Professional Documents
Culture Documents
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitika
n ng Kabisayaan
KASANAYANG PAGGANAP: Naisusulat ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitkan ng
Kabisayaan
I. Layunin
A. Nailalahad ang mga elemento ng Maikling Kuwento ng Kabisayaan F7PB IIi-11
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtatala ng mga lumiban sa klase
B. Pagbabalik-Aral
1. Anong pamagat ng akdang atiing binasa noong nakaraang araw?
2. Anong aral ang tumatak sa iyong puso matapos mong basahin ang akda?
C. Pagtatalakay
1. Tagpuan
Tumutukoy ito sa pook at panahong pinangyarihan ng mga tagpo sa akda , naglalarawan ito ng
ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan. Inilalarawan ito ng buong linaw,pati na rin ang
kaugalian ng mga nasa kapaligiran ay masisinag sa mabisang pamamaraan.
2. Tauhan
Kaunti lamang ang mga tauhan ng maikling katha bagama’t laging may pangunahing tauhan.Ang
iba pa sa kwento ay tumutulong lamang sa lalong ikatitingkad ng pagganap ng pangunahing
tauhan sa akda. Sa kanyang galaw at ugali nakasalalay ng malaki ang kagandahan ng akda.
Kailangang siya’y maging tunay at buhay. Siya at ang iba pang tauhan ay inilalarawan nang di-
tuwiran .Makikilala sila sa pamamagitan ng kanilang panlaas na kaanyuan Pisika at
pananamit ,kilos na nagpapahiwatig ng kanilang ugali at piling mga salita.
3. Banghay
1 .Simula
Sa bahaging ito paasahin ng may-akda ang mga mambabasa sa wili at kapana-panabik na
akda ,pagpapakilala ng tauhan ,pagpapahiwatig ng mga suliraning kakaharapin ng tauhan,pagkakintal
sa isipan ng mga mamababsa ang damdaming palitawin sa kuwento,paglalarawawn ng tauhan.
2.Tunggalian
Ito ay nagbibigay- daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-
panabik ang mga pangyayari kaya’t sinasabing ito ang sanliga ng akda nagsisimula ito sa
paghahangad ng pangunahing tauhan na hahadlangan ng sinuman o anuman sa katuparan. Ang
sagabal o katunggaling lakas ay dapat na mababagay sa kahalagahan ng layunin.Ang dapat na
magdulot ng pananabik at kasiyahan sa mga mambabatas sa dakong huli.
3.kasukdulan
Dito nagwawakas ang tunggalian.Pinakamasidhing pananabk ang madarama ng mga
mambabasa sa bahaging ito sapagkat dito pagpapasyahan ang kapalaran ng pangunahing tauhan
o ng bayani sa kuwento. Subalit bago sumapit ang pinakarurok na ito ng kasabikan ,kailangang
magduyan muna ang pananabik ng mambabasa sa isang lundo na sa isang saglit ,mabibitin ang
tinurang pananabik sa kahihinatnan ng pangunahing tauhan.
4.Kakalasan
Dito ipinakikita ang unti-unting paglutas sa suliraning kinaharap ng pangunahing tauhan sa
akda.
5.Wakas
Bagama’t ang isang maikling kuwento ay maaari nang magwakas sa kasukdulan may mga
pagkakataong kailangan pa rin ang isang kautusan upang ipahayag ang mga pangyayari
pagkatapos ng kasukdulan.Maaari itong ipaloob ang paliwanag o pahiwatig sa tiyak na sinapit ng
pangunahing tauhan sa halip na ipaubaya na lamang sa mga mambabasa.
D. Pangkatang Gawain
Subukin ang iyong husay sa pagkilala sa mga element ng maikling kuwento.Ilahad ang mga
Tauhan:
Tagpuan:
Banghay:
Simula
Simula: Tungalian:
kasukdulan
kakalasan wakas
E. Paglalapat:
Bakit mahalagang malaman o mapag-aralan ang Elemento ng Maikling Kuwento ng mga mag-aaral na
tulad mo?
IV. Pagtataya:
V. Takdang-Aralin
1. Ano –ano ang uri ng maikling kuwento
2. Tukuyin kung saan nauuri ang akdang binasa nna pinamagatang “ Si Pinkaw”
Inihanda ni:
Regina B. Loberto
Shirley A. Diaz
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mgga ag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng
Kabisayaan
KASANAYANG PAGGANAP: Naisusulat ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng kabisayaan
I. Layunin:
A. Nasusuri ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa napakinggang maikling kuwento
B. Naisasalaysay nang maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
A. Paksa
Pagtalakay sa nilalaman ng maikling kuwento na “Pinkaw”
B. Sanggunian
Pinagyamang Pluma 7
p.232-236
Ailene G. Baisa-Julian
Nestor S. Lontoc
Carmela H. Esguerra
C. Kagamitan:
Larawan,,Power Point at mga kagamitang biswal
A.Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. pagbati
c. Pagtala ng mga lumiban sa klase
B.Pagbabalik –Aral
1.Sa anong uri ng pamilya nagmula angmagkakapatid na sina Labaw,Donggon,Humadapnon, at
Dumalapdap.
2.Kung ikaw ang isa sa asawa ni Labaw DDonggon,ano ang gagawin mo sa pagiging mahilig ng iyong
Asawa sa magagandang babae?
3.Paano ipinakita ng mga anak niyang sina Baranugon at Asu Mangga ang pagmamahal sa kanilang ama?
C. Pagganyak:
1.Sa kabila ng kaniyang kahirapan,paano mo ilalarawan si Pinkaw bilang isang tao?at bilang isang ina?
2.Paano siya naiiba sa iba pang nakatira sa tambakan?
3. Kung ikaw ang nakakita sa kaawa-awang kalagayan ng mag-iina habang nagpipilit ang inang madala sa
pagamutan ang naghihingalong mga anak, ano ang gagawin mo?
D. Pagtalakay sa Paksa:
A. Masining na pagpapabasa sa maikling kuwentong Hiligaynon na si Pinkaw.
B. Pagbibigay ng ilang mga gabay na tanong
C. Pangkatang Gawain:
Suriin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa napakinggang Maikling Kuwento.Tukuyin kung
ang mga ito ay nakaayos nang ayon sa tamang pagkakasunod-sunod.Isulat ang bilang 1 hanggang 8
sa patlang.
______Nagkasakit ang mga anak ni Pinkaw dahil nakakain ng sirang pagkain mula sa ttambakan?
______.Nagising ang kapitbahay na siyang tagapagsalaysay sa ingay ng mga batang sumusunod at
Nanunukso kay Pinkaw.
______ Namatay ang tatlong anak ni Pinkaw na siyang naging sanhi ng pagkawala ng kaniyang
Katinuan?
______ Nanumbalik sa alaala at isinalaysay ng kapitbahay ang naging buhay ni Pinkaw bago ito nabaliw.
______Paghahalukay ng basura ang naging hanapbuhay ni Pinkaw.
______Sa kabila ng mahirap niyang buhay ay masaya pa rin si Pinkaw at nagsabing hindi naya iaasa ang
buhay sa Gobyerno.
______Sinaway ng kapitbahay ang mga bata sa ginagawa nila kay Pinkaw.
______ Walang tumulong sa mag-iina kahit nakita na nilang naghihingalo na ang mga batang nasa
kariton.
IV. Pagtataya:
Tukuyin kung katotohanan o opinyon ang mga pahayag ayon sa binasa .Isulat ang k kung katotohanan at o
kung ito ay opinyon.
V. Takdang Aralin
Ano ang kahulugan ng Denotasyon at Konotasyon ilahad ang pagkakaiba.
KASANAYANG PAGGANAP: Naisusulat ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan
ng kabisayaan
I. Layunin:
A. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa kuwento batay sa a)kontekstuwal na
pahiwatig at b) denotasyon at konotasyon
B.Sanggunian
Pinagyamang Pluma 7
p.231-232
Ailene G Baisa –Julian
Nestor S.Lontoc
Carmela H. Esguerra
B. Kagamitan
Power Point at mga kagamitang biswal
C. Pagganyak
Kilalanin ang kasingkahulugan ng salitang nakalihis batay sa konteksto ng
pinaggamitang pangungusap.Piliin ang sagot sa loob ng kahon
D. Pagtalakay sa Paksa:
a.Pagbibigay kahulugan sa mga salitag ginamit sa kuwento batay sa denotasyon at
konotasyon.
b. Pangkatang Gawain:
Magbigay ng mga salita at ilahad ang kahulugan gamit ang diksiyunaryo at pansariling
kahulugan.
IV. Pagtataya:
V. Takdang Aralin:
1. Ibigay ang kahulugan ng Dokyu-Film.
2. Magbigay ng mga halimbawa ng isang dokyu-film
KASANAYANG PAGGANAP: Naisusulat ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng
kabisayaan
I. Layunin
A.Nasusuri ang isang dokyu-film o freeze story batay sa ibinigay na mga pamantayan
B. Nagagamit nang wasto ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay at pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari ( isang araw,samantala,at iba pa)
B. Sanggunian
Pinagyamang Pluma 7
p.244-245
Ailene G. Baisa-Julian
Nestor S. Lontoc
Carmela H. Esguerra
C. Kagamitan
Power Point at mga kagamitang biswal
III. Pagpapalawak ng Aralin
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng lumiban sa klase
B. Pagbabalik- Aral
1. Ano ang kahulugan ng denotasyon at konotasyon magbigay ng halimbawa nito
C. Pagganyak:
1.Subuking punan nga angkop na salitang ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari upang
mabuo ang diwa ng pagsasalaysay
D. Pagtalakay sa Paksa
1. Pagpapanood sa isang dokyu-film na “Tell me your Dreams ”
2. Pagbibigay ng mga gabay na tanong tungkol sa pinanood
3. Matatalakay ang mga pang-ugnay na ginamit sa pagsasalaysay o pagsusunod-sunod ng
pangyayari sa kuwento
IV. Pagtataya:
Tukuyin at salungguhitan ang mga salitang ginamit sa pagsasalaysay o pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento.
Noong unang panahon may isang maralitang mag-iinangg nakatira sa tambakan.Isang araw
nagkasakit ang mga bata dahil nakakain sila ng pagkaing sira na napulot ng ina sa tambakan.Dali-
daling naghanap ang ina ng makatutulong sa kanila. Nagkataong naroon si Donato,ang kapitbahay
na nagmamalasakit sa pamilya .Maya-maya pa’y isinugod ang mga bata sa pinakamalapit na
pagamutan.Hindi nagtagal at ligtas na inuwi ang mga bata.Salamat sa maagap na pagtulong g
isang mabuting kapitbahay.
V. Takdang Aralin:
Sumulat ng isang orihinal na akdang nagsasalaysay gamit ang elemento ng isang maikling kuwento.