit ipinapahayag ang mensahe
sa paraang kawili- wiling basahin.
Hal.,The boy had running nose.Tumutulo a ng ilong ng bata (hindi tumatakbo).
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin
1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin
ang katangiang ito ayon kay Nida ang “first and most obvious
requirement of any translator”. Tungkol sa wikang isasalin, hindi sapat
aniya, na nakukuha niya ang “genereal drift” ng kahulugan ng kanyang
isinasalin o kaya’y mahusay siyang komunsulta sa diksyunaryo.
Kailangang maunawaan din niya ang maliliit na himaymay ng
kahulugan, ang halagang pandamdaming taglay ng mga salita at ang
ginamitna estilo na siyang bumuo ng “flavour and feel of the
mes]\sage”. Anupat ang kakarampot na kaalaman sa alinman sa
dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin ay mapanganib. Ang isang
guro, halimbawa, kahit nakatapos ng 24 na yunit sa Kastila ay hindi pa
marahil makapangahas na magsalin ng mga materyales na nasusulat
dito.
Nahahati sa dalawang bahagi ang kaalamang ito, gaya ng mga
sumusunod:

13
1.1. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawnag wikang kasangkot
sa pagsasalin.
Ang kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin ay kailangang-kailangan ng tagpagsalin sa pagsusuri o
pag-aarok sa tunay na diwa na nais ipahatid ng awtor; gayundin sa
wastong paggamit ng mga salita, watong pagbubuo, pagsusunod-
sunod atbp.
1.2. Sapat na kakayahn sa pampanirtikang paraan ng pagpapahayag.
Ang ginamit na parirala ni Nida rito ay “capacity for literary
expression”. Marami tayong nakikita na maalam na maalam o
“madulas na madulas” wika nga, sa pagsasalita ng Ingles at Filipino
ngunit waring hindi mailipat sa pagsasalin ang gayong kahusayan.
Ang dahilan ay sapgkat iba ang kakayahan sa wikang pampanitikan
kaysa karaniwang kakayahan ssa pagagamit ng wika.

2. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin


Ang isang guro, halimbawa, na hindi nagtuturo ng biology ay hindi
magiging kasinghusay na tagapagsalin ng gurong nagtuturo nito.

3. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang wikang kasangkot sa


pagsasalin.
Ang alinmang wika ay nabubuhol sa kultura ng mga taong likas na
gumagamit nito. Ang Ingles ay wikang kasangakapan ng mga
Amerikano sa pagpapahayag ng kanilang kultura; gayundin ang
Filipino sa pagpapahayag ng kulturang Fillipino. At gay ng alam natin,
ang Amerika at Pilipinas ay dalawang bansang lubhang malaki ang
pagkakaiba sa kultura.
Sa bahaging ito ay malilimi natin na walang wikang higit na mabisa
kaysa sa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling bias at
kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag sa sariling kulturang
kinabubuhulan nito.

14
Pagtataya:

1. Gumawa ng timeline hinggil sa kasaysayan ng paglaganap ng


pagsasalin sa daigdig. Gumamit ng chart para sa malinaw na
presentasyon. Gawin ito sa isang short coupon bond.
2. Gumawa ng concept map hinggil sa pagsasalin sa daigdig. Gawin
ito sa isang short coupon bond.

Saliksikin:
Maraming Pagpipilian. Basahing mabuti ang mga pahayag at piliin
ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

____ 1. Ayon kay Savory, ang pagsasalin ay kasintanda na rin ng


a. Wika c. Kultura
b. Panitikan d. Kabihasnan

____ 2. Si Andronicus ay kinikilalang unang tagasalin-wika. Alin sa


mga sumusunod na akda ni Homer ang isinalin niya?
a. Iliad c. Hercules
b. Beuwolf d. Odyssey

____ 3. Ang wikanng ito namayagpag sa pagsasalin sa Baghdad na


kinilala ring sentro ng karunungan sa pagsasaling-wika nang mga
panahon na iyon.
a. Latin c. Arabic
b. Griyego d. Aleman

____ 4. Siya ay nagsalin sa Latin ng Koran noong 1141.


a. Euclid c. Retines
b. Hippocrates Ennius

____ 5. Ang Liber Gestorum Barlaam et Josaphat ay isa sa


pinakatanyag na teksto isinalin saiba’t ibang wika. Sa anong wika
nakasulat ang orihinal na teksto nito?
a. Arabic c. Griyego
b. Ebreo d. Latin

____ 6. Ang ikalabindalawang siglo ay itinuturing na painakataluktok


ng pagsasaling-wika. Ano ang mahalagang pangyayari sa pagsasalin
nang mga panahon na iyon?
15
a. Pagsasalin ng mga akdang pampanitikang Griyego
b. Pagpapatayo ng mga paaralan sa pagsasalin
c. Paglaganap ng pagsasalin sa Europa
d. Pagsasalin n Bibliya
____ 7. Dahil na rin sa pagsasalin niya ng Lives of Famous Greek and
Romans, si Jacques Amyot ay kinilalang ________________.
a. Prinsipe ng Pagsasaling-wika
b. Ama ng Pagsasaling-wika
c. Pinakadakilang Tagasaling-wika ng Europa
d. Andronicus ng Europa

____ 8. Siya ang kauna-unahang nagsalin ng Biblia sa wikang Ingles.


a. Jon Wycliffe c. William Tyndale
b. Martin Luther d. John Rogers

____ 9. Ayon kay Savory, maliban sa di-mapasubaliang kataasan ng


uri ng pagkakasulat nito, isa pa sa mga dahilan sa pagsasalin ng
Biblia ay ang paksa nito. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang
sa tinatalakay sa Matandang Tipan?
a. Ang pinagmulan ng tao c. Ang layunin ng tao
b. Ang tungkulin ng tao d. Ang destinasyon ng tao

____ 10. Sina Nida at savory ay nagbigay ng mga katangiang dapat


taglayin ng isang tagapagsaling-wika. Alin ang hindi kabilang dito?
a. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.
b. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot.
c. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang wikang kasangkot.
d. Sapat na kaalaman sa pagpapahayag ng dalawang wikang
kasangkot.

Salamat!!!

16

You might also like