You are on page 1of 140

i

FILIPINO 7 (Mga Gawaing Pangkasanayan)

Karapatang-ari 2013 ng Phoenix Publishing House, Inc.


at nina Alma M. Dayag, Ailene G.Baisa-Julian, Carmela H. Esguerra,
at Nestor S. Lontoc

RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN


Ipinagbabawal na sipiin ang anumang bahagi ng aklat na ito nang walang pahintulot
mula sa mga may-akda o sa tagapaglathala maliban sa isang nagnanais na sumipi ng ilang
bahagi upang suriin sa isang magasin o pahayagan.
Pinagsikapan ng aming mga patnugot at tagapaglimbag na matagpuan ang mga
may-akda upang makuha ang kanilang permiso sa paggamit ng kanilang akdang may
karapatang-ari subalit kung hindi man naging matagumpay ang kanilang pagsisikap sa lahat
ng pagkakataon, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa tagapaglathala, ang Phoenix
Publishing House, Inc., Quezon City para sa karampatang pagkilala.
Ang anumang pagkukulang o kamalian sa pagsipi at iba pang kamalian na maaaring
nakapaloob sa aklat ay hindi sinasadya at pagsisikapang maiwasto sa susunod na
paglilimbag. Bukas ang Phoenix Publishing House, Inc. sa inyong mga komento at mga
pagwawasto.

Inilathala ng:
PHOENIX PUBLISHING HOUSE, INC.
927 Quezon Ave., Quezon City

Mga Telepono: 413-7744 (413-PPHI)


Fax: 410-9330
E-mail: service@phoenix.com.ph
ISBN: 978-971-06-3515-3

KASAPI: PHILIPPINE EDUCATIONAL PUBLISHERS ASSOCIATION

ii
KABANATA I
Aralin 1 Maayos na Pagtatanong at Pagsagot sa mga Tanong, 1–3
Aralin 2 Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin, 4–9
Aralin 3 Pang-uri, 10–18
Aralin 4 Pangungusap, 19–44
Aralin 5 Mga Ekspresyong Angkop Gamitin sa Pagbibigay ng Payo o
Mungkahi sa Liham, 45–52
Aralin 6 Pagsasaling-Wika, 53–61

KABANATA II
Aralin 1 Iba’t Ibang Paraan ng Pagtatanong, 62–67
Aralin 2 Mga Kawsatib na Pang-Ugnay, 68–76
Aralin 3 Kaantasan ng Pang-Uri, 77–84
Aralin 4 Mga Pang-Ugnay na Ginagamit sa Pagsang-Ayon at Pagtutol,
85–90
Aralin 5 Ang Pandiwa at ang mga Aspekto Nito, 91–102
Aralin 6 Pagbibigay-Kahulugan sa Tsart at Graph, 103–108
Aralin 7 Liham-Pangkaibigan, 109–111

KABANATA III
Aralin 1 Pagsasagawa ng Sarbey, 112–117
Aralin 2 Kayarian ng Pang-uri, 118–124
Aralin 3 Paggamit ng Pang-Angkop o Linker na -ng at na, 125–127
Aralin 4 Pang-abay, 128–134
Aralin 5 Pangatnig, 135–138

iii
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

Kabanata I, Aralin 1
MAAYOS NA PAGTATANONG AT PAGSAGOT SA MGA TANONG

Natutukoy ang pinakaangkop na sagot sa tanong.

Basahing mabuti ang sumusunod na tanong. Piliin at bilugan ang sa tingin


mo’y pinakaangkop o pinakatamang sagot sa bawat tanong.

1. Nararapat bang palaganapin natin ang pagmamahal sa bayan?

a. Mayroon na. b. Opo. c. Ewan ko.

2. May nabasa ka na bang kuwento tungkol sa pagmamahal sa bansa?

a. Siguro. b. Hindi po. c. Mayroon na.

3. Naunawaan mo ang mensaheng nais iparating ng kuwentong iyon, hindi


ba?

a. Wala pa. b. Mayroon na. c. Aba, oo.

4. Lahat kaya ng Pilipino ay nagmamahal sa Pilipinas?

a. Siguro. b. Wala pa. c. Ayoko.

5. Gusto mo bang gayahin ang mabubuting halimbawang ipinakita ng ating


mga bayani?

a. Siguro. b. Aba, oo. c. Ayoko.

1
Nakabubuo ng mga tanong na maaaring tugunin ng mga nakalahad na sagot.

Subukin mong bumuo ng mga tanong na maaaring tugunin ng mga nakalahad


na sagot sa ibaba. Gawing gabay ang mga pahiwatig na pangungusap.
1. Tanungin mo ang isang kaklase mo kung gusto niya rin bang mamalibot ang
buong Pilipinas.

Inaasahang Sagot: Oo.


2. Tanungin mo ang isa pang kaklase mo kung may hilig din ba siya sa
pamamasyal sa iba’t ibang lugar.

Inaasahang Sagot: Mayroon nga.


3. Tanungin mo ang isa mong kapatid kung may alam ba siya tungkol sa lugar
na inyong tinitirhan.

Inaasahang Sagot: Wala pa.


4. Tanungin mo uli ang iyong kapatid kung naunawaan na ba niya ang tungkol
sa inyong lugar pagkatapos mo itong ikuwento sa kanya.

Inaasahang Sagot: Oo naman.


5. Tanungin mo ang iyong magulang kung maaari ba kayong magsagawa ng
panayam sa kanya kaugnay ng lugar na inyong tinitirhan.

Inaasahang Sagot: Oo naman.

2
Nakabubuo ng mga tanong sa pamamagitan ng pagdudugtong
sa mga salitang pananong.

Ipagpalagay nating makahaharap mo ang iyong hinahangaang tao. Dugtungan


ang mga salitang pananong sa ibaba upang makabuo ka ng mga tanong kung saan
mapag-iisipan niya ang kabutihang naidudulot niya sa iyo bilang inspirasyon.

1. Ano

2. Sino

3. Saan

4. Bakit

5. Paano

3
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

Kabanata I, Aralin 2
MGA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN

Nakikilala ang emosyon o damdaming ipinahahayag ng mga pangungusap.

Kilalanin ang emosyon o damdaming ipinahahayag ng mga pangungusap sa


ibaba. Piliin ang sagot mula sa kahon.

a. Pagkabigla d. Paninindigan
b. Pagtataka e. Pasasalamat
c. Pagsang-ayon f. Pagkalungkot

1. Nakalulungkot ang dumaraming kaso ng mga juvenile delinquent.

2. Bakit ba nangyayari ito sa kabataan gayong sila ang itinuturing na


pag-asa ng bayan?

3. Tama, sa mabubuting kabataan nakasalalay ang pag-unlad ng


bayan.

4. Sagipin ang kabataan laban sa karahasan! Ngayon na ang tamang


panahon.

5. Salamat sa malasakit, kaibigan. Iya’y isang kabayanihan!

4
Natutukoy ang kahulugang ipinahihiwatig sa pangungusap.

Tukuyin ang kahulugang ipinahihiwatig ng sumusunod na pangungusap.


Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Salamat anak at malawak ang isip mo tungkol sa kalagayan natin.
a. Madali kang umunawa.
b. Malawak ang karanasan mo.
c. Mayaman ka.

2. Iyang si Ben nagpapalapad ng papel sa amo natin.


a. Gustong lumawak ang gawain.
b. Gustong mapaganda ang tingin sa kanya.
c. Gustong madagdagan ang yaman.

3. Bukal talaga sa loob ang ginawa mong pagtulong sa ating kasamahan.


a. Masipag ka talaga.
b. Maalalahanin ka.
c. Matapat ka sa pagtulong mo.

4. Parang kakaunti na lang ang katulad mo.


a. Mauubos ang mga katulad mo.
b. Kakaunti lang kayo sa pamilya
c. Mabait ka talaga.

5. Matigas ang ulo ng taong iyan, kaya laging napagsasabihan.


a. Ang hirap mong kasama.
b. Ang sama ng loob mo.
c. Ayaw mong makinig.

5
Nasusulat ang tamang pangungusap na nagpapahayag
ng emosyon o damdamin.

Punan ng tamang pangungusap na nagpapahayag ng emosyon o damdamin


ang mga patlang upang mabuo ang makabuluhang usapan. Gawing gabay ang
mga pahayag sa ilalim ng bawat linya.

Binibining de Leon: Binabati ko kayo Gina at Elsa! Napakahusay ninyo sa pag-


awit kanina sa palatuntunan.

Gina:
1. Pangungusap na nagpapahayag ng kasiyahan

Binibining de Leon: Naibigan nang husto ng mga manonood ang inyong pag-
awit. Ang lakas ng kanilang palakpakan.

Elsa:
2. Sambitlang may karugtong na pariralang nagpapahayag ng kasiyahan

Gina:
3. Pangungusap na nagpapahayag ng pasasalamat

Binibining de Leon: Pareho kayong magaling, Gina at Elsa. Magkaiba nga


lang kayo sa timbre ng inyong boses kaya magkaiba rin ang paraan ng
pagkakaawit ninyo sa kanta. Pero nakita n’yo naman ang reaksiyon ng mga
tao. Labis silang humanga sa naging bersiyon ninyo sa awiting iyan.

Gina:
4. Pangungusap na nagpapahayag ng pagsang-ayon

Elsa:
5. Sambitlang may karugtong na pariralang nagpapahayag ng tuwa

6
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

MGA PONEMANG SEGMENTAL

Nakikilala ang salitang nagtatapos sa ponemang glottal o impit na tunog.

Kilalanin kung aling salita ang nagtatapos sa ponemang /?/ glottal o impit na
tunog. Lagyan ng tsek (✓) ang kahong katapat ng mga salitang ito at lagyan naman
ng ekis (✗) kung hindi.

1. ligaya 6. sira

2. ina 7. bago

3. ugali 8. gusto

4. kotse 9. puso

5. dugo 10. hindi

7
Natutukoy ang salitang nagtatapos sa ponemang glottal
gamit ang kahulugan bilang gabay.

Basahing mabuti ang pares ng salita. Kilalanin kung aling salita ang nagtatapos
sa ponemang glottal /?/ o impit na tunog. Gawing gabay ang kahulugang nakakulong
sa panaklong. Lagyan ng tsek (✓) ang kahong katapat ng mga salitang nagtatapos
sa glottal /?/ at lagyan naman ng ekis (✗) kung hindi.

1. bata (child) – bata (robe)

2. tubo (sugarcane) – tubo (interest)

3. baga (lungs) – baga (live amber)

4. basa (read) – basa (wet)

5. sala (living room) – sala (sin)

8
Napapangkat sa tamang hanay ang mga salita ayon sa punto ng artikulasyon.

Isulat sa tamang hanay ang mga salita ayon sa punto ng artikulasyon gamit ang
ponemang nakasulat sa tabi nito bilang batayan.

bato (unang ponema) aliw (huling ponema)

dugô (huling ponema) ganap (unang ponema)

tahanan (unang ponema) salat (unang ponema)

nayon (unang ponema) tanda (unang ponema)

walâ (huling ponema) dagtâ (huling ponema)

Punto ng Artikulasyon

Panlabi Pangngipin Panggilagid Pangngalangala Glottal

9
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

Kabanata I, Aralin 3
PANG-URI

Natutukoy ang pang-uri at ang tinuturingan nito.

Salungguhitan ang pang-uri sa pangungusap at isulat sa patlang kung


pangngalan o panghalip ang tinuturingan nito.

1. Ang Makati ay mayamang lungsod.

2. Dito ay may malalaki at matataas na gusali.

3. Maraming negosyo ang matatagpuan dito.

4. Iba-iba ang empleyadong namamasukan dito.

5. Sila ay masisipag at responsable sa bawat gawain.

6. Lahat dito ay pawang abala.

7. Magandang balita ito para sa bansa.

8. Makatutulong din ito para magkaroon ng magandang


ekonomiya ang mga Pilipinas.

9. Magiging kaaya-aya ang Pilipinas para sa lahat.

10. Tayong makabansa ay tiyak na mapagpapala.

10
Napipili ang tamang pang-uri upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

Punan ng tamang pang-uri ang mga patlang upang mabuo ang diwa ng
pangungusap sa talata. Piliin ang pang-uri sa loob ng kahon.

bansang malaking maliliit malaking maayos pamahalaang

Paglaban sa Kahirapan

(1)
Upang malabanan ang suliranin ng kahirapan sa
(2)
Pilipinas ay naglunsad ng iba’t ibang programa ang
(3
Arroyo. Ilan sa mga ito ang pagpapatupad ng Medium Term Philippine

Development Plan upang mabawasan ang kahirapan ng bansa sa pamamagitan ng

pagpapaunlad ng mga pook rural at social sector investment. Ang ilan pang hakbang

ay ang paglulunsad ng programang Kapit Bisig Laban sa Kahirapan (KALAHI) upang


(4) (5)
mabigyan ng na programang pangkaunlaran ang

lokal na pamahalaan ayon sa kanilang pangangailangan at ang pagsasabatas ng Power

Reform Act (R.A. 9130) na inaasahang magiging dahilan ng pagbaba ng kuryente dahil

sa pagkakaroon ng kumpetisyon sa pagitan ng mga Independent Power Producers

(IPPS). Kasama rin sa programa ng pamahalaan ang pagbibigay ng tulong pinansiyal


(6)
at teknikal sa mga na negosyo mula sa programang One Town, One

Product, One Million.

11
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

URI NG PANG-URI

Natutukoy ang pang-uri at nasusuri ang uri nito.

Bilugan ang pang-uri sa bawat pangungusap at saka suriin kung panlarawan,


pamilang, o pantangi ang uri nito. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Nakabili ng bagong bahay sa Bulacan ang aking pamilya.

2. Mayroon itong dalawang palapag at tatlong silid-tulugan.

3. Maluwang ang sala at nakahiwalay ang hapag-kainan sa


kusina.

4. Sa likod bahay ay may malawak na hardin na puwedeng


taniman ng gulay at prutas.

5. Kasama kong titira rito ang aking magulang at dalawa kong


kapatid.

6. Binisita kami ng masayahin naming kapitbahay.

7. Dinalhan nila kami ng tinapay. Inipit Bulacan ang tawag nila


rito.

8. Inalok sila ni Nanay na roon na mananghalian. Ito raw ay


upang matikman nila ang lutong kapampangan ni Tatay.

9. Masaganang pananghalian ang aming pinagsaluhan.

10. Sana ay magkaroon ako ng mga bagong kaibigan dito sa


aming lugar.

12
Natutukoy ang pang-uri at napapangkat ito ayon sa uri.

Salungguhitan ang pang-uri sa pangungusap. Isulat sa tamang hanay ang


mga pang-uring sinalungguhitan.

1. Nababalisa ang aking kalooban dahil sa mahirap na kalagayan ng bansa.

2. Milyun-milyong tao ang walang hanapbuhay sa kasalukuyan.

3. Ang aking pakiramdam ay mabigat bunga ng problemang ito.

4. Lagi na lang hopyang Intsik ang nasa aming hapag-kainain.

5. Tigalawa kaming hopya ng aking kapatid.

6. Hindi ko na halos matikman ang paborito kong pansit Malabon.

7. Ang nagpapalakas sa akin sa kabila ng kahirapan ay ang mapagmahal


kong pamilya.

8. Kahit mahirap kami ay malulusog at masisigla naman.

9. Hindi kami pinababayaan ng dalawa naming magulang.

10. Alam kong kung magsisikap tayo ay darating ang panahong makaaahon
din ang lahing Pilipino sa kahirapan.

Panlarawan Pamilang Pantangi

13
Nakabubuo ng mga pangungusap batay sa uri ng pang-uring
tungkol sa pagiging positibo sa kabila ng kahirapang nararanasan.

Bumuo ng mga pangungusap na makatutulong sa mga Pilipinong maging


positibo sa kabila ng kahirapang kanilang nararanasan. Gawing batayan ang
hinihinging uri ng pang-uri sa pagbuo ng pangungusap.

1. Pang-uring Panlarawan

a.

b.

2. Pang-uring Pamilang

a.

b.

3. Pang-uring Pantangi

a.

b.

14
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

PARES MINIMAL AT PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN

Nasusuri ang pares ng mga salita kung ito’y pares minimal


o ponemang malayang nagpapalitan.

Suriin ang pares ng mga salita. Isulat sa patlang ang PM kung ang mga ito’y
pares minimal at PMN kung ang mga ito’y ponemang malayang nagpapalitan.

1. tela—tila

2. mesa—misa

3. lalake—lalaki

4. babae—babai

5. uso—oso

6. puso—poso

7. tutoo—totoo

8. pasa—basa

9. marumi—madumi

10. iwan—ewan

15
Natutukoy ang pares minimal na tinutukoy ng mga ibinigay na kahulugan.

Kilalanin kung alin sa mga pares minimal ang tinutukoy ng mga kahulugang
nasa kanan. Bilugan ang tamang salita.

1. isang bagay na maaaring maging sala—bala


sanhi ng kamatayan

2. sobra-sobra sa pangangailangan lapis—labis

3. manipis at pinong tela sutla—putla

4. namamaos na boses salat—malat

5. isang bagay na hindi na sariwa banat—panat

16
Naibibigay ang tamang ponema upang makabuo ng pares minimal.

Punan ng tamang ponema ang patlang upang makabuo ng pares minimal mula
sa mga pares ng salita sa ibaba. Gawing gabay ang mga kahulugang nasa loob ng
panaklong.

1. b lo b lo (namatayan ng asawa—palamuti sa ulo)

2. la i lai (bahagi ng mukha—lipi)

3. ayaw ayaw (pag-indak—asawa ng kapatid mong babae)

4. usot usot (magulo—ginagawa kapag naglalaba)

5. pa ay pa ay (wala nang buhay—butil na pangunahing


pagkain)

17
Napipili ang tamang salitang bubuo sa diwa ng talata.

Piliin at bilugan ang tamang salitang bubuo sa diwa ng talata mula sa pares
minimal na nasa loob ng panaklong.

Ang batang lalaki ay tinuruan ng amang huwag umiyak sapagkat

ang pag-iyak daw ay 1(patak—tatak) ng kahinaan. Ang kaisipang ito ay


2
(tila—tela) hindi makatarungan. Katunaya’y makatutulong ang pagluha

upang mabawasan ang 3(sakit—salit) na dulot ng anumang kabiguan.

Ito ay makapagdudulot ng ginhawa sa 4(poso—puso). Ang pagluha rin

ay nakapagpapaginhawa sa 5(baga—baka) ng tao. Bakit nga ba sa mga

babae ay katanggap-tanggap ang pagluha subalit sa mga lalaki ay hindi?

Hindi 6(pantay—bantay) ang pamantayang ito. Ang pagdaloy ng 7(luha—

lupa) ay nakapagpapabuti ng pakiramdam at kalusugan. Ito ang 8(sabi—

habi) ng mga eksperto. Sana ito ay 9(tumino—tumimo) sa isipan ng lahat

upang hindi na maging isyu ang pagluha ng mga lalaki. Kailangan din nila

ito upang makaiwas sa 10(abang—apang) kalagayan.

18
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

Kabanata I, Aralin 4
BAHAGI NG PANGUNGUSAP

Natutukoy ang simuno at panaguri sa pangungusap.

Suriing mabuti ang mga pangungusap. Salungguhitan ang buong paksa o


simuno at bilugan ang buong panaguri sa pangungusap.

1. Ang pagtutulungan ay mahalaga.

2. Ang anumang gawain ay napagagaan ng pagtutulungan.

3. Sinuman ay nangangailangan ng kaibigan.

4. Maaasahan siya sa oras ng pangangailangan.

5. Kasama mo siya sa pagkabigo at pagtatagumpay.

6. Ang pagtitiwala ay kailangang ibigay sa kaibigan.

7. Huwag hayaang masira ang isang magandang samahan.

8. Mahirap maibalik ang nasirang tiwala.

9. Ang matatag na relasyon ay tunay ngang kapuri-puri.

10. Pahalagahan natin ang ating kaibigan.

19
Suriing mabuti ang mga pangungusap. Salungguhitan ang mga paksa at
bilugan ang mga panaguri sa pangungusap.

1. Ang pagiging malinis ay kasunod ng pagiging maka-Diyos.

2. Ang kalusugan ay maituturing na kayamanang walang kapantay.

3. Pananagutan ng bawat isa ang pagiging malinis at malusog.

4. Hindi ito natatapos sa sariling katawan at tahanan lamang.

5. Kailangang pati ang pamayanan ay mapanatiling malinis at malusog.

6. Ang ating pakikiisa sa mga gawaing pampamayanan ay makatutulong


upang maging ligtas ito.

7. Maiiwasan ang malulubhang sakit gaya ng malarya, dengue, at iba pang


nakahahawang sakit.

8. Maiiwasan din ang malaking paggastos ng ating mga pamilya.

9. Ang perang pambili ng gamot ay maaari pang gamitin sa mas


kapakipakinabang na bagay.

10. Ang malusog na mag-anak ay karaniwang masaya.

20
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

AYOS NG PANGUNGUSAP

Naisusulat ang pangungusap sa kabaligtarang ayos


at natutukoy ang payak na simuno at payak na panaguri.

Isulat sa kahon ang ayos ng mga pangungusap sa Pagsasanay 1. Isulat muli


ang pangungusap sa patlang sa kabaligtarang ayos nito. Pagkatapos ay bilugan
ang payak na simuno at ikahon ang payak na panaguri. Ang unang bilang ay ginawa
na para sa iyo.
Mahalaga ang pagtutulungan.
1. di-karaniwan —

2. —

3. —

4. —

5. —

6. —

21
7. —

8. —

9. —

10. —

22
Isulat sa kahon ang ayos ng pangungusap sa Pagsasanay 1.1. Isulat muli
ang pangungusap sa patlang sa kabaligtarang ayos nito. Ang unang bilang ay
sinagutan na para sa iyo.

1. Kasunod ng pagiging maka-Diyos ang pagiging malinis.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

23
Nakabubuo ng pangugnusap gamit ang nakatalang payak na paksa at panaguri
at nasusunod ang hinihinging ayos ng pangugnusap.

Bumuo ng makabuluhang pangungusap hinggil sa kahalagahan ng malusog


na katawan at malinis na pamayanan sa buhay ng tao gamit ang mga paksa at
panaguri sa talahanayan. Sundin ang hinihinging ayos ng pangungusap sa bawat
bilang. Maaaring magdagdag ng iba pang salita ayon sa pangangailangan.

Paksa Panaguri
1. Kalihim ng Kalusugan — masipag
2. malnutrisyon — proyekto
3. barangay — malinis
4. gamot — ibinigay
5. Pilipino — malusog

1. Karaniwan

2. Di-Karaniwan

3. Karaniwan

4. Di- Karaniwan

5. Karaniwan

24
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

MGA URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT

Natutukoy ang uri ng pangungusap ayon sa gamit.

Isulat sa patlang ang PS kung ang pangungusap ay pasalaysay, PN kung


patanong, PU kung pautos o pakiusap, at PD kung padamdam.

1. Tungkol sa karapatang pantao ang pinag-uusapan sa Kongreso.

2. Anu-ano ang napag-usapan hinggil dito?

3. Paano naitadhana ang batas para sa ating karapatan?

4. Kumilos na tayo ngayon para matulungan ang mga naaapi.

5. Hay! Mukhang matatapos na ang pang-aapi ng mga mapag-


samantala.

6. Ang pagiging malaya ay maipagkakaloob na sa lahat.

7. Magsaya na tayong lahat.

8. Maaari ba kaming makisali sa inyong pagdiriwang?

9. Yehey! Ito’y isang malaking dahilan upang magsaya.

10. Simulan na natin ngayon ang paggalang sa karapatang pantao ng


ating kapwa.

25
Natutukoy ang pangungusap na hindi dapat mapabilang sa pangkat
at nakikilala ang uri nito ayon sa gamit.

Tukuyin kung aling pangungusap ang hindi dapat mapabilang sa pangkat.


Itiman ang bilog na katapat ng pangungusap na naiiba at isulat sa patlang ang uri
nito ayon sa gamit: PS kung ang pangungusap ay pasalaysay, PN kung patanong,
PU kung pautos o pakiusap, at PD kung padamdam.

1. Saan nagmula ang konsepto ng karapatang pantao?


Paano mo masasabing iginagalang mo ang karapatan ng
iyong kapwa?

Gusto kong mapangalagaan ang lahat ng aking karapatan.

Ano ang ginagawa mo para matulungan ang mga naabuso at


naaapi?

2. Mahusay ka talaga, kabataan!


Magsimula kang gumawa ng pagbabago sa pamamagitan ng
pagiging mabuting halimbawa.

Gumawa ka ng mga bagay na alam mong makatutulong sa


iyong kapwa.

Gawin mong mabuting halimbawa ang iyong sarili lalo na sa


mga mas batang umiidolo sa iyo.

3. Napangangalagaan ang karapatang pantao sa ating bansa.


May mga batas at programa ang pamahalaan para sa lahat.

Mayaman man o mahirap ay pantay sa harap ng batas.

Bakit marami pa rin ang naghahanap ng katarungan sa bansa?

26
4. Naku! Nagsimula na ang programa para sa mahihirap.
Ha! Magandang senyales iyan sa pagkakaroon ng katarungang
panlipunan.

Kilalanin mo ang nagpasimula nito.

Wow! Bumubuti na talaga ang kalagayan ng ating bansa.

5. Pwede ba akong makatulong sa iyo?


Maaari ba nating suportahan ang mga naabuso ng karahasan?
Saan natin sila makikita?
Pakibigyan naman ng aral ang mga lumalabag sa batas.

27
Nakabubuo ng mga pangungusap ayon sa gamit.

Bumuo ng mga pangungusap na may iba’t ibang uri ayon sa gamit hango sa
paksang nakalahad sa ibaba.

Karapatang dapat tamasahin ng bawat mamamayan

1. Paturol o Pasalaysay:

2. Patanong:

3. Pautos:

4. Padamdam:

Tungkuling inaasahan sa bawat mamamayan

5. Paturol o Pasalaysay:

6. Patanong:

7. Pautos:

8. Padamdam:

28
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

PAYAK NA PANGUNGUSAP

Nakikilala ang ginamit na uri ng payak na pangungusap.

Suriin ang sumusunod na payak na pangungusap. Isulat sa patlang ang A kung


ito ay may payak na simuno at payak na panaguri; B kung payak na simuno at
tambalang panaguri; C kung tambalang simuno at payak na panaguri; at D kung
tambalang simuno at tambalang panaguri.

1. Ang ating kabuhayan ay napagsamantalahan.

2. Ito ay maingat at maayos na naisagawa ng mga dayuhan.

3. Ang malayang pagpasok at paglabas ng mga produktong dayuhan


ay nakaapekto sa atin.

4. Ang teknolohiya at kaalaman nila ay nailipat at natutuhan natin.

5. Galing sa Pilipinas ang mga hilaw na materyales.

6. Maliit na buwis lamang ang ipinapataw rito.

7. Mahal ang mga makinarya at iba pang kagamitang elektroniks.

8. Nakatutulong at nakapagpapaunlad ito ng produksiyon.

9. Ang mga paniniwala at kaisipan natin ay dapat baguhin at paunlarin.

10. Sa tulong ng edukasyon at pamahalaan ay gawin nating kapaki-


pakinabang at maunlad ang ating buhay.

29
Natutukoy ang pangungusap na may naiibang pagkakabuo
at naisusulat ang uri nito.

Suriin ang mga pangkat ng pangungusap. Bilugan ang titik ng payak na


pangungusap na may naiibang pagkakabuo. Pagkatapos, isulat sa patlang sa
unahan kung anong uri ng pangungusap ang may naiibang pagkakabuong ito.

1.
a. Tayo ay makababangon sa tamang panahon.
b. Ang mga Pilipino ay lumalaban sa anumang pagsubok.
c. Hindi nila tayo matatalo at maaalipin nang basta-basta.
d. Mahuhusay tayo!

2.
a. Dapat magtulungan at magkaisa ang lahat.
b. Ito ay magsisilbing armas at proteksiyon natin.
c. Ang bawat isa ay nagsusumikap at nagtitiyaga sa buhay.
d. Madali nating makakamtam ang mga ambisyon at pangarap sa
buhay.

3.
a. Kinakailangang kumilos at magkaisa ang pamahalaan at ang bawat
mamamayan.
b. Ang kayamanan at ang kapangyarihan ay gamitin sa mabuti at sa
kapakinabangan ng lahat.
c. Hindi kailanman magagapi at maaalipin ang matatalino at mahuhusay
sa buhay na ito.
d. Ito ang dapat nating pagsumikapan.

30
Nakabubuo ng payak na pangungusap ayon sa anyo.

Bumuo ng payak na pangungusap ayon sa anyong nakatala sa bawat bilang


hango sa paksang nakalahad sa ibaba.

Maipagmamalaking produkto o kalakal ng mga Pilipino

1. Payak na Panaguri at Payak na Paksa:

2. Payak na Panaguri at Tambalang Paksa:

3. Tambalang Panaguri at Payak na Paksa:

4. Tambalang Panaguri at Tambalang Paksa:

Natatanging kakayahan at katangian ng mga Pilipinong


nakapagbibigay ng karangalan sa bansa

5. Payak na Panaguri at Payak na Paksa:

6. Payak na Panaguri at Tambalang Paksa:

7. Tambalang Panaguri at Payak na Paksa:

8. Tambalang Panaguri at Tambalang Paksa:

31
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

URI NG PANGUNGUSAP
AYON SA PAGKAKABUO O KAYARIAN

Nakikilala ang ginamit na uri ng payak na pangungusap.

Suriin ang sumusunod na mga pangungusap at isulat sa patlang ang T kung


tambalan, H kung hugnayan, at L kung langkapan.

1. Ang pagmamahal sa bayan ay katangi-tangi at ang mga Pilipinong


nagmamahal dito ay tunay na kahanga-hanga kaya’t di kataka-
takang sila ay bigyang-parangal ng bayan.
2. Ang mga Pilipinong nagmamahal sa bayan at sa kapwa ay yaong
nakapagbibigay parangal sa bansa samantalang ang mga
Pilipinong tumatangkilik nang sobra sa mga gawang dayuhan ay
nakapagpapababa ng ating pagka-Pilipino.
3. Sila ay nagpapagod at umuubos ng kanilang lakas upang
maitanghal ang Pilipinas.
4. Maraming uri ang pag-ibig at ito ay may iba’t ibang anyo.
5. Ang yaman at ganda ay mahalaga at ang talino at lakas ay kapaki-
pakinabang din sa tao ngunit ang mga ito ay maaaring mawalan
ng saysay sa tunay na umiibig.
6. Sapagkat ang Diyos ay pag-ibig, nararapat lamang na bigyan
natin Siya ng dakilang parangal.
7. Maraming mga tao ang nakilala sa pagpapalaganap ng pag-ibig
ng Diyos sa mundo at silang mga nagpapalaganap ng salita ng
Diyos ay nakaranas nang di biru-birong hirap.

32
8. Ang taong nagmamalasakit sa kanyang kapwa ay maituturing na
umiibig din sa Diyos kaya’t ugaliin nating tumulong sa ating kapwa.
9. Ang kalinisan ng puso ay bunga ng pag-ibig samantalang ang
karumihan ng puso ay bunga ng pagiging makasarili.
10. Ang mga taong umiibig ba ay masasabing maligaya o ang mga
taong mayaman ay masasabing higit na masaya dahil kaya nilang
makuha ang lahat ng bagay na naisin nila?

33
Natutukoy ang pangungusap na may naiibang kaanyuan.

Suriin ang mga pangkat ng pangungusap. Bilugan ang titik ng pangungusap


na may naiibang kaanyuan o pagkakabuo at isulat sa patlang sa unahan kung
anong uring pangungusap ang naiibang ito.

1.
a. Malaki ang nagagawa ng awit sa buhay ng mga tao.
b. Ito ay maaaring maging isang gamot sa mga taong nalulungkot.
c. Mainam itong maging libangan ng lahat ng uri ng tao.
d. Pahalagahan ito at huwag nating ipagwalambahala ang kalidad nito.

2.
a. Ang mga kundiman ay gustung-gusto kong pakinggan dahil
nagpapaalala ito sa aking lolo.
b. Upang hindi ko makalimutan ang kanyang alaala’y palagi akong
nakikinig nito.
c. Kapag naririnig ko ang awiting ito, ako ay tunay na nasisiyahan.
d. Ipinagmamalaki ko ito at ipinapangakong ituturo ko rin ito sa aking
magiging mga anak.

3.
a. Sumulat tayo ng mga bagong awit ng pag-ibig at ipadala natin ito sa
kinauukulan.
b. Ako ay bubuo ng isang rap samantalang ikaw ay bumuo ng isang pop
na kanta.
c. Ang pagkanta ba ay mas mainam o ang pagsulat ng kanta ay mas
maganda dahil mas naipahahayag mo ang tunay na nararamdaman
mo?
d. Makatutulong ito sa ating kalungkutan at ang buhay natin ay magiging
masaya.

34
Nakabubuo ng pangungusap ayon sa hinihinging uri.

Bumuo ng pangungusap ayon sa hinihinging uri nito tungkol sa uri ng pag-ibig


na makikita sa bawat bilang.

1. Pag-ibig sa Diyos (Tambalan):

2. Pag-ibig sa Magulang (Hugnayan):

3. Pag-ibig sa Kaibigan (Langkapan):

4. Pag-ibig sa Bansa (Tambalan):

5. Pag-ibig sa Kapwa (Hugnayan):

6. Pag-ibig sa Sarili (Langkapan):

35
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA

Natutukoy ang mga pangungusap na walang paksa.

Lagyan ng tsek (✓) ang patlang ng mga pangungusap na walang paksa sa


ibaba.
1. Magandang araw.
2. Ako po ay isang alagad ng batas.
3. May balitang hatid sa inyo.
4. Nakaiinis, ano?
5. Marami pa ring masasama sa mundo ang hindi pa nahuhuli ng
mga awtoridad.
6. Ows, talaga?
7. Nagkalat pa rin ang mga holdaper, snatcher, manloloko, at mga
mapagsamantala sa paligid.
8. Sus, bola!
9. Malamig ngayon.
10. Kababasa ko lamang nito.
11. Ano kaya ang maaari nating gawin upang mahuli na sila?
12. Hoy! Mare!
13. Ay, siyanga?
14. Makipagtulungan na tayo sa kinauukulan.
15. Gusto ko ’yan.
16. Pwedeng sumali?
17. Tena!
18. Salamat sa iyo.
19. Kailan pala tayo magsisimula?
20. Ngayon na.

36
Napapangkat ang mga pangungusap na walang paksa ayon sa uri.

Uriin kung anong uri ng pangungusap na walang paksa ang mga nilagyan mo
ng tsek sa Madali Lang ’Yan. Isulat ang buong pangungusap sa nakalaang kahon
sa ibaba.

Eksistensiyal Modal

Padamdam maikling Sambitla

Panawag Pormulasyong Panlipunan

Pamanahon

Penomenal Tamporal

37
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

MGA URI NG PANAGURI

Nakikilala ang ginamit na uri ng pangungusap.

Isulat sa patlang kung ang may salungguhit ay pangngalan, panghalip, pang-


uri, pang-abay, o pandiwang panaguri.

1. Si Dolores Manapat ay kilalang propagandista.

2. Siya ay isa ring editor ng pahayagan.

3. Mahusay siya sa larangan ng pagsulat.

4. Lumikha siya ng iba’t ibang uri ng panitikan.

5. Itinatag niya ang Diaryong Tagalog.

6. Kanila ang pahayagang ito.

7. Ang mga kasapi rito ay sila.

8. Masayang-masaya ang mga propagandista sa pagkakatatag


nito.

9. Ang mga pagbabago ay puspusang naisagawa.

10. Talagang mabilis na lumaganap ang pahayagan.

38
Napipili ang wastong panaguri upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

Punan ng wastong panaguri ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungu-
sap sa ibaba. Gawing batayan ang mga panalita sa loob ng panaklong. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon.

ganito mamamahayag lalawigan naipahayag mabilis

1. Ang Pilipinas ay dating (pangngalan) ng Espanya ngunit di


itinuturing na ganoon kapag naniningil ng buwis.
2. Sa pamamagitan ng pagsulat, ang maalab na damdamin ng mga Pilipino
ay (pandiwa) .
3. (pang-abay) na nailahad ang malakas na hiyaw ng kanilang
damdamin.
4. Ang kanilang paniniwala ay (panghalip) .
5. Si Del Pilar ay isa sa mga (pangngalan) na nanguna sa
paghihimagsik ng mga Pilipino.

lahat paninindigan manunulat sadyang masigasig

6. (pandiwa) nila ang paglaban sa mga Pilipino.


7. Ang nanguna rito ay mga (pangngalan) .
8. (pang-uri) ang mga Pilipino sa labanang ito.
9. Ang nagkaisa para sa layuning ito ay halos (panghalip) .
10. (pang-abay) pinagbuhusan ng dugo ng mga Pilipino ang
pakikipaglaban para sa ating kalayaan.

39
Nakabubuo ng makabuluhang pangungusap
gamit ang mga salita bilang panaguri.

Gamitin bilang panaguri ang sumusunod na salita sa pagbuo ng makabuluhang


pangungusap.

1. Graciano Lopez Jaena (pangngalan)

2. matapat (pang-uri)

3. ako (panghalip)

4. totoo (pang-abay)

5. lumalaban (pandiwa)

40
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

KLASTER AT DIPTONGGO

Nakikilala kung aling salita ang may diptonggo.

Ang mga salita sa ibaba ay hango sa binasang akda. Kilalanin kung alin sa
mga pantig ng bawat salita ang may diptonggo. Isulat sa patlang ang pantig na ito.

1. buhay

2. bughaw

3. kamay

4. ayaw

5. pagkakaratay

41
Nakikilala kung aling salita ang may klaster.

Kilalanin kung alin sa mga pantig ng bawat salita ang may klaster. Isulat sa
patlang ang pantig na ito at saka salungguhitan ang bahaging may klaster.

1. transportasyon

2. plano

3. record

4. dram

5. keyk

42
Natutukoy ang salitang may klaster at may diptonggo sa pangungusap.

Ang bawat pangungusap ay may salitang may klaster at may diptonggo. Bilugan
ang salitang may klaster at salungguhitan ang salitang may diptonggo.

1. Nagdaranas ng mga problema ang bansa nating ginigiliw.

2. Maraming mamamayan ang hirap sa buhay dahil sa kakulangan ng mga


mapagkakakitaan o trabaho.

3. Hindi na rin bago ang pang-araw-araw na mga kuwento tungkol sa mga


Pilipinong nangingibang-bansa dahil sa kahirapan at nagiging biktima ng
pang-aabuso roon.

4. Sa galaw ng panahon ay hindi nawawala ang ganitong mga balitang


nagiging pasang-krus na ng sambayanan.

5. Ikaw, ako, sila ay pwedeng tumulong sa abot ng kanilang makakaya upang


muling makabangon ang ating bayan.

43
Nabubuo ang talata sa pamamagitan ng paglalagay
ng angkop na salitang may klaster at diptonggo.

Gamitin ang mga salitang may klaster at diptonggo sa kahon upang mabuo ang
diwang ipinahahayag ng mga pangungusap.

bagay baraso buhay kamay trabaho

(1)
Ang tao ay pinagkalooban ng malalakas na mga at
(2) (3)
upang makagawa ng maraming . Sa
tulong ng matatag na isipan, kasipagan, at pagtitiyaga, maaaring umunlad ang
(4)
. Walang imposible basta’t ang tao’y may determinasyong
(5)
magtagumpay. Hindi tayo dapat mamili ng basta’t ito’y
malinis at marangal.

tagumpay daloy ikaw premyo problema

(6)
Kailangan ding gumawa kahit walang hinihintay na
o pabuya. Hindi dapat pairalin ang katamaran at magpadala na lang sa
(7)
ng buhay. Sulong, kabataan! (8) ang pagasa
ng bayan. Sa halip na (9) ang dalhin ay pilitin mong maabot ang
(10)
para sa ating bayan.

44
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

Kabanata I, Aralin 5
MGA EKSPRESYONG ANGKOP GAMITIN
SA PAGBIBIGAY NG PAYO O MUNGKAHI SA LIHAM

Napipili ang ekspresyong angkop sa mga pangungusap na nagpapayo.

Isulat sa patlang ang ekspresyong angkop sa mga pangungusap na nagpapayo


upang mabuo ang diwa nito.
1. makikinig ako sa payo ng magulang upang hindi
mapahamak.
(Gayunpaman, Kung ako ikaw, Marahil)
2. walang hinahangad ang ating magulang kundi pawang
kabutihan natin.
(Bakit hindi, Sa totoo lang, Siguro)
3. nito ang pag-aalaga sa atin, pagsisikap na mapag-aral
tayo at maibigay ang ating pangangailangan.
(Bilang karagdagan, Ilang halimbawa, Maaari rin)
4. maganda yata kung susuklian din natin ito ng pagmamahal
at pagsunod sa payo nila.
( Dapat, Mas, Samakatwid)
5. na makabubuti kung pagsisikapan nating makatapos ng
pag-aaral para bumuti ang ating buhay sa hinaharap.
( Higit, Kung Gayon, Saka)

45
Natutukoy kung angkop ang ibinigay na payo sa mensahe ng pabulang
binasa at ekspresyong ginamit dito.

Suriin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek (✓) ang kahon kung angkop
ang ibinigay na payo sa mensahe ng pabulang binasa gayundin ang ekspresyong
ginamit dito at ng ekis (✗) kung hindi.

1. Bakit hindi na lang bumili at gumamit ng mga produkto na


makapagpapaganda sa tao?

2. Kung ako sa iyo ay hindi ko masyadong bibigyan ng pansin ang mga


bagay na nakikita lamang ng mata kundi higit ang kagandahan ng
kalooban ng isang tao.

3. Mas makatutulong kung susubukan mo kaagad ang mga pag-


babagong maidudulot sa iyong sarili ng teknolohiya.

4. Maaari namang pagandahin mo ang sarili subalit huwag mo lang


kalilimutang higit na mahalaga ang pagpapaganda ng iyong ugali.

5. Mabuti pa’y huwag mo na lang pansinin ang ibang tao. Wala silang
pakialam sa iyo. Gawin mo lahat ng bagay na magpapasaya sa iyo.

46
Nakabubuo ng payo gamit ang mga ibinigay na ekspresyo

Bumuo ng payo gamit ang mga ekspresyong nakalahad sa bawat.

1. Gamitin sa pangungusap ang ekspresyong makabubuti yata kung upang


masabi mo ang isang mahalagang aksiyong puwedeng gawin ng iyong
kapatid sa inyong magulang upang matuwa ang mga ito.

2. Gamitin sa pangungusap ang ekspresyong kung ako ikaw upang masabi


mo ang iyong gagawin kung ikaw ang nasa kalagayan ng iyong kaibigang
may problema sa buhay.

3. Gamitin ang salitang posible sa pangungusap upang masabi mo ang isang


bagay na dapat gawin ng kaibigan mong nalulungkot dahil sa nagawa
niyang mali sa buhay.

4. Gamitin sa pangungusap ang ekspresyong puwede rin naman upang


makapagbigay ka ng iba pang suhestiyon sa iyong kapatid upang matuwa
ang inyong mga magulang.

5. Gamitin ang salitang Magkagayunman sa pagbuo ng pangungusap na


hihikayat sa iyong kaibigang itama ang maling bagay na kanyang nagawa.

47
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

PONEMANG SUPRASEGMENTAL

Napipili ang tamang salitang pupuno sa diwa ng pangungusap.

Piliin mula sa kahon ang tamang salitang pupuno sa diwa ng pangungusap.


Isulat lamang ang titik ng sagot sa patlang. Gawing gabay ang diin at paraan ng
pagbigkas.

a. sula.tan (binibigkas nang malumay, nasa ikalawang pantig ang diin)


b. sulatán (binibigkas nang mabilis, nasa huling pantig ang diin)

1. Ang mga noong unang panahon ay bato at mga pinatuyong balat ng


kahoy.
2. mo naman ng isang liham ng pasasalamat ang mga ninuno nating
nagpakita ng pagmamahal sa bayan.

a. bu.hay (binibigkas nang malumay, nasa unang pantig ang diin)


b. buháy (binibigkas nang mabilis, nasa huling pantig ang diin)

3. Ang bato ay katulad ng ng tao, hindi nadadaan sa laki ang halaga


nito.
4. Nananatiling at malinis ang batong nasa daluyan ng tubig.

48
a. si.kat
si (binibigkas nang maluma
malumay,
may,
ma y n
nasa
asa
asa unang pantig ang diin)
b. sikát (binibigkas nang mabilis, nasa huling pantig ang diin)

5. Ang ng araw ay kailangan ng lahat maging ng hamak na bato.


6. Kahit ka na ay hindi mo pa rin dapat makalimutan ang iyong
pinanggalingan.

a. bihi.san (binibigkas nang malumay, nasa ikalawang pantig ang diin)


n)
b. bihisán (binibigkas nang mabilis, nasa huling pantig ang diin)

7. Kapag mabuti ang tao man ng basahan ay lulutang ang tunay na


kabutihan.
8. Mangangailangan ng maraming ang taong nagpapanggap.

a. kanta.han (binibigkas nang malumay, nasa ikalawang pantig ang diin)


b. kantahán (binibigkas nang mabilis, nasa huling pantig ang diin)

9. ang karaniwang kinahihiligan ng mga Pilipino.


10. mo naman ako at nang ako ay malibang.

49
Nasusuri kung aling pangungusap ang tinutukoy ng mga pahayag
gamit ang hinto o antala bilang gabay.

Suriin kung alin sa mga pangungusap ang tinutukoy ng mga pahayag. Gawing
gabay ang hinto o antala (na makikitang isisimbulo ng / sa mga pangungusap) sa
pagbigkas. Isulat ang titik ng sagot sa patlang.

a. Rebulto ng bayani na bato?


b. Rebulto ng bayani na ba / ’to?

1. Nagtataka kung gawa sa bato ang rebulto ng bayani.


2. Nagtataka kung rebulto ng bayani na nga ba ang ipinakikita sa kanya.

a. Nanay / si Tandang Sora.


b. Nanay si Tandang Sora.

3. Nagsasabing si Tandang Sora ay isang nanay.


4. Itinuturo sa nanay si Tandang Sora o larawan ni Tandang Sora.

a. Ginang / Gabriela Silang ang babaeng bayani ng Ilocos.


b. Ginang Gabriela Silang ang babaeng bayani ng Ilocos.

5. Sinasabing isang bayani ng Ilocos si Ginang Gabriela Silang.


6. Sinasabi sa isang ginang na bayani ng Ilocos si Gabriela Silang.

a. Hindi malaya ang ating bansa.


b. Hindi / malaya ang ating bansa.

7. Isinasaad na hindi malaya ang ating bansa.


8. Isinasaad na salungat sa sinasabi ay malaya ang ating bansa.

50
a. N gayon / nasimulan ang pagba
Ngayon aba
bago
go p
pagbabago ara
ar
paraa sa bayan.
b. Ngayon na / simulan ang pagbabago para sa bayan.

9. Ipinag-uutos na ngayon di’y simulan ang pagbabago para sa bayan.


10. Isinasaad na sa araw na ito sinimulan ang pagbabago para sa bayan.

51
Nakabubuo ng payo gamit ang mga ekspresyong kaugnay
ng mga aral na natutuhan sa mga pabulang binasa.

Bilugan ang titik ng tamang pagpapahayag ng mga sitwasyong nakalahad.


Isaalang-alang ang tamang tono o intonasyon gayundin ang hinto sa pagpapahayag.
1. Niyaya mo ang kapatid mong magsimba.
a. Simba / tayo! b. Simba tayo. c. Simba / tayo?

2. Sinasabi mo sa kausap mong hindi ka makasasama.


a. Hindi / ako sasama.
b. Hindi ako sasama?
c. Hindi ako sasama.

3. Sinasabi mo sa ate mo na Lira ang pangalan ng kaibigan mo.


a. Ate / Lira ang pangalan ng kaibigan ko.
b. Ate Lira / ang pangalan ng kaibigan ko.
c. Ate Lira ang pangalan ng kaibigan ko.

4. Inuutusan mo ang isang taong kumain na.


a. Kumain ka na?
b. Kumain ka na.
c. Kumain ka / na.

5. Tinatanong mo ang isang tao kung umalis na ito.


a. Umalis ka na?
b. Umalis ka na!
c. Umalis / ka na.

52
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

Kabanata I, Aralin 6
PAGSASALING-WIKA

Napipili ang pinakaangkop na salin sa Filipino


ng mga Ideyomatikong pahayag sa Ingles.

Kilalanin ang pinakaangkop na salin sa Filipino para sa sumusunod na


idyomatikong pahayag sa Ingles. Bilugan ang sagot.
1. Don’t cry over spilt milk.
a. Huwag nang iyakan ang natapong gatas.
b. Huwag nang manghinayang sa bagay na wala na.
c. Huwag mag-aksaya ng mahahalagang bagay.

2. Bad egg
a. Bulok na itlog
b. Masamang kaibigan
c. Taong hindi mapagkakatiwalaan

3. Don’t wash your dirty linen in public.


a. Huwag labhan ang maruruming kumot sa publiko.
b. Huwag maging mapagkunwari sa pakikitungo sa publiko.
c. Huwag ilantad ang hindi magagandang bagay ukol sa iyo sa publiko.

4. Back to square one


a. Magsimula na namang muli sa umpisa
b. Bumalik na naman sa unang parisukat
c. Maglakbay pabalik sa pinagmulan
53
5. Straight from the horse’s mouth
a. Mula sa bibig ng isang kabayo
b. Mula sa bibig ng taong may nalalaman tungkol sa isyu
c. Mula sa bibig ng taong malapit ang puso sa mga hayop

6. Break a leg.
a. Malasin ka sana.
b. Mabali sana ang isa mong binti.
c. Palarin ka sana.

7. You can count on me.


a. Maaasahan mo ako.
b. Mabibilang mo ako.
c. Maisasama mo ako.

8. Armed to the teeth


a. Armado hanggang sa mga ngipin
b. Handang-handa at maraming dalang armas
c. Handang-handang makipagbuno sa iba

9. A little bird told me.


a. Isang munting ibon ang nagsabi sa akin.
b. May mumunting tinig na nagsabi sa akin.
c. May nagsabi sa aking hindi ko mapapangalanan.

10. Red letter day


a. pulang letra sa araw
b. mahalaga o masayang araw
c. makulay na araw

54
Naisasalin sa unang wika o sa wikang Ingles ang maikling talata.

Gamit ang mga napag-aralang gabay sa mabisang pagsasaling-wika, subukang


isalin sa iyong unang wika o sa wikang Ingles ang maikling talata sa ibaba.

“Ang alitaptap sa kuwento ay nagpakita ng katatagan sa kabila ng kanyang


kaliitan. Ginamit niya ang kanyang katalinuhan sa pagharap sa mga kalaban.
Pinatunayan niyang ang pagwawagi ay hindi nadadaan sa laki. Dahil din sa
ipinakita niyang katapangan, nakilala ng mga unggoy ang kanilang pagkakamali.
Hindi dapat husgahan ang isang nilalang sa pamamagitan lang ng itsura o
kalagayan nito sa lipunan. Ating tandaan ang mga aral na taglay ng kuwentong
ito. Tiyak na mamamayani ang kapayapaan kung ang bawat tao’y magpapakita
ng paggalang sa kanilang kapwa.”

Salin sa Ingles:

Salin sa Iyong Unang Wika:

55
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

PANGHIHIRAM NG SALITA

Nakikilala at naisusulat ang mga salitang hiram na ginamit sa pangungusap.

Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Kilalanin at isulat sa patlang ang


mga salitang hiram na binaybay sa ABAKADAng Filipino na ginamit sa mga ito.
Gawing gabay ang bilang ng mga patlang sa bilang ng salitang hinahanap sa bawat
pangungusap.
Sa panahong ito, kailangan pang dumayo sa malalayong lalawigan ang
mga turista upang makita ang atraksiyong dulot ng mga alitaptap.
1. 2.
May ilang teorya ang mga siyentipiko kung bakit nawawala na ang mga
alitaptap.
3. 4.
Sinasabing ang malalang suliranin sa polusyon ay nagiging dahilan ng
paglalaho ng mga alitaptap sa malalaking lungsod.
5.
Pangalagaan natin ang mga alitaptap at iba pang insekto sapagkat ang
mga kemikal na taglay ng mga ito ay may mahalagang tungkulin sa mundo ng
medisina.
6. 7.
8.
Mahalaga ang edukasyon para malaman ng lahat ang mga epektibong
paraan ng pangangalaga sa kalikasan.
9. 10.

56
Nasusuri kung tama o mali ang pagkakabaybay ng mga salitang hiram.

Batay sa napag-aralang mga tuntunin, suriin kung tama o mali ang pagkaka-
baybay ng sumusunod na mga salitang hiram. Lagyan ng tsek (✓) ang kahon kung
tama at ekis (✗) kung mali.

1. boypren

2. telebisyon

3. lababo

4. Nuweba Biskaya

5. photosynthesis

6. carbon dioxide

7. kalye

8. narativ

9. narativ

10. dadi

57
Nagagamit ang mga tuntunin tungkol sa panghihiram
at pagbabaybay ng mga hiram na salita.

Gamitin ang mga tuntuning pinag-aralan tungkol sa panghihiram at pagba-


baybay ng mga hiram na salita upang maisulat nang tama ang baybay Filipino ng
sumusunod na mga salita.

1. bacteria

2. cancer

3. chemical

4. combination

5. contaminated

6. energy

7. medicine

8. family

9. telephone

10. ventana

58
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO:
ASIMILASYON

Nasusuri ang asimilasyong naganap sa mga salita.

Suriin ang asimilasyong naganap sa mga salita. Isulat sa patlang ang AP kung
asimilasyong parsiyal at AG kung asimilasyong ganap.

1. buhay 7. ayaw

2. manalamin 8. panalok

3. manulak 9. pananggi

4. pambayan 10. panligo

5. panahod 11. simbango

6. panali 12. sintaas

59
Naisusulat ang pormula kung paano naaasimila ang mga salita.

Isulat ang pormula kung paano naasimila ang mga salita sa unang hanay. Ang
unang bilang ay ginawa na para sa iyo.

1. manalamin mang + salamin mansalamin manalamin

2. manulak

3. pambayan

4. panahod

5. panali

6. panalok

7. pananggi

8. panligo

9. simbango

10. sintaas

60
Natutukoy ang mga salitang dapat nakasimila sa pangungusap
at naisusulat ang tamang pagkakabuo nito.

Bilugan ang mga salitang dapat nakaasimila sa pangungusap. Isulat sa mga


patlang angang dapat ay tamang pagkakabuo nito. Ang unang bilang ay ginawa na
para sa iyo.
1. Ang mga guro ay walang sawang naghahanda ng mga kagamitang
pangpagtuturo para sa kanilang mga mag-aaral.

pang + pagtuturo pam + pagtuturo pampagtuturo


2. Kailangan ito bilang panglinang sa kakayahan ng mga mag-aaral.

3. Ang mga ito rin ay ginagamit na pangpaunlad sa sining at agham.

4. Singganda ito ng mga kagamitan mula sa ibang bansa.

5. Kailangan kasing sanayin ang mga mag-aaral para sa pangglobal na


pakikipagkalakalan

6 at 7. Susi rin ito sa pag-unlad ng panglokal at pangbansang pamahalaan.

8 at 9. Sa anumang bagay, ang mga Pilipino ay singhusay at singgaling din ng


mga dayuhan.

10. Magsikap tayo sa pag-aaral nito upang di tayo maging pangtapal lang sa
kanila.

61
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

Kabanata 2, Aralin 1
IBA’T IBANG PARAAN NG PAGTATANONG

Nakabubuo ng tanong na nagsasaad ng reaksiyon sa pahayag ng kausap.

Bahagi na ng pagpapakita ng pagiging mabuting tagapakinig ang kakayahang


makabuo ng mga tanong na nagsasaad ng reaksiyon sa pahayag ng iyong kausap
upang ipakita ang interes sa kanyang sinasabi. Bumuo ng ganitong uring mga
tanong batay sa mga pahayag ng isang kaibigang kausap mo tungkol sa inyong
proyekto.
Kaibigan: Marami akong nakitang patapong gamit sa bahay na magagamit
natin para sa ating .
1
Ikaw:
Kaibigan: Oo. Kailangan ko lang magpaalam sa magulang ko para masimulan
na nating gawin ito.
2
Ikaw:
Kaibigan: Mamaya na, pagkatapos ng klase natin.
3
Ikaw:
Kaibigan: Tiyak na makakabuo tayo ng magandang proyekto!
4
Ikaw:
Kaibigan: Matutuwa si Ginang delos Santos kapag nakapagpasa tayo ng
proyekto ng mas maaga.
5
Ikaw:
62
Nakabubuo ng magagalang na tanong at nagsasaad ng pakikiusap.

Nasa aklatan ka at nagsisimula nang maghanap ng mga aklat na kakailanganin


mo sa pananaliksik tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng alamat. Hihingi ka ng
tulong sa librarian para mahanap mo ang mga aklat na kailangan mo. Bumuo ka
ng limang tanong na magagalang at nagsasaad ng pakikiusap na tutugma sa mga
sagot ng librarian.

1
Ikaw:
Librarian: Puwede. Halika at sasamahan kita para makita mo kung nasaan ang
mga aklat na iyon.

2
Ikaw:
Librarian: Sige, maaari mong iuwi ang mga aklat subalit ibabalik mo rin dito
bukas, ha.

3
Ikaw:
Librarian: Naku pasensiya na, ha. Hindi kasi maaari. Kailangan talaga ng
I.D. bago mo mailabas ang mga aklat.

2
Ikaw:
Librarian: Oo sige, kunin mo muna ang I.D. mo sa silid-aralan at saka mo balikan
ang mga aklat dito.

2
Ikaw:
Librarian: Sige. Itatabi ko ang mga aklat na ’yan para nakahanda na sa
pagbabalik mo. Walang anuman.

63
Nakabubuo ng mga tanong na gumagamit ng dalawang salitang pananong
sa isang pangungusap.

Ngayon naman ay subukin mong bumuo ng makabuluhang mga tanong na


gumagamit ng dalawang salitang pananong sa isang pangungusap. Maaaring ang
dalawang salitang ito ay magkasunod o maaari ring magkahiwalay sa pangungusap.
1. Bumuo ng tanong patungkol sa mga lugar at taong maaaring makatulong
sa pagbubuo mo ng inyong family tree.

2. Bumuo ng tanong patungkol sa dahilan at paraan ng paglaganap ng mga


Piliinong nagnanais mangibang-bansa.

3. Bumuo ng tanong patungkol sa lugar at trabahong pinipili ng mga Pilipinong


nangingibang-bansa.

4. Bumuo ng tanong patungkol sa dahilan at paraan upang mapanatili ang


mga manggagawang Pilipino na dito na magtrabaho sa Pilipinas.

5. Bumuo ng tanong patungkol sa panahon at sa taong aanyayahan upang


magbakasyon dito sa ating bansa.

64
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO:
PAGPAPALIT AT PAGLILIPAT

Natutukoy kung pagpapalit o paglilipat ang pagbabagong


morpoponemikong naganap sa mga salita.

Isulat sa patlang ang PP kung pagpapalit at PL kung paglilipat ang mga


pagbabagong morpoponemikong naganap sa mga salita.

1. duguan 6. niloko

2. lakaran 7. niyaya

3. proteksiyunan 8. marunong

4. niyakap 9. baguhin

5. nilabanan 10. niluto

65
Nagagamit ang pagbabagong morpoponemiko
upang maisulat ang tamang anyo ng salitang-ugat at panlapi.

Gumamit ng pagbabagong morpoponemiko upang maisulat ang tamang


anyo ng salitang-ugat at panlaping nasa loob ng panaklong na bubuo sa diwa ng
pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.
(tawid + in) 1. Nang nina Lino at Ditas ang buhay may-asawa ay alam
nilang daraan sila sa mga pagsubok.
(subok + in) 2. Hindi sila susuko man ng tadhana ang tatag ng kanilang
pagmamahalan.
(lakad + in) 3. Handa silang gaano man kalayo para mapatunayan ang
kanilang pagmamahalan.
(in + yakap) 4. Magkasama nilang ang mga responsibilidad ng pagiging
magulang.
(palad + in) 5. Umaasa silang sa pagtahak sa buhay may-asawa.
(ma + dami) 6. ang nangyari kasama na ang pag-asam ni Ditas sa prutas
na alam nilang makasasama dahil sa taglay na lason.
(ma + dunong) 7. Kahit naman ay nagpumilit pa ring magpakuha ng prutas na
may lason si Ditas dala ng kanyang paglilihi.
(ma + dapat) 8. Minsan daw kasi ay hindi napag-iisipan ng babaeng
naglilihi ang kainin dahil sa mga pagbabagong nagaganap
sa kanyang katawan.
(tuwid + in) 9. Isang mahiwagang babae ang gumawa ng paraan
upang ang isang bagay na dapat sana’y magdudulot ng
kalungkutan at pagkasawi.
(in + linis) 10. ng mahiwagang babae ang lasong taglay ng lansones at ito
ngayon ay maaari nang kainin ng sinumang may gusto.

66
Napipili ang mga salitang nagkaroon ng pagbabagong morpoponemiko
at natutukoy kung ang pagbabago ay paglilipat o pagpapalit.

C. Piliin at bilugan ang limang salitang nagkaroon ng pagbabagong morpoponemiko


mula sa mga pangungusap na may bilang sa talata. Isulat muli ang mga
salita sa mga patlang sa kabilang pahina at sa tapat nito ay isulat kung ang
pagbabagong morpoponemikong naganap ay pagpapalit o paglilipat. Gawing
gabay ang mga bilang bago ang mga pangungusap para sa inaasahang bilang
ng sagot na magmumula rito.

Ang pag-aasawa ay nangangahulugan ng malaking responsibilidad at

hindi gawang biro. 1Marami itong sakripisyong kalakip. 2Ang lalake ay maaari

pa ring maging lalaking-lalaki kahit na siya’y tumutulong sa paglalaba, paglilinis,

at pag-aalaga ng mga anak. 3Marapat lang harapin ang responsibilidad nang

buung-buo gaano man kahirap. 4Hindi dahil sa niyaya kang magpakasal ay

papayag ka na agad. Ang pagpasok sa bagay na ito ay nangangailangan

ng kahandaan. 5Hindi pa ito para sa mga kabataang wala pang muwang sa

kalakaran ng buhay.

Mga Salita Pagbabagong Morpoponemiko


(Pagpapalit o Paglilipat)

1.
2.
3.
4.
5.

67
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

Kabanata 2, Aralin 2
MGA KAWSATIB NA PANG-UGNAY

Natutukoy ang kawsatib na pang-ugnay na ginamit sa pangungusap.

Tukuyin at ikahon ang kawsatib na pang-ugnay na ginamit sa sumusunod na


pangungusap.

1. Dahil sa kabutihan ng dalaga ay ginantimpalaan siya ng diwata.

2. Naging magandang babae ang dalaga, bunga nito maraming binata ang
sumuyo sa kanya.

3. Hindi niya pinagtuunan ng pansin ang mga lalaki sapagkat alam niyang
kagandahan lamang niya ang nagustuhan ng mga ito.

4. Naging mabuting halimbawa ang dalaga kaya minahal at inalagaan siya ng


mga kanayon.

5. Mas pinili niyang maglingkod sa kanila kaya hindi na siya nakapg-asawa


pa.

68
Natutukoy kung ang may salungguhit na bahagi ng pangungusap
ay sanhi o bunga.

Tukuyin kung ang may salungguhit na bahagi ng pangungusap na hango sa


naunang pagsasanay ay ang sanhi o bunga.

1. Dahil sa kabutihan ng dalaga ay ginantimpalaan siya ng


diwata.

2. Naging magandang babae ang dalaga, bunga nito


maraming binata ang sumuyo sa kanya.

3. Hindi niya pinagtuunan ng pansin ang mga lalaki sapagkat


alam niyang kagandahan lamang niya ang nagustuhan ng
mga ito.

4. Naging mabuting halimbawa ang dalaga kaya minahal at


inalagaan siya ng mga kanayon.

5. Mas pinili niyang maglingkod sa kanila kaya hindi na siya


nakapg-asawa pa.

69
Nakapagdudugtong sa mga pariralang
may kawsatib na pang-ugnay upang mabuo ang pangungusap.

Dugtungan ang mga pariralang may kawsatib na pang-ugnay upang makabuo


ng makabuluhang pangungusap na kakikitaan ng lohikal na ugnayang patungkol sa
pagiging mabuting lider.

1. Susunod ako sa mga patakaran ng paaralan dahil

2. Susuporta kami ng aking mga kaklase kasi

3. Nais ko ring maging mabuting lider dahil

4. Magiging maayos ang takbo ng aming paaralan kaya

5. Nais kong mapabuti ang aming klase kaya naman

70
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

PANG-UGNAY

Nakikilala ang pang-ugnay at natutukoy ang uri nito.

Bilugan ang pang-ugnay na ginamit sa mga pangungusap. Isulat sa patlang


kung anong uri ito ng pang-ugnay.

1. Marami pang dapat baguhin sa kanyang ugali.

2. Palibhasa’y pinamihasa nila iyan.

3. Labag sa kanyang kaloobang saktan ang anak.

4. Ngunit ito lamang ang paraan upang tumino siya.

5. Matapang na bata ang kanyang anak.

6. Mabuting magulang naman ang kanyang napuntahan.

7. Kaya naman halos wala itong kaibigan.

8. Isang taong may malawak na pang-unawa ang makatutulong


diyan.

9. Ang ginagawa ko ay para sa kanyang kabutihan.

10. Anupa’t maiintindihan niya rin ito balang araw.

71
Napipili ang wastong pang-ugnay na bubuo sa pangungusap.

Punan ng wastong pang-ugnay ang sumusunod na patlang. Piliin ang tamang


sagot sa kahon. Isulat ang sagot sa patlang.

Alinsunod sa para sa Dahil sa Sa halip Labag sa

1. hindi sila nag-ingat sa paggawa ng desisyon kaya’t lalo silang


nabaon sa hirap.
2. karapatang pantao ang pananakit ng mga taong inosente’t
walang kasalanan.
3. utos ng Diyos ay dapat nating igalang ang ating kapwa.
4. na saktan ay makabubuting mahalin at tulungan natin ang
ating kapwa.
5. Ang pagmamalasakit sa kapwa ay ikabubuti ng ating bansa.

laban sa kundi -ng tungkol sa na

6. Isang masagana buhay ang pinapangarap ng bawat tao.


7. Basta’t ang usapan ay ikabubuti ng bayan, tiyak na
magiging interesado ang lahat.
8. Maraming mamamayan ang karahasan bilang sagot sa
mga problemang panlipunan.
9. Naayos na sana ang hinaing ng grupo sa mahinahong usapan
nag-init ang ulo ng isa sa mga miyembro.
10. Ang mga batas umiiral ay dapat sundin ng lahat ng tao
para sa katahimikan ng bansa.

72
Nakabubuo ng pangungusap gamit ang hinihinging uri ng pang-ugnay

Bumuo ng pangungusap hinggil sa iba pang pagpapahalaga o paguugaling


makatutulong sa tao upang umunlad at magkaroon ng maraming kaibigan gamit ang
hinihinging uri ng pang-ugnay sa bawat bilang.

1. Pang-angkop (na)

2. Pang-angkop (-ng)

3. Pang-ukol (nina)

4. Pang-ukol (tungkol kay)

5. Pangatnig (sapagkat)

6. Pangatnig (sana)

73
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO:
PAGKAKALTAS

Nakapagsusuri kung may pagkakaltas na naganap sa mga salita.

Suriin kung may pagkakaltas ba o walang pagkakaltas na naganap sa


sumusunod na mga salita. Lagyan ng tsek (✓) kung may pagkakaltas at
ekis (✗) kung wala.

1. tirhan 6. pakibigay

2. dumating 7. sundan

3. itanim 8. pagamot

4. dalhin 9. sulatan

5. tikman 10. higpitan

74
Nakabubuo ng salita sa pamamagitan ng pagsasama
ng salitang-ugat at panlapi at pagkakaltas ng isang ponema.

Pagsamahin ang salitang-ugat at ang panlapi at saka kaltasin ang isang


ponema upang mabuo ang salita. Ikulong sa panaklong ang titik na kinaltas. Sundan
ang halimbawa.

Halimbawa:

tingin + an = tinginan = tingnan (i)

1. ipaki + tawag = =

2. masid + an = =

3. sakit + an = =

4. ipa + luto = =

5. dala + han = =

6. puno + an = =

7. sakay + an = =

8. ipaki + bili = =

9. ipa + sabi = =

10. tikim + an = =

75
Natutukoy ang salitang ginamitan ng pagkakaltas.

Ikahon ang salitang ginamitan ng pagkakaltas sa bawat pangungusap.

1. Humiling ang mag-asawang Pinaro na bigyan sila ng mga bulaklak.

2. Hindi sila nagkasyang tingnan na lang ang makukulay na bulaklak

3. Natuwa sila sapagkat nagawang bilhin ng mga tao sa plasa ang mga hiningi
nilang bulaklak.

4. Nang muli silang bumalik upang muling hingan ang matanda ay tumanggi
na ito.

5. Nagalit sila at nagawa pang saktan ang kawawang matanda.

6. Pinilit nilang buksan ang pintuan ng hardin.

7. Isang diwata ang lumitaw upang putlin ang kasamaan ng mag-asawa.

8. Natikman nila ang parusa sa kanilang kasamaan.

9. Huwag mo sanang sundan ang kanilang maling halimbawa.

10. Kailangang sarhan ang kasamaan upang mapanatili ang kapayapaan.

76
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

Kabanata 2, Aralin 3
KAANTASAN NG PANG-URI

Natutukoy ang pang-uri at ang kaantasan nito.

Salungguhitan ang mga pang-uring ginamit sa bawat pangungusap. Pagkatapos


ay suriin ang kaantasan nito. Isulat sa kahon ang L kung ito ay lantay, PT kung
pahambing na patulad, PL kung pahambing na palamang, at P kung pasukdol.

1. Ang malinis na paligid ay inaasam ng lahat.

2. Magsinghalaga ang kalusugan at kayamanan para sa tao.

3. Napakagandang pagmasdan ang mga mamamayang nagkakaisang


panatilihin ang kalinisan.

4. Mas malakas ang pangangatawan ng taong nag-eehersisyo at


kumakain ng gulay.

5. Simulan na nating maging malinis at malusog.

77
Nababanghay sa wastong kaantasan ng pang-uri ang salitang-ugat
upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

Punan ng wastong kaantasan ng pang-uri ang bawat pangungusap. Gawing


gabay ang salitang-ugat sa loob ng panaklong gayundin ang diwang taglay ng
pangungusap.

1. (sipag) na karpintero si Mang Tonyo.

2. Bilib sa kanya ang mga tao dahil (husay) siyang gumawa


ng upuan, mesa, aparador, at iba pa.

3. (tibay) pa nga ang kanyang mga gawa kaysa nabibili sa


mga mall.

4. Ang mga materyales kasing ginagamit niya ay (ganda) .

5. (bilis) pa siyang magtrabaho kaya naman tuwang-tuwa


ang mga kustomer sa kanya.

78
Nagagamit ang ilang pang-uri sa pagbuo ng pangungusap.

Gamitin ang ilang pang-uri sa pagbuo ng ilang pangungusap na maaaring


magsilbing gabay mo sa buhay hindi lamang ngayon kundi maging sa darating na
panahon. Sundan ang hinihinging kaantasan.

masipag (lantay)

masipag
(paghahambing na patulad)

malinis
(pahambing na patulad)

tamad (pasukdol)

dalisay (pasukdol)

79
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

KAYARIAN NG SALITA

Natutukoy ang kayarian ng salita.

Kilalanin ang kayarian ng mga salitang may salungguhit sa sumusunod na


pangungusap. Isulat sa patlang kung ito’y payak, maylapi, inuulit, o tambalan.
1. Sa harap ng krisis na kinakaharap ng bansa ay kailangan
ang pakikiisa ng lahat.
2. Tipirin ang anumang bagay na maaaring tipirin upang hindi
na kailangang bumili pa ng bago.
3. Gamitin o ipamigay para mapakinabangan ng iba ang mga
damit, sapatos, at iba pang bagay na luma subalit maaari
pang gamitin.
4. Ugaliing maglakad na lamang kaysa gumamit ng sasakyan
lalo na kung malapit-lapit lang ang pupuntahan.
5. Maaaring gumamit ng kamote at iba pang halamangugat
bilang karagdagang carbohydrates sa halip na bigas lang
ang asahan.
6. Buksan ang mga bintana upang makapasok ang hangin at
natural na liwanag upang makapagtipid din sa kuryente.
7. Huwag basta isara ang telebisyon sa pamamagitan ng
pagpindot sa remote control. Kailangang tanggalin ang
kable sa saksakan.
8. Kumuha lamang ng kanin at ulam na kaya mong ubusin.
9. Makabubuti ring isama ang mga kapitbahay sa mga
proyektong makatutulong sa pamayanan.
10. Malalagpasan natin ang krisis na ito kung samasama tayong
kikilos.

80
Nakabubuo ng iba’t ibang salita batay sa mga salitang-ugat.

Bumuo ng iba’t ibang salita batay sa mga salitang-ugat na nakalahad. Gawing


gabay ang mga kahulugang nasa kanan. Isulat ang nabuong salita sa unang kahon
at ang kayarian nito sa ikalawang kahon. Ang ilan ay sinagutan na para sa iyo.
1. bahay

a. Nabuong Salita

taong ang bahay


ay malapit lang sa inyo
Kayarian ng Salitang Nabuo

tambalan

b. Nabuong Salita

karaniwang laro
ng mga bata
Kayarian ng Salitang Nabuo

inuulit

c. Nabuong Salita

kasambahay

mga taong kasama mo


sa bahay
Kayarian ng Salitang Nabuo

81
2. aral

a. Nabuong Salita

batang pumapasok
sa paaralan
Kayarian ng Salitang Nabuo

maylapi

b. Nabuong Salita

aralin

mga bagay
na pinag-aaralan
Kayarian ng Salitang Nabuo

c. Nabuong Salita

mga gawaing ipinauuwi


ng guro upang sa bahay gawin
Kayarian ng Salitang Nabuo

tambalan

3. yaman

a. Nabuong Salita

taong maraming salapi


at ari-arian
Kayarian ng Salitang Nabuo

maylapi

82
b. Nabuong Salita

ginto, pilak, salapi,


ari-arian
Kayarian ng Salitang Nabuo

maylapi

c. Nabuong Salita

ingat-yaman
taong tagapangasiwa
ng salapi o yaman ng isang
kumpanya o organisasyon
Kayarian ng Salitang Nabuo

83
Nakasusulat ng pangungusap gamit ang mga salita sa iba-ibang kayarian.

Sa iyong palagay, anu-ano ang maaaring gawin ng bawat miyembro ng


pamilya upang sama-samang malagpasan ang walang habas na pagtataas ng
presyo ng gasolina, bigas, at mga pangunahing bilihin? Sumulat ng makabuluhang
pangungusap kaugnay ng mga plano mong gawin gamit ang mga salita sa ibaba.
1. bawas-bawasan

2. pagluluto

3. damit

4. paglabas-labas

5. mag-impok

84
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

Kabanata 2, Aralin 4
MGA PANG-UGNAY NA GINAGAMIT SA PAGSANG-AYON AT PAGTUTOL

Natutukoy kung nagsasaad ng pagsang-ayon o pagtutol


ang bahaging may salungguhit sa pangungusap.

Suriin ang bahaging may salungguhit sa bawat pangungusap sa ibaba. Tukuyin


kung ito’y nagsasaad ng pagsang-ayon o pagtutol. Lagyan ng tsek (✓) ang kahong
katapat ng tamang sagot.
1. Tunay na maganda ang pangarap ng magulang para sa kanilang anak.
Pagsang-ayon Pagtutol

2. Tama nga marahil pero hindi maaaring isantabi ang mga hadlang gaya ng
kahirapan.
Pagsang-ayon Pagtutol

3. Totoo ang pahayag na iyan.


Pagsang-ayon Pagtutol

4. Tunay na masakit ang mabigo sa inaasam na pangarap subalit ito’y bahagi


ng buhay na dapat tanggapin.
Pagsang-ayon Pagtutol
5. Magkagayon man, hindi tamang sumuko, sa halip gamiting inspirasyon ang
pagkabigo upang magtagumpay.
Pagsang-ayon Pagtutol

85
Nakabubuo ng pangungusap na nagsasaad
ng pagsang-ayon o pagtutol kaugnay ng pahayag.

Subukin mong bumuo ng pangungusap na nagsasaad ng pagsang-ayon o


pagtutol kaugnay ng pahayag ng isang kaibigan.

Kaibigan: Anumang bigat ng problema’y tiyak na may kalutasan ito.

1
Ikaw:

Kaibigan: Kailangan lang sigurong sabihin mo sa magulang mo upang ika’y


kanilang matulungan.

2
Ikaw:

Kaibigan: Magdasal ka at hindi ka Niya pababayaan.

3
Ikaw:

Kaibigan: Matuto ka na sana sa naging karanasan mong iyan.

4
Ikaw:

Kaibigan: Umiwas ka na sa mga taong naging dahilan ng iyong problema.

5
Ikaw:

86
Nakabubuo ng pangungusap na nagsasaad ng pagsang-ayon o pagtutol.

Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Bumuo ka ng pangungusap


na nagsasaad ng pagsang-ayon o pagtutol sa bawat isa. Gamitin ang mga salitang
tulad ng tinatanggap ko, totoo, tama ka, talaga, tunay (nga), sadyang, pero, subalit,
ngunit, o datapwat. Isulat sa mga patlang ang iyong pananaw o kaisipan.

1. Pagsunod ng mga mag-aaral sa mga tuntunin ng paaralan

2. Pagbibigay ng iyong magulang ng mga tuntuning dapat sundin sa tahanan

3. Pagbibigay ng angkop na kaparusahan kapag hindi nasunod ang mga


tuntunin sa bahay man o sa paaralan

4. Pagtuturo sa mga bata sa kahalagahan ng pagtitipid.

5. Pasunod ng magulang sa layaw ng anak

87
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

WASTONG GAMIT NG MGA BANTAS

Nalalagyan ng nararapat na bantas ang bawat pangungusap.

Lagyan ng nararapat na bantas o mga bantas ang bawat pangungusap. Diinan


ang pagkakasulat o gumamit ng kulay asul na bolpen upang madaling makita ang
bantas na inilagay mo. Gawing gabay ang inaasahang bilang ng bantas sa loob ng
panaklong para sa bawat pangungusap.
(isang bantas) 1. Mahalaga sa isang bansa ang pagkakaroon ng
kalayaan
(isang bantas) 2. Sino ang naniniwala sa pahayag sa unang bilang
(tatlong bantas) 3. Ang bansang walang kalayaan ay parang ibong
nakakulong sa hawla sabi ng guro sa nga bata
(dalawang bantas) 4. Sama sama nating alagaan ang kalayaan ng ating
bansa
(dalawang bantas) 5. Anu anong paraan ang makapagpapakita ng
pangangalaga sa kalayaan
(apat na bantas) 6. Ipakita mong mahal mo ang bayan mo sa
pamamagitan ng pagtangkilik sa sariling produkto
pagsunod sa batas pagiging mabuting mamamayan
at pagmamalaki sa pagiging isang Pilipino
(dalawang bantas) 7. Batat matanda man ay dapat tumupad sa mga
tungkuling ito
(dalawang bantas) 8. Kabataan sama ka na sa labang ito para sa bayan
(dalawang bantas) 9. Wow napakaraming sumusuporta sa gawaing ito
(dalawang bantas) 10. Kung makapagsasalita lamang si Rizal ay tiyak na
sasabihin niyang Ipinagmamalaki kita kabataang
Pilipino.

88
Nalalagyan ng angkop na bantas ang liham.

Lagyan ng angkop na bantas ang liham sa ibaba.

165 R D Mercado Street Mandaue City


Agosto 12 2009
G Juan Dela Cruz
Simbolo ng mga Pilipino
Bansang Pilipinas

Mahal kong G Dela Cruz

Kumusta ka na Matagal tagal ko nang binalak na sulatan ka Nais


kong malaman mong maraming kabataang tulad ko ang nagnanais ng lahat
ng makabubuti para sa bayan Sabi nga ni Rizal Ang kabataan ay pag-asa ng
bayan Naniniwala ako rito kaya ginagawa ko ang mga bagay na inaasahan
ng bayan mula sa akin Nag aaral akong mabuti Sinusunod ko ang mga payo
o pangaral ng aking mga magulang Tinutupad ko ang mga tungkulin ng isang
mabuting mamamayan Alam ko Juan na umaasa kang hindi ito maging ningas
kugon lamang Sanay matupad ko at ng iba pang kabataang tulad ko ang maging
mabuti maaasahan masipag at mapagkakatiwalaan para sa bayan

Nagmamahal

(Isulat dito ang iyong pangalan)

89
Nakabubuo ng pangungusap na gumagamit ng mga bantas.

Bumuo ng makabuluhang pangungusap na gumagamit ng sumusunod na


bantas. Maaari pang dagdagan ang mga bantas ayon sa pangangailangan.
1. Gamitin ang mga bantas na (. , “ ”) sa isang pangungusap na may tuwirang
sinabi ng isang bayaning tulad nina Bonifacio, Ninoy Aquino, Jose Rizal,
atb.

2. Gamitin ang mga bantas na (. ,) sa isang pangungusap na may serye ng mga


katangiang dapat taglayin ng isang kabataan upang maging matagumpay
sa buhay.

3. Gamitin ang mga bantas na (- : .) sa isang pangungusap na nagsasaad


kung anong oras dapat matulog ang isang mag-aaral na tulad mo para
maging alerto kinabukasan.

4. Gamitin ang mga bantas na (- ! ,) sa isang pangungusap na may salitang


pinangungunahan ng maka at nagpapahayag ng matinding damdamin
tungkol sa pagka-Pilipino mo.

5. Gamitin ang mga bantas na (“ ” , ?) sa isang pangungusap patanong na


may tuwirang sinabi patungkol sa pagiging mabuting kabataan.

90
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

Kabanata 2, Aralin 5
ANG PANDIWA AT ANG MGA ASPEKTO NITO

Natutukoy ang lahat ng mga pandiwang ginamit sa mga pangungusap.

Salungguhitan ang lahat ng mga pandiwang ginamit sa mga pangungusap sa


talata. Gawing gabay ang bilang bago ang pangungusap para sa inaasahang dami
ng pandiwang hahanapin sa bawat pangungusap.
(1)
Si Konsehal Rudy Ocampo ay laging namamagitan sa mga barangay na
may mga sigalot. (1)Nagbibigay siya ng mabubuting payo sa mga pinuno. (2)
Nalulungkot siya kapag nababalitaang may kaguluhan saanmang barangay
na sakop ng kanyang distrito. (3)Nag-iisip siya lagi ng paraan kung paano
mahihinto ang ganitong mga kaguluhan at di-pagkakaunawaan. (2)Nagbigay
siya ng isang kautusan para sa pag-iwas sa anumang kaguluhan sa kanyang
nasasakupan.

Isulat sa talahanayan sa ibaba ang mga pandiwang sinalungguhitan mo sa


talata. Sa katapat na kahon ay isulat mo naman ang aspekto ng bawat isa.

Pandiwa Aspekto

91
Nababanghay sa tamang aspekto ang pandiwa.

Punan ng tamang aspekto ng pandiwa ang bawat patlang. Gawing gabay ang
salitang-ugat at aspektong nasa loob ng panaklong.

(sisi–naganap) 1. ang tagapagbantay sa kanyang


naging pagpapabaya.
(kitil–naganap) 2. Ang inakala niyang maliit na pagkakamali ay
ng maraming buhay.
(laki–nagaganap) 3. Maaaring maliit ito sa tingin natin subalit
ang epekto kapag naisagawa na.
(sira–nagaganap) 4. Ang pagpapabaya ng isang tao ay
pala sa buhay ng iba.
(dami–nagaganap) 5. rin ang kaso ng mga taong
namamatay dahil sa simpleng pagbabaya ng iba sa
kanilang mga tungkulin
(silbi–magaganap) 6. Ang mahalagang kaisipang taglay nito ay
ng tagapagpaalala sa kahalagahan
ng pagiging tapat sa tungkulin.
(salba–magaganap) 7. Malay mo, baka sa susunod ay buhay mo o buhay ng
mahal mo ang dahil naging tapat
ka sa iyong tungkulin.
(gawa–naganap) 8. Dapat ding maging mapagpahalaga tayo sa
kapayapaan tulad ng ng konsehal.
(iral–magaganap) 9. Magiging mas maganda ang bukas kung ang
kapayapaan ay sa mundo.
(sama–magaganap)10. ako sa anumang pangkat na mag-
tataguyod ng kapayapaan. Ikaw rin, sama na!

92
Nakabubuo ng pangungusap gamit ang ibinigay na pandiwa.

Kung ikaw ang mabibigyan ng isang responsibilidad sa paaralan o sa tahanan,


ano ang gagawin mo upang matiyak na maisasagawa mo ito nang maayos? Gamitin
ang mga pandiwang nasa loob ng kahon sa pagbuo ng pangungusap na maglalahad
ng iyong mga gagawin.

makikinig

sasama

umiwas

makikiisa

93
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:

Petsa:

ASPEKTO NG PANDIWA

Nabubuo ang talahanayan sa pamamagitan ng paglalagay


ng tamang aspekto ng pandiwa.

Buuin ang talahanayan sa pamamagitan ng paglalagay ng tamang aspekto ng


pandiwa.

Salitang-ugat Pawatas Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo

asa umasa

ayon umaayon

sulat susulat

sama sumama sasama

takbo tumakbo

lumantad lumantad

naantala naantala

94
Nakabubuo ng pangungusap batay sa hinihinging aspekto ng pandiwa.

Bumuo ng pangungusap batay sa hinihinging aspekto ng pandiwa sa loob ng


panaklong. Gawing tema ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan
para mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng bansa.
1. ipaalam (perpektibo)

2. mag-alaga (imperpektibo)

3. gumawa (perpektibong katatapos)

4. tumulong (kontemplatibo)

95
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:

Petsa:

POKUS NG PANDIWA

Natutukoy ang pandiwa at naisusulat ang pokus nito.

Salungguhitan ang pandiwa sa bawat pangungusap. Isulat sa kahon ang


pokus nito.
1. Ikinatuwa ng marami ang balitang nagkaayos na ang mga
sundalo at Pilipinong Muslim.
2. Ang Malacañang mismo ang nagsabi ng balitang ito.
3. Inaprubahan ang mga bagong programa para sa
rehabilitasyon ng Mindanao.
4. Ang mga ordinaryong mamamayan ay talagang matutuwa
sa bagay na ito.
5. Ipang-aayos nila ng kanilang mga tahanan at buhay ang
pondong mula sa pamahalaan.
6. Ang Malacañang ay pinagtipanan ng usaping ito.
7. Ipinakiusap naman ng pangulo ang mga rebeldeng Muslim
sa mayayamang may-ari ng kumpanya sa Mindanao upang
mabigyan sila ng trabaho.
8. Ang pagtatayo ng mga industriyang pantahanan at maliliit
na negosyo ay pinag-iisipang karagdagang solusyon para
sa ganap na kapayapaan sa Mindanao.
9. Ang solusyong ito ay ikinatuwa na rin ng iilan.
10. Ang pamahalaan ay mangunguna sa programang pangka-
payapaan at pangkaayusang ito.

96
Nakabubuo ng pangungusap batay sa pandiwa at hinihinging pokus.

Bumuo ng pangungusap batay sa pandiwa at hinihinging pokus sa bawat


bilang. Gawing tema ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para matulungan
ang mga Pilipinong nagiging biktima ng karahasan.
1. ipinatupad—layon

2. pinagtipunan—ganapan

3. ipinanulat—instrumental

4. ikinatuwa—sanhi

5. isinusulong—tagatanggap

6. nangunguna—aktor

97
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

PAGBIBIGAY PANUKALA, PAGPUNA, PAGSANG-AYON,


PAGSALUNGAT, AT PANININDIGAN

Natutukoy ang kaisipang inilalahad ng bawat pahayag.

Suriin ang sumusunod na pahayag. Tukuyin ang kaisipan o konseptong


inilalahad ng bawat isa. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. “Hindi ako payag sa welga bilang sagot sa anumang problema ng mga
tsuper.”
a. pagsang-ayon b. pagsalungat c. pagpuna

2. “Sige, payag ako riyan! Dapat lang silang magwelga para marinig ang
kanilang mga karaingan.”
a. pagsang-ayon b. pagpuna c. pagsalungat

3. “Ano kaya kung pag-isipan munang mabuti at idaan na lang natin sa


mabuting usapan para maiwasang maperwisyo ang mga pasahero?”
a. paninindigan b. panukala c. pagpuna

4. “Masyado nang mataas ang presyo ng gasolina. Mahirap nang ilusot ang
boundary. Ang mga higanteng nagnenegosyo na lamang ng langis ang
nakikinabang.
a. paninindigan b. pagpuna c. panukala

5. “Tigil pasada talaga ako. Dapat lang marinig ng pamahalaan ang mga
karaingan naming mga driver.”
a. paninindigan b. pagpuna c. panukala

98
6. “Huwag naman ninyong daanin sa welga. Kawawa naman kaming mga
pasahero.”
a. pagsang-ayon b. pagsalungat c. paninindigan

7. “Ang masasabi ko sa mga may-ari ng mga higanteng negosyo ng langis,


dapat ay isaalang-alang naman nila ang kabutihan ng taumbayan.”
a. pagsalungat b. pagsang-ayon c. panukala

8. “Sa aking pananaw, magiging maayos ang lahat kung iisipin din natin ang
kabutihan ng iba at hindi lang ang pansarili nating kabutihan.”
a. pagsalungat b. pagpuna c. panukala

9. “Sige, makiisa tayo para sa ikabubuti ng lahat.”


a. pagsalungat b. pagsang-ayon c. pagpuna

10. “Tutulong ako sa proyektong iyan gaano man kahirap.”


a. pagsalungat b. paninindigan c. pagpuna

99
Nakapagpapahayag ng pagsang-ayon o pagsalungat sa bawat isyu.

Suriing mabuti ang bawat isyung nakalahad. Sumasang-ayon o sumasalungat


ka ba sa mga ito? Lagyan ng tsek (✓) ang kahong katapat ng iyong sagot at saka
ipahayag ang iyong paninindigan sa patlang.

1. Binabato ng ilang welgista ang dyip ng mga tsuper na ayaw sumama sa


kanilang welga.
Sumasang-ayon ako.

Sumasalungat ako.

Ang paninindigan ko ay

2. Nagbibigay ng diskuwento ang mga gasolinahan para sa mga


pampasaherong sasakyan.
Sumasang-ayon ako.

Sumasalungat ako.

Ang paninindigan ko ay

3. Tumaas na naman ang pamasahe dahil sa pagtaas din ng presyo ng


gasolina.
Sumasang-ayon ako.

Sumasalungat ako.

100
Ang paninindigan ko ay

4. Napipilitang maglakad ang mga pasaherong walang masakyan dahil sa


welga.
Sumasang-ayon ako.

Sumasalungat ako.

Ang paninindigan ko ay

5. Gumamit ng biodiesel o gas na mula sa halamang tulad ng tubatuba ang


mga pampasaherong sasakyan upang makatipid.
Sumasang-ayon ako.

Sumasalungat ako.

Ang paninindigan ko ay

101
Naisusulat ang sariling pananaw o kaisipan sa bawat pahayag.

Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Maaari kang magpanukala,


pumuna, sumang-ayon, sumalungat, o manindigan tungkol sa bawat isa. Isulat sa
patlang ang iyong pananaw o kaisipan.
1. Pagsusuot ng mga mag-aaral ng uniporme sa paaralan

2. Pagbibigay ng iyong mga magulang ng mga tuntuning dapat sundin sa


tahanan

3. Pagbibigay ng angkop na kaparusahan kapag hindi nasunod ang mga


tuntunin sa bahay man o sa paaralan

4. Pagkakaroon ng mga bata ng walang hanggang kalayaang gawin ang lahat


ng gusto nilang gawin kailanman o saanman

5. Pananakit nang pisikal sa mga batang sumusuway sa mga utos o tuntunin

102
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

Kabanata 2, Aralin 6
PAGBIBIGAY-KAHULUGAN SA TSART AT GRAPH

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa inilahad na impormasyon sa tsart.

Makikita sa tsart na nasa ibaba ang bilang ng mga okupadong bahay sa Pilipinas
batay sa materyales na ginamit sa dingding nito. Pag-aralan ang tsart. Sagutin ang
mga tanong pagkatapos.

Kabuuang Bilang
Materyales na Ginamit sa Dingding
ng mga Okupadong Bahay
1. Konkreto, ladrilyo, bato 4,587,978
2. Kahoy 3,381,339
3. Kalahating konkreto/ladrilyo/bato at
2,816,272
kalahating kahoy
4. Yero/aluminum 144,234
5. Kawayan/sawali/kogon/nipa 3,399,180
6. Asbestos 8,823
7. Salamin 4,895
8. Materyales na napulot sa tabi-tabi at
181,769
hindi permanente
9. Iba pa (hindi nabanggit kung anu-ano) 352,293
10. Walang dingding 14,344
Kabuuan 14,891,127

SANGGUNIAN: National Statistics Office

103
1. Sa anong uring materyales gawa ang pinakamaraming bahay sa Pilipinas?

2. Ano ba ang katangiang taglay ng pangkat ng mga materyales na may


pinakamaraming gumagamit?
3. Anong materyales para sa dingding ang lumalabas na pinakakaunti ang
gumamit?
4 at 5. Anong dalawang pangkat ng mga materyales ang halos magkapantay na
higit tigatlong milyon ang gumamit? at
6. Sa anong bahagi ng bansa pangkaraniwang makikita ang dalawang
pangkat ng mga materyales na nabanggit sa mga bilang 4 at 5?
7. Ilang tahanan ang gumamit ng mga materyales na napulot lang sa tabi-
tabi?
8. Ilang tahanan ang walang dingding?
9. Anu-ano ang posibleng suliraning maaaring kaharapin o hinaharap na ng
tahanang walang dingding o may dingding nga subalit gawa lang sa mga
materyales na napulot sa tabi-tabi at hindi permanente?
a.
b.
c.
10. Sa paanong paraan maaaring tulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan at
iba pang mga samahan ang mga taong may suliraning tulad ng nakalahad
sa bilang 9?
a.
b.
c.

104
Nakabubuo ng bar graph gamit ang datos na nakalahad sa tsart.

Ang Gawad Kalinga (GK) na nagsimula sa Pilipinas noong 1995 ay isang


samahang itinatag ng grupong Couples for Christ. Kasama ang mga taong
boluntaryong tumutulong, ang samahan ay nakapagpatayo na ng mga tahanan
para sa mahihirap na mamamayang dating nakatira sa mga squatter’s area. Layunin
nilang makapagpatayo ng 700,000 tahanan sa 7,000 komunidad sa loob ng 7 taon
(2003–2010).
Nasa tsart ang ilan sa mga komunidad na naipatayo na ng Gawad Kalinga sa
Mindanao gayundin ang bilang ng tahanang naipatayo sa tulong nila. Bumuo ng
bar graph gamit ang datos na nakalahad sa tsart. Kulayan ng angkop na kulay ang
mabubuong column graph.

Bahagi ng Pabahay na Naipatayo


ng Gawad Kalinga sa Mindanao

Kabuuang Bilang
Materyales na Ginamit sa Dingding
ng mga Okupadong Bahay
1. GK Bunawan, Datu Paglas, Maguindanao 50
2. GK Butuan, Pagatpatan, Butuan City 40
3. GK Heights, Misamis Oriental 29
4. GK Kalumenga, Maguindanao 50
5. GK Kalilintad, Maguindanao 66
6. GK Malang, Kidapawan North Cotobato 28
7. GK Napo, Lanao Del Norte 20
8. GK Pasil, Kauswagan, Cagayan De Oro 54
9. GK Zamboanga, Lobregat Village, Zamboanga
47
City
10. GK Zubiri Village, Maramag, Bukidnon 68

Mula sa http://www.gawadkalinga.org/

105
Graph para sa Bahagi ng Pabahay na Naipatayo
ng Gawad Kalinga sa Mindanao

106
Napupunan ang tsart mula sa mga datos na nakalahad sa mga graph.

Lubhang kahanga-hanga ang nagawa ng Gawad Kalinga para sa mahihirap


upang magkaroon ng panibagong pag-asa dahil sa pagkakaroon ng maayos na
bahay o tahanan. Ang isang sanhi ng kawalan ng maayos na tahanan ay ang kawalan
din ng maayos na trabaho o hanapbuhay.
Nasa graph sa ibaba ang kalagayan ng paghahanapbuhay ng mga Pilipino sa
mga taong 2007 at 2006. Suriing mabuti ang mga ito at pagkatapos ay isagawa ang
mga panuto sa kabilang pahina.

SANGGUNIAN: National Statistics Office

107
Punan ang tsart mula sa mga datos na nakalahad sa mga graph.

Porsiyento ng mga May Trabaho at Walang Trabaho


sa Bansa sa mga Taong 2007 at 2006

Sagutin ang sumusunod:


1. Ano ang napansin mong pagkakaiba sa mga datos ng 2007 sa datos ng
2006?

2. Paano makaaapekto sa kalagayang pang-ekonomiya ng bansa ang dami


ng taong walang trabaho?

3. Kung sakaling kapamilya mo ang isa sa mga walang trabaho, anong


alternatibong paraan ang maipapayo mong gawin niya upang kahit paano
ay kumita ng pera?

108
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

Kabanata 2, Aralin 7
LIHAM PANGKAIBIGAN

Nakasusulat ng liham-pangungumusta para sa kaibigan o mahal sa buhay.

Mayroon ka bang kaibigan o mahal sa buhay na napalayo sa iyo? Sumulat


ng isang liham-pangungumusta para sa kanya. Balitaan mo siya ng mga bagong
pangyayari sa iyong buhay. Gawing masigla at parang nakikipag-usap lang ang
liham na ipadadala mo sa kanya. Isulat ang liham mo sa mga patlang sa ibaba.

109
Naibibigay ang mga detalye ng balangkas
para sa pagsulat ng liham na nag-aanyaya.

Punan ng mga detalyeng nakalahad sa ibaba ang balangkas para sa isang


liham na nag-aanyaya.
✧ Sino ang aanyayahan?
✧ Ano ang okasyon?
✧ Kailan ito gaganapin?
Petsa:
Oras:
✧ Saan ito gaganapin? (Gumuhit ng direksiyon kung hindi pamilyar sa lugar
ang susulatan.)
✧ Kanino nagmula ang liham?
✧ Tirahan ng sumulat:

Isulat dito ang liham:

110
Naiaayos ang liham at nalalagyan ito ng tamang bantas at malaking titik.

Ang liham sa ibaba ay hindi maayos. Ayusin sa pamamagitan ng pagsulat


na muli nito sa isang malinis na papel. Lagyan ng tamang bantas at gumamit ng
malaking titik ayon sa pangangailangan. Isaalang-alang ang pagsunod sa tamang
anyo o format ng liham.

340 J.P. Rizal Street Ramar Subdivision San Jose City Nueva Ecija

Nobyembre 16, 2009 Mahal kong Michelle salamat sa ipinadala mong

paanyaya humingi ako ng permiso kay inay upang makadalo sa iyong

kaarawan at pinayagan naman niya ako Magkikita na naman tayo mula kasi

noong lumipat kayo ng tirahan ay hindi na tayo nagkita Natutuwa ako at

nakauwi na ang inay mo mula sa Hong Kong Buo na uli ang pamilya mo alam

kong maligayang maligaya ka at ang iyong mga kapatid na sina Ate Shiela at

Gino Sige hanggang dito na lang Magkita tayo sa kaarawan mo nagmamahal

Joanna

111
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

Kabanata 3, Aralin 1
PAGSASAGAWA NG SARBEY

Nasasagot ang mga tanong bilang paghahanda sa pagsasagawa ng sarbey.

Basahing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang iyong sagot
bilang paghahanda sa pagsasagawa ng sarbey.
1. Handa ka na bang gumawa ng sarbey?

2. Ano ang iyong layunin sa pagsasagawa ng sarbey?

3. Makabubuo ka na ba ng mga angkop na tanong para sa sarbey?

4. Sino-sino ang sasagot ng iyong sarbey?

5. Gaano katagal sagutin ang gagawin mong sarbey?

112
Nakabubuo ng mga tanong para sa sarbey
at nagagawan ito ng talaan ng kaangkupan.

Bumuo ng mga tanong para sa gagawing sarbey hinggil sa kinahihiligang


libangan ng kabataan sa kasalukuyan. Gawan ito ng talaan ng kaangkupan.

Mga Tanong Angkop Di-Angkop

113
Naisusulat nang maayos at napipino
ang mga angkop na tanong na gagamitin sa sarbey.

Mula sa nabuong talaan ng kaangkupan ay isulat nang maayos at pinuhin ang


mga angkop na tanong na naitala sa Subukin Pa Natin upang mabuo ang mga
tanong na gagamitin sa pagsasarbey hinggil sa kinahihiligang libangan ng kabataan
sa kasalukuyan.

Mga Napili at Naayos na Tanong

114
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

PANGNGALAN

Natutukoy ang mga pangngalang ginamit sa mga pangungusap.

Tukuyin at bilugan ang lahat ng mga pangngalang ginamit sa mga pangungusap.


Gawing gabay ang bilang ng pangngalang nasa loob ng panaklong.
(tatlong pangngalan) 1. Ang kabutihan ni Tuwaang ay tunay na kahanga-
hanga para sa kanyang lahi.
(dalawang pangngalan) 2. Kahit saan magtungo’y hindi maaaring hindi
mapansin ang kakisigan ng binata.
(tatlong pangngalan) 3. Maging ang diwata ng kadiliman ay nabighani
sa kanyang lakas at tapang.
(tatlong pangngalan) 4. Sa kaharian ng Batooy niya natagpuan ang
kanyang pag-ibig.
(tatlong pangngalan) 5. May pambihirang husay ang bayaning wala sa
ibang kasamahan.
(dalawang pangngalan) 6. Hindi siya madadaig kumpol man ang kanyang
kalaban.
(dalawang pangngalan) 7. Sa kabila ng tapang ay naroon ang kanyang
mapagkumbabang puso.
(isang pangngalan) 8. Ang lahat ng hamon ay kanyang
napagtatagumpayan.
(dalawang pangngalan) 9. Ang kasamaan ay hindi niya pinapayagang
maghari sa kanyang hukbo.
(isang pangngalan) 10. Hindi kataka-takang mabuhay siya nang matagal
at puno ng ligaya.
Pangalan:
115
Baitang at Seksiyon:
Petsa: Marka:

URI NG PANGNGALAN

Natutukoy ang mga uri ng itinalang pangngalan.

Pumili ng tig-isang pangngalan mula sa iyong binilugan sa bawat pangungusap


sa naunang pagsasanay. Lagyan ng tsek (✓) ang uring kinabibilangan ng mga ito.
Maaaring higit sa isang tsek ang ibigay sa isang pangngalan.

Mga
Pantangi Pambalana Tahas Basal Panlasak Di-Panlasak
Pangngalan

116
Nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang mga ibinigay na pangngalan.

Gamit ang mga pangngalang nakasulat sa ibaba, bumuo ng mga pangungusap


na hihikayat sa mga taong gamitin sa kabutihan ang kanilang lakas, galing, at tapang.
1. kabutihan

2. bansa

3. Pilipino

4. pag-asa

5. lipi

117
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

Kabanata 3, Aralin 2
KAYARIAN NG PANG-URI

Nakatutukoy ang pang-uri at ang kayarian nito.

Ikahon ang mga pang-uri at isulat sa patlang ang wastong kayarian nito.

1. Maganda ang tanawin sa probinsiya.

2. Dahil sa mga mga nakatanim na puno, sariwa at presko ang


hangin dito.

3. Malilinis at malilinaw din ang mga ilog at batis dito.

4. Ang mga nahuhuling isda ay malalaki at matataba.

5. Bagama’t layo-layo ang mga bahay, may pagkakaisa at


pagtutulungan ang mga tao.

6. Bulas-palad ang mga tao sa kababayan man o tutista.

118
Napipili ang angkop na pang-uring maglalarawan
sa mga pangangalan o panghalip

Isulat sa patlang ang angkop na pang-uring maglalarawan sa mga pangngalan


o panghalip na ginamit sa pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
Pagkatapos ay isulat sa loob ng kahon ang kayarian ng pang-uring ito.

mapalad kahanga-hanga magaganda makapigil-hininga marami

1. Ang mga palay na inani sa kapatagang malapit sa Bulkang


Mayon ay ang uri.

2. Ang Diyos na lumikha ng Bulkang Mayon ay talagang


.

3. ang bumibisita sa Albay para lang


makita ang perpektong kono ng Mayon.

4. Tunay na ang kagandahan ng Mayon.

5. ang bansa sa pagkakaroon ng ganito


kagandang tanawin.

119
Nakasusulat ng mga pangungusap
batay sa hinihinging kayarian ng pang-uri.

Sumulat ng mga pangungusap hinggil sa Batanes at sa mga tao sa paligid nito


sa pamamagitan ng pagsunod sa panuto sa bawat bilang.

1. Gumawa ng pangungusap na may payak na kayarian tungkol sa


katangian ng mga taong nakatira malapit sa Batanes.

2. Gamit ang isang pang-uring maylapi ay bumuo ng pangungusap na hihi-


kayat sa mga taong bumisita sa mga lugar sa Pilipinas na hindi pa nara-
rating.

3. Gumawa ng pangungusap na may pang-uring pag-uulit na ganap upang


mapatunayang hindi magsisisi ang sinumang bibisita sa Batanes.

4. Gumawa ng pangungusap na may pang-uring pag-uulit na di-ganap upang


maipahayag ang iyong damdamin hinggil sa kagandahan ng Batanes.

5. Umisip ng isang pang-uring tambalang magagamit sa pangungusap na


nagpapahayag ng kalagayan ng mga taong bumibisita sa Batanes.

120
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

PANGHALIP AT MGA URI NITO

Natutukoy ang mga ginamit ng panghalip at ang uri nito.

Salungguhitan ang mga panghalip na ginamit sa pangungusap at saka isulat


sa kahon ang uri nito.

1. Ano ang bunga ng edukasyon sa buhay ng tao?

2. Ikaw ba’y may pagpapahalaga sa iyong pag-aaral?

3. Ang edukasyon ang pinakamagandang pamanang mata-


tanggap natin sa ating mga magulang.

4. Dapat itaguyod ang pag-aaral ng mga kabataan gaanuman


kahirap ang buhay.

5. Ito ay susi upang makamit ang tagumpay sa buhay.

6. Lahat ng tao’y maaaring umunlad sa tulong ng edukasyon.

7. Sinu-sino nga ba ang mga taong umunlad dahil sa


edukasyon?

8. Tiyak na ganito rin ang maipapayo ng mga matatagumpay


na tao sa mundo.

9. Saanmang dako magpunta, edukasyon ang prayoridad ng


maraming pamilya.

10. Ilan kayang kabataan ang kayang tumbasan ang dakilang


hangaring ito ng mga magulang?

121
Napipili ang angkop na panghalip panao at panghalip pamatlig
na bubuo sa diwa ng pangungusap.

Punan ng angkop na panghalip panao at panghalip pamatlig ang patlang sa


sumusunod na mga pangungusap upang mabuo ang diwa nito. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon.

ako kami dito narito ito siya

1. ay isang mahusay na mag-aaral sa kanilang paaralan.

2. siya nakatira malapit sa amin.

3. Nagkakilala nang minsang makasabay at makausap ko siya


hinggil sa isang aralin natin noon sa Agham.

4. ang naging simula ng aming magandang samahan.

5. Mapalad sa pagkakaroon ng kaibigang tulad niya.

122
Napipili ang tamang panghalip panaklaw at panghalip pananong
upang mabuo ang pangungusap.

Punan ng tamang panghalip panaklaw at panghalip pananong ang mga patlang


sa ibaba upang mabuo ang mga pangungusap.

ano-ano lahat ilan saanman kailanman sino-sino

1. ang maituturing na mabubuting mag-aaral?

2. ang ibinunga ng kanilang mga pagsisikap?

3. ay talagang maaasahan ang mga taong may pinag-aralan.

4. Kaya naman halos ng tao ay pinapangarap na makatapos ng


kanilang pag-aaral

5. tao na ba ang makapagpapatunay ng katotohanan nito?

123
Nakabubuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang mga panghalip.

Malaki ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa edukasyon. Minsan, kahit


maghirap pa ang mga magulang ay nagtitiis sila, mapag-aral lamang ang mga
anak. Gamitin ang mga panghalip sa pagbuo ng makabuluhang pangungusap na
kukumbinsi sa ilang kabataang ayaw nang mag-aral tungkol sa kahalagahan ng
edukasyon.

1. kayo

2. tayo

3. lahat

4. ilan

5. kailanman

124
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

Kabanata 3, Aralin 3
PAGGAMIT NG PANG-ANGKOP O LINKER NA -NG AT NA

Nailalagay ang tamang pang-angkop.

Punan ng tamang pang-angkop ang bawat bilang.

1. maganda kinabukasan

2. mahirap buhay

3. mabuti kapatid

4. matigas puso

5. mamamayan nagdurusa

6. bahay bato

7. masaya pamilya

8. ngiti matamis

9. maunlad bansa

10. masagana ekonomiya

125
Natutukoy ang pariralang ginagamitan ng pang-angkop.

Salungguhitan ang mga pariralang ginamitan ng pang-angkop. Ang unang


bilang ay ginawa na para sa iyo.

1. Nakasasabik ang papalapit na bakasyon.

2. Magandang puntahan ang mga lugar na hindi pa nararating.

3. Mag-aral ng bagong kasanayaon o kaya’y paunlarin ang talento.

4. Maaari rin namang tumulong sa mga gawaing-bahay.

5. Mainam ang magkaroon ng malinis na kuwarto at maaliwalas na paligid.

6. Gawing kapaki-pakinabang ang bakasyon upang masulit ang mga araw na


walang pasok.

126
Napagdudugtong ang mga salita sa pamamagitan ng pang-angkop
at nagagamit ito sa pangungusap.

Pagdugtungin ang mga salita sa pamamagitan ng pang-angkop at saka ito


gamitin sa pangungusap na may kaugnayan sa isang mabuting pinuno.

1. matapat – tagasunod:

2. mahusay – manggagawa:

3. maganda – layunin

4. mapayapa – bansa:

5. mapagkakatiwalaan – pinuno:

127
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

Kabanata 3, Aralin 4
PANG-ABAY

Natutukoy ang pang-abay na ginamit sa bawat pangungusap.

Bilugan ang pang-abay na ginamit sa bawat pangungusap.

1. Siguradong magkakagulo kung may hindi pagkakaunawaan.

2. Lubhang maraming inosenteng mamamayan ang nadadamay kapag may


gulo sa paligid.

3. Ang tunay na pag-ibig ay mabilis na makasasagot sa anumang alitan.

4. Kaya nitong mapahinto kahit ang pinakamatinding pag-aalitan ng dalawang


hindi magkasundong panig.

5. Marahil kung paiiralin ang pag-uunawaan ay maiiwasan ang anumang


kaguluhan.

6. Makinig nang mabuti sa nagbibigay ng payo

7. Humingi ng tawad o magpatawad nang bukal sa loob

8. Parami nang parami ang kaibigan ng taong mapagpatawad

128
Natutukoy ang ginamit na pang-abay
at naibibigay ang bahagi ng panalita ang salitang tinuringan.

Suriin ang pangungusap sa ibaba. Piliin ang ginamit na pang-abay sa


pangungusap at ibigay kung anong bahagi ng panalita ang salitang tinuturingan
nito. Sundan ang halimbawa. May mga bilang na higit sa isa ang sagot.

Bahagi ng
Pang-abay/Mga
Pang-abay
Panalitang
Tinuturingan

Ang taong walang pagpipigil sa sarili ay madalas na na-


Madalas Pandiwa
kikipag-away.

Matutong magpakumbaba nang buong puso upang matigil


ang anumang alitan.

Ang mga nagwagi sa labanan ay matunog na naghahal-


akhakan.

Ang taong nagpatawad sa kanyang puso ay ang tunay na


nagwagi.

Sila ay ang mga taong naniniwalang unti-unting lilipas ang


lubhang matitinding bagyong kanilang naranasan at aga-
rang darating ang tunay na mapayapang araw.

129
Nakabubuo ng pangungusap gamit ang salita bilang pang-abay.

Bumuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang mga salita sa ibaba bilang


pang-abay.

1. Gamitin ang salitang maagap bilang pang-abay upang makabuo ng


pangungusap na nagsasaad ng kahalagahan ng katangiang ito sa paggawa.

2. Gamitin ang salitang masikap bilang pang-abay sa pagbuo ng pangungusap


upang masabi mong kailangan ang katangiang ito upang madaling umunlad
ang tao.

3. Gamitin ang salitang labis bilang pang-abay sa pagbuo ng pangungusap


na nagsasaad sa kahalagahan ng pag-ibig upang maayos ang mga
kaguluhan sa mundo.

4. Gamitin ang salitang totoo bilang pang-abay sa pagbuo ng pangungusap


na magpapatunay na malaki ang magagawa ng pag-ibig sa buhay ng tao.

5. Gamitin ang salitang mabilis bilang pang-abay upang makabuo ng


pangungusap na hihikayat sa mga taong tapusin na ang isang matinding
alitan.

130
Natutukoy ang ginamit na pang-abay.

Suriing mabuti ang mga pangungusap. Bilugan ang ginamit na pang-abay.

1. Makikita ng pamahalaan ang inaasam na tagumpay ng mga Pilipinong


alagad ng sining kung magbibigay sila ng suporta sa mga ito.

2. Dahil sa kahusayan ng mga artistang Pilipino’y naging matagumpay ang


pelikulang kanilang inilunsad.

3. Ayokong sumuway sa mga alituntunin ng inampalan.

4. Talagang masarap magsaya sa tagumpay ng kapwa-Pilipino.

5. Marahil mas makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahuhusay na alagad


ng sining sa iba’t ibang larangan.

6. Isang buwang nagplano ang pamahalaan.

7. Masaya palang gumawa nang mabuti sa kapwa.

8. Ipanalangin nating maipatupad nang pantay-pantay sa lahat ang bagong


programa.

9. Ang kumpetisyon sa pagsulat na nilahukan ng maraming manunulat na


Pilipino ay ginanap sa Europa.

10. Magpunyagi ka para sa bayan ko.

131
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

URI NG PANG-ABAY

Nakikilala ang uri ng pang-abay na ginamit sa pangungusap.

Bilugan ang titik ng uri ng pang-abay na may salungguhit sa pangungusap.


1. Ipanalangin nating maipatupad nang maayos ang programa ng pamahalaan.
a. inklitik b. pamanahon c. pamaraan
2. Siguro ay magtutuluy-tuloy na ang pag-angat ng kulturang Pilipino.
a. pamanahon b. pamaraan c. pang-agam
3. Hindi makatutulong sa mga Pilipino ang pagiging tamad at palaasa.
a. pamaraan b. pang-agam c. pananggi
4. Oo, nakikita ko na ang iba pang tagumpay na makakamit ng ating mga
kababayan.
a. pang-agam b. panang-ayon c. pananggi
5. Magtrabaho tayo para sa ating kapwa.
a. benepaktibo b. kundisyunal c. kusatibo
6. Iba kasi ang mga Pilipino!
a. inklitik b. pamanahon c. pamaraan
7. Gumagawa sila dahil sa pagmamahal sa bayan.
a. benepaktibo b. kundisyunal c. kusatibo
8. Napatalon tuloy ako nang limang pulgada.
a. panlunan b. panggaano c. pamanahon
9. Sadyang maaasahan ang mga Pilipino sa maraming bagay.
a. pang-agam b. panang-ayon c. pananggi
10. Luluwag ang buhay ng lahat kapag naipatupad ang lahat nang ito.
a. benepaktibo b. kundisyunal c. kusatibo

132
Nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang mga uri ng pang-abay.

Bumuo ng mga pangungusap na hihikayat pang lalo sa mga Pilipinong alagad


ng sining na patuloy na magpakahusay sa kanilang napiling larangan para sa
kaunlaran ng ating kultura gamit ang mga uri ng pangabay na nakalahad sa bawat
bilang.
1. Kusatibo

2. Panang-ayon

3. Pananggi

4. Kundisyunal

5. Benepaktibo

6. Pang-agam

133
Nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang iba pang uri ng pang-abay.

Gamit ang iba pang uri ng pang-abay sa bawat bilang, bumuo ng mga
pangungusap na makatutulong sa mga Pilipinong alagad ng sining na mabigyan ng
karampatang pagkilala at pagpapahalaga.

1. Pamaraan

2. Panlunan

3. Pamanahon

4. Panggaano

5. Inklitik

134
Pangalan:
Baitang at Seksiyon: Marka:
Petsa:

Kabanata 3, Aralin 5
PANGATNIG

Natutukoy ang pangatnig at ang salita o mga salitang pinag-ugnay.

Bilugan ang pangatnig na ginamit sa pangungusap at salungguhitan ang


salita o mga salitang pinag-ugnay nito. May mga pangungusap na higit sa isang
pangatnig ang ginamit.

1. Malaki ang naitutulong ng teknolohiya sa buhay ng mga tao subalit madalas


ay naaabuso tayo.

2. Mula sa mano-manong paggawa ay napadadali nito ang gawain kaya


gumagaan ang tungkulin ng mga manggagawa.

3. Nagiging mabilis ang produksiyon kaya mabilis ang pag-unlad ng ekonomiya


maging ng mga mamamayan.

4. Kahit nasa malayong lugar ang kausap ay madali na itong mapupuntahan


at makakausap

5. Ngunit sa mabilis na pagbabagong dulot ng teknolohiya, unti-unti na


namang nasisira ang paligid natin.

6. Gamitin sana natin ang teknolohiya sa kapaki-pakinabang na paraan.

135
Gamitin ang mga pangatnig na nakatala sa pagbuo ng mga pangungusap na
hihikayat sa mga taong maging matulungin at mapagmalasakit sa kapwa gaya nina
Indarapatra at Sulayman. Gawing gabay ang mga salitang nasa loob ng panaklong
upang mabatid kung ano-ano ang pag-uugnayin.

1. o (dalawang salita)–

2. habang (dalawang parirala)–

3. ngunit (dalawang sugnay) –

4. kung (dalawang sugnay) –

5. dahil sa, kaya (higit sa dalawang sugnay)–

136

You might also like