Sa isang maliit na bayan ay may dalawang magkaibigan na magkasanggang-dikit, ito ay ang
magkaibigan na Juan at Mario. Lagi silang magkasundo at nagtutulungan sa lahat ng bagay. Kaya naman higit na sa totoong magkapatid ang kanilang turingan. Ang hilig ng dalawa ay kumain ng fishball tuwing hapon pagkatapos ng klase. Si Juan ay pinanganak na may gintong kutsara sa bibig, kaya ito ay pilyo kong minsan at mapurol ang utak dahil laki ito sa layaw kabaliktaran naman ito sa kanyang kaibigan na si Mario, siya ay anak-dalita ngunit matalino kaya lage siyang nangunguna sa klase. Ang dalawa ay parehong mabait at bukas ang palad. Sabado ng umaga naisipan ni Juan na puntahan si Mario sa kanilang bahay uoang maglaro ng basketball. Pagkarating sa bahay ni Mario ay agad nitong kinatok ang pintuan ng marahan (Tok! Tok! Tok) “Tao po.. Tapo..”. Pagkatapos ay bumukas ang pintuan at bumungad ang Itay ni Mario “Oh iho ikaw pala si Mario ba ang hinahanap mo ?” aniya, “Opo, aanyayahan ko sanang maglaro ang anak ninyo, nariyan po ba sya ?” tugon naman nito. Saglit pa lamang ay biglang lumabas si Mario sa kanyang silid, “Juan ikaw pala bat naparito ka ?” aniya, “Halika na’t maglaro tayo sa labas para naman makahanap tayo ng chix” pabirong tugon ni Juan. “Loko ka talaga Juan baka maniwala ang Tatang ko niyan. Tang maglalaro lang ho kami ni Juan sa labas” paalam ni Mario sa kanyang Itay “Sige anak at mag-iingat kayo” tugon naman nito sa kanyang anak. Ilang minuto lang ay nakaalis na ang dalawa. “Mabuti naman at pinayagan kang umalis ng ermat at erpat mo Juan” sabi ni Mario habang nilalaro ang bola, “Busy kasi sila mom at dad kaya ok lang” tugon nito sa kanya. Naging patuloy lang ito sa kanilang paglalaro at umabot ng ilang oras. Kalaunan ay napagod na ang dalawa kaya tumigil muna sila sa paglalaro. Ilang saglit lang habang sila ay nagpapahinga napagsundoan ng dalawa na pumunta sa ilog upang mamingwit ng isda dahil sa dulot ng tinding pagod ay nais muna nilang maglibang. Masaya na naglalakad ang dalawa. Mula sa kanilang kinaroroonan ay abot tanaw na nila ang rumaragasang ilog. Maganda ang panahon kaya naman masarap mamingwit sa mga oras na iyon. Habang sila ay papalapit ay may napansin si Mario na tila bang may humingi ng tulong at nakita naman ito ni Juan, isang bata na tinanghay ng malakas na agos ng ilog kaya kumaripas sila ng takbo upang tulungan ang bata sa pagkakalunod. “Tulong! Tulong! Tulongan ninyo ako!” sigaw ng bata. Dahil sa sobrang lakas ng agos ay talagang mahihirapan na languyin ang bata kaya naisipan ni Mario na itali ang sarili at si Juan ang hahatak sa kanya, “Juan kumuha ka ng lubid dali!” at dali-dali naman itong naghanap at agad ay may nakita naman ito pero imbis na lubid ay pisi ang kanyang binigay, “Ano ka ba Juan hindi ‘yan kakayanin ng pisi lamang”. Napag-isip ni Mario na baka matagalan sila sa paghahanap ng lubid kaya naman matibay na baging ang kanilang ginamit. Nilangoy ni Mario ang bata at nakuha niya ito at hinatak ng buong lakas ni Juan ang dalawa upang maiahon agad sila sa ilog hanggang sa tuluyan na nilang nailigtas ang bata. Malaking pasasalamat ng pamilya ng bata sa kabayanihan ng dalawa. At dahil sa pangyayaring iyon ay hindi na nila ipinagtuloy ang pamimingwit sa halip ay kumain na lang sila sa kanilang paboritong fishball. Ang kabutihan ng magkaibagan na Mario at Juan ay ipinagmamalaki ng kanilang pamilya at dahil doon ay naging mas matibay pa ang kanilang pagkakaibigan.