You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Sangay ng Lungsod ng Tanauan
TANAUAN CITY INTEGRATED HIGH SCHOOL
Trapiche 1, Tanauan City

PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO

GURO MARK GIRON C. BAUTISTA BAITANG SAMPU


PETSA & , 2022 ASIGNATUR FILIPINO
ORAS A
PANGKAT Baitang 10 MARKAHAN IKALAWA

I.LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakikilala ang katangian ng mitolohiyang Norse


2. Napahahalagahan ang mga aral na hatid ng mitolohiya
3. Nasusuri ang elemento ng mitolohiya gamit ang balangkas

A. Pamantayang Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga


Pangnilalaman akdang pampanitikan ng mga bansang kanluranin

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang


pangmadla (social media)
C. Mga Kasanayan sa F10PD-IIa-b-69
Pagkatuto Nakabubuo ang sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood

II. NILALAMAN SINA THOR AT LOKI SA LUPAIN NG MGA HIGANTE (Mitolohiya)

III.KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian Grade 10 PIVOT 4A Module: Ikalawang Markahan
Sina Thor at Loki sa lupain ng mga higante
1. Mga pahina sa Gabay ng Filipino 10: Panitikang Pandaigdig –
Guro Pahina 169: Introduksyon sa Mitolohiyang Norse,
Pahina 173: Mga Elemento ng Mitolohiya
2. Mga pahina sa Kagamitang Filipino 10: Panitikang Pandaigdig –
pang-mag-aaral Pahina 174 – 177: Sina Thor at Loki sa lupain ng mga Higante
Pahina 179 – 181: Rihawani
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan SINA THOR AT LOKI SA LUPAIN NG MGA HIGANTE
mula sa portal ng Learning Youtube: https://www.youtube.com/watch?v=z4bVqJpveSU
Resource
B. Iba pang Kagamitang Laptop, Traditional IMs, PPT, at Telebisyon
Panturo Kartolina at Marker Pen

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang 1. Ano ang uri ng panitikan na tinalakay sa nakaraang aralin?
aralin at / o pagsisimula ng 2. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin nito?
bagong aralin
B. Paghahabi sa layunin ng Show card
aralin Tingnan ang larawan at isulat ang pangalan o karakter na may
kaugnayan dito sa hudyat ng guro. Itaas ang card bilang hudyat na
tapos na. Ang unang natapos na may tamang sagot ay makakukuha ng
puntos.

Mga Larawan: Inaasahang sagot ng mga bata:

Samson

1.

Darna

2.

Barbel

3.

Encantadia

4.

Dyesebel

5.

Thor

6.

Mga Prosesong Tanong:


1. Ano ang kaugnayan ng mga larawan sa mga pangalan?
2. Paano mo papangkatin ang mga karakter?

C. Pag-uugnay ng mga Gawin ang limang hakbang habang nanonood ng mitolohiya:


halimbawa sa bagong aralin Tumahimik, Makinig, Magnilay, Magsulat ng mga tanong mula sa
napakinggan, Magsalita tungkol sa napakinggan.
Panoorin ang 7 minutong video clip tungkol sa mitolohiya na “Thor at
Loki sa Lupain ng mga higante”.

Gamitin ang gabay na tanong para sa pagsagot sa mga katanungan.


1. Sino-sino ang mga tauhan?
2. Bakit nagalit si Thor kay Skrymir?
3. Paano niya ipinakita ang kanyang galit?

‘Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga higante’


ni Snorri Sturluson

Youtube: https://www.youtube.com/watch?v=z4bVqJpveSU
D. Pagtalakay ng bagong Tanong–Sagot
konsepto at paglalahad ng Pagtalakay sa nilalaman gamit ang elemento ng mitolohiya.
bagong aralin #1 Pangkatin ang mga tauhan sa mitolohiya gamit ang talahanayan at
ipaliwanag ang kanilang kakayahan.
THOR LOKI SKYMIR UTGAR-LOKI
LOGI HUGI ELLI THJALFTI ROSVKA

Diyos Higante Tao

2. Ilarawan ang tagpuan at panahon sa mitolohiya.


3. Saan nakatuon ang mga pangyayari o banghay?
4. Ano ang paksa o tema ng binasang mitolohiya?
5. Paano mo maihahambing ang akda sa iba pang mitolohiya sa mga
nakaraang paksa? Gamitin ang Tsart sa ibaba.
MITOLOHIYA Saan ito Ano ang Ano ang Ano ang
nagmula? relasyon katangian nangingibabaw
sa ng mga na tema?
pagitan tauhan?
ng mga
diyos/a at
tao?

 Sina Thor Inaasaha


at Loki sa ng sagot:
lupain ng
Norse
mga
higante
Inaasahang Inaasaha
sagot: ng Sagot:
 Cupid at Greek
Psyche o
Remus at
Romulus

E. Pagtalakay ng bagong
Konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
F. Paglinang sa Kabihasaan Fact or Bluff
(Tungo sa Formative Itaas ang card na Fact kung tama ang ipinapahayag ng pangungusap
Assessment) at Bluff naman kung mali.

Mga tanong:
1. Si Thor ang pinakamalakas na diyos sa mitolohiyang “Sina Thor at
Loki sa lupain ng mga higante”.
2. Sa bansang Greenland nagmula ang mitolohiyang Norse?
3. Ang tema ang elemento ng mitolohiya na maaaring magpaliwanag
ng mga natural na pangyayari, pinagmulan ng daigdig, katangian at
kahinaan ng tauhan, at iba pa.
4. Si Odin ang hari ng mga higante na may taglay na mahika na
kayang lumikha ng mga ilusyon.
5. Si J.K Rowling ang nagsulat ng akdang pinamagatang Prose
edda?
G. Paglalapat ng aralin sa PANGKATANG GAWAIN
pang-araw-araw na buhay

Pangkalahatang Panuto:
Mula sa mga magkakaparehong interes o kakayahan ang bubuo ng
pangkat. Bawat grupo ay maghanda ng presentasyon base sa paksa at
aral ng mitolohiyang ‘Sina Thor at Loki sa lupain ng mga higante’.
Bibigyan ng 5 - 7 minuto ang bawat pangkat upang ihanda ito. Bubunot
ang lider ng bawat grupo ng numero kung sino ang unang
magtatanghal.
Ibabahagi sa harap ng klase ang nabuong gawain sa loob ng 2 minuto.

Mga kakailanganin:
- ¼ papel, nakasulat ang pangalan ng grupo at miyembro. Sa
likod ay isulat ang pangalan ng ibang grupo para sa pagbibigay
ng puntos.

Ang mga grupo:


Pangkat 1 – Paulat
Gumawa ng paguulat tungkol sa balitang may kinalaman sa pagtitiwala
sa kakayahan o talento. Inaasahan na mayroong gaganap na tagapag-
ulat at kakapanayamin.
Pangkat 2 – Padula
Magtanghal ng isang dula-dulaan na nagpapakita ng pagtitiwala sa
sariling kakayahan. Gamitin ang iskrip na ibibigay ng guro.
Pangkat 3 – Patula
Maghanda ng isang sabayang pagtula gamit ang akda ni Angela
Gonzales na pinamagatang 'Kaya ko!'. Magbibigay ang guro ng kopya
ng tula.
Pangkat 4 – Pakanta
Pumili ng isang awitin na mayroong mensahe ng pagasa at tiwala sa
sariling kakayahan. Magbibigay ang guro ng kopya ng liriko.
Rekomendasyon:
Pagsubok ng Orient Pearl
Kabataang Pinoy ng Itchyworms

RUBRIKS
INTERPRETASYON 5
- Nagbigay ng malalim na
pangunawa at emosyon.
PRESENTASYON 5
- Nai-presenta ang output
sa masining at mabisang
paraan.
Dating sa Madla 5
- Iskor mula sa ibang
grupo.
KABUUAN 15

INTEGRASYON SA MAPEH:
Ang pangkating Gawain na ito ay may integrasyon ng musika at sining
dahil sa mga kakayahan at paraan na ipamamalas ng mga mag-aaral.
H. Paglalahat ng aralin Job Exit Card (Dugtungan ang pahayag)
Natutuhan ko…
Napahahalagahan ko …
Kung ako si Thor…

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na katanungan. Isulat


sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Si Thor ang pinakatanyag na diyos ng mitolohiyang Norse. Ano ang
tawag sa kaniyang sandatang maso?
A. Excalibur
B. Mjolnir
C. Frejlord
D. Vili
2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng banghay ng isang
mitolohiya?
A. Tumatalakay sa pagkalikha ng mundo.
B. Ipinakikita ang ugnayan ng mga tao at ng mga diyos at diyosa.
C. Salat sa aksyon at tunggalian dahil nakatuon lamang ito sa iisang
tauhan.
D. Nakatuon sa mga suliranin at kung paano ito malulutas.
3. Ano ang tawag sa lugar kung saan nakatira ang mga diyos ng
mitolohiyang Norse?
A. Asgard
B. Ragnarok C. Jotunheim
D. Ygdrassil
4. Ano-ano ang mga naging paligsahan na pinaglabanan nina Thor sa
kaharian ni Utgard-Loki?
A. Pabilisan sa pagkain, sa pagtakbo, paramihan ng maiinom na alak.
B. Pabilisan sa paglangoy, sa pagputol ng malaking puno, pagpapaamo
sa mabangis na tigre.
C. Pagpapatulog sa alagang pusa, paggawa ng kastilyo, pagbuhat sa
malaking bato.
D. Pagalingan sa pagkanta, patalasan ng isip, pagkumpuni sa nasirang
damit ni Utgard-Loki.
5. Bakit hindi nagtagumpay sa mga pagsubok ni Utgard-Loki sina Thor?
A. Dahil lubhang napakahirap ang mga pagsubok na inihanda ni
Utgard-Loki.
B. Dahil sa pagiging mainitin ng ulo ni Thor kaya siya nagkamali sa mga
pagsubok.
C. Gumamit ng mahika si Utgard-Loki upang mandaya dahil batid
niyang malakas na kalaban si Thor.
D. Pinagkaisahan si Thor at ang kaniyang mga kasamahan ng mga
alagad ni Utgard-Loki upang di sila manalo.

J. Karagdagang gawain para TAKDANG ARALIN


sa takdang-aralin at Sanggunian: FILIPINO 10 – Panitikang pandaigdig
remediation Pahina 179 – 181: Rihawani

Panuto: Basahin ang mitolohiya mula sa Pilipinas, ang “Rihawani”. Sa


isang buong papel, tukuyin at suriin ang akda gamit ang balangkas sa
ibaba.
1. Ilarawan ang katangian ni Rihawani?
2. Ilarawan ang tagpuan at panahon sa mitolohiya.
3. Saan nakatuon ang mga pangyayari o banghay?
4. Ano ang paksa o tema ng binasang mitolohiya?
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na bilang ng mag-aaral ang nakakuha ng 80% sa
nakakuha ng 80% sa pagtataya.
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na na bilang ng mag-aaral ang nangangailangan ng iba
nangangailangan ng iba pang pang gawain para sa remediation.
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-aaral
na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo na nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?

Inihanda ni:

MARK GIRON C. BAUTISTA Iniwasto ni:

Gurong Mag-aaral

MERLYN O. MALABANAN
Cooperating Teacher
Binigyang Pansin:
Inaprubahan ni:

LANI A. TOLENTINO
JOSEFINE J. MAGPANTAY
Head Teacher I
Principal III

You might also like