Sa isang manila paper o cartolina, sumulat ng mga nalalaman
niyong dayalekto na ginagamit sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Maaaring ito ay mula sa pulo ng Luzon, Visayas at Mindanao. Bibigyan lamang ang lahat ng pangkat ng 3 minuto upang makaisip at makasulat ng kanilang mga nalalaman. Matapos nito ang bawat pangkat ay kanya-kanyang ipapaskil at kung sino ang pinakamaraming natira o naisip na dayalekto na wala sa ibang grupo ay magkakaroon ng karagdagang isang chips bawat isa sa miyembro. Bukod sa wikang Filipino, ano pang wika o diyalekto sa bansa ang alam mo o nais mong matutuhan?
Sa iyong palagay, bakit binigyang-pansin sa K-12
Curriculum ang paggamit ng MOTHER-TONGUE sa pag-aaral sa primary?
Bakit dapat pahalagahan ang wikang
Filipino at ang iba pang mga wika ng bansa? ANG SARILING WIKA TULANG KAPAMPANGAN “Ing Amanung Siswan” na isinulat ni Monica R. Mercado at isinalin sa tagalog ni Lourdes C. Punzalan PANIMULA Marahil isa sa pinakamahalagang bagay na naimbento o nagawa ng tao sa mundo ay ang wika. Mahalaga ito sapagkat ito ang kasangkapang kailangan upang magkaunawaan. Hindi naitala sa kasaysayan kung kalian nga ba nagsimula ang pakikipagtalastasan. Ipagpalagay na lamang na nagsimulang magtalastasan ang mga tao sa pamamagitan ng mga ungol o tunog na tulad ng sa hayop na sinabayan ng mga kumpas upang mabilis na maihatid ang mensaheng nais ipabatid. 1. Teoryang “Bow-wow”- ginagaya ng mga tao ang tunog ng kalikasan. 2. Teoryang “Yum-yum”- Pinag-uugnay ng teoryang ito ang tunog at ang kilos ng pangangatawan. Ayon sa teoryang ito ang tao ay tumutugon sa mga bagay na nangangailangan ng paggalaw at ginagaya ito sa pamamagitan ng kanilang bibig. 3. Teoryang Pooh-pooh”- Ang tao ay lumilikha ng tunog na may kahulugan upang maipahayag ang tindi ng damdaming nararamdaman tulad ng galit, tuwa, galak, takot, pangamba, at iba pa. Ayon sa pag-aaral ng mga dalubwika, ang mga teoryang nabanggit ay maituturing na may kakulangan upang ganap na maipaliwanag ang kasalimuotang taglay ng pinagmulan ng wika. Ayon naman sa pananaw ng mga relihiyoso ang paliwanag dito ay matatagpuan sa Bibliya. Genesis 11:1-9, dito ay ipinapakitang ang wika ay kaloob ng Diyos sa tao. Ang Diyos ang nagtakada ng wika sa bawat bansa. Kaya anumang wika ang ating sinasalita, dapat ito ay ating mahalin at pahalagahan sapagkat sa pamamagitan nito ay ating naipapahayag ang lahat ng nilalaman ng ating puso at isipan. Naipapaliwanag ang kahulugn ng salita sa paamagitan ng pagpapangkat Pangkatin ang mga salitang nakatala sa susunod na slide ayon sa mga kaisipang dapat na kinabibilangan ng mga ito. Mula sa ginawang pagpapangkat ay bumuo ng paliwanag tungkol sa pangkalahatang kaisipan o kahulugan ng mga salitang pinagsama-sama. Ang tagapag-ulat na mapipili bawaw pangkat ang siyang magpapaliwanag ng kasagutan. buhay hiyas salapi diwa kagandahan panghalina ginto katangian pagkatao
Kayamanan: Kaluluwa Kariktan
Paliwanag Paliwanag: Paliwanag
Halina’t unawain natin! ANG SARILING WIKA Ang sariling wika ng isang lahi Ay mas mahalaga sa kayamanan Mula sa henerasyon patungo sa iba Nangangalap ng karanasan, gawi, Pagsamba, pagmamahal, pagtatangi, at pagmithi
Nais mo bang mabatid layunin ng kanyang puso,
Ang kanyang mga pangarapin. Mainit na pagmamahal na sa puso’y bumubukal Kasama ang mahalagang layuning nabubuo sa isipan? Pakinggan ang makahulugang gintong salita Na sa kanyang bibig ay nagmumula. Minanang wikang itinanim sa isian Iniwan ng ninuno, tula ng iniingatang yaman Pamanang yamang di dapat pabayaan At dapat pagyamanin ng mga paghihirap para sa kaunlaran, di dapat masayang Para sa kaunlaran, di dapat masayang Tulad ng halaman na natuyot at nangalagas sa tangkay
Minana nating wika’y
Maihahambing sa pinakadakila Ito’y may ganda’t pino, Aliw-iw at himig na nakahahalina Init nito’t pag-ibig mula sa musa Pagpapahayag ng pagmamahal ay kanyang kinuha Wikang Kapampangan, buo ang iyong ganda Ang himig ng iyong tunog Tulad ng pagaspas ng bagwis ng mga ibon Tulad ng awit na likha ng brilyanteng makinang Tulad ng lagaslas na himig ng tubigan Tulad ng awit ng malamig na hanging amihan
Wikang Kapampangan, ikaw ay mahalaga
Sa lahat ikaw ay maikokompara Ikaw ang mapagmahal at matamis na pahayag ng pag-ibig Tulad mo’y walang katapusang awit Ang lahat sa iyo ay tulad ng bumubukang bulaklak Ang tulang ito ay pagpapahayag ng saloobin ukol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling wika. Unang Talata- ipinahayag ng may-akda ang kahulugan ng wika ayon sa gamit nito sa bansa na inihalintulad sa pagkakaroon ng kayamanan na nagmula sa pagsamba, pagmamahal, pagmimithi, at pagtatangi. Ikalawang Talata- nagpapahayag ng kahalagahan ng wika sa pagsisiwalat ng damdamin sa paggamit ng bibig o sa paraang pakikipagtalastasan. Ikatlong Talata- tumutukoy naman sa kaugnayan ng mga ninuno sa pagkakaroon ng sariling wika. Binanggit sa tula na ang mga ninuno natin ay nagsumikap na maibigay ang lahat sa bayan upang magkaroon ng sariling pagkakakilanlan sa pamamagitan ng paggamit at pagpapaunlad ng kakayahan sa pakikipagtalastasan gamit ang wika. Huling dalawang talata- nagpapahayag ng paghanga sa wikang kapampangan. Sa paglalarawan ay mapapansin na ang pagkakaroon ng sariling wika ay isa sa mga pinakamagandang bagay na maaaring magkaroon ang isang bansa. Inihalintulad sa kalikasan na sadyang maganda kung pagmasdan, ang wika rin ay makabuluhan sa pagpapahayag ng damdaming tulad ng pag-ibig. Ang pag-ibig na siyang pinakamakapangyarihang damdamin sa lahat. sapagkat sa pag-ibig nagmumula ang lahat ng magagandang bagay tulad ng pagsisikap, pangarap, pg- unlad, pagyaman, at pangmatagalang pagsasama-sama. 1. Bakit itinuturing na ang isang wika ng lahi ay mas mahalaga pa sa material na kayamanan? 2. Bakit sinasabing ito ang nagsisilbing kaluluwa ng isang bansa? 3. Paano mo malalaman ang mga mithiin o adhikain ng isang bansa o lahi ayon sa may-akda 4. Naniniwala ka bang ang wika ay pamanang yaman ng ating ninuno na hindi dapat pabayaan? Bakit? 5. Kanino raw maaaring ihambing ang ating minanang wika ayon sa may-akda? Sumasang-ayon ka ba rito? Bakit? 6. Aling wika sa bansa ang binigyang-pagpupugay ng may-akda? Paano inilarawan ng may-akda ang wikang ito? 7. Sa iyong palagay, bakit kailangang pahalagahan natin ang iba pang wika ng bansa bukod sa Filipino? Bilang kabataan, paano mo Maipapakita ang iyong Pagpapahalaga at pagmamalaki Sa wikang Filipino at Katutubong wikang ginagamit sa lugar na iyong Kinalakihan?