You are on page 1of 4

Bonga National High School

Junior High School Department


Bacacay, Albay
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10

I.LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mga mag-aaral nakagagawa ng mga malikhaing
hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa
iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang
pagkakapantay- pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral may pag-unawa sa mga epekto ng mga
isyu at hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan
upang maging aktibong tagapagtaguyod ng
pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang
kasapi ng pamayanan.
C. Kasanayan sa pagkatuto Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at
gender role sa ibat ibang bahagi ng daigdig ( MELC).
D. Tiyak na Layunin Sa pagtatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang kalagayan ng mga kababaihan sa
ibat ibang panig ng daigdig.
2. Naipapaliwanag sa epekto ng paglabag sa
karapatang pantao sa ibat-ibang uri ng kasarian.
3. Napapahalagahan ang ambag ng kasapi ng LGBTQ
sa lipunan.
II.NILALAMAN GENDER ROLES SA IBA’T IBANG LIPUNAN SA MUNDO
III.KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian Batayang Aklat ng Kontemporaryong Isyu
Modyul para sa mga Mag-aaral Baitang 10, pp.257-283.
B. Kagamitan Powerpoint Presentation
IV.PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

 Pagbati
“Magandang araw sa inyong lahat”  “Magandang-araw din po”
 Panalangin
“Bago tayo mag simula tayo ay manalangin  (Mananalangin ang lahat)
muna”
 Pagsasaayos ng silid-aralan  (Inayos ang mga linya ng upuan)
 Pagtsek ng attendance  (Sasabihin ang liban sa klase)

a. Balik-aral/Motibasyon

VIDEO ARALIN
Susuriin ng mag-aaral kung ano ang ipininapahayag ng video.

https://youtu.be/FV36KeG_0Z0
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga nakita nyo sa video?
2. Ano ang nakuha niyong aral mula sa video?
3. Bakit sa palagay mo ganun ang ipininapahayag ng video? Ipaliwanag.

a. Paghahabi ng layunin/Presentyasyon
Ngayong araw, ang paksang ating tatalakayin ay tungkol sa GENDER ROLES SA IBA’T IBANG LIPUNAN SA MUNDO.

Sa pagtatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:


1.Natutukoy ang kalagayan ng mga kababaihan sa ibat ibang panig ng daigdig.
2.Naipapaliwanag sa epekto ng paglabag sa karapatang pantao sa ibat-ibang uri ng kasarian.
3.Napapahalagahan ang ambag ng kasapi ng LGBTQ sa lipunan.

b. Pagtalakay ng bagong konsepto at kasanayan #1

TALAKAYAN
LIPUNAN KALAGAYAN NG MGA KABABAIHAN

SAUDI ARABIA  Hindi maaaring bumoto ang mga


kababaihan.
 Pagbabawal sa mga kababaihan na
magmaneho ng sasakyan ng walang
pahintulot sa kamag-anak na lalaki.
 Pagbabawal sa mga babae na maglakbay
ng mag-isa

AFRICA  May ilang mga bansa na nagpahintulot na


makaboto ang mga kababaihan
 May 125 milyong kababalhan, bata o
matanda (ayon sa World Health
Organization) ang biktima ng FGM (Female
Genital Mutilation) sa Africa at Kanlurang
Asya
 FGM o Female Genital Mutilation- isang
proseso ng pagbabago sa ari ng
kababaihan, bata man o matanda ng
walang anumang benepisyong medikal.
Ito ay isinasagawa sa paniniwalang
mapapanatili nitong walang bahid dungis
ang babae hanggang sa siya ay maikasal.
Ang FGM ay nagdudulot ng impeksyon,
pagdurugo, hirap umihi at maging
kamatayan.
 Sa bahagi ng South Africa naman ay may
mga kaso ng gang rape sa mga lesbian
(tomboy) sa paniwalang magbabago ang
kanilang oryentasyon matapos silang
gahasain.
 May mga kaso ring naitala ng karahasan
mula sa sariling pamilya ng mga LGBT.

PANGKULTURANG PANGKAT SA NEW GUINEA Tatlong Pangkulturang Pangkat:

 Arapesh-("tao") walang pangalan ang mga


tao, Ang mga lalaki at babae ay kapwa
maalaga at maaruga sa kanilang mga
anak, matulungin, mapayapa at
kooperation sa kanilang pamilya at
pangkat.
 Mundugamur- ("Biwat") ang mga lalaki at
babae ay kapwa matapang, agresibo,
bayolente, at naghahangad ng
kapangyarihan o posisyon sa kanilang
pangkat.

 Tchambuli- (Chambri) Ang mga babae ay


dominante kaysa sa mga lalaki, at
naghahanap ng pagkain ng pamilya,
samantalang ang mga lalaki ay abala sap
ag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa
mga kwento.

c. Paglinang sa kabihasaan/Pagsusuri

“COMMUNICATION GAME”
Panuto: Hahatiin ang klase sa tatlong grupo(3) . Bubuo ang bawat PANGKAT ng linya .Ang nasa unahan na Mag-aaral
bawat grupo ang titingin sa katanungan at kapag meron na silang sagot maghahanda na sila sa unahan . Kapag Saudi
Arabia ang nabanggit ang sasagot nila ay GANDA, kapag AFRICA ay POGI at kung New Guinea naman ay
GANDARA.Pagbilang ng 1,2,3 ibubulong nila ito sa kanilang ka grupo mula unahan hanggang dulo . Kung sino ang
huling mag-aaral sa bawat grupo ang nakuha ang sagot mula sa ibinulong ay tatakbo sa unahan . Kung sino ang
mauunang grupo ay sila ang makakakuha ng mataas na puntos at kung sino ang madaming puntos na grupo hanggang
maubos ang tanong ay sila ang panalo.

Mga tanong:
1. Ang mga kababaihan ay hindi pwedeng iboto.
2. Sa lipunang ito ay nagsasagawa ng FGM o Female Genital Mutilation.
3. Sa lipunang ito naitala ang kaso ng gang rape sa mga Lesbian o Tomboy.
4. Hindi pinapahintulutan ang mga kababaihan na magmaneho.
5. Ang mga babae ay inilalarawan bilang dominate kaysa sa lalaki.
6. May ilang mga Bansa na pinapahintulutan ang mga babae na bumoto.
7. Ang mga babae at lalaki ay parehong maaruga sa kanilang pamilya
8. Ang mga babae at lalaki ay parehong naghahangad ng kapangyarihan at sila ay mga bayolinteng tao.
9. Ang mga babae ay bawal mag lakbay ng mag isa.
10. Ang mga babae ang naghahapbuhay .

d. Paglalahat ng aralin

IPALIWANAG MO!

Panuto: Ang mga mag-aaral ay pupunan ang ikalawang kolumn ng wastong paliwanag hinggil sa epekto ng paglabag sa
karapatan ng mga kababaihan, kalalakihan at LGBTQ

KARAPATANG NILABAG EPEKTO NITO


1.Hindi pagpapahintulot sa mga kababaihang bumoto
2.Pagsasagawa ng FGM sa mga kababaihan sa
Kanlurang Asya at Africa
3.Pagbabawal sa mga LGBTQ na gumamit ng palikuran
sa mga MALLS.
4.Pambubulas (bullying) sa mga estudyanteng LGBT sa
paaralan.
5. Diskriminasyon sa trabaho sa mga grupo ng LGBT

e. Paglalapat ng Aralin
Sanaysay

Gumawa ng isang sanaysay. Bilang isang mag-aaral ipaliwanag kung ano ang kahalagahan ng LGBT at ipaliwanag ang
ambag ng mga LGBTQ sa lipunan.

f. Pagtataya ng Aralin
Maikling Pagsusulit
Panuto: Isulat sa patlang kung saang lipunan nagaganap ang mga sumusunod na sitwasyon.

_____1.Ang mga kababihan ay hindi pinapayagang bumoto.


_____2.Nagsasagawa ng FGM sa lipunang ito upang mapanatiling walang bahid dungis ang babae hanggang sa siya ay
maikasal.
_____3.May mga naitalang kaso ng gang rape sa mga lesbian (tomboy) sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon
nila matapos silang gahasain.
_____4.Ang mga babae at lalaki ay parehong mapag-aruga sa kanilang mga anak.
_____5.Hindi pinapayagang magmaneho ang mga babae kung walang pahintulot mula sa kamag-anak na lalaki sa
pamilya.
_____6. Ang mga bababe ay inilarawan bilang dominante kaysa sa mga lalaki.
_____7. May ilang mga bansa na pinahintulutang makaboto ang mga kababaihan
_____8.Ang mga babae at lalaki ay kapwa naghahangad ng posisyon sa kanilang pangkat.
_____9. Hindi pinahihintulutang maglakbay ng mag-isa ang mga kababaihan.
_____10.Ang mga babae ang naghahanap ng pagkain samantalang ang mga lalaki ay abala sa pag-aayos ng sarili.

g. Karagdagang Gawain/Kasunduan

Takdang Aralin
Pumili ng personalidad na kasapi ng LGBTQ Community at isalaysay ang mga naging ambag nila sa lipunan.

Diosdado Balete
Gurong Nagsasanay

Justin Sta. Romana Mr. Rodel Baral


Gurong Nagsasanay Gurong Tagapagsanay

You might also like