You are on page 1of 2

Banghay-Aralin sa Filipino

I. Layunin
A. Natatalakay ang paksang "Ang Batang Espesyal";
B. Nakapagbibigay ng sariling opinyon ukol sa paksa;
C. Nakagagawa ng maikling dula tungkol sa paksang tinalakay.

II. Paksang-Aralin
A. Paksa: "Ang Batang Espesyal"
B. Sanggunian: Aklat sa Filipino 10
C. Kagamitan: babasahin, pandikit, kartolina,larawan, laptop, ispeker

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng liban
d. Pampasiglang-Gawain
B. Balik-Aral
a. Ano ang nilalaman ng kwentong "Ang Magkakapatid"?
b. Bakit mayroong magkakapatid na nagbabangayan?
C. Pagganyak:
D. Paglalahad ng Aralin:
E. Presentasyon ng Layunin:
1. Talasalitaan
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salitang nasa Hanay A.

HANAY A HANAY B
1. karangyaan a. mahirap
2. mapalad b. maswerte
3. dukha c. mayaman
4. mabuwal d. pag-alalay
5. inaakay e. mabagsak

2. Talakayan
3. Mga tanong
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?
2. Ano ang katangian ng batang espesyal sa kwento?
3. Kung ikaw ang kapatid ni Pepe, paano mo siya pakikisamahan? Bakit?

F. Paglalahat
Para sa iyo, paano mo aalagaan ang mga batang may likas na kapansanan?

G. Paglalapat
Panuto: Bawat pangkat ay gagawa ng pagsasadula tungkol sa paksang tinalakay.

PAMANTAYAN
Nilalaman -15 puntos
Presentasyon — 10 puntos
Kooperqsvon -5 puntos
Kabuuan - 30 puntos

IV. Pagtataya
Panuto: Lapatan ng tamang sagot ang bawat patlang at isulat ito sa isang-kapat na papel. May
dalawang puntos ang bawat bilang.

1. Ang batang espesyal ay si ___.


2. Hindi kinikitaan ng panghihina ang ___ ni Pepe sa pag-aalaga sa kanya
3. Ang mga magulang ni Pepe ay sina ___.
4. Si Pepe ay ___ sa magkakapatid.
5. Ang mga kapatid ni Pepe ay ___ sa kanya.

V. Takdang-Aralin
Panuto: Gumawa ng sariling repleksyon tungkol sa kwento at isulat ito sa isang buong papel.

Inihanda ni:
G. Jay Mark F. Lastra

You might also like