You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
BARTOLOME SANGALANG NATIONAL HIGH SCHOOL
BARAWID ST., SAINT JOHN DIST., GUIMBA, NUEVA

Banghay Aralin sa Filipino 7


Ikatlong Markahan

Marso 12, 2023

UNANG SESYON
I. Layunin:
A. Naisasalaysay nang maayos at magkakaugnay ang mga pangyayari sa nabasa o
napanood na mito/alamat/ kuwentong-bayan (F7PS-IIId-e-14)
1. Naibabahagi ang sariling opinyon na may kalinawan at kaayusan

II. Nilalaman:
A. Paksa: Mito, Alamat at Kuwentong Bayan
- Ang Duwende (Kuwentong bayan ng Legaspi, Albay)
B. Mga Kagamitang Pampagtuturo:
1. Sanggunian:
a. K to12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes, pahina
144-145
b. Mga Pahina sa Gabay na Guro pp. 159-161

III. Pamamaraan
A. Balik-Aral
● Ano ang inyong naunawaan sa kuwentong bayan na tinalakay?

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:


Pokus na Tanong:
1. Paano ninyo maisasabuhay ang aral na nakuha ninyo mula sa kuwentong binasa?

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin:


● Paghawan ng sagabal
Panuto: Buuin ang mga letra sa loob ng bilog na aangkop sa kahulugan ng mga salita sa
bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.
S I K B A G K N
O L I I N A A G A
N I L Y L A B

1. Ginawa_______ 2. Nag-apoy___________ 3. Nagplano__________

O Y A I L U
R O N N A Y H
R I D P A K

4. pangkaraniwan _________ 5. Kalokohan____________

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan


● Pagpapabasa ng isang kuwento na may pamagat na “Ang Duwende”
1. Sino-sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
2. Saang lugar naganap ang kuwento?
3. Ilarawan ang mga katangian ng Duwende.
4. Ano ang kaisipan ang napulot sa kuwento?
5. Totoo bang may kapilyuhan ang mga duwende? Patunayan.
6. Ayon sa kuwento, bakit dapat isara ang pinto at bintana?
7. Bakit nasipa ng dalawang magkapatid ang gasera?
8. Sa iyong palagay dapat bang katakutan ang duwende?

E. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw na Buhay.


● Sasagutin ng mag-aaral ang tanong na:
1. Kung ikaw ang magulang sa binasang akda, ikukuwento mo rin ba sa iyong anak
ang mga kuwentong bayan na katulad nito? Bakit?
IV. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong tungkol sa akdang “Ang Duwende”
isulat ang tiktik ng tamang sagot pagkatapos ng bilang.
1. Ano ang itsura ng duwende?
a) maitim ang buhok c) walang balbas
b) mapula ang mukha d) mataba at maitim
2. Bukod sa pagiging pilyo, ano raw ang isa pang katangian ng duwende?
a) matulungin c) mapagbiro
b) mapanira d) matapang
3. Ayon sa kuwento, ano ang ugali ang gawain ng mga duwende?
a) naninira ng gamit c) namamalo ng bata
b) nangangagat ng bata d) nangunguha ng bata
4. Ano ang maaring mangyari sa mga taong may sinasabing masama sa mga duwende?
a) nawawala c) binibiyayaan
b) pinaparusahan d) tinatakot
5. “Ang duwende” na ay isang akdang pampanitikan na
a) mito c) parabola
b) kuwentong bayan d) alamat

B. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit ayon sa gamit ng


pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Mag iingat sa mga kakaibang nilalang baka ikaw ay mapahamak.
a. nilikha b. binuo c. kasama
2. Sa panahon ngayon iwasan ang mga taong tuso.
a. palaaway b. mapanglamang c. mayabang
3. Mukhang balisa ang aking ina dahil palakad lakad siya sa kabila.
a. di- mapakali b. di-makausap c. di-makatingin
4. Ang duwende ay kinakatakutan ng mga tao.
a. malaking nilalang b. maliit na nilalang c. unano
5. Madaling maasar ang aking kaibigan sa tuwing tinutukso siya.
a. mainis b. matuwa c. malungkot
Inihanda ni:

Marita Rose R. Dacayo


Gurong Nagsasanay

Siniyasat:

Maria Camille V. Santiago


Gurong Tagasanay, Dalubguro I - Filipino

Natunghayan ni:

ROMEO F. ASUNCION, PhD


Ulong Guro III, Filipino

You might also like