You are on page 1of 4

MATAAS NA PAARALANG NASYUNAL NG CAMP TINIO

Camp Tinio, Lungsond ng Kabanatuan

ARALING PANLIPUNAN 10 WORKSHEET NO. 1


3rd QUARTER Week 1-2

LEARNING COMPETENCY:
Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa iba’t ibang bahagi
ng daigdig.

PANIMULA
Sa bahaging ito ng aralin ay mauunawaan mo ang kahulugan ng sex at gender, gayundin
ang mga katayuan at gampanin ng kababaihan at kalalakihan mula sa iba’t ibang panahon sa
kasaysayan ng ating bansa. Bago matapos ang aralin, iyong matutuklasan ang pagtingin sa mga
lalaki at babae sa iba’t ibang lipunan sa daigdig. Hinihikayat kitang basahing mabuti ang mga
teksto.
Konsepto ng Kasarian

Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangiang nagtatakda ng


pagkakaiba ng babae sa lalaki. Ito rin ay tumutukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang
layunin ay reproduksiyon ng tao.

Ang gender ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng


lipunan para sa mga babae at lalaki.
Karaniwang batayan nito ay gender identity at roles na mayroon sa lipunan, ito ay ang
pagiging masculine o feminine.

Ano ang pagkakaiba ng sexual orientation at gender identity (SOGI)?

Ang oryentasyong seksuwal ( sexual orientation ) ay tumutukoy sa kakayahan ng isang


tao na makaranas ng malalim na atraksyong apeksyonal emosyonal, seksuwal (pagpili ng
makakatalik), at malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad
ng sa kaniya, iba sa kaniya, o kasariang higit sa isa.

Ang pagkakakilanlang pangkasarian ( gender identity ) ay kinikilala bilang malalim na


damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma
o hindi nakatugma sa sex niya nang siya ay ipanganak.

Heterosexual – mga taong nagkakaroon ng atraksyon sa miyembro ng kabilang kasarian,


mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.

Homosexual – mga taong nagkakaroon ng atraksyon at seksuwal na pagnanasa sa mga


taong nabibilang sa katulad na kasarian.

Lesbian (tomboy) - (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy) mga babaeng
nakararamdam ng pisikal o romantikong atraksyon sa kapwa babae.

Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki. May iilang
bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng
Pilipinas na bakla, beki, at bayot).

1
Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian.

Transgender - ang isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan,


ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma.

Queer - mga taong hindi sang-ayon na mapasailalim sa anumang uring pangkasarian, ngunit
maaaring ang kanilang pagkakakilanlan ay wala sa kategorya ng lalaki o babae, parehong
kategorya o kombinasyon ng lalaki o babae.

Intersex - kilala mas karaniwan bilang hermaphroditism, taong may parehong ari ng lalaki at
babae.

Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksyong seksuwal sa anumang kasarian.

Pag-aaral sa Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan

Gender Roles Roles sa Pilipinas


G ender

1. Panahong Pre-Kolonyal 2. Panahon ng Espanyol


Ang kababaihan sa Pilipinas noon, maging sila man Ang mga kababaihan ay nananatili sa kanilang
ay kabilang sa pinakamataas na uri o sa uring tahanan at inaasikaso ang bawat
timawa sa kanilang lipunan, ay pagmamay-ari ng pangangailangan ng kanilang asawa at mga
mga lalaki. anak. Gayunpaman, naging malaki ang bahaging
Nagkaroon ng mga binukot o prinsesa ang at kanilang ginampanan sa pagkamit ng kalayaan
pagbibigay ng tinatawag na bigay-kaya. Ito laban sa mga Kastila. Ilan sa mga kababaihang ito
itinago at paborito at pinakamagandang anak ng ay si Gabriela Silang, maybahay ni Diego Silang na
datu. Ang binukot ay itinuturing tumapak sa lupa at isa ring kilalang bayani sa panahon ng himagsikan
masilayan ng mga kalalakihan hanggang sa laban sa mga Kastila. Gayundin, sa panahon ng
magdalaga. Rebolusyon ng 1896, may mga Katipunera tulad
Ayon sa Boxer Codex ang mga lalaki ay nina Marina Dizon na tumulong sa adhikain ng mga
pinapayagang magkaroon ng maraming asawa, katipunero na labanan ang pang-aabuso ng mga
subalit maaring patawan ng parusang kamatayan Espanyol.

ang asawang babae sa sandaling makita niya Tungkulin ng mga kalalakihang ibigay sa kanilang

itong may kasamang ibang lalaki. asawa ang kinikita sa paghahanapbuhay.



Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang
asawa, maaari niya itong gawin sa pamamagitan 3. Panahon ng Am erikano
ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa panahon Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na
ng kanilang pagsasama.
bukas para sa kababaihan at kalalakihan, mahirap
Kung ang babae ang magnanais na hiwalayan
o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-
ang kaniyang asawa, wala siyang makukuhang ari-
aral. Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi
arian.
lamang dapat bahay at simbahan ang mundong
Mayroon ding lalaking babaylan, halimbawa nito
kanilang ginagalawan.
ay ang mga asog sa Visayas noong ika-17 siglo.
Ang mga kababaihan ay nagkaroon ng pag-asang
Hindi lamang sila nagbihis-babae kundi nagbalat-
umunlad sa sarilli nilang pamamaraan.
kayo ring babae upang ang kanilang mga
Isang espesyal na plebesito ang ginanap noong
panalangin umano ay pakinggan ng mga espiritu.
Abril 30, 1937, 90% ng mga bumoto ay pabor sa
Ilan din sa kanila ay kasal sa lalaki, kung saan sila ay
pagbibigay-karapatan sa pagboto ng kababaihan.
may relasyong seksuwal. Ito ang simula ng pakikilahok ng kababaihan sa

mga isyu na may kinalaman sa politika. 2
1. Sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea ang mga gampanin ng mga babae at lalaki sa
pangkat na ito, natuklasan nila ang pagkakatulad at pagkakaiba nito sa bawat isa.

Arapesh (na nangangahulugang ‘tao’) ay walang pangalan ang mga tao na


naninirahan dito. Ang mga babae at lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang
mga anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat.

Mundugumor (kilala rin sa tawag na Biwat), ang mga babae at lalaki ay kapwa
matapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang
pangkat.

Tchambuli (tinatawag din na Chambri), ang mga babae at lalaki ay may


magkaibang gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga babae ay inilalarawan na nakahihigit
ang gampaning pangkabuhayan kaysa sa mga lalaki. Sila ang naghahanap ng makakain ng
kanilang pamilya. Ang mga lalaki naman ay abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig
sa mga kuwento.

2. Mahigpit ang lipunan para sa mga kababaihan lalo na sa mga miyembro ng komunidad
ng LGBTQIA+ sa mga rehiyon ng Africa at Kanlurang Asya. Mahabang panahon ang hinintay
ng mga kababaihan sa rehiyong ito upang sila ay makalahok sa proseso ng pagboto.

3. May 200 milyong kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation
(FGM) sa 30 bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ang FGM ay isang proseso ng pagbabago sa
ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medikal, ngunit
patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng lipunang
kanilang ginagawalan. Ito ay isinasagawa sa mga batang babae na may edad 0―15 taong
gulang. Ayon sa kanilang paniniwala, mapananatiling walang bahid dungis ang babae
hanggang siya ay maikasal. Walang basehang panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito
na maaaring magdulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap sa pag-ihi at maging kamatayan.

4. Sa South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian (tomboy) sa paniniwalang
magbabago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain. Bukod pa rito, ayon na rin sa ulat
na inilabas ng United Nations Human Rights Council noong taong 2011, may mga kaso rin ng
karahasang nagmumula sa pamilya mismo ng mga miyembro ng LGBTQIA+.

5. Maging ang paglalakbay ng mga kababaihan ay napipigilan sapagkat may ilang bansang
hindi pinapayagan ang mga babaeng maglakbay nang mag-isa o kung payagan man ay
nahaharap sa malaking banta ng pang-aabuso (seksuwal at pisikal).

W rit te n W o rk no . 1 : SA G U TA N MO ! 15 po int s e ach

a. Ano ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig?

b. Ano ang naramdaman mo tungkol sa gender roles sa Pilipinas at sa ibang bahagi


ng daigdig? Ipaliwanag

c. Ano ang gagawin o magiging aksyon mo para maipapaunawa sa mga hindi


nakakaalam ang patungkol sa Sexual Orienation at Gender Identity o SOGI?

3
Pe rfo rm an ce T ask no . 1 : PHO TO E SSA Y (15 point s)
Panuto: Gumuhit ng mga larawang nagpapakita ng kasalukuyang gampanin o role
ng kalalakihan, kababaihan, at LGBTQIA+ sa lipunan at ipaliwanag ang napiling
larawan.

Rubrik sa pagmamarka ng Photo Essay

You might also like