You are on page 1of 10

PANG-URI

PANG-URI
Ang paglalarawan ay isang
paraan ng pagpapahayag at upang
maisagawa ito,gumagamit tayo ng
mga salitang naglalarawan o pang-
uri .Ginagamit natin ang pang-uri
bilang panuring sa pangngalan o
panghalip.
PANG-URING INUULIT

Maaaring salitang ugat o


salitang maylapi na may pag-
uulit.Nahahati ito sa dalawa.

1.PANG-URING INUULIT NANG GANAP

2.PANG-URING INUULIT NANG DI-GANAP


PANG-URING INUULIT NANG GANAP
Maaaring salitang ugat o salitang maylapi na
may pag-uulit.
Halimbawa:
1.Maputing-maputi na ang buhok ni Inang.
2.Sawang-sawa na ako sa kahirapan.
3.Sariwang-sariwa ang mga dala niyang
isada.
PANG-URING INUULIT NANG DI-
GANAP
Halimbawa:
1.Malapit nang mahinog ang mga mangga dahil
manilaw-nilaw na ito.
2.Maliliit pa ang mga batang iyan nang maulila
sa ama.
3.Matataba ang alaga niyang manok sa likod
bahay.
PANG-URING TAMBALAN
Ang mga ito ay dalawang magkaibang salita
na nang pinagtambal ay nagkaroon ng iisang
kahulugan.Ang kahulugan ay maaaring
karaniwan o patalinhaga.
Halimbawa:
1.Mahirap kausap ang taong balat-sibuyas.
2.Makapanindig-balahibo ang napanood naming
eksena kahapon.
PANG-URING PAHAMBING
Ito ang tawag sa mga salitang
nagpapakita ng pagtutulad o
pagkakaiba ng dalawa o higit
pang pang tao,bagay,hayop,lugar
o pangyayari.
1.PAHAMBING NA MAGKATULAD
2.PAHAMBING NA DI-MAGKATULAD
PAHAMBING NA DI-MAGKATULAD
Kung ang pinaghahambing ay may pantay na
katangian.Gumagamit ito ng mga katagang
kasing,ka,sin,magsing,magkasing,at ga.Maari
ring gamitin ang mga salitang tulad ng
parang,gaya,kapara,paris,at kapwa.
Halimbawa:
1.Magkasinglaki ang magkapatid na kambal.
2.Parehong uliran sa bait ang kanilang
magulang.
PAHAMBING NA DI-MAGKATULAD
Kung ipinakikita ang kahigitan o kalamangan
ng isang bagay ng isa sa
pinaghahambingan.Ginagamit dito ang mga
salitang labis,di-hamak,higit,kaysa, kaysa sa.
Halimbawa:
1.di-hamak na masinop ang mga pilipino noon
kaysa ngayon.
2.Mas maginoo ang lalaking unang lumigaw sayo
kaysa sa lalaking lumiligaw sa iyo ngayon.
PAHAMBING NA DI-MAGKATULAD NA
PASAHOL
Kung ipinapakita na nahihigitan o
nalalamangan sa katangian.Ginagamitan ito ng
mga katagang di gasino,di lubha,di totoo,di
gaano,di paris,di tulad,di gaya,higit o lalo bago
ang pang-uri at sinusundan ito ng tulad ng
,gaya ng,kaysa sa.
Halimbawa:
1.di-gaanong malinis ang dagat dito tulad ng
dagat sa boracay.

You might also like