You are on page 1of 1

“Ang lihim ni Reyne Boy at ni Mary Lous”

By: Ohmel Villasis

Sa isang bayan ng aminhan Brgy. Agbagay may isang matipuno, kaakit’akit


at napakandang lalaki na nagngangalang Reyne Boy. Dahil sa taglay niyang
katangian ay halos lahat ng mga babae sa kanilang lugar ay nagkakagusto sa
kanya. Isa sa mga babaeng lihim na humahanga sa kanya ay si Mary Lous. Si Mary
Lous ang pinakamagandang dalaga sa kanilang lugar, mayaman at kilala ang
pamilya.
Isang araw habang naglalakad si Reyne Boy ay nabangga niya si Mary Lous.
Sa lakas nang kanilang banggaan ay tumilapon ang isang ngipin ni Mary Lous.
Agad na humingi ng tawad ang binata sa dalaga. Hinanap nila ang ngipin na
tumilapon subali’t hindi nila makita. Huli na nang sabihin ni Mary Lous na
nalunok na pala niya. Habang naglalakad ang dalawa ay bigla na lamang napasin
ni Reyne Boy ang kagandahan ng dalaga. Tinanong niya ang pangalan nito. Agad
naman na sumagot si Mary Lous habang ngumingiti at may halong kilig.
Matapos magkakilala ay inimbitahan ni Mary Lous si Reyne Boy sa kanilang
tahanan. Agad naman na pumayag ito. Nang naroon na sila ay agad bumangad sa
binata ang malamansiyong bahay ng dalaga. Bigla na lamang siyang tinubuan ng
hiya. Inalagaan at pinakain siya maayos ng dalaga sa sobrang tuwa niya ay
nakaramdam siya ng lumalagablab na pag-ibig sa dalaga. Nagpasalamat ang binata
sa dalaga. Pauwi na sana si Reyne Boy nang may Makita siyang larawan ng binata
sa istante. Nagtanong siya kay Mary Lous kung sino ang lalaking iyon. Sumagot
naman ang dalaga at nagwikang “ ako dati yan noong Jomar pa ang pangalan ko.
Lumondag ang puso ni Reyneboy nang marinig niya ito. Nanlumo ang binata at
agad na umalis, nang biglang nahulog ang pitaka nito. Agad na pinulot ni Mary
Lous ang pitaka, at may nakita siyang larawan sa pitaka ni Reyne Boy. Ito ay
larawan ng babae. Nagtaka ang dalaga at nagtanong. Kung sino ang babae sa
pitaka. Sumagot naman ang binata at nagwika” Ako yan, noong si Shareyne pa ang
pangalan ko.
Parehong tumalikod ang dalawa at sabay na nagwika sa isat’isa “ Huwag
mong ipagsabi sa iba”. Mula noon ay hindi na nagkita o nag usap ang dalawa
dahil sa sobrang hiya.

You might also like