You are on page 1of 27

PANININDIGAN SA TAMANG

PAGGAMIT NG
KAPANGYARIHAN
Noong kandidato palang sila, mapagbigay at napakabait nila.
Kampanya doon, kampanya dito, walang tigil sa pampbobola sa tao.
Pera’y ilalabas, ipamimigay sa taumbayan, makasiguro lang sa darating na
halalan,
Kahit malayong lugar pilit na pinupuntahan, beso – beso doon, ngiti at kaway –
kaway diyan.
Maraming taon na ang nagdaan, lumulubog ng ang Pinas sa utang,
Dahil talamak na ang pagnanakaw ng kaban ng bayan at korapsiyon,
Napigilan sana kung ang mga Pilipino na bumoto ng tama noon.
Sa mga nahalal na kandidato, anuman ang posisyon sa gobyerno,
Maghunusdili kayosa inyong ginagawa, aba tigilan na ang kagawaing
nakakasama.
Sakuna sa iba’t ibang lugar, ‘pag napanood at
narinig nakakasar. Pagputol ng mga puno sa
kagubatan, bigating mga politiko ang may kagagawan.
Mga bata sa lansangan, aklat sa iba’t – ibang paaralan,
Labis ang kakulanhan, dahil pera na dapat sa kanila ilalaan,
Napunta sa bulsa ng mga politikong gahaman.
Karahasan, patayan, kalaswaan, dapat bang sisihin ang mamamayan?
Kung ang gumagawa nito sa politiko kumakapit,
Tanggapin na lang ba natin ito at karangalan ng Pinas naiipit?
Sa mainit na isyu ng bayan, “Pork Barrel” ating pinag – uusapan,
Itigil ang kababuyan ng mga gahaman, isauli na ang pera sa
taumbayan.
Mga kababayan saan mang panig ng mundo, maging mulat kayo sa
paligid ninyo,
Pangyayaring makinalaman sa gobyerno,
makiisa, kapit kamy sama – sama tayo.
Sagutin:
1. Ano ang pananaw mo hinggil sa tula?

2. Totoo bang nagyayari ito ngayon sa ating lipunan?


Ipaliwanag.

3. Ano – anong mga pang- aabuso ng kapangyarihan


ang nabanggit sa tula?
Ang KORAPSIYON, KATIWALIAN o
PANGUNGURAKOT ay karaniwang tumutukoy sa
pampolitika na gawain na karaniwang nangyayari
kapag ang isang indibidwal na nasa posisyon ng
pamahamahalaan o isang empleyado ng
pamahalahan ay umaasal sa kanyang kapasidad
bilang opisyal ng pamahalaan para sa hindi
nararapat na sariling kapinabangan.
Ang KORAPSIYON, KATIWALIAN o
PANGUNGURAKOT- kawalan ng integridad at
katapatan.
MGA GAWAING MAY KINALAMAN SA
KORAPSIYON:

1. Pang- aabuso sa kapangyarihan - hindi


makatuwirang paggamit ng kapangyarihan o
awtoridad o mga ahensiya ng pamahalaan.
MGA GAWAING MAY KINALAMAN SA
KORAPSIYON:
2. Pakikipagsabwatan – isang kasunduan sa pagitan ng
dalawa o higit pang partido.
isang partido na may illegal na Gawain na may
kasabwat sa gobyerno para pagtakpan ang
iregularidad. Malimit na may katapat na salapi ang
gagawing pagtatakip sa katiwalian upang
magkaroon ng sapat na papeles
o permiso ang transaksiyon.
MGA GAWAING MAY KINALAMAN SA
KORAPSIYON:
3. Pandaraya sa halalan – illegal na panghihimasok sa
proseso ng halalan. Nagdudulot na huwad na resulta sa
halalan.
- Pagsupil o pagpaslang ng mga katunggali
- Pagbili o panunuhol ng mga botante.
MGA GAWAING MAY KINALAMAN SA
KORAPSIYON:
4. Pagmamanipula ng presyo (Price Fixing) –
pagtatakda ng presyo na nanatili sa
napagkasunduang lebel upang kontrolin.
- pagmamanipula sa suplay at pangangailangan.
MGA GAWAING MAY KINALAMAN SA
KORAPSIYON:
5. Pagnanakaw sa kaban ng bayan – paglulustay para
sa pansariling pakinabang sa mga pinagkatiwalang
ponding pampubliko ng pamahalaan.
6. Panunuho at Pagtanggap ng suhol – pagbibigay ng
salapi o regalo kapalit ng pabor.
kick back – may pakikipagsabwatan
MGA GAWAING MAY KINALAMAN SA
KORAPSIYON:
7. Pagtangkilik o Padrino – tumutukoy sa pagpabor sa
mga tagasuporta.

a. Nepotism- pagluklok sa pwesto ng kamag – anak

b. Cronyism - paglukok sa pwesto sa kaibigan


MGA GAWAING MAY KINALAMAN SA
KORAPSIYON:

8. Pangingikil o blackmail – pananakot o panggigipit


upang gawin o sundin ang isang Gawain upang ang
nananakot o nanggigipit ay manahimik o hindi
magsalita o magbigay ng impormasyon tungkol sa
nalalaman.
MGA PROGRAMA NG PAMAHALAAN NA
MAKAKATULONG SA PAGLUTAS SA PROBLEMA NG
PANG- AABUSO SA KAPANGYARIHAN:
1. LIFESTYLE CHECK – suriin, imbestigahan ang
PARAAN ng pamumuhay ng mga pinuno at
manggagawa sa pamahalaan.
2. MORALITY CHECK - naglalayong suriin ang URI ng
pamumuhay. Dapat ay may malinis na pamumuhay,
pagkakaroon ng isang pamilya, hindi naglulustay ng
pera sa sugal., alak at iaba pang bisyo.
MGA PROGRAMA NG PAMAHALAAN NA
MAKAKATULONG SA PAGLUTAS SA PROBLEMA NG
PANG- AABUSO SA KAPANGYARIHAN:

3. LOYALTY CHECK - naglalayong suriin ang


katapatan ng isang kawani ng pamahalaan sa
kanyang ahensiya at bansang pinaglilingkuran.
Anong pang- aabuso sa kapangyarihan
ang nakikita mo sa larawan?
(Caption this)
Magbigay ng solusyon para dito.
(your comment matters)
_________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
_________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
_________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
_________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
Paano maitatama ang mga MALING gawain na may kinalaman
sa korapsiyon? Paano maninindigan laban sa mga ito?
1. Pang –aabuso sa kapangyarihan

2. Pakikipagsabwatan

3. Pandaraya sa halalan

4. Pagmamanipula ng presyo (price fixing)


5. Pagnanakaw sa kaban ng bayan

6. Panunuhol at pangtanggap ng suhol

7. Pagtangkilik o Padrino

8. Pangingikil o blackmail
Tandaan :
Ang pagkakaroon ng kaayusan,
kaunlaran at maisusulong ang
kabutihang panlahat ay maisusulong
kung ang lahat ng tao ay may
paninindigan sa tamang paggamit ng
kapangyarihan .
Assignment :

Ang aking natutunan sa araling ito:


_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________

You might also like