You are on page 1of 6

Isang Suring Papel sa akdang sanaysay na pinamagatang

NELSON MANDELA: BAYANI NG AFRIKA

isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum

I. PANIMULA

Ang Kalayaan ay nararapat at natural sa tao. Subalit, mismong kapwa taong may

ideyolohiyang nabahiran ng rasismo at pagmamataas ang nagkait sa iba pa ng

kalayaan. Ang Timog-Africa, kagaya rin ng Pilipinas, ay napasailalim din sa pang-aalipin

ng ibang lahi. Ang kulay-lupang balat nila ang nagbigay ng kaisapan sa mga puting

dayuhan na sila ay mga mababang uri. Ngunit ang mahabang panahon ng opresyon

ang nagtulak sa mga Afrikano, sa pangunguna ng naging unang Pangulo ng kanilang

bansa na si Nelson Mandela, na maghangad ng kalayaan sa sariling bayan. Sa

kolektibong aksyon, libo-libong buhay na sinakripisyo at hindi napapaos na boses, ay

nagtagumpay silang makamit ang demokasya.

Ang panimulang talata ni Pangulong Mandela ang binigkas na kagalakan na

hatid ng bagong pag-asa sa bago ring silang na demokasya sa kanilang magandang

bansa.

II. KATAWAN

Ang una at matagumpay na eleksyon, na nagpanalo kay Mandela bilang unang

pangulo ng demokratikong Timog-Africa, ang naging hudyat ng bagong yugto na may


kalayaan sa kanilang buhay. Inalala ni Pangulong Mandela ang kanilang payapang

pakikipaglaban na salungat sa mapagpahirap na kolonyalismo. Ang kagandahang likas

ng lupaing Afrika ang naging inspirasyon nila upang kumilos nang may kapayapaan

habang ang kanilang puso ay nagliliyab sa sidhi ng kagustuhang ng pagbabago at

kalayaan. Sama-sama ang mga lehitimong anak ng Afrika na nakibaka upang

mapatalsik ang mga dayuhang sinasamantala ang yamang biyaya ng lupaing Afrika.

Hindi nila hinayaan na dumanak sa lupa, miske sa kanilang balat ang pulang dugo ng

karahasan at kamatayan. Nagkaka-isa sila simula noong una hanggang sa dulo.

Bagaman nilikha na natural na malaya ngunit kinalaunan ay inagaw ng mga

dayuhan, isang biyaya pa rin ang kanilang pagtuturing sa binawing kalayaan. Si

Mandela ang naging simbolo ng demoksya at kapayapaan sa kanilang bansa.

III. WAKAS

Bilang pagwawakas ni Pangulong Mandela, may pagasang humiling siya sa

Kataas-taasang Lumikha na pagpalain sila ng kapayapaan. Bigyan din sana sila ng

hanapbuhay at makakain. Ipinangako niya na hindi na muli sila makakaranas ng pagka-

alipin na kinakailangan ng sakripisyo ng buhay upang matuldukan dahil simula noon

hanggang magpakailanman ay maghahari na ang Kalayaan. Sa huli, sinambit niya ang

“. Pagpalain ka nawa ng Diyos, Africa!” dahil batid niya na marami pa ring bayan sa

kontinente ng Afrika ang nasa ilalim ng pananakop, at laganap pa rin sa buong mundo

ang diskriminasyon at rasismo sa mga Afrikano. Ang pariralang sinambit niya sa dulo ay

nagpapahiwatig ng kaniyang pakikiisa sa iba pang anak ng Afrika na nawa ay maging


daan ang bagong layang Timog-Africa upang patuloy silang lumaban sa

kolonyasisasyon at panghuhusga ng ibang mapagmataas na lahi.

Kopya ng akda na pinamagatang “Nelson Mandela: Bayani ng Africa”

NELSON MANDELA: BAYANI NG AFRIKA

lsinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum

Mula sa mga karanasan ng di-pangkaraniwang kapahamakan ng tao na

namayanı nang matagal. Isisilang ang lipunang ipagmamalaki ng sangkataııhan. Ang

ating mga nagawa bilang ordinaryong mamamayan ng Timog-Africa ay kailangang

magbunga ng tunay na mamamayan nito na magpapalawak sa paniniwala ng

sangkatauhan sa katarungan, magpapalakas sa tiwala sa kadakilaan ng kaluluwa, at

magtutustos sa lahat ng ating pag-asa sa kapakinabangan ng buhay ng lahat. Ang lahat

ng ito ay utang natin sa ating mga sarili at sa mga taong naririto ngayon.

Sa akıng mga kababayan, wala akong alinlangang sabihin na ang bawat isa sa

atın ay kasinlapit ang puso sa lupa ng napakagandang bansang ito, sa tany g na puno

ng Jacaranda sa Pretoria, at sa mga puno ng Mimosa. Sa bawat oras, bawat İsa sa atin

ay dadamhin ang lupang ito, mararamdaman natin ang pansariling pagbabago. Ang

kalagayan ng bansa ay magbabago tulad ng panahon. Tayo ay kumilos nang may


kaligayahan at kagalakan sa paglunti ng kapaligıran at sa pagbukadkad ng mga

bulaklak. Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay

nagpapallwanag sa lalim ng sakit na dala- dala ng ating mga puso sa tuwing makikita

natin ang ating bansa na unti-jnting nalulugmok ng di pagkakasundo, at sa tuwing

makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas, at paghihiwalay ng mga tao sa

mundo. Ito ay dahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at

pagkakaroon ng rasismo. Tayo, ang mga mamamayan ng Timog-Africa, ay nakadama

ng kapayakan nang ibinalik sa sangkatauhan ang pagkakaibigan. Tayo, na pinagkaitan

ng batas kamakailan lang, ay binigyan ng bihirang pribilehiyong mamahala sa mga

bansa sa sarili nating lupain. Pinasasalamatan namin ang aming mga pınagpipitagang

panauhin sa pagparito upang angkinin, kasama ang mamamayan ng amîng bansa, ang

tagumpay para sa katarungan, para sa kapayapaan, at para sa dignidad. Naniniwala

kami na ipagpapatuloy ninyo ang pagtulong sa amin sa pagharap sa mga pagsubok sa

pagbuo ng kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae,

walang diskriminasyon sa lahi, at demokrasya. Malugod naming tinatanggap ang

tungkulin na ang aming mamamayan at ang kanilang kalayaang politikal,

pananampalataya, kababaihan. kabataan, negosyo, tradisyunal, at mga pinuno na

isagawa ang konklusyong ito. Hindi mawawala riyan ang aking Second Deputy

President, ang Kagalang-galang na si F.W. de Klerk. Pinasasalamatan din namın ang

lahat ng bumubuo sa hukbong panseguridad sa pagganap sa kanilang tungkulin na

pangalagaan ang ating unang malayang eleksiyon at ang transisyon sa demokrasya,

mula sa "hukbong uhaw sa dugo’ na nag-aalangan pa ring makakita ng liwanag. Ang

panahon para sa paghilom ng sugat ay naririto na. Ang panahon upang pag-ugnayin
ang pagkakaiba-iba ng opinyon na nagiging dahilan ng pagkakahati-hati ay dumating

na. Ang panahon upang bumuo ay nasa atin na. Sa wakas ay naabot na natin ang

emansipasyon sa politika. Nangako tayong palalayain ang ating mamamayan sa

kahirapan. kakulangan, pagdurusa, kasarian, at iba pang diskriminasyon. Nagtagumpay

tayo sa ating huling hakbang sa pagkakaroon ng kapayapaan. Itinalaga natin ang ating

sarili sa pagbuo ng kumpleto, makatarungan, at panghabambuhay na kapayapaan.

Tayo ay nagtagumpay na magtanim ng pag-asa sa milyon-milyong mamamayan.

Pumaasok tayo sa kasunduan na bubuo tayo ng lipunan kung saan ang lahat ng

mamamayan ng Timog-Africa, itim man o puti, ay makapagglalakad rin na walang takot

sa kanilang mga puso, tiyak ang kanilang karapatan sa pagkakaroon ng dignidad -

isang bansang may kapayapaang pansarili at pambansa. Bilang simbolo ng pagbabago

sa ating bansa, ang bagong Interim Government of National Unity ay sa panahon ng

biglaang pangangailangan, bibigyang-pansin ang isyu ng amnestiya ng mga taong

kasalukuyang nakakulong. Inaalay namın ang araw na ito sa lahat ng mga bayani ng

bansarg ito at sa iba pang bahagi ng mundo na nagsakripisyo at isinuka ang kanilang

mga buhay upang tayo ay Iumaya. Ang kanilang mga pangarap ay naging

makatotoharan. Kalayaan ang kanilang handog. Tayo ay may pagpapakumbaba at

pagmamalaki sa karangalan at pribelehiyo na ikaw,mamamayan ng Timog-Africa ay

Iginagawad sa atin, bilang unang Pangulo ng nagkakaisa, malaya, walang

dıskriminasyon ng lahi, at pamahalaang naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng

kasarian. Nauunawaan naming walang madaling daan para sa kalayaan. Batid naming

kung nag-iisa ay hindi maaabot ang tagumpay. Kailangan nating kumilos nang

samasama bilang nagkakaisang mamamayan para sa pambansang pagkakasundo-


sundo; para sa pambansang pagkakabuo-buo, at para sa pagsilang ng bagong mundo.

Magkaroon nawa ng katarungan para sa lahat.

Magkaroon nawa ng kapayapaan para sa lahat. Magkaroon nawa ng hanap-

buhay, tinapay, tubig, at asin para sa lahat. Malaman nawa ng bawat isa na ang

katawan, ang isip, at ang kaluluwa ay dapat lumaya upang mabigyang kasiyahan ang

kanilang mga sarili. Hindi, hinding-hindi na muling makararanas ang magandang

lupaing ito ng kawalang-katarungan at sakripisyo sa kawawang dignidad at

kahalagahan ng pagiging katutubo sa mundo. Maghari nawa ang Kalayaan. Pagpalain

ka nawa ng Diyos, Africa!

You might also like