You are on page 1of 6

AMPID NATIONAL HIGH SCHOOL

Ampid II, San Mateo, Rizal

LESSON EXEMPLAR PAARALAN: AMPID NATIONAL BAITANG: PITO


USING THE IDEA HIGH SCHOOL
INSTRUCTIONAL GURO: GERALD L. SORIANO ASIGNATURA: FILIPINO
PROCESS
PETSA: HUNYO 29, 2021 MARKAHAN: IKAAPAT NA
MARKAHAN
ORAS : IKA – 10 NG UMAGA BILANG NG ARAW :

I.LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa
bisa ng binasang bahagi ng akda.
 Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon
kaugnay ng Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna.
 Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng korido.
 Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng
Ibong Adarna.
A. Pamantayang Pangnilalaman  Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong Adarna bilang isang
obra maestra sa Panitikang Pilipino.
B. Pamantayan sa Pagganap  Naisasagawa ng mag – aaral ang malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong
ng koridong naglalarawan ng mga pagpapahalagang Pilipino.
C. Pinakamahalagang Kasanayan  Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa
sa Pagkatuto (MELC) kung bisa ng binasang bahagi ng akda.
mayroon, isulat ang F7PB-IVa-b-20
pinakamahalagang kasanayan
sa pagkatuto o MELC  Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon
kaugnay ng Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna. F7PB-IVg-h-
23
D. Pagpapaganang Kasanayan
(kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan)
II. NILALAMAN Ibong Adarna (Korido)
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Mga Sanggunian Modyul sa Filipino 7
a. Mga Pahina sa Gabay ng MELC FILIPINO G7 Q4, Curriculum Guide: (p. 146)
Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang mag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Mga larawan na nakapowerpoint, internet access, video, at google meet.
Panturo para sa mga Gawain
sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction Panalangin
(Panimula)  Papangunahan ng isang mag – aaral.

Pagtatala ng Dumalo at Liban sa Klase


 Tatawagin ng guro ang lider sa bawat grupo.
Ang Napapanahong Pagpapaalala:
 Ipapaalala ng guro sa mga bata ang mga panuntunan sa online learning gaya
ng pag-iwas sa pagbubukas ng mikropono kung hindi kailangang magsalita,
ilagay sa maayos na lagayan ang cellphone upang hindi ito magalaw at iba
pa.

Paunang Pagtataya:
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang orihinal na pamagat ng Ibong Adarna?


a. Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Prinsipeng
Magkakapatid na Anak nang Haring Fernando at Reyna Valeriana ng
kahariang Berbania.
b. Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Dalawang Prinsipeng
Magkakapatid na Anak nang Haring Fernando at Reyna Valeriana ng
kahariang Berbania.
c. Ang Alamat ng Ibong Adarna
d. Ang pagpapagaling ng Ibong Adarna kay Haring Fernando.

2. Ano ang sukat ng koridong Ibong Adarna?


a. Walong sukat c. Walong taludtod
b. Walong pantig d. Lahat ng nabanggit

3. Naging malaking bahagi ng panitikan ang Ibong Adarna na


pinaniniwalaang nagmula sa bansang ____________
a. Pilipinas c. Espanya
b. Mehiko d. Amerika

4. Kahit hindi nagmula sa Pilipinas


a. Balbal c. Lalawiganin
b. Kolokyal d. Pampanitikan
5. Ito ang pinaka mataas na antas ng wika na karaniwang ginagamit sa
pagsulat.
a. Balbal c. Lalawiganin
b. Kolokyal d. Pampanitikan

Pagganyak:
Gawain 1: “Larawan ko, Ipaliwanag Mo!”
Panuto: Ibigay ang iyong sariling pananaw ukol sa larawang nakalahad.
(Tatawag ang guro kada grupo ng isang miyembro para ibigay ang kanilang mga
sariling pananaw sa mga larawan)

1. Bakuna laban sa Covid19

Indicator 1
2. Pamilya

3. Anak sa Magulang

 Pagkatapos ng unang gawain ay itatanong ng guro sa mga mag-aaral kung


may ideya naba sila sa magiging paksa sa umagang ito, bilang karagdagan,
may ipapanood ang guro na isang video na kung saan magiging daan para
malaman ng mag-aaral ang magiging paksa ng talakayan.
Indicator 3
Gawain 2: Alam Ko Ba Ito?
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong tungkol sa ating paksa
ngayong umaga. Gamit ang comment box, gumamit ng mga hugis; tatsulok kung
alam mo ang kasagutan sa tanong, bilog naman kung may kaunti kang nalalaman
tungkol dito at parisukat naman kung hindi mo pa alam ang kasagutan.

1. Saan nagmula ang akdang Ibong Adarna?


2. Kailan at paano ito nakarating sa Pilipinas?
3. Bakit ito ipinalaganap sa ating bansa?
4. Bakit ito tinangkilik ng mga Pilipino noong panahon ng Espanyol?
5. Anong uri ito ng akdang pampanitikan? Ano – ano ang katangian nito?

B. Development Mga Tauhan ng Ibong Adarna


(Pagpapaunlad)
Magpapanuod ng isang mailkling kuwento at sasagutin ng mga mag-aaral ang
mga tanong pagkatapos panoorin ito.

Ibong Adarna : https://www.youtube.com/watch?v=er3EID03smc

Sagutin ang mga tanong:


Indicator 2 1. Anong damdamin ang naramdaman mo habang pinapanuod ang isang
kuwento?
2. Tungkol saan ang pinanuod na maikling kuwento?
3. Bakit mahalagang hindi makalimutan at patuloy na basahin ang mga
maikling kuwento gaya ng pinanuod na Ibong Adarna?

A. Pagtalakay sa Kaligirang Kasaysayan ng Ibong Adarna


 Pagkatapos talakayin ang awiting bayan at uri nito magbibigay ang guro ng
mga halimbawa ng awiting bayan at itatanong sa mga mag aaral kung ano
ang ibig sabihin ng mga awiting ito.
Mga Gawain
 Magbibigay ang guro ng ilang gawain batay sa aralin. Batay sa kanilang
kakayahan, bibigyan sila ng oras ng guro na gawin ang mga gawaing
nakatala sa ibaba.

Gawain 3: (Asynchronous)
Panuto: Sagutin ang tanong.

 “Bakit mahalaga ang pag – aaral ng Kaligirang Pangkasaysayan bago


simulan ang paksa o aralin?”

 Sa kasalukuyan, saan mo maihahalintulad ang Ibong Adarna lalo na at nasa


panahon tayo ngayon ng pandemya?

 Pumili ng isa sa mga tauhan sa kuwentong Ibong Adarna at ihalintulad ito


sa taong kilala mo.

C. Engagement Pangkatang Gawain: Bakit kaya?


(Pagpapalihan) Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong at ipaliwanag. Nagtataglay ng
bisa ang ilang bahagi ng akda na ating binasa. Bakit kaya isinasama at binibigyang
– diin ng may-akda ang mga ito? Ilahad ang inyong sariling pananaw tungkol sa
motibo o dahilan ng may-akda sa pagsasama nito. Gumamit ng hindi bababa sa
tatlong pangungusap sa iyong paliwanag. Gawing gabay ang rubriks sa
Indicator 2 pagsasagot.
1. Ikinalulungkot ng buong kaharian ang pagkakasakit ng kanilang hari. Sa

aking palagay ang motibo ng may – akda sa paglalagay ng bahaging ito ay


2. Handang humarap sa pagsubok at ilagay sa panganib ng mga anak ang


sariling buhay para sa kapakanan ng ama. Sa aking palagay ang motibo ng
may – akda sa paglalagay ng bahaging ito ay …

3. Pinaiiwas ng matanda si Don Juan na mahumaling sa mahiwagang puno


upang makaiwas siya sa kapahamakan. Sa aking palagay ang motibo ng may
– akda sa paglalagay ng bahaging ito ay …
4. Ang taong may maitim na budhi ay di kailanman nagtatagumpay. Sa aking
palagay ang motibo ng may – akda sa paglalagay ng bahaging ito ay …

D. Assimilation Gawain 4: KATOTOHANAN O HAKA – HAKA


(Paglalapat) Panuto: Tukuyin kung ang bawat pahayag ay katotohanan o hindi. Isulat ang
FACT kung ito ay katotohanan at BLUFF naman kung ito ay hindi
makatotohanan.
_______ 1. Isinulat ng isang kilalang manunulat na Pilipino ang Ibong Adarna.
_______ 2. Si Don Juan ang nakahuli sa Ibong Adarna na makakagamot sa
kanilang amang hari.
_______ 3. Dahil sa masamang panaginip kaya nagkasakit ang hari ng Berbanya
na si Haring Fernando.
_______ 4. Ang orihinal na bersiyong nakarating sa Pilipinas ay mayroong 1,056
na pahina.
_______ 5. Tanging ang hibla ng pakpak ng Ibong Adarna ang makakapag
pagaling sa sino mang may sakit.
_______ 6. Nagiging bato ang tatamaan ng dumi ng Ibong Adarna.
_______ 7. Ang Ibong Adarna ay nasa dalawang anyong romansa, ito ay Awit at
Korido.
_______ 8. Maraming aral ang matututunan sa pagbabasa ng kuwentong Ibong
Adarna.
_______ 9. Sa tatlong magkakapatid na prinsipe, wala sino man ang nagtaksil sa
isat isa.
_______ 10. Ang korido ay mayroong walong pantig kada taludtod.

MAALAALA MO KAYA
 Bago dumako sa pagsusulit, magkakaroon muna ng pagbabalik tanaw gamit
ang mga tanong na manggagaling sa guro. Kailangan lamang sagutin ito ng
mga mag aaral. Sasagutin lamang ang mga tanong sa Unang Pagtataya.

Unang Pagsusulit:
Indicator 3 Magbibigay ng mga katanungan ang guro tungkol sa unang aralin at kailangan
itong sagutin ng mga magaaral. (Quizizz)

Paglalahat sa Aralin:
 Pasasagutan ng guro sa mag aaral ang tatlong katanungan tungkol sa pinag
aralan.

1. Ano ang aking natutunan sa Aralin?

2. Ano ang naramdaman ko habang ginagawa ko ang mga Gawain?

3. Ano ang nais ko pang malaman tungkol sa aralin?

V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga mag aaral sa kanilang kuwaderno ng kanilang naramdaman o
reaksiyon at natutunan sa unang aralin. Gawing gabay ang format sa baba

Sa araling ito, naunawaan ko na ______________________


Sa araling ito, nabatid ko na __________________________

Kasunduan:
 Magsaliksik ng ilan pang mahahalagang katotohanan tungkol sa kasaysayan
ng Ibong Adarna. Humanda ding ibahagi ito sa klase sa susunod na
Indicator 3 pagkikita.
Inihanda ni:

GERALD L. SORIANO
Guro sa Filipino 7

You might also like